“Ahhhhh!” Sigaw nya na sa sobrang lakas ay parang umabot hanggang sa kabilang barangay. Kasabay nang pagyakap nya ng mahigpit kay Nigel.
“Huy! Grabe ka naman makasigaw. Ako lang ito, si Shierra.” Halos maubusan ng lakas ang mga tuhod ni Glayscent nang marinig ang boses ng kaibigan.
Bigla s’yang napaupo sa isang gutter sa gilid ng kalsada at napahinga pa ng malalim. Inalalayan naman sya ni Shierra at naupo na rin.
“Akala ko mamamatay tao na ang sumusunod sa akin, bakit kasi hindi ka agad nagsalita? Maaga akong susunduin ni San Pedro sa ginagawa mo eh.” Nang makakuha na muli ng sapat na lakas ay tumayo na sya at naglakad kasabay na ni Shierra.
“Sorry na. Nerbyosa ka pala, hindi na kita gugulatin. Baka maging kargo de konsenya pa kita. Hahaha!” biro pa ni Shierra sa kanya.
~~
“Hahahaha! Talaga? Binalibag mo si Sir Haniel? Ibang klase ka talaga Glay, hindi ko ma-imagine na ang napaka gwapong nilalang na si Sir Haniel ay mababalibag lang ng ganu’n-ganu’n.” Halos maiyak sa katatawa na may kasama pang paghampas sa lamesa si Shierra nang ikwento ni Glayscent ang nangyari sa kanila ni Haniel kinagabihan sa bar.
“Malay ko bang kaibigan pala ni Sir Bradly ‘yung ungas na iyon! Tska nararapat lang sa kanya yu’n dahil napaka arogante nya. Akala nya dahil sa mayaman sya ay pwde na nya sabihin ang lahat, alam mo bang sinabihan nya akong amazona? Akalain mo yu’n? Sa ganda kong ito tatawagin nya lang akong amasona?” kunot uno n’yang sambit habang naghahanda ng almusal nilang mag-ina.
“Tinawag kang amazona? Hahaha! One point to Sir Haniel. Glayscent zero. Ikaw ba naman ang ibalibag ng babae, jusme!”
“Nahihiya nga ako kay Sir Bradly eh, baka akalain nya masama ang ugali ko.” Inilapag na nya ang pritong itlog at tuyo kasunod ang sinangag na kanin.
“Wow, ah! Kay Sir Bradly nahiya ka, pero kay Sir Haniel hindi? Bakla, ini-smackdown mo ‘yung tao,” sambit ni Shierra, sabay dakot ng sinangag sa malaking mangkok at walang ano-anu’y sumubo gamit ang kamay.
Sumunod na kumuha si Glayscent ng kanin at inilagay sa plato ni Nigel kasunod ang isang pritong itlog, inihalo nya sa umuusok na kanin ang dilaw ng itlog na niluto nya ng malasado, paborito kasi ito ng anak nya.
“Bakit ako mahihiya sa kanya? Kulang pa nga iyong ginawa ko eh, pinagkamalan nya pang multo itong si Nigel ko. Ang pogi-pogi ng anak ko para maging multo. Nagdadrugs yata ang isang iyon, kung ano-ano na ang nakikita.” Kasabay ng bahagyang pagpisil nya sa pisngi ng anak.
“Baka naman namalikmata lang, o kaya dala ng alak. Tska madilim kasi sa bar kaya hindi mo makikita ng maayos ang mga nasa paligid mo.”
“Pinagtatanggol mo ba ang hambog na iyon? Umamin ka nga Shierra, may gusto ka ba sa kanya?” Masamang tingin ang ipinukol nya sa kaibigan na sya namang agad na iniwasan ng huli.
“Ha? Ano… medj. Slight lang.” pilit ang ngiting sumubo muli ito, uminom muna sya ng tubig bago nagsalitang muli,
“Ang gwapo naman kasi ni Sir Haniel, mayaman pa, tapos balita ko single, naku all-in-one na bakla, kung magkakaroon nga ng chance, aakitin ko talaga yu’n eh, kaso mukhang hindi ako type.” Sumambakol ang mukha nya at tinuloy na lang ang pagkain.
Iiling-iling naman si Glayscent dahil sa pagkadismaya. “Ang panget ng taste mo sa lalaki. Aanhin mo ang mayaman at gwapo kung hindi naman makabili ng magandang ugali. Bakit naman si Sir Bradly, mayaman at gwapo rin naman pero napakabuting tao, magkaibigan sila, pero magkaibang-magkaiba sila ng ugali. Buti natatagalan ni Sir Bradly ang ganu’n.”
Tumingin sa kanya si Shierra ng nakaloloko, “Teka nga, patingin nga ako, tumingin ka sa akin bakla. Tama ba ang nade-detect ng radar ko?” hinawakan nya ang baba ni Glayscent at inilingon ito sa gawi nya tska sumunod na sinabi, “Crush mo ang boss natin noh, umamin ka! ‘Wag kang showbiz.”
Pinipilit n’yang huwag mapangti, ngunit ang mga tingin na ipinukol sa kanya ni Shierra ay hindi nya kayang labanan. Kaya naman iniwas nya ang tingin habang ngingiti-ngiti ngunit pinilit paring itago ito sa kaibigan, ngunit hindi ito nakatakas sa mala agilang mata nito at lalong tumibay ang hinala ng kaibigan, nahampas tuloy sya nito sa balikat ng malakas.
“Aray ko naman! Mapanakit ka ha!” habang himas-himas nya ang brasong namumula na sa pagkakahampas ni Shierra.
“Ang landi mong bakla ka! Hahaha! Lakas maka pocket book ha, boss and employee lovestory ba ito?” halata ang kilig sa mga salita ni Shierra, habang iling na lamang ang naiganti ni Glayscent at nahihiyang ngumiti.
Wala naman sa kanyang hinagap na magkakaroon sila ng higit pa sa pagiging amo at empleyadong relasyon, natutuwa lang sya at nababaitan sa kanyang amo. Once in a blue moon lang naman kasi makatagpo ng ganoong klaseng amo, lalo na sa panahon ngayon. Kumbaga sa hayop ay endangered species na. At masaya s’yang isa sya sa mga masuswerteng tao na nakatagpo ng mabait na amo.
~
“Glay, kapag may naghanap na customer sa akin, sabihin mo nag cr lang ako ha. Magpapalit ako ng napkin, gago kasi ‘yung isang customer ko pinainom ako ng alak na may halong softdrinks, tinagusan tuloy ako. Buti may baon pa akong damit at napkin.” Hindi na sya nito hinintay pang magsalita at dumeretso na sa restroom.
Habang sya ay busy sa pagkuha ng mga orders mula sa mga customers ay may bigla na lamang s’yang bumangga sa dibdib ng isang lalaki na sa hinuha nya ay customer, hindi nya agad napansin ang nabangga dahil madilim ang paligid at inaayos nya ang notebook kung saan nakalagay ang mga orders.
“Sorry po,” sabi nya habang nakayuko. Nasamyo nya ang nakakaadik na pabango ng lalaki. Mukhang mamahalin at talaga namang sumabay sa hangin ang halimuyak nito nang mabangga nya. ‘Siguro ay napakagwapo nito,’ sabi nya sa sarili. Pag-angat nya ng kanyang ulo upang makita ang nagmamay-ari ng amoy na iyon, nanlaki ang mga mata nya nang mapagtanto kung sino ang lalaki.
Nagkatitigan sila habang hindi nya namalayang nakadikit parin ang katawan nya sa lalaki. Itinaas ng lalaki ang kanyang hintuturo at inilapat ito sa kanyang noo at dahan-dahan s’yang inilayo nito sa kanyang katawan.
“Don’t drool over me, masyado kang nag-enjoy sa dibdib ko. Anong akala mo dyan unan? Tss!” aroganteng sambit nito habang pinapagpagan ang parte ng katawan kung saan dumikit ang mukha ni Glayscent.
Awtomatiko naman ang pagsasaubong ng mga kilay ni Glayscent dahil sa sinabi nito, kaya naman ginantihan nya rin ito ng masakit na salita, “Kaya pala pamilyar ang amoy, amoy walang natutunan sa GMRC nung elementary ang nagmamay-ari, ikaw pala.” Tska nya malakas na sinabi ang “Tse!” sabay irap nya sa kausap at tumalikod upang umiwas.
Hindi naman nya maiwasang pagalitan ang sarili dahil sa ginawa, “Bakit mo naman sininghot lahat ng amoy nung lalaki na iyon? Gaga ka talaga!” sabi nya isang parte nya, ngunit linabanan naman ito ng kabilang parte ng utak nya, “Bakit, alam mo ba na sya ‘yun, kaya hindi ka dapat mahiya. Madilim kaya sa bar.” Mas pinanigan nya ang kabilang utak at itinatak sa sarili na hindi sya dapat na mahiya.
Ilang sandali ang lumipas at lumabas na ng restroom si Shierra, habang papunta sya sa customer na nirerequest sya ay nahagip ng tingin nya sina Haniel at Bradly, iiwasan na sana nya ngunit ang radar nya ay may nakuhang importanteng impormasyon. Kaya naman dahan-dahan s’yang lumapit sa mga ito at nakinig sa usapan.
“I don’t know what to do Bradly, lolo is giving me a hard time.” Sabay sabunot nya sa kanyang ulo at ginulo-gulo pa ito.
“I don’t think makakahanap ka kaagad ng ganoong babae, sa panahon ngayon marami nang manloloko, baka wala kang kamalay-malay may sindikato pala ang makukuha mo.” Paalala ng kanyang kaibigan.
Lalo pang inilapit ni Shierra ang kanyang tenga sa dalawang binatang nag-uusap.
“Exactly, kaya nag-aalangan akong humanap ng mapapangasawang single mom na papayag humarap sa lolo ko at magpanggap hanggang sa maisalin lang sa akin ang kayamanan nya.” Lumagok ito ng alak at inubos ang laman nito.
Nagulat si Shierra sa kanyang narinig, ‘Naghahanap si Sir Haniel ng mapapangasawa? Single mom? bakit naman single mom? tapos magpapanggap? Kanino?’ samu’t-saring tanong ang nabuo sa kanyang isipan, hindi na nya ito natiis pa at nakisali na lamang bigla sa kanilang usapan.
“Eheem! Mga Ser! Mawalang galang na po ano, pero may narinig kasi ako kanina habang papunta po ako doon sa gawing iyon,” sabay turo sa gawing kanan nya kung saan maraming nag-iinuman. Napatingin naman ang dalawa sa kanya maging sa kanyang tinuro, bago bumalik ang atensyon sa kanya.
“Narinig ko po kasing naghahanap kayo ng single mom, pwde ko po bang maitanong kung bakit? Kung hindi nyo naitatanong ay may kilala akong pasok na pasok sa banga. Malay ninyo matulungan ko kayo sa problema mo sir.” Mahabang paliwanag nya habang iniikot-ikot pa ang daliri sa nakalugay n’yang natural na kulot na buhok. Nagkatinginan naman ang magkaibigan habang iiling-iling si Haniel, halata na medyo dismayado ito sa mga sinasabi ng kaharap.
Nakuha naman nya ang atensyon ni Bradly, “Do you really know someone? Mapagkakatiwalaan ba? As desperate as this man?” turo nya kay Haniel sa kanyang tabi. Tinapik naman ni Haniel ang daliri nito at sinamaan sya ng tingin, hindi man lang ito natinag sa kanya at muling kina-usap si Shierra.
“May naiisip po ako kung sino sya. Single mom? Check!” nagmuwestra pa ng kanyang kamay at isinulat sa hangin ang check sign bago nagpatuloy,
“Desperada? Check na check! Mapagkakatiwalaan? Naku, triple check y’un mga sir!” napapalatak pa sya at halata ang pagiging sigurado nito sa mga sinasabi.
“Well, mukhang sure na sure ka naman sa sinasabi mo pwde ba naming makilala ang taong tinutukoy mo?” tanong ni Bradly sabay lagok sa baso at inubos ang laman niyon.
“Why are you negotiating with her? I am the one who will get married to a woman, Bradly. Bakit parang mas ikaw pa ang excited na makilala ang babae na iyon?” halata na ang pagka-irita sa boses ni Haniel sabay talikod pa sa dalawa.
“Okay, mukhang hindi naman po interesado si sir Haniel sa suggestion ko eh, ‘wag na lang. Sayang, problem solved na sana kayo. Sabagay, baka may ibang babae pang mahanap si sir Haniel na papayag na magpakasal sa kanya.” Halata na pinaparinggan nya si Haniel, base na rin sa pagkakadiin nya sa bawat salitang binabanggit nya.
Tska pabulong na sinabi kay Bradly, ngunit sinigurado n’yang maririnig ito ni Haniel, “Sa panahon ngayon, baka kung sinong kampon ng sindikato ang makulimbat ni sir Haniel, magkaprobema pa kayo ng mas malaki kung may kidnap-ang maganap, naku, delikado na ang panahon ngayon sir Bradly.” Ngumiwi-ngiwi pa si Shierra habang pasimpleng sumusulyap kay Haniel.
Dahil dito bigla naman napalingon si Haniel at mababakas ang konting takot sa kanyang mukha.
“Sige na nga! Sino ba iyang babae na gusto mong ireto sa akin ha? Siguraduhin mo lang na hindi kampon ng sindikato ‘yan ha? Kundi pati ikaw idadamay ko sa kaso,” masungit parin nitong turan.
Nagkangitian naman ng makahulugan sina Bradly at Shierra, dahil sa pagpayag na ito ni Haniel.
“Oo naman po sir, hindi ko kayo ipapahamak. Lalo na ang sarili ko. Ayaw ko pong tumanda sa kulungan, masyado po akong maganda para pumasok doon.” Ipinakita nya pa ang mapang-akit n’yang mga posing, natawa naman si Bradly sa ginawa nito.
“Tama na, Shierra. Baka isipin ng mga customers nagbebenta ako ng babae dito sa bar. Ayokong ma-raid tayo dahil sa ginagawa mo. Tandaan mo singer kayo rito hindi strippers.”
“Sorry, sir. Na-carried away lang po. Hehe!” ngingiti-ngiti n’yang sagot bago bumaling kay Haniel at muling nagsalita,
“Sige sir Haniel, kapag naka-usap ko na sya at pumayag na ipapakilala ko sya sa inyo.”
Tumango lamang si Haniel bilang tugon, hindi naman maalis ang ngiti ni Shierra dahil sa taong kanyang naiisip.
~~
Bumibili sina Shierra at Glayscent kasama si Nigel sa isang turo-turong barbecuehan sa kanto para iulam nila ngayong gabi, hindi mapakali si Shierra dahil kating-kati na ang kanyang bibig na sabihin kay Glayscent ang kanyang nalaman.
Panay ang tingin nito sa kaibigan at bigla rin namang iiiwas ang paningin kapag nahuli ni Glayscent na nakatingin sya. Ilang sandali pa ay nahalata na ito ni Glayscent, ka-uuwi lamang nila at naghahain na ng mga plato.
“Ano bang gusto mong sabihin, Shierra? Hindi mapakali ‘yang mata mo, kanina mo pa ako tinitignan tapos bigla kang iiwas, natitibo ka na ba sa akin? Naku ha, hindi ako pumapatol dyan,” pabiro n’yang turan sa kaibigan habang naglalagay ng kanin sa plato ni Nigel.
“Gaga! Sa ganda kong ito? Papatol din sa maganda? Jusko day ha! Hindi y’un. Eh kasi…” nag-aalangan parin s’yang sabihin kay Glayscent ang binabalak nya.
“Ano ba iyon? Secret ba ‘yan? Tumama ka sa lotto? Nakapulot ka ng malaking halagang pera? O nanguha ka ng naiwang gamit sa bar?”
Sinamaan naman sya ng tingin ni Shierra, “Hindi ako magnanakaw ano! Ito na nga kasi…” uminom na muna sya ng tubig ang sumubo ng kanin na nilagyan ng barbecue na sinawsaw sa maanghang na suka.
Pagkaraang maubos ng pagkain nya sa kanyang bibig ay huminga sya ng malalim bago nagsalita, “gusto mo ba ng raket?”
Nasa sala si Haniel at nagkakape habang nakaharap sa kanyang laptop nang may magbukas ng pinto at iniluwan niyon si Shierra.“Hi, good morning, gising na ba si Nigel? Pinababantayan kasi sa akin ni Gayscent eh.” Tanong ni Shierra habang papasok sa loob.Biglang napatingin si Haniel sa babae, “Bakit? wala ba si Glayscent?” takang tanong nya, ang buong akala nya ay natutulog pa ito hanggang ngayon kaya naman hinihintay nya itong bumaba upang makapag-usap sila.Kumunot ang noo ni Shierra dahil sa narinig, “Hala sya? Magkasama kayo sa iisang bahay tapos hindi mo alam na maagang umalis si Glayscent para umorder ng mga pang live selling nya? May problema ba kayo?”Dahan-dahang bumalik ang tingin nya sa harap ng kanyang laptop at nag-scroll ng kung ano rito.Napangisi si Shierra na iiling-iling din, “Naku, may problema nga kayo. Ano na naman ang
Nasa byahe na pauwi sina Glayscent at Nigel nang bigla na lamang tumirik ang bus na sinasakyan nila. Sinubukan nya rin tawagan si Haniel upang ipaalam ang kanilang sitwasyon ngunit naubusan na ng baterya ang kanyang cellphone.Tumingin sya sa kanyang relo at nakitang pasado alas nuebe na ng gabi at halata na ang pagod sa mukha ng anak. Mabuti na lamang at nakakain na silang mag-ina kanina bago bumyahe pauwi kaya busog ito. Ganyun pa man ay bumili pa rin sya ng makakain nito para makasiguro.“Manong, matagal pa ba iyan? Anong oras na kami makakauwi nito?” tanong ng isang ginang na halata na ang pagkairita sa hitsura.“Ginagawa na po namin ang lahat ma’am, konting tiis lang po. Pasensya na po sa inyo. Biglaan ang nangyari eh, kinundisyon naman ito kanina,” sagot naman ng kunduktor ng bus habang abala pa rin sa pagtulong na maayos ang makina ng sasakyan.Pinakinggan na lama
His heavy breathing continues as his face slowly reaches Glayscent’s lips… until…He stumbles and falls from the couch, “Aray!” Napahawak sya sa kanyang pwetan nang tumama ito sa matigas na sahig.“Wait? Why Am I here? Am I dreaming? With… with Glayscent? Seriously?” sunod-sunod na tanong nya sa sarili makaraang matauhan at magising sa kanyang panaginip.He looked around, madilim pa ang paligid at tanging bukas na ilaw lamang sa labas ng kanilang bahay ang nagsisilbing liwanag kaya naman sa hinuha nya ay madaling araw pa lamang. Tumayo sya upang maglakad patungo sa kanyang kwarto.“You’re impossible, Haniel. Bakit mo naman napanaginipan si Glayscent? At ang matindi pa, you almost kiss her. Mabuti na lang at nagising ako, kung hindi baka kung ano pa ang nangyari.” Bigla s’yang nanginig sa naiisip. Kinilabutan ang buong katawan nya sa isipin
“You don’t know the mystery of love, bro. Sometimes, we fall in love with someone we didn’t expect to love. The more we resist, the more it will get deeper and deeper until you cannot handle feeling.” Nagbalik sa ala-ala nya ang mga sinabi ng kaibigan patungkol sa kanyang nararamdaman.“That’s bullshit!” Pinalis nya sa isipan ang naalala at muling itinutok ang atensyon sa trabaho.Kahit pa dalawang araw na ang nakararaan nang magkita sila ng kaibigan ay umuulit pa rin sa kanyang isipan ang sinabi nito kaya naman hindi nya magawang tapusin ang mga dokumentong kailangan n’yang i-approve dahil doon. Napagdesisyunan na rin n’yang iuwi ang ilan sa mga ito para sana mas mapadali sya, ngunit nagkamali sya rito.“Argh! I quit!” Ginulo nya ang buhok dahil hindi nya talaga magawang makapag-isip ng maayos dahil sa gumagambala sa kanya, kasunod ng pagsara nya sa kanya
“Sir, Haniel, here are the documents you need to approve by the end of this week po. I already compiled them according to what you instructed me yesterday,” ani ng secretary ni Haniel na si Abby ngunit parang walang naririnig si Haniel na nakatulala lamang sa kawalan habang nakangiti.Naka-ilang tawag ang kanyang secretary bago sya hinigit nito sa reyalidad. “Sir, Haniel?” iwinagayway nito ang isang kamay sa harap ng mukha ni Haniel at doon sya natauhan.“W-why?” tumikhim pa sya at umayos sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair na itim.“Sir, are you daydreaming?” natawa ang kanyang secretary at nagtakip pa ng bibig gamit ang mga folder na hawak.“Ako? N-no… No I’m not. Psh!” mabilis na tanggi nya.“By the way, what are you doing here again?”&ldq
Halos isang pulgada na lamang ang layo ng kanilang mga labi sa isa’t-isa nang biglang dumating sina Nigel at Shierra.“Mama? Nand’yan ka po pala, akala ko umalis kayo ni papa Haniel?” malakas na naitulak ni Glayscent palayo si Haniel dahil sa gulat nang marinig nila ang boses ng bata.“Ugh!” Sa sobrang lakas ng pagkakatulak nya ay tumama ang likuran nito sa kanto ng kitchen table dahilan para mapaigik ito.Napatakip si Glayscent ng kanyang bibig dahil sa ‘di sinasadyang nagawa kay Haniel, “Ayos ka lang ba? Sorry,” usal nya habang pabulong na humingi ng tawad sa lalaki na tinanguan lamang ng huli.“Akala ko wala kayo rito kaya umuwi na kami para hintayin na lang kayo, ano’ng ginagawa n’yong dalawa ha? Nakaka-istorbo ba kami ni Nigel?” makahulugang tingin ang ipinukol ni Shierra kay Glayscent ka