"What the hell was that? What is happening, Evan?" Ito ang unang pagkakataon na galit na galit si Ever sa nakatatanda niya na kapatid. Hindi niya maintindihan ang mga eksena na naabutan niya kanina na naghahalikan sina Evan at Harper. Pero ang mas lalo niya na ikinagulat ay nang sabihin ni Evan na fiancée niya si Harper.
Evan was fuming mad the day of the accident. Hindi makalimutan ni Ever ang galit na nakita niya sa kapatid niya nang iuwi niya si Harper sa kanilang bahay dahil sa sobrang takot niya dahil nawalan ng malay ang babae. Pero ngayon naman ay tuwang-tuwa ang kapatid niya na ibalita sa kan'ya na engaged sila at mukhang masayang-masaya pa na kahalikan ang babae?
"I should be thanking you for that accident, Ever."
"What?!" naguguluhan niya na tanong sa kapatid.
"I apologize, kung ano man ang mga nasabi ko nang araw na iyon. It was an initial reaction on my part, dahil sa parati mo na pagdadala ng problema sa akin. But this time, brother, hindi problema ang dala mo kung hindi isang magandang regalo."
"Can you stop talking in riddles and tell me what the fuck is going on?" Ever doesn’t like any of this, not because he likes Harper. Hindi iyon ang dahilan niya, kung hindi dahil kilala niya ang kan’yang kapatid niya at sigurado siya na may balak si Evan na hindi maganda kay Harper.
"I found her, Ever. I found the woman who turned her back on me. Nahanap ko na ang mukhang pera na babae na iyon, at ngayon na nasa poder ko na siya ay paiikutin ko siya sa mga palad ko. I’ll play with her and let her feel my wrath."
Nanlaki ang mga mata ni Ever sa narinig sa kapatid. “You mean, Harper is Harper Mercader? Your ex-fiancée?"
Tumango si Evan sa kan'ya, "Yes, that woman is Harper Mercader. Tutal ay natatandaan naman niya na fiancé niya ako, kaya mas magiging madali na sa akin ang paghihiganti ko. And you know what’s good with all of this? Sa kan’ya na mismo nanggaling na natatandaan na niya ako bilang fiancé niya. I am part of the memory she remembers. Hindi lang ako sigurado kung natatandaan din ba niya ang pagtalikod niya sa akin sa kasunduan ng kasal namin."
Things are more complicated now than ever, at hindi malaman ni Ever kung maaawa ba sa babae na nasa pamamahay nila. Alam niya ang galit ni Evan kay Harper Mercader, at siya pa mismo ang may kagagawan kung bakit nasa kanila ang babae. May bahagi ni Ever ang nakokonsensya dahil siya pa ang naglapit kay Harper sa kapahamakan.
"What’s your plan?"
"Introduce her to the business circle as my fiancée. Announce the long overdue engagement, and on the wedding day itself, leave her. And in the process of all the plans, take advantage of the opportunity, at iyon ay ang pagsawaan siya. She’s my fiancée, at may responsibilidad siya na dapat gampanan sa akin."
"Don’t you think that’s too harsh, kuya?" Nag-aalangan na tanong pa ni Ever. Hindi mawala-wala ang pagkakonsensya na nararamdaman niya sa maaari na sapitin ni Harper dahil sa aksidente sa kamay ng sarili niya na kapatid.
"Too harsh? Can you hear yourself? Hindi ba at mas naging mapanakit nga siya sa akin nang talikuran niya ang kasunduan ng kasal namin dahil sa inaakala niya na naghihirap na ang pamilya natin? I was looking forward to marrying her, para may masandalan ako sa pagkawala ng mga magulang natin, pero ano ang ginawa niya? Tinalikuran niya ako dahil mukha siyang pera!"
Hindi na napigilan pa ang galit na kumakawala kay Evan kapag muli niya na naaalala ang ginawa na pagtalikod sa kan’ya ni Harper. Kahit kailan ay hindi niya basta-basta na mapapatawad ang babae na iyon. Sisiguraduhin niya na magagantihan niya si Harper at magmamakaawa sa kan’ya ang babae, because nobody ever dared turn their backs on him.
"Pero may sakit siya, Evan. May amnesia pa siya. Hindi ka ba nakokonsensya sa gagawin mo?"
Madidilim ang tingin na ipinukol sa kan’ya ni Evan dahil sa sinabi niya. "Siya ba ay nakonsensya noon talikuran niya ako? Sa mundo na ito, Ever, hindi puwede ang mahina; hindi puwede ang tatanga-tanga. Kailangan mo na maging matatag dahil wala kang ibang aasahan kung hindi ang sarili mo lamang. This is a world where everyone uses anyone, at nasa sa’yo na iyon kung gusto mo na ikaw ang manggamit o ikaw ang gamitin. In my case, hindi ako papayag na gamitin ako, we are a Ruiz, Ever. Everyone should bow down to us."
"I’m not sure this is a good idea."
"This is not a good idea. This is the best idea that there is. And don’t you think it’s destiny? Pagkakataon na mismo ang naglapit sa kan’ya sa akin. Ibig sabihin lang ay dumating na ang karma ng babae na iyon. Dumating na ang karma ni Harper Mercader. And that karma is me, Evan Ruiz."
Napakuyom na lamang ng kamao si Ever. Alam niya na kapag sinabi ni Evan ay wala na siyang magagawa pa. Evan knows what’s best for the both of them, at kung ang paghihiganti na ito ang sinasabi ni Evan na tama na gagawin niya ay wala rin ibang magagawa si Ever kung hindi ang suportahan ang kuya niya.
"Kailan mo siya balak na ipakilala bilang fiancée mo?" muli na tanong niya.
"Soon. Kailangan ko muna na baguhin si Harper. I don’t like her image. Hindi kapani-paniwala na ang kagaya niya ang magugustuhan ni Evan Ruiz. She needs a makeover. Iyon unang kita pa lamang sa kan’ya ng mga nasa business circle ay tatatak na agad ang presensya niya. Gusto ko na maging usap-usapan siya at kainggitan siya ng lahat. Kapag nasa pedestal na siya ay roon ko ipaparanas sa kan’ya ang pinakamasakit na pagbagsak niya."
"You’re playing a dangerous game, kuya."
Sa sinabi ni Ever ay nangunot ang noo ng nakatatanda na kapatid niya. Ever knows that despite his brother’s façade of being cold, a good man still exists, may malambot pa rin siya na puso. At hindi malayo na mahulog ang loob niya kay Harper kapag nagkataon. Ang problema sa laro ng paghihiganti na ginagawa ni Evan ay maaari na siya mismo ang masunog dito sa bandang huli.
"Don’t play with fire, Evan; you might just get burned in the end. Ano ang gagawin mo kapag tuluyan na nahulog ang loob mo kay Harper? I know you enough to think that eventually you will fall in love with her."
Evan smirked in response to his brother. Hindi yata siya kilala ni Ever at hindi yata alam ng kapatid niya kung gaano na katigas ang puso niya. He is out for revenge, and he no longer has hope of finding love.
"I won’t get burned, Ever, dahil hinding-hindi ako mahuhulog sa kan’ya. I hate her so much. Kung noon pa siguro na tumupad siya sa kasunduan ay baka may pag-asa pa na totoo na mahulog ako sa kan’ya. But this time, I have forgotten how to love. I am out for revenge, at alam mo iyan. Uunahin ko si Harper Mercader, at kasunod niya ang mga tao na naging rason ng pagkamatay ng mga magulang natin. Wala nang puwang para sa pagmamahal sa mundo ko, ang mayro’n na lamang ay galit at paghihiganti."
Please support my other stories. Leave a comment and rate. Thank you!
Another story has come to an end, and thank you so much for the support. Maraming salamat po at hindi ninyo iniwan ang istorya nina Harper at Evan. Pasensya na po at natagalan lang sa pag-update dahil naging busy po sa work. Sobrang thank you po at sana nagustuhan po ninyo ang kuwento nila. Pa-follow po and pa-support din po ng iba ko pa na stories kay GN: Completed Stories: The Invisible Love of Billionaire (Taglish) Married to the Runaway Bride (Taglish) Falling for the Replacement Mistress (Taglish) My Back-Up Boyfriend is a Mafia Boss (English) Ongoing Stories: Entangled to the Hidden Mafia (Taglish) The Dragster's Mafia Heiress (English) The Runaways' Second Chance Mate (English) In Love with His Brother's Woman (Taglish)
"Sign the papers, Harper. This is it. This is the end." Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko nang marinig ang mga sinabi na iyon ni Evan. Hindi ko napaghandaan ang mga bagay na ito kaya hindi ako nakasagot at nanlalaki lamang ang mga mata ko na nakatitig na lamang sa dokumento na ipinatong niya sa lamesa sa harapan ko. Gulat na gulat ako sa desisyon niya na ito. Bakit may ganito? Ano ang naisipan niya at bigla na may ganito na dokumento sa harapan ko? I am just a few weeks into my preganancy, tapos ay may ganito pa? "A-ano ang ibig sabihin nito, Evan?" Ito lamang ang tanging salita na nabanggit ko sa nauutal na paraan ilang minuto matapos ko na mahimasmasan sa sinabi niya. "Bakit may ganito? Ano ang ibig sabihin nito?" "Kung ano ang nakikita mo, iyon na ang ibig sabihin niyan. Don't ask me further quest
Pagpapatawad. Isang salita na madaling sabihin pero mahirap na gawin. Sa isang tao na lubos na nasaktan ang bagay na ito ang pinaka mahirap na ibigay, pero kapag nagawa naman ay siya rin pinakamasarap sa pakiramdam na matamo. Hindi ko akalain na kakayanin ko pa na magpatawad matapos ang nangyari sa aking pamilya. I was overwhelmed by the anger that I felt when I thought that Harper purposely turned her back on our supposed marriage. Binulag ako ng galit na nararamdaman ko para sa kan’ya kaya wala akong ginawa kung hindi ang planuhin ang paghihiganti ko, but seemingly, fate had other plans for us. Ang dapat na paghihigantihan ko ay natutunan ko na mahalin. At wala akong pinagsisisihan ngayon sa naging desisyon ko na iyon na aminin sa sarili ko ang espesyal na emosyon na iyon. If you genuinely loved that person, it would be much easier to forgive them. Hindi mahirap ang salitang pagpapatawad kung ibibigay mo iyon sa taong mahal mo. At kahit na paulit-ulit pa ang sakit na maramdaman mo,
Days had passed since Harper made peace with her past. Tinapos na niya ang galit sa puso niya at tuluyan na niya na pinalaya ang kan’yang sarili sa lahat ng hinanakit at sakit ng kalooban niya. Matapos ang naging pag-uusap nila ng mga magulang ni Brent at ang pagpunta niya rin mismo kay Brent ay pakiramdam niya ay nawala na ang tali na gumagapos sa kan’ya sa nakaraan upang tuluyan na siya na maka-usad sa kan’yang buhay. And she is thankful that she did that because she did not have to regret not being able to do so. Just yesterday, the news came to them that the inevitable had happened: Brent did not survive, at sa pagkawala nito ay tuluyan na rin na natuldukan ang lahat-lahat ng hindi matapos-tapos na problema sa pagitan nilang lahat. Hindi iyon ang nais niya na mangyari sa dating asawa niya pero iyon na rin ang ninais ng tadhana para sa kanila. And it may be better for him because now there will be no more pain for him. May bahagi niya ang nalungkot sa sinapit nito pero kahit paano
Panay paghikbi lamang ang maririnig buhat sa silid ng ospital na iyon. May ilang minuto na rin buhat ng dumating si Harper at iyon na ang naabutan niya na tagpo. At inaasahan na niya ang senaryo na ito, lalo pa at sinabayan niya ang pagdalaw ng mga magulang ni Brent sa ospital. Harper and Ever both agreed that Brent’s parents would be able to visit him. Nagkasundo sila pareho na wala rin naman masama sa hiling na iyon, kaya iyon na rin ang pagkakataon na kinuha ni Harper para makita ang dating asawa niya. She wanted to end all the pain and hatred that she has for Brent and his parents kaya nagdesisyon siya na silipin sa ospital sa Brent kahit na hindi na nito maririnig ang mga nais niya na sabihin. Hindi rin inaasahan ng mga magulang ni Brent ang pagbisita ni Harper sa kanilang anak, pero lubos nila na ipinagpapasalamat iyon sa kabila ng kaguluhan na nagawa ni Brent sa kasalan nina Harper at Evan. "Harper, maraming salamat sa pagpayag ninyo na makalabas kami pansamantala sa kulugan
"Ano ang balita, Tof?" Hindi pa man nakakalapit si Tof sa kaibigan na si Ever ay tanong na agad ang salubong nito sa kan’ya. "Dead or alive?" Nahahapo na umupo siya sa tabi ng kaibigan niya at walang pag-aalinlangan na sinagot ang tanong nito. "In between. Critical and almost on the verge." Kagagaling lamang niya kasi sa ospital kung saan itinakbo si Brent matapos na masukol ng mga bodyguards ng mga Ruiz dahil sa ginawa nito sa kasal nina Evan at Harper. Isang malalim na pagbuga ng hininga ang ginawa ni Ever kasabay sa pagkuyom ng kamao niya. Nanggagalaiti siya sa nangyayari ngayon sa buhay nila, at mas lalo ang galit niya sa gumawa nito sa kanila, kaya naman maganda ang balita na iyon na nakuha niya buhat sa kaibigan niya. "That’s the best news that I've gotten so far, for now. He can’t die, not just yet. Mabuti naman at alam niya ang bagay na iyon. Hindi pa siya maaari na malagutan ng hininga dahil kailangan pa niya na maghirap bilang pambayad utang sa lahat ng kasamaan niya sa pa