Share

Chapter 5

Matapos ang nangyari kahapon, nag-aalinlangan ako kung ano bang lulutuin ko para sa almusal ni Gian ngayong araw. Kung ipagluluto ko siya ng sausage at itlog nanaman, siguradong magrereklamo nanaman 'yon, at siguradong mapupunta nanaman 'yon sa pananakit niya sa akin. Hindi pa humihilom ang natamo ko sa kaniya kahapon, kung maaari kailangan kong umiwas para hindi na madagdagan ang mga sugat at pasa ko.

"I won't be eating breakfast here. I invited someone to join me eat breakfast outside. Hindi mo na kailangan mag-effort pa, Jane." Hindi pa siya tuluyang nakakababa pero iyon agad ang binungad niya sa akin. Nanginginig ang kamay ko habang hawak ang tasa ng kape na inihanda ko para sa kaniya.

Kahit mainit na kape man lang sa umaga, okay na. 'Yon ay kung tatanggapin niya.

Hindi ko rin maiwasang makaramdam ng kaunting kirot sa puso ko dahil sa sinabi niya. Sumagi lang sa isip ko kung sino ang maaaring inimbita niya para mag-almusal sa labas, kumikirot na agad ang puso ko. She was the only special for Gian, at sigurado akong si Shane ang tinutukoy niya sa sinabi niya.

"Kahit magkape ka man lang muna, I prepared coffee for you. Wala itong asukal, just what you like." Kinakabahan kong sinabayan ang mga tingin niya nang tuluyan na siyang makababa sa sala.

Ilang segundo niya rin akong tinitigan sa mata bago nabaling ang paningin niya sa braso ko na namumula pa mula sa binuhos niyang mainit na tubig sa akin kahapon. Sumilay ang ngisi sa labi niya nang makita ang braso ko. Hindi na ako nagulat pa, bagkus ay naawa ako para sa sarili ko. Masaya siyang makita na marami akong sugat sa katawan. 'Yon ang nag-iisang kaligayahan niya sa akin. Ang saktan ako, at makita akong nahihirapan.

Maya-maya lang ay kinuha nito ang tasa ng kape sa kamay ko at mabilis itong ininum. Hindi ko inaasahan na gagawin niya 'yon, I was expecting him to ignore me. "'Wag mo na akong hintayin mamayang gabi. I'll be going home late, I have lots of meetings to attend kaya matulog ka ng maaga." Binalik nito ang tasa sa akin nang maubos ang kape bago tuloy-tuloy na lumabas ng bahay. Sinundan ko na lamang siya sa tingin. Inaamin ko na saglit na sumilay ang ngiti sa labi ko. Hindi ko alam pero may kaunting saya sa puso ko. Dahil lamang sa ininom nito ang hinanda kong kape sa kaniya, at walang masyadong puna sa akin ay sapat na para magsaya ang puso ko.

Nang mawala sa paningin ay pagod na pagod kong sinalampak ang sarili sa sofa. Nakakapagod mabuhay sa bahay na ito. Pero I have to keep going. I may be weak para sa kaniya, kailangan kong matutong lumaban. Kailangan kong matutong ipaglaban ang sarili ko.

Maisip ko nga lang na magkasama kami sa bahay pero iba ang laman ng isip niya at iba ang mahal ng puso niya ay sapat ng rason para umalis ako eh. Pero, gaya ng lagi kong pampatibay ng loob sa sarili, 'laban lang kahit masakit. Laban lang kahit mahirap. You have to keep going, hindi ka mabubuhay kung hihinto ka.'

Mabilis na lumipas ang oras. Hindi ko na rin namalayan na maghahapon na pala. Nabusy rin ako buong araw sa paglilinis ng bahay. Nang magsama kami, ni isang beses ay hindi niya nabanggit na kumuha kami ng katulong sa bahay. Pabor naman ako doon, total dalawa lang kami rito sa bahay, kaya ko namang asikasuhin ito ng mag-isa. Kahit nga anong pilit ng mommy niya na kumuha ng katulong para kahit papaano ay may kasama raw ako rito kapag nasa trabaho si Gian, ayaw niya parin. It was his house after all, siya naman talaga ang masusunod.

I was occupied by that thinking habang naglalakad pababa sa sala. Katatapos ko lang maglinis sa kwarto ni Gian at ilang oras nalang, magluluto nanaman para sa gabihan ko. Agad kong sinalampak ang sarili sa sofa dala na rin ng pagod. Ngunit maya-maya pa ay narinig kong bumukas ang pinto. Bumilog ang mata ko dahil sa pagtataka. Akala ko ba late nang uuwi si Gian ngayon? Halos mag-aalas dos palang ah?

Tatayo na sana ako para tingnan at salubungin si Gian nang mapahinto ako sa ibang pigura na bumungad sa akin. Ang simpleng ngisi niya lang ay kinabahan na agad ako.

"A-anong gi-naga-w* mo rit-o?" Heto nanaman 'yong duw*g na ako. Heto nanaman 'yong ako na nakakaramdam ng takot.

"Are you surprised, dear?" tanong niya dahilan para mapaupo akong muli sa sofa. Dahan-dahan itong naglakad palapit sa akin, at ang tanging nagagawa ko lang ay tingnan siyang maglakad habang nakangisi palapit sa akin. "Oh, I forgot to say! Naiwan mo palang hindi nakalock ang pinto kaya nakapasok ako. Lucky me," dagdag niya pa. Napapikit naman ako nang maisip na bakit ko nga ba iniiwang hindi nakalock ang pinto gayong lagi akong mag-isa lang dito.

Nang tuluyan itong makalapit at makaharap sa akin ay iginalaw nito ang kamay niya na tumayo ako. Dahil na rin sa nagsisimulang mamuong kaba ay sumunod ako.

"Hi! How are you?" Naka-crossed arms siya nang magsalita. Buong tapang ko namang pinalalakas ang loob ng sarili ko. Matapang kong sinabayan ang mga tingin niya.

"Mabuti. Katatapos ko lang maglinis ng bahay, ikaw ba? Tapos ka ng magtrabaho? Pauwi ka na? Pasensya na ha, pero wala pa rito si Gian eh, male-late raw siyang uuwi, bumalik ka nalang siguro bukas para makita mo siya," mahaba kong lintanya kahit pa kinakabahan sa mataray na mga titig niya. Sumilay naman ang ngisi sa labi niya matapos kong magsalita.

"Oh, wow. I think Gian forgot to tell me na madaldal pala ang asawa niya. Oh my, I think I like you to be my friend."

"Pasensya na, bakit ka nga ba pala nandito?" Sa halip na sagutin ang sarkastikong linya niya ay binato ko lang siya ng tanong. Tumaas ang kilay niya dahil sa tanong ko. Bahagya naman akong nagulat sa reaksyon niya. May mali nanaman ba sa sinabi ko?

"Wow! Ang tapang ha!" Hindi ako nakasagot sa kaniya. "So, ganito pala ang nababago ng magandang buhay ano? I just want to remind you, you're just his wife in paper, at wala kang karapatan sa pagmamay-ari niya," tonong sarkastikong wika niya. Wala naman akong sinabi na inaangkin ko itong bahay ahh. Bakit ba ito lagi ang sinusumbat nila!

"At wala rin naman akong balak na kunin ang pag-aari niya. Kung wala ka namang ibang gagawin dito maliban sa ipamukha sa akin na wala akong kwentang asawa, umalis ka nalang, pakiusap. Sawa na ako, Shane." Tumalikod ako para umakyat sana sa kwarto. Alam kong paulit-ulit lang ang gagawin niya. At sawang-sawa na ako. Ngunit hindi pa ako nakakahakbang nang may sumabunot sa buhok ko. Agad akong napahawak sa ulo ko sa sakit.

"Shane, ano ba?! Ano nanamang gusto mo?!" Kahit na anong gigil kong sabunutan din siya, hindi ko magawa. Natatakot ako na kahit madaplisan ko siya ay kung ano pang mas malala ang igante niya sa akin.

"How dare you turn your back at me! Hindi porket nakatira ka na rito ay may karapatan ka ng tarayan ako! Walang-wala ka sa pera at yaman namin, Jane. Kung ilelevel kita sa katawan ko, wala ka pa sa talampakan ko!" Mas lalo niya akong sinabunutan at halos matanggal na ang anit sa ulo ko sa sobrang sakit.

"Shane, ano ba. Tama na, please." Ang ayaw kong lumabas ay tumulo na. Nag-uunahang tumulo ang mga luha ko. Ang bilis ko pa namang umiyak, ayukong ipakita sa kaniya na mahina ako pero heto ako ngayon at nagmamakaawa sa kaniya na tumigil na.

"Ano bang gusto mo? Please lang, sawa na ako. Hindi ba pwedeng tumigil ka na, tanggapin mo nalang ang kung ano mang nangyari." Napapikit ako sa sakit nang patapon niya akong bitawan at pinaupo sa sofa. May kung anong kinuha ito sa bag niya. Nang makita ay isa pala itong lipstick.

"Ano bang gusto ko?" Umakto itong parang nag-iisip habang nakatingin sa malayo. Nang makaharap sa akin ay sumilay ang ngisi sa labi niya. "Ang gusto ko lang naman..." saglit itong huminto at umupo sa tabi ko. Binuksan ang lipstick at itinapat sa mukha ko. "Ang gusto ko lang naman ay magustuhan ka ni Gian eh. You know, I have good intention naman sa 'yo. 'Yan."

Bago pa siya matapos magsalita ay nagawa niya nang dungisan ang mukha ko. Kung ano-ano ang ginawa niya sa mukha ko gamit ang lipstick na hawak niya. "'Wag kang mag-alala. Limited edition lipstick lang naman 'yan. Ayan oh, bagay na bagay sa 'yo!" Tumayo ito at kumuha ng salamin sa bag niya. Iniharap niya ito sa akin pero iginilid ko lang ang ulo ko. Tuloy-tuloy lang na umaagos ang luha ko.

Why do I have to suffer from these people? Bakit kailangang may kapalit 'yong pagsasakripisyo ko? Hindi naman masama ang intensyon ko eh, pero bakit ang sama ng balik?

Nang maramdamang hindi na nakarap sa akin ang salamin ay saka ko siya hinarap. Nagawa niya pang maglipstick gamit ang lipstick na ginamit niya sa mukha ko. Pagkatapos ay walang sabi-sabing naglakad ito palabas ng bahay.

"Thanks for today, Jane! I had fun! Sa susunod ulit, bye!" Bago siya tuluyang lumabas ay sinabi niya iyon. Nakalabas na siya sa pinto nang may pahabol pa itong binitawang linya. "One more thing, kahit anong gawin mo, Gian will never love you. Ako lang ang mahal niya, Jane, remember that."

Napabuga ako sa hangin nang marinig na sumara na ang pinto. Doon din ay tuluyan na akong humagulgol.

Ganito nalang ba araw-araw ang daranasin kong buhay? Nakakapagod. If hindi sa kamay ni Gian, sa girlfriend niya naman ako magdudusa? Pagod na ako.

Yakap ang sarili habang umiiyak at pilit na pinupunasan ang mukha na puno ng lipstick nang tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko itong kinuha at natigilan nang makita ang pangalan ng tumatawag.

Si Dave.

Parang nahimasmasan ang sarili ko nang makita ang pangalan niya. Siya ang nag-iisang lalaki na kakampi ko. Noong magkarelasyon palang kami, ni isang patak ng luha ay walang lumabas sa mata ko dahil sa kaniya. Pero kabaliktaran n'on ang nangyayari sa akin ngayon.

Pinahid ko ang luha at tinahan ang sarili bago sinagot ang tawag.

"Hi! I am free tonight, samahan mo naman akong kumain sa labas oh. Remember, you agreed the last time I called you. Ito 'yong araw na may free time ako, so ano, game?" tuloy-tuloy agad na bungad niya sa akin.

Tuloy-tuloy lang na tumutulo ang luha ko pero ang mga labi ko ay nakangiti na. I miss those times when he makes me smile kapag malungkot ako. Sa kadaldalan niya palang ay nangingiti na agad ako. Minsan nga noon, kapag magkausap kami, parang siya ang babae sa aming dalawa dahil sa rami ng kaniyang kwento.

"Game!" Masyado na akong maraming luhang naubos ngayon, kailangan ko ulit sumaya. Hindi ko na pinag-isipan pa ang sinagot ko sa kaniya. Mabilis akong umoo. Bahala na kung bahala na. Lagi naman silang may oras para sa sarili nila, ako naman ngayon.

"Great! I'll text you the time and place. Kita nalang tayo ha, babye!" Pinatay niya na ang tawag. Tumayo na rin ako mula sa pagkakaupo at dumiretso sa kwarto para magbihis.

Halos kalahating oras ang lumipas mula sa pag-aayos hanggang sa makarating ako sa lugar na itinext ni Dave. Malapit lang naman ito sa bahay ni Gian kaya hindi ako nahirapan.

Nang makarating ay agad kong nakita si Dave sa dulong parte na mesa. May nakahanda na ring pagkain. Agad na sumilay ang ngiti sa labi ko. Ngunit bago tuluyang lumapit sa kaniya ay sinigurado kong natatabunan ang mga pasa at paso ko sa braso. Sinadya kong magsuot ng long sleeves para matabunan ito at hindi niya makita, baka ano pang sabihin niya. But I still made sure na presentable ang suot ko tingnan.

"Kanina ka pa?" tanong ko nang may ngiti sa labi nang makalapit na sa kaniya. Umupo ako sa kaharap niyang upuan.

"Kararating lang din. You're on time. Ready na ang food."

Hindi ko mapigilan ang sariling titigan ang mukha niya. Matagal-tagal na rin simula noong last kaming magkita. Simula noong naging asawa ko si Gian ay hindi na kami nagkita pa ni Dave, ito palang ang unang beses. Kaya miss na miss ko siya, lalo na 'yong mga ngiti niya, syempre pati na rin 'yong gwapo niyang mukha.

"Woy! Halatang namiss mo 'yong mukha ko, noh? Mukha nga lang ba? Nakakatampo naman," nagawa niya pang magbiro. Kahit ganun ay natawa ako.

"Syempre, namiss kita. Ang tagal na ah, ang gwapo mo parin, walang nagbago," it was supposed to be a joke pero mukhang sineryuso niya.

"Don't say words like that, baka bawiin kita sa asawa mo."

"Kung pwede nga lang eh." Agad na tumaas ang kilay niya sa sinabi ko.

"Ha? Bakit, gusto mo rin?"

"Hindi mo tinupad 'yong dream natin. Diba sabi ko sa 'yo, gusto ko ikaw 'yong magiging asawa ko. Pero bakit hinayaan mo akong mapakasal sa kaniya?" Naging seryuso ang mukha niya dahil sa sinabi ko. Napanganga nalang ako nang marealize na ibang linya na ang lumabas sa bibig ko. Agad ko itong binawi. "Huy! Joke lang 'yon! Ang seryuso mo. Masaya naman ako kasi nga friend parin tayo," kinakabahan kong pag-iiba ng usapan. Mabuti nalang at sumilay ang ngiti sa labi niya kaya nawala ang kaba ko. Tumingin ako sa mga pagkain at mabilis na nagsalita, para lang maiba ang usapan.

"Wow! Ang sarap nito! Alam mo talaga ang paborito ko noh. Hindi mo parin nakakalimutan." Agad niya akong sinuklian ng ngiti at pinaglagyan ng pagkain sa pinggan ko. Excited ko namang hinawakan ang tinidor para tikman ang pagkain nang matigilan din nang may humawak sa kamay ko. Nanlaki nalang ang mata ko habang nakatingin kay Dave dahil sa ekspresyon ng mukha niya. Mariin itong nakatingin sa sinumang nakahawak at pumipigil sa kamay ko. Gulat man ay dahan-dahan kong nilingon ang paningin sa likuran upang tingnan ito. Agad na bumugso ang kaba sa dibdib ko nang makita ang galit na mukha ng asawa ko.

"Are you surprised, Jane Muentes?" Him calling my name with his last name made my whole body froze for a moment. Ito ang unang beses na narinig kong binanggit niya ang pangalan ko gamit ang kaniyang apelyido. "Who the hell told you that you can eat outside, huh? Who is this fucking guy?" Hindi agad ako nakasagot. Gulat lang ang tanging makikita sa mukha ko ngayon. Akala ko ba may kameeting siya? Bakit siya nandito?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status