Share

Kabanata 10.3

Author: Rhea mae
last update Huling Na-update: 2025-07-15 17:36:17

Bumalik na si Caroline sa kwarto niya para makapagshower. Hinayaan niyang tumulo sa katawan niya ang maligamgam na tubig. Nakatulala lang siyang nakatingin sa pader. Ngayon lang sila madalas magkausap ng kaniyang ama, ngayon lang siya madalas ipatawag dahil may kailangan sila. Mapapansin ba siya kung wala silang kailangan sa kaniya? Sa loob ng maraming taon nangungulila siya sa pagmamahal at atensyon ng isang ama pero hindi niya yun nakuha. Nasa iisang bahay sila pero sa tuwing nagkakasalubong sila tahimik lang silang pareho. Nilalampasan lang siya ng kaniyang ama.

Kung hindi niya kaya nakilala si Caleb, mangyayari ba ang lahat ng ‘to? Mukhang kailangan niya ring pasalamatan si Caleb dahil kahit papaano ay natututunan niya ng lumaban at tumayo sa sarili niyang mga paa.

Halos kalahating oras siyang nakaupo lang habang hinahayaan na dumaloy sa katawan niya ang tubig. Nang matauhan siya ay saka siya naligo.

Bumaba na siya ng kwarto niya para kumain pero napansin niyang nasa sala ang pami
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (7)
goodnovel comment avatar
Susan Asia
more update please
goodnovel comment avatar
arkrey arkrey
sana manlang damihan ni otor
goodnovel comment avatar
Joenita Apog
Maygani everyday ang update Yung Iba once a week tapos.. Mastress ka pa
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 10.3

    Bumalik na si Caroline sa kwarto niya para makapagshower. Hinayaan niyang tumulo sa katawan niya ang maligamgam na tubig. Nakatulala lang siyang nakatingin sa pader. Ngayon lang sila madalas magkausap ng kaniyang ama, ngayon lang siya madalas ipatawag dahil may kailangan sila. Mapapansin ba siya kung wala silang kailangan sa kaniya? Sa loob ng maraming taon nangungulila siya sa pagmamahal at atensyon ng isang ama pero hindi niya yun nakuha. Nasa iisang bahay sila pero sa tuwing nagkakasalubong sila tahimik lang silang pareho. Nilalampasan lang siya ng kaniyang ama.Kung hindi niya kaya nakilala si Caleb, mangyayari ba ang lahat ng ‘to? Mukhang kailangan niya ring pasalamatan si Caleb dahil kahit papaano ay natututunan niya ng lumaban at tumayo sa sarili niyang mga paa.Halos kalahating oras siyang nakaupo lang habang hinahayaan na dumaloy sa katawan niya ang tubig. Nang matauhan siya ay saka siya naligo.Bumaba na siya ng kwarto niya para kumain pero napansin niyang nasa sala ang pami

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 10.2

    Hanggang ngayon hindi pa rin nakikipagkita si Caroline kay Caleb. Hanggang ngayon pa rin ay kinukulit siya ng kaniyang ama para ng sa ganun ay makapagsimula na ulit sila sa mga panibagong project. Nilalaro ni Caroline sa mga daliri niya ang hawak niyang ballpen. Iniisip niya kung ano bang kailangan niyang sabihin at gawin kay Caleb para pumayag na itong magfile sila ng annulment.Napayuko naman si Caroline habang sabu-sabunot niya ang mga buhok niya. Siya ang nag-alok kay Caleb na magpakasal sila tapos siya rin ang mangungulit kay Caleb na magfile na sila ng annulment?Papayagan ba silang magfile ng annulment kung wala naman silang sapat na dahilan na ipapasa sa korte? Bumuga ng hangin si Caroline. Kinuha niya na ang mga papel na nasa gilid ng lamesa niya at itinuon niya na lang dun ang atensyon niya. Nang matapos ang maghapon na yun ay dumiretso na siyang umuwi sa bahay nila. Naabutan niyang nasa sala si Aubrey at Isaac na nanunuod.Alam niya namang may malaking TV sa loob ng kwarto

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 10.1

    Pagpasok ni Caroline sa kusina nila ay naabutan niyang umiinom ng tubig si Isaac. Hindi niya alam kung babalik na lang ba siya sa kwarto niya o hindi na lang papansinin si Isaac? Babalik na lang sana siya sa kwarto niya nang bigla siyang sinukin. Nauuhaw na talaga siya lalo na at katatapos niyang mag-exercise.Bakit ba ang aga pa lang ay nandito na sa bahay nila si Isaac?“Iinom ka ng tubig?” tanong ni Isaac sa kaniya. Hindi na lang sumagot si Caroline saka siya nanguha ng baso at kukuha sana ng panibagong tubig sa fridge nila nang harangin siya ni Isaac. Hawak-hawak ni Isaac ang isang lagayan ng tubig. Isinahod na lang din ni Caroline ang baso niya. Ramdam niyang nakatingin si Isaac sa kaniya pero hindi niya ito tiningnan.“Pasensya ka na pala sa lahat ng nagawa ko sayo. Pasensya na rin sa inasal ko sayo noong anniversary ng kompanya niyo.” Malumanay na saad ni Isaac. Nang mapuno ang baso ni Caroline ay tumalikod na siya kay Isaac saka niya ininom ang tubig at inilagay sa lababo ang

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 9.3

    Abala si Caroline sa mga trabaho niya sa sarili niyang opisina. Itinuon niya na lang ang oras niya sa mga trabaho niya para hindi niya maalala si Caleb. Napatingin siya sa cellphone niya ng makita niya na namang may tumatawag dito. Alam niyang si Caleb ang tumatawag dahil kahapon pa ito tumatawag sa kaniya pero hindi niya sinasagot. Paano niya nalaman na number ito ni Caleb? Dahil sinagot niya ang tawag nito kahapon at sa boses pa lang ni Caleb ay kilalang kilala niya na ito.Ayaw niyang makipagkasundo kay Caleb. Kung makikipagkita man siya kay Caleb, wala silang ibang pag-uusapan kundi ang tungkol sa annulment nilang dalawa. Alam naman ni Caroline na gagamitin lang siya ng mga Adams para mapalapit sa mga Thompson at sigurado siyang magbabago ang pagtingin nila kay Caleb oras na nalaman nilang siya ang asawa niya. Ayaw niya namang gamitin ng pamilya niya si Caleb pagkatapos makatanggap nito ng mga masasakit na salita mula sa pamilya niya.Bumukas ang pintuan niya pero nakatuon pa rin

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 9.2

    Hindi makapaniwalang tiningnan ni Caroline ang ex-boyfriend niya. Ang lakas ng loob nitong magloko pagkatapos ay sasabihin na siya ang gustong pakasalan? Napapailing na lang siya. Siya ang niloko pero tila ba ang ex-boyfriend niya ang naiwan.“Tigilan mo na ako Isaac, ikakasal ka na tapos ako pa rin ang iniisip mo?” natawa si Caroline pero seryosong nakatingin sa kaniya si Isaac.“Anong gusto mong gawin ko? Ikaw ang gumugulo sa isip ko at sa tuwing nakikita ko ang lalaking pinakasalan mo gusto ko siyang suntukin, gusto kong sirain ang pagmumukha niya. Bakit mo pa ba ako pinapahirapan Caroline? Alam ko namang mahal mo pa rin ako, nasaktan ka lang sa ginawa ko kaya mo pinakasalan ang lalaking yun. Handa akong hintayin ka hanggang sa magdivorce na kayong dalawa. Handa akong tulungan ka na makipag-annul sa kaniya para mapabilis ang paghihiwalay niyo just marry me after.” Ramdam ni Caroline ang pagiging seryoso ni Isaac. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ni Caroline, bakit naaawa siya

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 9.1

    Simula nang huling makausap ni Caroline si Caleb ay hindi na ulit sila nagkita. Bahay at trabaho lang naman ang pinupuntahan niya. Ayaw niyang makita si Caleb ngayon at kung maaari lang sana ay huwag ng magsalubong ang mga landas nila. Bumaba na si Caroline sa mula sa kwarto niya. Naabutan niya namang abala si Aubrey sa pag-aasikaso para sa magiging kasal nila ni Isaac. Inilibot ni Caroline ang mga mata niya hindi niya naman makita si Isaac kaya nakahinga siya ng maluwag. Ayaw niya ng gulo.Nang makita ni Aubrey si Caroline ay ngumisi ito.“Ikinukulong mo ang sarili mo dahil iniwan ka na ng pulubi mong asawa?” pang-aasar ni Aubrey. Hindi naman siya pinansin ni Caroline. “I’m sure, marami na siyang ninakaw sa bahay natin pero hindi lang natin alam.” Masama namang tiningnan ni Caroline si Aubrey dahil sa pagbibintang na naman nito kay Caleb na wala namang proweba. Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ng pamilya ni Caroline na si Caleb na asawa niya ay si Caleb Thompson na CEO ng Thompso

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status