Naupo si Caleb sa sofa saka niya tiningnan ang mga pagkain na dala ni Isaac.“Nakikipagkita ka pa rin ba sa kaniya? May lihim na ba kayong relasyon?” diretsong tanong ni Caleb. Napabuntong hininga naman si Caroline. Iniisip ba ni Caleb na mahal pa rin niya si Isaac?“Wala, binigyan niya lang ako ng pagkain bukod dun wala na kaming relasyon. Matagal na kaming tapos saka ikakasal na rin siya kay Aubrey.” Pagpapaliwanag niya, tumango naman si Caleb. Pumasok ang secretary ni Caroline, may sinabi lang ito kay Caroline. Lalabas na sana ito nang ibigay ni Caleb sa kaniya ang mga pagkain na dala ni Isaac.“Sir,” gulat pang saad ni Mia. Nakangiti lang naman si Caleb.“Ikaw na ang kumain niyan, kakain kami sa labas ni Caroline.” Aniya. Nahihiya man si Mia pero tinanggap niya pa rin. Hindi naman pinigilan ni Caroline si Caleb. Wala rin naman siyang balak na kainin ang ibinigay ni Isaac sa kaniya.“Ano bang sinadya mo rito?” tanong niya na. Nananatili pa rin siyang nakaupo sa swivel chair niya. H
Halos hindi nakatulog ng maayos si Caroline sa sinabi ni Caleb sa kaniya kagabi. Ginulo ni Caleb ang laman ng puso at isip niya. Alam naman nila pareho na hindi seryoso ang kasal nila, naikasal lang sila dahil sa padalos-dalos na desisyon. Itinaklob ni Caroline sa mukha niya ang unan niya. Tanghali na pero hindi pa rin siya bumabangon.Palagi siyang maaga pumasok sa kompanya nila pero ngayon mataas na ang sikat ng araw pero nakahiga pa rin siya sa malambot niyang kama. Napabuntong hininga siya. Nang mahimasmasan siya ay bumangon na siya. Dumiretso na siya sa bathroom niya at naligo. Hindi na rin siya kumain dahil late na talaga siya. Ilang oras na lang ay magtatanghalian na rin.“Ma’am Caroline, bakit ngayon lang po kayo? Hindi niyo po ba natanggap ang message ko sa inyo kagabi? May meeting po kayo ngayon at nasa conference room na po silang lahat.” Natatarantang saad ng secretary ni Caroline. Hindi nabasa ni Caroline ang message sa kaniya ng secretary niya dahil masyado ng okupado an
Isinakay ni Caleb si Caroline saka sila umalis. Habang nasa byahe sila ay salubong ang mga kilay ni Caroline. Sa klase palang ng sasakyan ni Caleb alam ni Caroline na mamahalin na yun at unti-unti ng nagsisink in sa utak niyang sa mayamang pamilya nga nagmula ang lalaking pinakasalan niya.“Saan mo ba ako dadalhin?” tanong ni Caroline. Salubong pa rin ang mga kilay niya. Pakiramdam niya ay hawak pa rin ni Caleb ang kamay niya dahil mahigpit ang pagkakahawak nito sa kaniya kanina. Hindi naman sumagot si Caleb, diretso lang siyang nakatingin sa daan. Napapailing na lang si Caroline saka siya bumuga ng hangin.Alam niyang naiwang tulala at gulat ang mga magulang niya dahil sa isiniwalat ni Caleb. Ngayon, paano nila magagawang harapin si Caleb pagkatapos nila itong pagsalitaan ng mga masasakit na salita.Idinala ni Caleb si Caroline sa Intramuros. Nang huminto ang sasakyan ay nauna nang bumaba si Caleb. Pinagbuksan niya naman ng pintuan si Caroline. Inilibot ni Caroline ang paningin niya.
Bumalik na si Caroline sa kwarto niya para makapagshower. Hinayaan niyang tumulo sa katawan niya ang maligamgam na tubig. Nakatulala lang siyang nakatingin sa pader. Ngayon lang sila madalas magkausap ng kaniyang ama, ngayon lang siya madalas ipatawag dahil may kailangan sila. Mapapansin ba siya kung wala silang kailangan sa kaniya? Sa loob ng maraming taon nangungulila siya sa pagmamahal at atensyon ng isang ama pero hindi niya yun nakuha. Nasa iisang bahay sila pero sa tuwing nagkakasalubong sila tahimik lang silang pareho. Nilalampasan lang siya ng kaniyang ama.Kung hindi niya kaya nakilala si Caleb, mangyayari ba ang lahat ng ‘to? Mukhang kailangan niya ring pasalamatan si Caleb dahil kahit papaano ay natututunan niya ng lumaban at tumayo sa sarili niyang mga paa.Halos kalahating oras siyang nakaupo lang habang hinahayaan na dumaloy sa katawan niya ang tubig. Nang matauhan siya ay saka siya naligo.Bumaba na siya ng kwarto niya para kumain pero napansin niyang nasa sala ang pami
Hanggang ngayon hindi pa rin nakikipagkita si Caroline kay Caleb. Hanggang ngayon pa rin ay kinukulit siya ng kaniyang ama para ng sa ganun ay makapagsimula na ulit sila sa mga panibagong project. Nilalaro ni Caroline sa mga daliri niya ang hawak niyang ballpen. Iniisip niya kung ano bang kailangan niyang sabihin at gawin kay Caleb para pumayag na itong magfile sila ng annulment.Napayuko naman si Caroline habang sabu-sabunot niya ang mga buhok niya. Siya ang nag-alok kay Caleb na magpakasal sila tapos siya rin ang mangungulit kay Caleb na magfile na sila ng annulment?Papayagan ba silang magfile ng annulment kung wala naman silang sapat na dahilan na ipapasa sa korte? Bumuga ng hangin si Caroline. Kinuha niya na ang mga papel na nasa gilid ng lamesa niya at itinuon niya na lang dun ang atensyon niya. Nang matapos ang maghapon na yun ay dumiretso na siyang umuwi sa bahay nila. Naabutan niyang nasa sala si Aubrey at Isaac na nanunuod.Alam niya namang may malaking TV sa loob ng kwarto
Pagpasok ni Caroline sa kusina nila ay naabutan niyang umiinom ng tubig si Isaac. Hindi niya alam kung babalik na lang ba siya sa kwarto niya o hindi na lang papansinin si Isaac? Babalik na lang sana siya sa kwarto niya nang bigla siyang sinukin. Nauuhaw na talaga siya lalo na at katatapos niyang mag-exercise.Bakit ba ang aga pa lang ay nandito na sa bahay nila si Isaac?“Iinom ka ng tubig?” tanong ni Isaac sa kaniya. Hindi na lang sumagot si Caroline saka siya nanguha ng baso at kukuha sana ng panibagong tubig sa fridge nila nang harangin siya ni Isaac. Hawak-hawak ni Isaac ang isang lagayan ng tubig. Isinahod na lang din ni Caroline ang baso niya. Ramdam niyang nakatingin si Isaac sa kaniya pero hindi niya ito tiningnan.“Pasensya ka na pala sa lahat ng nagawa ko sayo. Pasensya na rin sa inasal ko sayo noong anniversary ng kompanya niyo.” Malumanay na saad ni Isaac. Nang mapuno ang baso ni Caroline ay tumalikod na siya kay Isaac saka niya ininom ang tubig at inilagay sa lababo ang