Share

Chapter 2

Author: Moonstone13
last update Last Updated: 2024-06-08 07:25:39

Kinaumagahan, bago umalis ng bahay ang Daddy ni Girly, ay ipinaalala muna nito sa kanya na hindi siya pwedeng lumabas ng walang kasamang bodyguard.

Nagkibit balikat lang si Girly sa sinabi ng Daddy niya. Sinadya niya rin na hindi kausapin ang ama dahil gusto niyang ipakita at ipadama ang sama ng loob niya.

Dahil sa bad mood ang dalaga, hindi na siya nag almusal pa sa bahay nila at maaga siyang nagpunta sa main office nila na may nakabuntot na mga bantay.

Si Girly ang namamahala ng lahat ng negosyo ng pamilya nila. Mula ng maupong Mayor ng bayan nila ang kanyang ama ay sa kanya na ipinagkatiwala ang pagpapatakbo ng negosyo.

Ang Mommy naman nila ay may sariling dental clinic. Dentista kase ang kanyang ina. Habang ang bunso niyang kapatid na si Andrei ay nag aaral pa rin sa university.

Oras na ng lunch break, nasa loob pa rin si Girly ng opisina niya.

Tumaas ang isang kilay ng dalaga ng makita niyang pumasok si Vincent sa loob ng opisina niya na may bitbit na mga bulaklak.

"Hi, for you..," bati ng binata at ipinatong sa lamesa ni Girly ang mga bulaklak ng hindi iyon tanggapin ng dalaga.

"Bakit ka narito?" tanong ni Girly ng maupo sa tapat niya ang lalaki kahit na hindi naman niya inalok na umupo ito.

"Para makita ka at gusto ko sanang ayain ka na rin na magtanghalian." sagot ni Vincent.

"Nakapaglunch na ko kanina." wika ni Girly kahit ang totoo ay hindi pa siya nananghalian.

"Alam kong hindi ka pa kumakain, Girly. Mag lunch na lang tayo malapit dito o kaya kung gusto mo ay dito na lang. Magpabili na lang tayo ng pagkain sa labas." saad ni Vincent na pilit na ngumingiti kahit na napapahiya ito.

Nakabukas kase ang pintuan ng opisina ni Girly at naroon ang assistant ng dalaga at isang empleyada nila.

"Look, marami akong ginagawa at wala akong time para makipagplastikan sa iyo, Vincent. Alam kong may nagrereport sa inyo ni Daddy, kung anong ginagawa ko at kung nasaan ako. Alam ko ang totoong pakay mo rito. Hindi ako magpapakasal sa iyo dahil lang sa nakipagkasundo si Dad sa inyo. Hindi ninyo ako mapipilit sa gusto ninyong mangyari." prangkang saad ni Girly.

Ngumisi si Vincent at bumulong sa tainga ni Girly. "Wala ka namang magagawa kahit na tumutol ka sa kasunduan, matutuloy pa rin ang planong kasal."

Sinamaan ng tingin ni Girly si Vincent. Dama niya na may iba pa itong gustong sabihin sa kanya ngunit hindi nito masabi dahil naroon ang ilang tauhan niya malapit sa kanila.

"Kung ayaw mong kumain na kasama ako, fine! Kita na lang tayo bukas sa bahay ninyo. I'm sure namang nasabi na sa iyo ni Mayor na bukas na kami mamanhikan sa inyo." muling saad ni Vincent sa dalaga at tumayo na ito sa kinauupuan.

"Bakit mo kailangang ipilit ang sarili mo sa akin, Vincent? maraming babae diyan sa tabi na gugustuhin na makarelasyon mo o maging asawa mo. Bakit ako?" lakas loob na tanong ni Girly.

"Dahil ikaw ang gusto ko mula pa noon, Girly." walang alinlangang sagot ni Vincent sa kanya bago ito tuluyang lumabas sa opisina ng dalaga.

Nagpupuyos sa inis si Girly sa sinabing iyon ni Vincent. Naiinis siya sa kakulitan ng lalaki. Batid naman na kase ni Vincent na hindi niya ito gusto. Ilang beses na nga niyang binasted, pero sadyang obsessed sa kanya si Vincent.

Nakarating din sa kanya noon na kaya walang maglakas loob na manligaw sa kanya na ibang lalaki ay dahil sa pinagbabantaan ni Vincent ang mga nagbabalak pa lang na pumorma sa kanya.

One time nga ay may pinabugbog si Vincent na pinsan ng kaibigan niyang si Marina na akala ay nanliligaw sa kanya. Mula noon ay hindi na siya hinanapan ng magiging boyfriend ng mga kaibigan o kakilala niya.

Kaya lalong iniwasan ni Girly si Vincent dahil sa pagiging mapanakit nito. Nagseselos kahit na wala namang karapatan. Inaangkin siya nito, wala naman siyang binibigay na permiso. Paano niya pa gugustuhin ang lalaking alam niyang mahihirapan siyang pakisamahan at ang malalang naisip pa niya ay baka saktan lang din siya ni Vincent kapag naging asawa na niya ang lalaki.

"Hindi ko hahayaan na matali ako sa iyo, Vincent." aniya sa sarili ng makita niyang nakalabas na ng pintuan ang lalaki.

"Ma'am, totoo po bang malapit na kayong ikasal?" tanong ni Marites na isang staff sa opisina.

Napabuga ng hangin si Girly sa tanong na iyon at nakita niya rin sa mga mata ng assistant niya na interesado rin ito sa isasagot niya.

"Tess, gusto mong magtagal sa trabaho mo dito di ba?" patanong na sagot ni Girly sa babae.

"S'yempre naman po, Ma'am Girly." agad na sagot ni Marites.

"Then, iwasan mong maging tsismosa. Ayokong makarating sa ibang tao ang kung anong nakita at narinig ninyong dalawa ni Claudia kanina, nagkakaintindihan ba tayong tatlo?" mariing utos ni Girly sa dalawang babae na sabay naman na sumagot ng yes Ma'am sa kanya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Girly De tomas
wow ... ganda thnak you mis A
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Runaway Bride's Keeper   Chapter 124- Finale.

    Matapos ang araw ng libing ng daddy ni Girly ay binasa na ng abogado ng kanilang ama ang last will and testament nito. Hinati ang seventy percent na naiwang yaman ng former Mayor Francisco kina Girly at Andrei Adrian. Ang natirang thirty percent ay sa kanilang mommy at ang mga naipundar na bahay. Ang mga negosyong nakapangalan sa kanilang ama ay nailipat na sa pangalan ni Girly at Andrei. Naiyak si Girly sa nalaman niya. Dahil hindi niya na inasahan na pareho pa sila ng kapatid niya ng matatanggap na yaman. Ang ini-expect niya ay mas lamang ang ibibigay ng daddy niya kay Andrei. Ang totoo ay hindi na talaga siya umasa na may makukuha pa siyang mana buhat sa kanyang daddy. Nang matapos basahin nang abogado ang testamento ay umalis na ito. Tatayo na sana si Girly nang awatin siya ng mommy niya at may inabot sa kanyang puting papel. "Sulat iyan ng daddy mo para sa 'yo. Basahin mo," Kinakabahang binuklat ni Girly ang papel at tahimik na binasa ang sulat. Bumagsak ang namuong luha niy

  • The Runaway Bride's Keeper   Chapter 123

    "Nandito na tayo," wika ni Enrico sa katabi niyang halatang kinakabahan. "Gusto mo bang palapitin ko muna rito ang best friend mong si Marina. Baka makatulong s'ya sa iyo kapag kayo munang dalawa ang mag-uusap." suhest'yon ni Enrico kay Girly. Matipid na ngiti ang itinugon ni Girly kay Enrico at tinawagan naman agad ni Enrico si Marina. "Hello, Marina. Narito kami ni Girly sa labas ng funeral chapel. Pwede bang puntahan mo siya dito at kausapin? Okay, thank you..," pakikipag-usap ni Enrico sa kaibigan ni Girly. "Pupunta raw ba?" tanong ni Girly. "Oo, palabas na siguro yun. O ayan na pala siya. Lalabas muna ako. Kumustahin ko lang sina Moralez." "Huwag kang lalayo ah!" pakiusap ni Girly na hinawakan ang braso ni Enrico nang akma na itong lalabas ng sasakyan. Ngumiti si Enrico sa kanya. "Hindi ako lalayo, sa labas lang ako ng sasakyan." "O-okay!" saad ni Girly at binitiwan na si Enrico. Pagkalabas ni Enrico sa sasakyan ay lumabas din ang driver nila na si Mang Cardo at naiwang

  • The Runaway Bride's Keeper   Chapter 122

    "Can't sleep?" mahinang tanong ni Enrico nang nakapikit pa ang mga mata. "Huh!" nagtakang reaksyon ni Girly. Ang alam niya kase ay tulog na si Enrico kanina pa. Nang sulyapan niya ang katabi ay dumilat ito at ibinangon ang katawan. "Hindi ka makatulog?" muling tanong ni Enrico kay Girly na panay ang baling ng katawan sa kama at sunud-sunod ang pagbuntong hininga, kaya siya nagising. "Nagising ba kita? Sorry ha, hindi ako makatulog eh! Hindi maalis sa isip ko ang pangamba na baka biglang sumulpot si Vincent sa burol ni Daddy kapag nakarating sa kanyang bumalik na ako sa amin." hinging paumanhin ni Girly at pag-amin kay Enrico. "Di ba sinabi ko naman sa iyo na hindi ka na niya magagambala pa. Kasama mo naman ako at hindi ako aalis sa iyong tabi." pagpapakalma naman ni Enrico sa kanya. "Alam ko naman yun, Bebelabs. At iyon kanina pa ang ginagawa ko pero wala ring epekto." saad ni Girly. "May alam akong paraan para madistract ang isipan mo sa naiisip mo." mahinang usal ni Enrico.

  • The Runaway Bride's Keeper   Chapter 121

    Matapos ang mainit na sagupaan nila sa kama ay sinabi na rin ni Enrico kay Girly ang nangyari sa ama nito. "Kailan pa?!" nagdadalamhati at lumuluhang tanong ni Girly. "Kahapon daw, inatake sa puso ang daddy mo." sagot ni Enrico. "Paano mo nalaman? Si Marina ba ang nagsabi sa iyo? Tinawagan ko siya kanina pero hindi niya sinagot ang tawag ko. Nag message rin ako pero hindi niya pa rin ata nabasa." "Hindi siya, si Moralez ang tumawag sa akin at nagbalitang nakaburol na nga ang daddy mo. Anong plano mo ngayon?" "Gusto kong makita si Dad. Gusto kong damayan at alalayan si Mommy sa pagluluksa niya sa pagkamatày ni Daddy. Pero natatakot akong baka manggulo sina Vincent sa burol ng daddy ko." "Hindi ka na n'ya magagawan uli ng masama dahil pinaghahanap na s'ya ng mga pulis at nagtatago pa siya ngayon. Ako ang bahala sa iyo, sa inyo ng baby natin. Sasamahan kitang bumalik sa pamilya mo at magpapakilala na rin ako ng pormal sa mommy mo at sa kapatid mo." Walang balak si Enrico na ipaal

  • The Runaway Bride's Keeper   Chapter 120

    Buong araw na hindi nakasama ni Girly si Enrico at pagabi na ng dumating sa resort ang lalaking mahal niya. "Sa wakas nakabalik ka na!" salubong ni Girly sabay yakap sa baywang ni Enrico ng makita niyang bumukas ang pintuan at pumasok ito. "Na miss mo talaga ako ah!" nakangiting saad ni Enrico sa kanya na itinaas pa ang hinawakang baba niya para magtama ang kanilang mga mata. "S'yempre naman! Kahit na magkausap tayo kanina sa phone ng matagal iba pa rin yung nasa tabi kita. Bakit ikaw, hindi ba?" saad niya at tanong. "Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong paliparin ang sasakyan makapiling ka lang muli. I miss you so much, Loves!" lambing ni Enrico sa kanya at mabilis siya nitong hinalìkan sa labi. Nahampas ni Girly sa balikat si Enrico dahil naalala niyang naroon pala sa tabi nila si Sheila na ngiting-ngiti na pinagmamasdan sila. "Nahihiya ka pa kay Sheila? Alam naman niyang madalas natin gawin ito. Di ba, Sheila?" wika ni Enrico. "Oo nga naman, Ate Girly. Magkaka-baby na n

  • The Runaway Bride's Keeper   Chapter 119

    Ilang oras ang lumipas at nagising si Vincent na may kakaibang pakiramdam. Nakahiga siya sa surgery operation table kung saan doon din itinali, pinagsamantalahan at binawian ng buhay si Caroline kanina. "Anong ginawa ninyo sa akin? Nasaan ako? Bakit ako narito?" mga tanong ni Vincent na nanghihina pa rin. Napansin niyang may tatlong lalaki na nasa tabi niya. "Nasaan si Briones, nasaan siya?!" galit na sigaw ni Vincent. Babangon sana siya ng madama niyang may kakaiba o mali sa katawan niya. Inalis niya ang kumot na nakapatong sa katawan niya at laking gulat niya ng makita niyang wala na siyang mga binti. "Aaahhh!!" sigaw ni Vincent at humagulhol ng iyak. "Ang mga paa ko! Mga hayop kayo, pinutol ninyo ang mga binti ko. Napakawalanghiya mo, Briones!" gigil na sigaw ni Vincent na naririnig ni Enrico. Kinontak ni Enrico ang doctor na initusan niyang pumutol ng mga binti ni Vincent. "Oras na para ang mga braso naman niya ang putulin mo, Doc." seryosong utos muli ni Enrico. "Sige!" sag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status