Pasensya na po ulit kung kaunti lang. May ginawa lang po kasi ng hindi inaasahan. Bawi po ako bukas. Kung dati ko na kayong readers, alam niyo naman pong araw-araw naman ako nag-a-update basta wala lang kailangang gawin;)
Nang makauwi sila ay dumiretso si Caroline sa kwarto ng lola niya. Hindi naman na nagtaka ang lola niya ng makita nitong umiiyak siya. Nilapitan ni Elsie si Caroline saka hinaplos ito sa likod para pakalmahin at i-comfort. Hinayaan na muna ni Elsie na umiyak ang apo niya. Kakausapin niya na lang ito kapag kumalma.Alam ni Elsie, hindi siya bulag at hindi siya manhid para hindi makita at maramdaman ang nangyayari sa kanilang mag-asawa. Tumagal ng halos kinse minuto ang pag-iyak ni Caroline. Makalipas ang ilang minuto ay tumahimik na si Caroline. Yakap-yakap niya ang unan ng lola niya habang nakadapa siya.“Kalmado ka na ba?” tanong ng lola niya sa kaniya. Naupo naman na si Caroline saka siya sumandal sa headreast habang yakap-yakap pa rin ang unan. “Akala ko ba okay na kayo? Akala ko ba wala ng problema? Anong nangyari ngayon?” tanong pa nito. Tiningnan ni Caroline ang lola niya. Pinag-iisipan niya kung sasabihin niya ba sa lola niya ang problema nila ngayon ni Caleb.Hindi naman sumag
Hindi makapaniwalang tiningnan ng manager ni Brianna si Brianna habang nag-iimpake ito ng mga gamit niya. Hindi niya na alam kung paano niya kukumbinsihin si Brianna na huwag itong umalis.“Are you really sure about this? Nasa kalagitnaan ka pa lang ng pangarap mo, Brianna. Isusuko mo na lang ba ang mga pinaghirapan mo ng dahil lang sa isang lalaki?” naiinis na wika ng manager ni Brianna. Inihinto ni Brianna ang pag-iimpake at tiningnan ang manager niya.“Maraming taon ko na rin namang inenjoy ang pangarap ko, Shiela. Hindi ko ba pwedeng piliin naman muna ang sarili ko kahit ngayon lang? Hindi ko naman sinabi na tatalikuran ko ang pangarap ko. Itutuloy ko pa rin naman pero gusto kong magfor good na sa Pilipinas. We can still accept ng mga endorsement basta sa Pilipinas na tayo magsstay. Sawang sawa na ako rito sa New York. I wanna go home.” Wika niya.“Go home? Dito na kayo nakatira simula ng magcollege ka. Ito na ang tahanan mo ngayon at kung gusto mong umuwi ng Pilipinas pwede naman
Nakauwi na ng Pilipinas si Caroline at Caleb. Bumalik ulit sa dati ang relasyon nila pero hindi pa rin maiwasan na hindi isipin ni Caroline kung ano talagang tumatakbo sa isip ni Caleb. Hindi malinaw sa kaniya kung tanggap na ba ni Caleb ang baby niya pero siguro nga hindi pa ito ang tamang oras para pag-usapan nila ang tungkol dun.Pinagpahinga na ni Caleb si Caroline sa kwarto habang siya ay bumaba muna para manguha ng tubig dahil mabilis ng mauhaw si Caroline dahil sa pagbubuntis nito. Nangunguha pa lang siya ng tubig nang may biglang sumapok sa ulo niya na ikinada/ing niya saka niya tiningnan ang ate niya.“Ano bang problema mo?! Nakakarami ka na sa akin ah—” hindi pa man natatapos ang pagrereklamo ni Caleb nang sampalin naman siya ng ate niya.“Ako pa rin ang mas matanda sa ating dalawa kaya wala kang pakialam kung gagawin ko ang lahat ng gusto ko sayo. Anong ibig sabihin nito ha?” ipinakita ni Kirsten ang picture na nasa cellphone niya. Picture iyun ni Caleb at ni Brianna na mag
Hindi na alam ni Caroline kung nasaan siya dahil lakad lang siya nang lakad para makatakas kay Caleb. Nang makaramdam na siya ng pagod ay naupo na muna siya sa isang bench sa ilalim ng puno. Nagpahinga na muna siya dahil mabilis na siyang mapagod. Natatakot siyang baka duguin na naman siya, wala pa naman siyang kasama.Nagpahinga siya dun ng ilang minuto hanggang sa makaramdam siya ng gutom. Akma na sana siyang tatayo at maghahanap ng coffee shop o restaurant nang biglang humarang sa harap niya si Caleb. Inangat ni Caroline ang paningin niya at napalunok na lang siya ng makumpirma niyang si Caleb nga yung nasa harapan niya. Iniwas ni Caroline ang paningin niya. Hindi niya inaasahan na makikita dito si Caleb.“Alam kong nakita mo na ako kanina, hindi ba?” seryosong tanong ni Caleb sa kaniya.“Ano bang sinasabi mo? Nakita kita saan? Naglalakad-lakad lang ako kanina pa.” pagdadahilan niya. Naupo si Caleb sa tabi ni Caroline saka niya hinawakan sa kamay si Caroline para iharap ito sa kani
Pinanuod ni Caroline ang lahat ng mga model at pansin niyang lahat ng mga gown na suot ng mga ito ay magaganda rin. Kinakabahan na siya kung may isa man lang taong magugustuhan ang mga designs niya. May mga bigatin man lang bang bibili ng mga gowns niya. Pinanghihinaan siya ng loob dahil lahat din ng mga naimbitahan sa runway show na mga designers ay magagaling din. Kung sabagay, baguhan lang naman siya at ang mga kasabayan niya ay mga sikat na mga designers.‘This is your first time, may next year pa naman kung sakaling hindi ka mapili. You can do it.’ Pagpapalakas ni Caroline sa sarili niya. Nang makita niyang si Brianna na ang lalabas ay napaayos siya ng upo. Napatingin si Caroline sa mga katabi niya at sa mga nasa harapan na nag-uusap-usap tungkol kay Brianna. Namamangha ring nakatingin si Caroline kay Brianna. Hindi niya alam kung maganda ba talaga ang mga designs niya o nabigyan lang ni Brianna ng hustisya ang gown na suot nito.Muling humugot ng malalim na buntong hininga si Ca
Nakarating ang team ni Caroline sa Spain. Nasa hotel na si Caroline nakatayo sa harap ng malaking salamin. Pinagmamasdan ang pag-aagaw ng dilim at liwanag. Naaalala niya na naman si Caleb. Kumusta na kaya ito? Hindi man lang nito magawang tumawag o magtext sa kaniya. Sigurado siyang sa mga oras na ‘to nakita na ni Caleb ang mga messages at missed calls niya pero wala pa rin siyang natatanggap na reply.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Caroline.“Ma’am,” agaw atensyong wika ni Mia. Hinarap naman ni Caroline ang secretary niya. “Nakaready na lahat ng mga gowns at nakaassign na rin sa mga model ang mga isusuot nila.” dagdag pa nito.“Mabuti naman kung ganun. Nagpapahinga na ba ang iba mong kasama?”“Oo, nasa kwarto na silang lahat. Kumain na rin sila. Ikaw kumain ka na ba?” tanong ni Mia. Umiling naman si Caroline dahil wala siyang ganang kumain. “Magpapadeliver ako ng pagkain natin dito. Kailangan mong kumain para mainom mo ang mga prenatal vitamins mo. Don’t stress y