Share

Chapter 3

Author: Moonstone13
last update Last Updated: 2024-06-08 07:42:25

Gabi na ng umuwi si Girly sa bahay nila at sinadya niyang magpagabi, upang hindi niya makita ang kanyang ama.

"Ginabi ka ng uwi?" bungad na tanong ni Lydia sa anak.

"Mom, bakit gising ka pa?" nagulat na tanong ni Girly dahil hindi niya napansin kanina ang kanyang ina na naghihintay sa kanya sa sala.

"Gusto kong makausap ka. Alam kong ayaw mong pag usapan ang tungkol sa kasunduang kasal, kaya ka umiiwas sa amin ng iyong ama."

"Mommy, pagod ako."

"Galit ka sa Daddy mo at nauunawaan kita. Ako rin naman ay hindi sang ayon sa gustong mangyari ng ama mo. Kausapin mo siyang muli at pakinggan. Baka sakaling maunawaan mo siya." payo ni Lydia sa anak.

"Anong gusto mong gawin ko Mommy, magmakaawa kay Dad? makikinig ba siya sa akin? hindi naman di ba?! mag aaksaya lang ako ng laway at luha, dahil kahit na mag iiyak ako sa harapan niya ay hindi niya pa rin babaguhin ang desisyon niya." may hinanakit na wika ni Girly.

"Nag usap kami ng Dad mo kanina at gusto niyang ipaintindi sa iyo na kailangan mong sundin ang napagkasunduan nila ni Governor. Maceda, dahil kung hindi ay malalagay sa alanganin ang pangalang iniingatan ng iyong ama. Marami ng nalalaman sa kanya si Governor at naiipit ang iyong ama, kaya siya pumayag na ipakasal ka kay Vincent. Alam mong mataas ang pangarap ng iyong ama, kaya lahat ay ginagawa niya para lang matupad ang pangarap niyang iyon." litanyang wika ni Lydia sa anak.

"Ano 'to Mommy, emotional blackmail? kaya mo ako kinakausap ngayon para mapapayag na rin sa gusto ni Dad? Nakumbinsi ka na ni Dad, hindi ka naman sigurado kung totoo nga ang sinasabi niya sa iyo. Paano kung gawa-gawa lang ni Daddy ang sinabi niya sa 'yo?"

"Pero paano kung totoo nga, Girly? Paano ang Daddy mo, ang pamilya natin? Hindi kakayanin ng iyong ama ang kahihiyan kung sakali na isiwalat nila Vincent ang pandarayang ginawa ng Daddy mo noong nakaraang eleksyon."

"Mom, future ko ang nakasalalay. Kasalanan ko ba na may ginawang kalokohan si Dad, para siya manalo at ngayon natatakot siyang malaman ng ibang tao ang ginawa niyang kabalastugan. Mommy, ayoko..., matuloy man ang planong kasal sa simbahan hindi pa rin ako magsasabi ng yes i do, sa anak ni Governor Maceda." pagmamatigas ni Girly na ikinabuntong hininga ng kanyang ina.

"Anak, gawin mo na lang ang gusto ng Daddy mo. Pakasalan mo si Vincent, alang-alang na lang sa akin at sa kapatid mo. Ako na ang nakikiusap sa iyo. Ayokong madawit ang pamilya natin sa iskandalo." aning pakiusap ni Lydia kay Girly.

Kilala ni Girly ang kanyang Mommy. Palagay niya ay nadramahan na naman ng kanyang Daddy ang Mommy niya. "Hanggang kailan ninyo ako gustong magsakripisyo para sa inyo ni Dad, Mommy?" malungkot na saad ni Girly.

"I'm sorry, anak. Alam kong unfair sa iyo ang hinihingi kong pabor. Iniisip ko lang ang maaaring mangyari sa ating mag anak kung sakali na hindi natin pinagbigyan ang gusto nila Governor. Hindi ko kaya anak na malagay sa alanganin ang lahat ng pinaghirapan namin ng iyong ama. Ayoko rin na maapektuhan si Andrei, mahina ang katawan ng kapatid mo dahil sa sakit niya at hindi pa nakakatapos ng college." pagpapaunawa kay Girly ng Mommy niya.

"Pag iisipan ko, hayaan ninyo iko-consider ko ang mga sinabi mo. Sa ngayon hindi ko pa alam ang isasagot ko, Mommy." ang nasabi lang ni Girly at iniwan na ang ina sa sala.

Pagpasok ni Girly sa loob ng kanyang silid ay ibinagsak niya ang pagod na katawan sa ibabaw ng malambot na kama. Nanatili siyang nakahiga at nakatitig sa kisame. Gusto niyang pag isipan ang sinabi ng kanyang Mommy ngunit lutang naman ang isip niya.

Tunog ng cellphone niya ang nagpabangon sa kanya sa kama.

Kinuha niya ang kanyang cellphone sa loob ng bag na dala kanina. "Napatawag ka?" tanong ni Girly ng iaccept na niya ang call.

"Maybe because i know na kailangan mo ng kausap ngayon." sagot ng kaibigan ni Girly na si Marina.

"Bakit, anong tsismis ang nakarating na sa iyong radar?"

"Tsismis ba talaga?" komento ni Marina.

"Bakit hindi ka na lang magpunta dito sa bahay. Dito tayo mag usap sa kwarto ko. I need a hug, Marina."

"Malaki pala ang problema mo hindi ka nagsasabi. Kung hindi pa ako tatawag ay wala kang sasabihin. Hintayin mo ko diyan, darating ako." wika ng kaibigan ni Girly.

"Dumiretso ka na lang sa room ko, kapag nakarating ka na." bilin ni Girly kay Marina bago niya ini-end ang call.

Ilang minuto lang ang pinaghintay ni Girly ng pumasok sa silid niya si Marina at saktong katatapos lang din naman niyang maligo.

"Ang higpit ng bantay ninyo ngayon sa labas ng bahay ah! Bakit, anong nangyari?" saad ni Marina ng makalapit sa kanya at yumakap ng mahigpit.

"Talagang tinotoo ni Dad, ang mahigpit na pagbabantay sa akin. Alam niya kaseng anytime ay maaari ko silang takasan."

"Tatakas?! Alam mo naguguluhan na 'ko sa iyo eh, pwede bang ikwento mo na from the top ng maunawaan ko ang mga pinagsasabi mo." angal ni Marina sa kanya.

"Ipapakasal ako ni Dad, kay Vincent. Dahil gusto ni Governor Maceda na maging asawa ako ng anak niya."

"What?! bakit pumayag ang Daddy mo?"

"Sinabi sa akin kagabi ni Dad, ang napagkasunduan nila ni Governor. Tutulungan siya ng pamilya Maceda sa susunod na eleksyon para manalo. Pero ang gusto ni Governor ay makasal kami ni Vincent kaagad." sagot ni Girly na naunawaan na ni Marina.

"Pumayag ka?" tanong ni Marina.

"Of course, hindi noh! Alam naman ninyo na hindi ko type si Vincent at ilang beses ko na ngang binasted pero sadyang makapal ang mukha na nagpipilit na gustuhin ko siya."

"Anong sabi ng Daddy mo? Ang Mommy mo, anong naging reaksyon?"

"What do you think? kilala mo ang Daddy ko, hindi yun tumatanggap ng rejection. Palagi naman gusto niya ang masusunod at kami dito nila Mommy ay tau-tauhan niya lang." paghihimutok ni Girly at sinabi pa niya sa kaibigan ang pinag usapan nila ng Mommy niya kanina.

"Malaking problema nga iyan!" sambit ng kaibigan ni Girly.

"Kaya nga tulungan mo ko, Marina."

"Ha?! papaano naman kita matutulungan?"

"May naisip na akong plano kanina habang hinihintay kita. Kooperasyon mo lang ang kailangan ko. Huwag mo na lang ipaalam sa iba ang pinag-usapan natin para hindi makahalata sina Dad sa plano ko." saad ni Girly.

"Sure ka na ba diyan? naiintindihan naman kita na ayaw mong makasal kay Vincent pero paano ang Daddy mo? ang Mommy at kapatid mo?"

"Hindi ko kayang sundin ang gusto nilang ipagawa sa akin, Marina. Ayokong makasal sa lalaking hindi ko mahal." wika ni Girly.

"Hindi ako naniniwala sa sinabi ni Dad kay Mommy. Gusto niya lang gamitin sa akin si Mommy para pumayag na ako sa kasunduan nila ni Governor." saad pa ng dalaga.

Bumuntong hininga si Marina dahil masyadong mabigat ang naging problema ng kaibigan.

"Ano, maasahan ba kita? tutulungan mo ba ako?" tanong ni Girly kay Marina.

"Sige, pero ipangako mo sa akin na ano man ang mangyari iingatan mo ang sarili mo kapag nakalayo ka na dito sa atin."

"Oo naman, pangako na kapag maayos na uli ang lahat, babalik ako dito. Hihingi ako ng tawad sa mga magulang at kapatid ko." nangangakong wika ni Girly sa kaibigan.

"Dalasan mo ang punta sa opisina ko. Hindi tayo pwedeng mag chat sa messenger tungkol sa plano. Dapat maging malinis ang lahat para hindi na ako higpitan ni Dad. Kukunin ko muna ang tiwala nilang lahat para bawasan ang mga bantay ko." bilin niya pa kay Marina na sinang-ayunan din nito at inihayag na niya ang mga planong naisip niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Girly2 De tomas
galingan mo magplano dai girl hahahahha
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Runaway Bride's Keeper   Chapter 124- Finale.

    Matapos ang araw ng libing ng daddy ni Girly ay binasa na ng abogado ng kanilang ama ang last will and testament nito. Hinati ang seventy percent na naiwang yaman ng former Mayor Francisco kina Girly at Andrei Adrian. Ang natirang thirty percent ay sa kanilang mommy at ang mga naipundar na bahay. Ang mga negosyong nakapangalan sa kanilang ama ay nailipat na sa pangalan ni Girly at Andrei. Naiyak si Girly sa nalaman niya. Dahil hindi niya na inasahan na pareho pa sila ng kapatid niya ng matatanggap na yaman. Ang ini-expect niya ay mas lamang ang ibibigay ng daddy niya kay Andrei. Ang totoo ay hindi na talaga siya umasa na may makukuha pa siyang mana buhat sa kanyang daddy. Nang matapos basahin nang abogado ang testamento ay umalis na ito. Tatayo na sana si Girly nang awatin siya ng mommy niya at may inabot sa kanyang puting papel. "Sulat iyan ng daddy mo para sa 'yo. Basahin mo," Kinakabahang binuklat ni Girly ang papel at tahimik na binasa ang sulat. Bumagsak ang namuong luha niy

  • The Runaway Bride's Keeper   Chapter 123

    "Nandito na tayo," wika ni Enrico sa katabi niyang halatang kinakabahan. "Gusto mo bang palapitin ko muna rito ang best friend mong si Marina. Baka makatulong s'ya sa iyo kapag kayo munang dalawa ang mag-uusap." suhest'yon ni Enrico kay Girly. Matipid na ngiti ang itinugon ni Girly kay Enrico at tinawagan naman agad ni Enrico si Marina. "Hello, Marina. Narito kami ni Girly sa labas ng funeral chapel. Pwede bang puntahan mo siya dito at kausapin? Okay, thank you..," pakikipag-usap ni Enrico sa kaibigan ni Girly. "Pupunta raw ba?" tanong ni Girly. "Oo, palabas na siguro yun. O ayan na pala siya. Lalabas muna ako. Kumustahin ko lang sina Moralez." "Huwag kang lalayo ah!" pakiusap ni Girly na hinawakan ang braso ni Enrico nang akma na itong lalabas ng sasakyan. Ngumiti si Enrico sa kanya. "Hindi ako lalayo, sa labas lang ako ng sasakyan." "O-okay!" saad ni Girly at binitiwan na si Enrico. Pagkalabas ni Enrico sa sasakyan ay lumabas din ang driver nila na si Mang Cardo at naiwang

  • The Runaway Bride's Keeper   Chapter 122

    "Can't sleep?" mahinang tanong ni Enrico nang nakapikit pa ang mga mata. "Huh!" nagtakang reaksyon ni Girly. Ang alam niya kase ay tulog na si Enrico kanina pa. Nang sulyapan niya ang katabi ay dumilat ito at ibinangon ang katawan. "Hindi ka makatulog?" muling tanong ni Enrico kay Girly na panay ang baling ng katawan sa kama at sunud-sunod ang pagbuntong hininga, kaya siya nagising. "Nagising ba kita? Sorry ha, hindi ako makatulog eh! Hindi maalis sa isip ko ang pangamba na baka biglang sumulpot si Vincent sa burol ni Daddy kapag nakarating sa kanyang bumalik na ako sa amin." hinging paumanhin ni Girly at pag-amin kay Enrico. "Di ba sinabi ko naman sa iyo na hindi ka na niya magagambala pa. Kasama mo naman ako at hindi ako aalis sa iyong tabi." pagpapakalma naman ni Enrico sa kanya. "Alam ko naman yun, Bebelabs. At iyon kanina pa ang ginagawa ko pero wala ring epekto." saad ni Girly. "May alam akong paraan para madistract ang isipan mo sa naiisip mo." mahinang usal ni Enrico.

  • The Runaway Bride's Keeper   Chapter 121

    Matapos ang mainit na sagupaan nila sa kama ay sinabi na rin ni Enrico kay Girly ang nangyari sa ama nito. "Kailan pa?!" nagdadalamhati at lumuluhang tanong ni Girly. "Kahapon daw, inatake sa puso ang daddy mo." sagot ni Enrico. "Paano mo nalaman? Si Marina ba ang nagsabi sa iyo? Tinawagan ko siya kanina pero hindi niya sinagot ang tawag ko. Nag message rin ako pero hindi niya pa rin ata nabasa." "Hindi siya, si Moralez ang tumawag sa akin at nagbalitang nakaburol na nga ang daddy mo. Anong plano mo ngayon?" "Gusto kong makita si Dad. Gusto kong damayan at alalayan si Mommy sa pagluluksa niya sa pagkamatày ni Daddy. Pero natatakot akong baka manggulo sina Vincent sa burol ng daddy ko." "Hindi ka na n'ya magagawan uli ng masama dahil pinaghahanap na s'ya ng mga pulis at nagtatago pa siya ngayon. Ako ang bahala sa iyo, sa inyo ng baby natin. Sasamahan kitang bumalik sa pamilya mo at magpapakilala na rin ako ng pormal sa mommy mo at sa kapatid mo." Walang balak si Enrico na ipaal

  • The Runaway Bride's Keeper   Chapter 120

    Buong araw na hindi nakasama ni Girly si Enrico at pagabi na ng dumating sa resort ang lalaking mahal niya. "Sa wakas nakabalik ka na!" salubong ni Girly sabay yakap sa baywang ni Enrico ng makita niyang bumukas ang pintuan at pumasok ito. "Na miss mo talaga ako ah!" nakangiting saad ni Enrico sa kanya na itinaas pa ang hinawakang baba niya para magtama ang kanilang mga mata. "S'yempre naman! Kahit na magkausap tayo kanina sa phone ng matagal iba pa rin yung nasa tabi kita. Bakit ikaw, hindi ba?" saad niya at tanong. "Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong paliparin ang sasakyan makapiling ka lang muli. I miss you so much, Loves!" lambing ni Enrico sa kanya at mabilis siya nitong hinalìkan sa labi. Nahampas ni Girly sa balikat si Enrico dahil naalala niyang naroon pala sa tabi nila si Sheila na ngiting-ngiti na pinagmamasdan sila. "Nahihiya ka pa kay Sheila? Alam naman niyang madalas natin gawin ito. Di ba, Sheila?" wika ni Enrico. "Oo nga naman, Ate Girly. Magkaka-baby na n

  • The Runaway Bride's Keeper   Chapter 119

    Ilang oras ang lumipas at nagising si Vincent na may kakaibang pakiramdam. Nakahiga siya sa surgery operation table kung saan doon din itinali, pinagsamantalahan at binawian ng buhay si Caroline kanina. "Anong ginawa ninyo sa akin? Nasaan ako? Bakit ako narito?" mga tanong ni Vincent na nanghihina pa rin. Napansin niyang may tatlong lalaki na nasa tabi niya. "Nasaan si Briones, nasaan siya?!" galit na sigaw ni Vincent. Babangon sana siya ng madama niyang may kakaiba o mali sa katawan niya. Inalis niya ang kumot na nakapatong sa katawan niya at laking gulat niya ng makita niyang wala na siyang mga binti. "Aaahhh!!" sigaw ni Vincent at humagulhol ng iyak. "Ang mga paa ko! Mga hayop kayo, pinutol ninyo ang mga binti ko. Napakawalanghiya mo, Briones!" gigil na sigaw ni Vincent na naririnig ni Enrico. Kinontak ni Enrico ang doctor na initusan niyang pumutol ng mga binti ni Vincent. "Oras na para ang mga braso naman niya ang putulin mo, Doc." seryosong utos muli ni Enrico. "Sige!" sag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status