แชร์

Chapter 4

ผู้เขียน: Moonstone13
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2023-12-19 12:46:25

Nagkumustahan at nagkwentuhan sina Leslie ng lola niya at ng pinsan niya ng makapasok na siya ng bahay.

Lumapit ang kasambahay ng kanyang lola na ikinatahimik bigla ni Leslie.

"Lola Esme, dumating na po sina Don Menandro at ang kanyang apo. Papasukin ko na po ba?" saad ng katulong nila. Tumingin muna sa kanya ang abuela at si Danilo bago sumagot ang abuela ng nakita siya nitong tumango.

"Sige papasukin mo na Lena sina Don Menandro. Inaasahan rin naman namin ang pagdating nila." wika naman ng matandang babae.

"Okay ka lang ba iha? gusto mo na ba silang harapin? maari namang huwag na muna, kami na ang bahala at doon ka na muna sa kwarto mo at magpahinga." ang sabi pa sa kanya ng kanyang lola.

"La, parehas lang naman ang mangyayare kung haharapin ko sila ngayon o sa ibang araw. Huwag po kayong mag-alala bago po ako bumalik ng Cebu ay inihanda ko na ho ang sarili ko para rito." seryosong sagot niya naman sa Abuela na inaalala siya.

Tahimik lang ang lolo niyang nakaupo sa wheelchair nito na hindi makatingin sa mga mata niya. Tuluyan ng naparalisa ang kalahating bahagi ng katawan ng kanyang abuelo at hindi na rin ito makapagsalita pa ng maayos dahil sa pagkaka stroke nito.

Nasabi nang kanyang lola na sinisisi ng asawa nito ang pagkakasanla ng lupain nila kay Don Menandro dahil sa nalulong pala ito noon sa Casino kaya nalubog sa utang ang pamilya nila. Napilitan ito na maisanla ang koprahan nila na minana pa ng lolo niya sa mga magulang nito kaya ganoon na lamang kamahal nito ang lupain. Wala naman silang aasahan na iba na makakatulong pa sa kanila dahil ang mommy niya ay maagang nag retired na sa pagiging guro at umaasa na lang sa pensyon kada buwan. May mga kapatid siya sa ina na mga bata pa ng mag asawang muli ito ng mamatay ang kanyang ama sa sakit na brain cancer.

Kasalukuyang nasa pampanga ang kanyang ina dahil tagaroon ang napangasawa nito na step dad na niya ngayon. Maayos naman na ang pakikitungo sa kanya ng bagong pamilya ng ina pero mas nais niyang mamuhay na lang mag isa. Hindi niya kase makasundo minsan ang asawa ng ina dahil ayaw rin niya ng pinakikialaman siya. Kaya hindi siya sumama sa ina niya ng manirahan ito sa lugar kung saan taga roon ang mga kamag anak ng napangasawa ng ina. kaya mag isa lang din siya sa buhay.

Kumuha lamang siya ng kasambahay upang hindi siya mag isa sa bahay sa Manila na ipinamana na sa kanya ng ina, dahil pundar daw nila ito ng kanyang ama ng nabubuhay pa, kaya para sa kanya talaga ang bahay na iyon. Afford naman niya ang kumuha ng kasambahay dahil may sarili naman siyang trabaho. Ang mga magulang naman ng pinsan niyang si Danilo ay maagang namatay bata pa lang ng mapunta sa poder ito ng kanilang elder. May mga pinsan at kamag anak man sila sa side ng mga lolo at lola nila pero hindi naman din mayayaman katulad lang din nila ang pamumuhay simpleng mamamayan kumbaga.

"Maayong gabii." pagbati ni Don Menandro ng papalapit na ito sa kanila kasunod ang lalaking nakita pa lamang ni Leslie sa picture.

"Maayong gabii kanimo, Don Menandro." balik bati naman ng kanyang Abuela.

"Lingkod ka Don Menandro. bag-o lang miabot ang akong apo nga si Leslie. maayo ug ang balita nakaabot kanimo. Tawagan ka namo ugma sa buntag " ( kayo ay maupo Don Menandro. kadarating lang ng aking apo na si Leslie. mabuti at nakarating na sa inyo ang balita, ipapatawag pa lang sana namin kayo bukas ng umaga. )

"Magandang gabi sayo iha. Mabuti at nakabalik ka na. Tamang-tama at sinama ko na ang aking apo para magkausap na rin kayo. Maynard, apo kilala mo na si Leslie di ba?" saad ng Don na tinanguan ng Apo ng sabihin nitong kilala na siya nito.

"Magandi gabi rin ho Don Menandro." pagbating balik ni Leslie at tumingin sa apo nito na seryoso lang din na nakatingin pala sa kanya.

"Ano bang sadya ninyo Don Menandro at gabi na ay napasugod pa kayo ng apo mo napaka- importante naman ata at hindi na ipinagpabukas pa?" ang sabi ng abuela ng dalaga.

"Ang totoo Esmeralda, gusto ko lang siguraduhin ang nakarating sa aking balita na nakabalik na ang apo nyo ni Arturo na mapapangasawa nitong apo kong si Maynard." diretsang paliwanag naman ng Don.

"Kung inyo pong mamarapatin ay hihingiin ko na ho ang kamay ng inyong apo at mamanhikan na ho kami bukas ng gabi para malaman na rin ng iba ang nalalapit naming kasal ng inyong apo na si Leslie?" litanya naman ni Maynard habang seryoso lang din nakatingin sa mukha ni Leslie na ikinailang naman ng dalaga.

Gustong magprotesta ni Leslie sa kanyang narinig ngunit minabuti na lamang niya ang manahimik. hindi niya gusto na madaliin ang kasal nais sana niyang makilala pa muna ang lalaking pakakasalan niya.

"Leslie, iha ano sa palagay mo?" pagkuha ng pansin niya ng abuela dahil napaawang ang labi niya kanina ng magsalita si Maynard.

"Hindi po ba mas maganda kung magkakilanlan pa kami ng apo niyo Don Menandro bago kayo mamanhikan?" sagot niya naman.

"What's the point of getting to know each other if we're going to get married anyway. I already know you." saad naman ni Maynard na nakatitig pa rin sa dalaga na hindi naman kayang makipagtitigan ni Leslie sa binata.

"Ako kilala mo na pero ikaw hindi kita kilala. Ang alam ko lang apo ka ni Don Menandro na nais akong pakasalan. Bakit nga ba, ano bang dahilan mo at bakit ako? marami naman diyang iba.” ang sabi niyang naibulalas na ang mga tanong na matagal ng gumugulo sa isipan niya.

“Because i want.. ” sagot nito sa kanya.

”Dahil lang sa gusto mo? yun lamg yon?" sarkastikong tanong niya sa lalaking nagiging antipatiko na sa kanyang paningin.

“What if umatras ako sa usapan, na ayoko ng makasal sa apo mo, Don Menandro?” seryoso niyang tanong sa Don.

"Paghandaan niyo na ang pag alis nyo sa bahay na ito at tuluyan ng mawawala sa inyo ang koprahan na mahalaga sa pamilya mo." wika naman ni Don Menandro at tumayo na sa pagkakaupo.

"Pag isipan mong mabuti iha, hindi ka ba naaawa sa lolo arturo mo? Nagbitaw ka ng pangako iha ipaalala ko lang sayo. Tara na Maynard, bumalik na lamang tayo kapag buo na ang desisyon ng apo ni Arturo." saad pa ni Don Menandro at ipinaalala pa talaga ang huling pag uusap nila bago siya bumalik ng Maynila.

"Sandali lang Lo, pwede ba tayong mag usap ng tayong dalawa lang Leslie?" baling ni Maynard sa kanya at tumango naman si Leslie, lumakad at nagtungo sa labas ng bahay na ikinasunod ni Maynard sa kanya.

"Nagdadalawang isip ka pa ba sa kasal? Agrabyado ka ba sa pagpapakasal sa akin Leslie?" Prangkang tanong sa kanya ni Maynard habang nakatayo sa harapan niya at nakapamulsa ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon nito.

"Wala akong nararamdaman para sayo Maynard. hindi ko pinangarap na maikasal sa taong hindi ko mahal at lalong hindi sa taong hindi ko pa kilala." ang sabi ng dalaga.

"Problema ba yon e di kilalanin mo ko, kapag mag asawa na tayo." wika naman ni Maynard na nginisian si Leslie.

"Bigyan mo ko ng rason kung bakit kailangan pa kitang pakasalan." pagdedemand niya sa kausap.

"Gusto ng lolo ko na makapag asawa na ako at magkaanak ng lalaki dahil nag iisa niya kong apo. Kailangan ko ng tagapagmana at magdadala ng apelyido ng angkan namin. Wag mong isipin na kaya ako magpapakasal sayo ay dahil mahal kita. Gagawin ko ito dahil iyon ang gusto ng lolo ko. kapag hindi ko siya sinunod ay aalisan niya ko ng mana at hindi ako makapapayag Leslie na mangyare yon." seryosong ani nito sa kanya na hinawakan at diniinan pa ang braso niya kaya napapiksi siya dahil bahagya siyang nasaktan.

"Sabihin mo sa akin, bakit ako ang napili mo?" muli niyang tanong.

"Simple lang malaki ang pagkakautang ng pamilya mo sa lolo ko at nalaman ko na may dalagang apo ang lolo Arturo mo, which is you. Hindi na rin masama kung ikaw ang pakakasalan ko at magiging ina ng anak ko dahil maganda ka at may pinag aralan." pag amin nito sa kanya.

"Kung ayaw kong pumayag na magpakasal sayo? anong gagawin mo?" lakas loob niyang tanong kay Maynard.

"Malalaman mo kapag sinubukan mong takasan ang kasal natin. Hindi ako tumatanggap ng pagkapahiya Ms. Hidalgo." pagbabanta ng binata sa kanya.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • The Run Away Fiancee.   BACK TO ME last chapter.

    Nagpaalam si Dailyn kay Leslie na sasama na muna siya kay Edward at pupuntahan nila ang ate niya sa ospital.Nagpaiwan naman si Leslie sa mall at sinabing magkita na lang uli sila sa ibang araw.Pinuntahan nga nila Dailyn at Edward si Aileen sa ospital at kinausap."A-Ate.. Nagkausap na kami ni Edward. Okay na kaming dalawa, nagkaayos na kami. Ba-babalik na ko sa kanya, Ate.." nahihiyang saad ni Dailyn kay Aileen.Napabuntong hininga naman si Aileen."Napag isipan mo bang mabuti yan? sigurado ka bang hindi ka na paiiyakan ng lalaking yan?!" tanong ni Aileen sa kapatid na kay Edward ay seryosong nakatingin."Oh come on, Aileen. Alam ko namang nagkamali ako noon, pero pinagsisihan ko na yun at gusto kong bumawi sa kapatid mo lalo na ngayong magkakaanak na kami." angil ni Edward sa ate ni Dailyn.Sinamaan naman ng tingin ni Aileen si Edward. "Kapag sinaktan mo uli ang bunso namin Edward, tandaan mo hindi mo na siya uli makikita pa. Siraulo ka eh! katulad ka rin ng pinsan mong si Rodjun n

  • The Run Away Fiancee.   Back To Me C24

    Pagkalapag ng eroplano sa Cebu at paglabas nila ng airport ay agad silang kumuha ng taxi at nagpahatid kung saang ospital naroroon si Aileen at kung nasaan si Dailyn ng oras din na 'yon. Hindi na sila nag aksaya pa ng oras dahil ang nais lang nila ay makita ng muli ang mga babaeng mahal nila.Nagpahatid na muna si Edward sa Sm seaside mall sa Cebu kung saan naroon ang kaibigan niyang nakasunod lang kay Dailyn. Habang sina Rodjun at Jasper naman ay nagpatuloy na sa Ospital kung saan nagtatrabaho si Aileen."Edward, naroon si Dailyn sa may seaside nakaupo. Nakikita mo yung dalawang babae na yon? yung isa may highlights sa buhok, si Dailyn ang kasama nun, lapitan mo na baka mawala na naman yan. Sige na, goodluck. Pagkakataon mo na ito, lapitan mo na." saad ni Dave nang makita na si Edward at ipinagtutulakan pa na lumapit na kay Dailyn.Huminga muna si Edward ng malalim bago naglakad palapit sa pwesto nila Dailyn at dahil nakaharap ang mga ito sa dagat habang nagkukwentuhan ay hindi agad

  • The Run Away Fiancee.   BACK TO ME C.23

    Isang buwan ang lumipas ay wala pa rin naging balita kay Dailyn at gabi-gabi na lang ay nag iinom si Edward, upang makatulog. Halos pinabayaan na ni Edward ang sarli niya, mabuti na lang at may co owner na manager siyang katulad ni Renz kaya kahit na hindi siya magtrabaho ay ayos lang din. At mula rin ng umalis si Dailyn sa bahay ng mga Cristobal ay hindi na maayos ang pakikitungo sa kanya ni Mayor. Sa nakalipas na mga araw mula ng umalis si Dailyn ay mas napatunayan pa niyang mahal na nga niya ang asawa. Oo, asawa na niyang tunay si Dailyn dahil ipinaayos na niya ang Marriage Contract na pinirmahan nilang dalawa. Naipanotaryo na niya ito at nakarecord na ang kasal nila sa munispyo, ganun din sa PSA. ( philippine statistic authority.). Laking pasalamat niya na itinago lamang niya ang papel at hindi niya pinunit.Lumipas pa ang ilang linggo na nanatili pa rin sa Cebu ang magkapatid na Aileen at Dailyn. May umbok na ang tiyan ni Dailyn na nasa tatlong buwan na, kaya halata ng nagdadal

  • The Run Away Fiancee.   BACK TO ME C.22

    Magkasama na ang magkapatid sa apartment na tinutuluyan ni Aileen. Inanyayahan nila na sumama si Leslie sa kanila ngunit tumanggi ito para raw magkasarilinan muna silang magkapatid kaya naman hindi na rin nila pinilit pa si Leslie."Kailan ka pa narito sa Cebu, Dailyn?" panimula ni Aileen sa usapan."Ilang araw pa lang ate Aileen, galing akong Singapore, 2 days ako roon kasama nang kaibigan kong si Chris. Tanda mo pa ba yung classmate ko nung college?""Oo, alam mo bang hinahanap ka ni Edward? Alam ko na ang naging problema ninyo. Sinabi ni Edward. Pinuntahan niya ako at nakiusap na sabihin ko kung nasaan ka. Ano naman ang sasabihin ko sa kanya, hindi ko nga alam kung nasaan ka at hindi ko akalain na makikita kita rito." litanya ni Aileen.Napahinga ng malalim si Dailyn ng maalala si Edward."Bakit ka nga ba umalis? sabihin mo sa akin ang totoo." curious na tanong ni Aileen dahil gusto niyang marinig ang side ni Dailyn."Ganito kase ang nangyari nung umalis ka nang araw ng engagement

  • The Run Away Fiancee.   BACK TO ME C.21

    Nakarating ng Cebu si Dailyn at magkasama na silang dalawa ni Leslie sa bahay ng lolo at lola ng kaibigan.Ipinakilala siya ni Leslie sa Lola Esmeralda at lolo Arturo nito at sa pinsan din nitong si Danilo.Nasa iisang kwarto lang silang dalawa at pareho ng nakahiga sa kama."Leslie, buntis ako." pagtatapat ni Dailyn.Napabangon naman ng upo bigla si Leslie sa sinabi ni Dailyn."Ows talaga?!""Oo, nalaman kong buntis ako ng nasa eroplano na kami ni Chris papuntang Singapore. Nakapagpacheck up na rin ako kahapon at isang buwan na nga akong nagdadalang tao.""Pinaalam mo na ba sa nakabuntis sa'yo Dailyn na magiging ama na siya?""Hindi pa, hindi pa ko makapagdesisyon, Leslie. Naguguluhan pa rin ang isip ko. Mahal ko si Edward pero kapag naalala ko ang ginawa niya ay naninibugho ako sa kanya.""Ano ba kase ang nangyari at nagkakaganyan ka? sabihin mo kaya sa akin para mapayuhan kita." wika ni Leslie.Napahingang malalim si Dailyn at nagsimulang ikwento kay Leslie ang lahat."Kung ibang t

  • The Run Away Fiancee.   BACK TO ME C.20

    Nang makalapag ang eroplanong kinalululanan ni Dailyn ay napabuntong hininga siya. Napahawak pa siya sa kanyang tiyan ng maalala niya ang mukha ni Edward. Hindi pa rin siya handang makita ang ama ng kanyang ipinagbubuntis.Ayaw pa rin niyang bumalik sa kanila sa Batangas, ayaw rin niyang tawagan ang Ate Aileen niya at ipaalam kung nasaan siya. Iniisip niya kase na baka malaman agad ni Edward kapag kay ate Aileen niya siya pupunta o humingi ng pabor. Nahihiya pa rin kase siya sa ate Aileen niya kahit alam niyang mauunawaan naman siya.Nang may nakatabi siyang pinay na nakasabayan niyang maglakad patungong immigration at marinig niya itong may kausap sa cellphone nito na ang gamit na lengguwahe ay salitang bisaya ay napangiti siya sa kanyang naisip dahil naalala niya ang kaibigang si Leslie na alam niyang kasalukuyang nasa Cebu.****Sa kabilang dako naman ay hindi pa rin tumitigil si Edward sa paghahanap kay Dailyn. Sinubukan na rin niyang kumuha ng Private Investigator upang mapadali

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status