Araw ng sabado, natuloy ang pamamanhikan ni Vincent sa bahay ng mga Francisco. Kasama niya ang buo niyang pamilya, upang opisyal na hingin ang kamay ni Girly sa mga magulang ng dalaga.
"Good evening, Governor, Mrs. Maceda." bating pagsalubong ni Girly sa mga magulang ni Vincent. Maayos na pinakiharapan ni Girly ang pamilya ng binata dahil nangako siya sa kanyang Mommy na hindi siya gagawa ng eksena para masira ang gabi ng pamamanhikan nila Vincent. Dahil batid ng ama ni Girly na labag pa rin sa loob ng anak ang pagpapakasal kay Vincent ay hindi nito hinayaan na magsalita ng matagal si Girly. Inililihis ng ama ng dalaga ang usapan kapag panay ang tanong ng ina ni Vincent kay Girly na napapansin naman ni Governor Maceda kaya pinatahimik na ang asawa nito. Naitakda ang kasal ni Girly kay Vincent, isang buwan matapos ang pamamanhikan. Nagtataka man ang dalaga kung bakit nagmamadali ang pamilya Maceda ay hindi na niya iyon itinanong pa. Nang makaalis na ang pamilya ni Vincent sa bahay nila Girly ay nilapitan siya ng Daddy niya at kinompronta. "Bakit hindi ka kumontra ng sabihin nila kung kailan ang araw ng kasal ninyo ni Vincent?" "Saan ba ninyo ako gustong lumugar Dad? hindi kita maintindihan! Sinunod ko na ang gusto mo, pero parang hindi ka pa rin masaya. Ikaw itong nakipagkasundo sa mga Maceda at nagpilit sa akin na tanggapin ang magiging kapalaran ko sa piling ni Vincent. Ngayong pumayag na ako sa gusto mo ay magtataka ka kung bakit nanahimik lang ako. Ano ba talaga ang gusto mo Dad?!" pikong wika ni Girly. Natameme naman ang Daddy ni Girly. "Kung sinabi ko ba ang tunay kong nararamdaman habang namamanhikan sina Vincent, may silbi ba? Wala rin, kase kayo naman ang masusunod sa lahat ng bagay. Now tell me Dad, may sense pa ba sa inyo ang lahat ng magiging opinyon o sasabihin ko?" litanya pa ni Girly sa Daddy niya. "Magpahinga ka na. May mga lalakarin pa kayo ni Vincent bukas." iyon lang ang nasabi ni Mayor Francisco sa anak. Bagsak ang balikat ni Girly na tinalikuran ang ama. Mabilis na lumipas ang mga araw at kalat na sa bayan nila Girly ang pagpapakasal nila ni Vincent. Nakahanda na rin ang lahat sa araw ng kanilang kasal. "Kasal mo na bukas Girly, ano na ang gagawin mo?" nag-aalalang tanong ni Marina. Kasalukuyan silang nasa loob ng opisina ni Girly. Nagpilit pa rin siyang pumasok sa trabaho kahit na pinipigilan siya ng kanyang Mommy dahil bukas na ang kasal niya. "Stick to the plan pa rin, walang magbabago. Dala mo ba ang ipinabili ko sa iyo?" "Oo, dalawang bote yan, just in case na mawala ang isa, may nakareserba ka. Girly, sigurado ka ba na kaya mong mag isa?" "Don't worry about me. Nakuha ko na ang tiwala nila Dad, kaya binawasan na ang bantay ko. Yung kausap mong haharang sa mga susunod na kotse sa bridal car, okay na ba?" "Oo, nakapagbigay na ako ng bayad sa kanila. Alam na nila ang gagawin. Sabi ko sa kanila kapag nagawa nila ng maayos ang trabaho nila ay bibigyan ko sila ng bonus." "Good, salamat Marina." "Yung usapan natin, wag mong kalilimutan. Tatawagan mo 'ko agad kapag nakalayo ka na dito." "Oo, hindi ko kalilimutan. Ayokong mag-alala ka ng sobra ng dahil sa akin. Itabi mo muna ang pera ko, Marina. Five hundred thousand yan. Magsasabi ako sa iyo kapag kailangan kong magparemit. Hindi ko pwedeng gamitin ang mga credit card at ID ko dahil madali akong makikita nila Dad kapag ginamit ko ang mga yun. Makikisuyo ako sa ibang tao na pwede mong padalhan ng pera. Mag iingat ka, Marina. Kapag nakatakas ako, alam kong ikaw ang unang paghihinalaan nila Daddy na tumulong sa akin. Wag kang aamin kahit anong mangyari." "Alam ko na yun at handa ako magsinungaling para sa ikabubuti mo, Girly. Hindi ang anak ni Governor Maceda, ang lalaking karapat-dapat mong maging asawa. Sasaktan ka lang ng lalaking iyon kapag siya ang nakatuluyan mo. Yun ngang hindi pa kayo ay pinagbabantaan ka niya, ano pa kaya kapag nakasal ka sa kanya." wika ni Marina na hindi talaga boto kay Vincent. "I'm so blessed to have you. Ang swerte ko dahil sa mayroon akong kaibigan na katulad mo. Makakabawe rin ako sa iyo pagdating ng araw." saad ni Girly na ikinangiti ni Marina sa kanya. "Alam mo na ba Girly, kung saan ka pupunta?" "Hindi ko pa alam, bahala na kung saan ako mapadpad. Ang importante makalayo ako dito." sagot ni Girly. Araw ng kasal... Maaga pa lang ay aligaga na ang mga tao sa bahay ng mga Francisco dahil tanghali ang oras ng kasal sa simbahan. Nauna na sa simbahan ang magulang at kapatid ni Girly at si Marina na lang ang makakasabay niya na umalis ng bahay. Hindi sila nag uusap pero panay ang tinginan nila sa salamin. "Ayan, napakaganda mong bride Ma'am. Bagay na bagay sa iyo ang wedding gown mo." saad ng nag make up sa dalaga. "True ka diyan, Baks. Sobrang ganda mo talaga Ma'am. Hindi kami magtataka kung bakit baliw na baliw sa iyo ang groom mo." "Mga tsismosa kayo, ang dami ninyong alam." aniyang nakangiti sa dalawang tumulong sa kanya para mag ayos. Katok sa pinto ang umabala sa pag uusap nila. "Ma'am, tumawag na ang Daddy mo. Pinahahatid na po kayo sa akin sa simbahan." "Sige po Mang Greg, susunod na kami sa labas." "Tulungan na kita, Girly." saad ni Marina. "Mauna na kaming lumabas sa inyo ni Baks." wika ng isang nag ayos kay Girly. "Salamat sa inyo. Mauna na rin kayo sa simbahan, susunod na kami." Pagkalabas ng dalawa sa silid ay mabilis na ibinulsa ni Girly ang bote ng chloroform at isang panyo sa suot niyang maiksing short pants. Nagbaon din siya ng ilang libong piso dahil alam niyang kakailanganin niya iyon. "Yung haharang sa daan ok na? hindi magsa-success ang plano kapag hindi nila naharang ang mga nakasunod sa bridal car." "Easy ka lang, naroon na sila at nakahanda na ang mga baka nilang dala. Mabuti na lang at marami kakilala si Mang Igme na nagpapastol ng mga baka dito sa probinsiya natin. Paglagpas ng bridal car ay ipanghaharang na nila sa daan ang mga bakang alaga nila." "Thank you...," "Ready ka na?" kinakabahang tanong ni Marina. "Oo, pero ipagdasal mo rin na magawa ko ang plano ko." aniya sa kaibigan na halatang kinakabahan din.Matapos ang araw ng libing ng daddy ni Girly ay binasa na ng abogado ng kanilang ama ang last will and testament nito. Hinati ang seventy percent na naiwang yaman ng former Mayor Francisco kina Girly at Andrei Adrian. Ang natirang thirty percent ay sa kanilang mommy at ang mga naipundar na bahay. Ang mga negosyong nakapangalan sa kanilang ama ay nailipat na sa pangalan ni Girly at Andrei. Naiyak si Girly sa nalaman niya. Dahil hindi niya na inasahan na pareho pa sila ng kapatid niya ng matatanggap na yaman. Ang ini-expect niya ay mas lamang ang ibibigay ng daddy niya kay Andrei. Ang totoo ay hindi na talaga siya umasa na may makukuha pa siyang mana buhat sa kanyang daddy. Nang matapos basahin nang abogado ang testamento ay umalis na ito. Tatayo na sana si Girly nang awatin siya ng mommy niya at may inabot sa kanyang puting papel. "Sulat iyan ng daddy mo para sa 'yo. Basahin mo," Kinakabahang binuklat ni Girly ang papel at tahimik na binasa ang sulat. Bumagsak ang namuong luha niy
"Nandito na tayo," wika ni Enrico sa katabi niyang halatang kinakabahan. "Gusto mo bang palapitin ko muna rito ang best friend mong si Marina. Baka makatulong s'ya sa iyo kapag kayo munang dalawa ang mag-uusap." suhest'yon ni Enrico kay Girly. Matipid na ngiti ang itinugon ni Girly kay Enrico at tinawagan naman agad ni Enrico si Marina. "Hello, Marina. Narito kami ni Girly sa labas ng funeral chapel. Pwede bang puntahan mo siya dito at kausapin? Okay, thank you..," pakikipag-usap ni Enrico sa kaibigan ni Girly. "Pupunta raw ba?" tanong ni Girly. "Oo, palabas na siguro yun. O ayan na pala siya. Lalabas muna ako. Kumustahin ko lang sina Moralez." "Huwag kang lalayo ah!" pakiusap ni Girly na hinawakan ang braso ni Enrico nang akma na itong lalabas ng sasakyan. Ngumiti si Enrico sa kanya. "Hindi ako lalayo, sa labas lang ako ng sasakyan." "O-okay!" saad ni Girly at binitiwan na si Enrico. Pagkalabas ni Enrico sa sasakyan ay lumabas din ang driver nila na si Mang Cardo at naiwang
"Can't sleep?" mahinang tanong ni Enrico nang nakapikit pa ang mga mata. "Huh!" nagtakang reaksyon ni Girly. Ang alam niya kase ay tulog na si Enrico kanina pa. Nang sulyapan niya ang katabi ay dumilat ito at ibinangon ang katawan. "Hindi ka makatulog?" muling tanong ni Enrico kay Girly na panay ang baling ng katawan sa kama at sunud-sunod ang pagbuntong hininga, kaya siya nagising. "Nagising ba kita? Sorry ha, hindi ako makatulog eh! Hindi maalis sa isip ko ang pangamba na baka biglang sumulpot si Vincent sa burol ni Daddy kapag nakarating sa kanyang bumalik na ako sa amin." hinging paumanhin ni Girly at pag-amin kay Enrico. "Di ba sinabi ko naman sa iyo na hindi ka na niya magagambala pa. Kasama mo naman ako at hindi ako aalis sa iyong tabi." pagpapakalma naman ni Enrico sa kanya. "Alam ko naman yun, Bebelabs. At iyon kanina pa ang ginagawa ko pero wala ring epekto." saad ni Girly. "May alam akong paraan para madistract ang isipan mo sa naiisip mo." mahinang usal ni Enrico.
Matapos ang mainit na sagupaan nila sa kama ay sinabi na rin ni Enrico kay Girly ang nangyari sa ama nito. "Kailan pa?!" nagdadalamhati at lumuluhang tanong ni Girly. "Kahapon daw, inatake sa puso ang daddy mo." sagot ni Enrico. "Paano mo nalaman? Si Marina ba ang nagsabi sa iyo? Tinawagan ko siya kanina pero hindi niya sinagot ang tawag ko. Nag message rin ako pero hindi niya pa rin ata nabasa." "Hindi siya, si Moralez ang tumawag sa akin at nagbalitang nakaburol na nga ang daddy mo. Anong plano mo ngayon?" "Gusto kong makita si Dad. Gusto kong damayan at alalayan si Mommy sa pagluluksa niya sa pagkamatày ni Daddy. Pero natatakot akong baka manggulo sina Vincent sa burol ng daddy ko." "Hindi ka na n'ya magagawan uli ng masama dahil pinaghahanap na s'ya ng mga pulis at nagtatago pa siya ngayon. Ako ang bahala sa iyo, sa inyo ng baby natin. Sasamahan kitang bumalik sa pamilya mo at magpapakilala na rin ako ng pormal sa mommy mo at sa kapatid mo." Walang balak si Enrico na ipaal
Buong araw na hindi nakasama ni Girly si Enrico at pagabi na ng dumating sa resort ang lalaking mahal niya. "Sa wakas nakabalik ka na!" salubong ni Girly sabay yakap sa baywang ni Enrico ng makita niyang bumukas ang pintuan at pumasok ito. "Na miss mo talaga ako ah!" nakangiting saad ni Enrico sa kanya na itinaas pa ang hinawakang baba niya para magtama ang kanilang mga mata. "S'yempre naman! Kahit na magkausap tayo kanina sa phone ng matagal iba pa rin yung nasa tabi kita. Bakit ikaw, hindi ba?" saad niya at tanong. "Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong paliparin ang sasakyan makapiling ka lang muli. I miss you so much, Loves!" lambing ni Enrico sa kanya at mabilis siya nitong hinalìkan sa labi. Nahampas ni Girly sa balikat si Enrico dahil naalala niyang naroon pala sa tabi nila si Sheila na ngiting-ngiti na pinagmamasdan sila. "Nahihiya ka pa kay Sheila? Alam naman niyang madalas natin gawin ito. Di ba, Sheila?" wika ni Enrico. "Oo nga naman, Ate Girly. Magkaka-baby na n
Ilang oras ang lumipas at nagising si Vincent na may kakaibang pakiramdam. Nakahiga siya sa surgery operation table kung saan doon din itinali, pinagsamantalahan at binawian ng buhay si Caroline kanina. "Anong ginawa ninyo sa akin? Nasaan ako? Bakit ako narito?" mga tanong ni Vincent na nanghihina pa rin. Napansin niyang may tatlong lalaki na nasa tabi niya. "Nasaan si Briones, nasaan siya?!" galit na sigaw ni Vincent. Babangon sana siya ng madama niyang may kakaiba o mali sa katawan niya. Inalis niya ang kumot na nakapatong sa katawan niya at laking gulat niya ng makita niyang wala na siyang mga binti. "Aaahhh!!" sigaw ni Vincent at humagulhol ng iyak. "Ang mga paa ko! Mga hayop kayo, pinutol ninyo ang mga binti ko. Napakawalanghiya mo, Briones!" gigil na sigaw ni Vincent na naririnig ni Enrico. Kinontak ni Enrico ang doctor na initusan niyang pumutol ng mga binti ni Vincent. "Oras na para ang mga braso naman niya ang putulin mo, Doc." seryosong utos muli ni Enrico. "Sige!" sag