"Mang Greg, itigil mo saglit ang kotse." utos ni Girly sa driver.
"Bakit po Ma'am?!" nagtatakang tanong ng driver pero sinunod din ang sinabi ni Girly. Mabilis na kumilos ang dalaga at nagawa niyang ipaamoy ang gamot na pampatulog kay Mang Greg. Nang mawalan ng malay ang driver ay inalis niya ang mahabang skirt ng wedding dress, ang suot niyang belo at mabilis na lumabas ng sasakyan. Tumakbo siya palayo sa bridal car habang hindi pa niya natatanaw ang mga sasakyang nakasunod sa kanila na naharangan ng maraming baka na ipinapastol. Walang nagawa ang mga tauhan ni Mayor dahil mabagal maglakad ang mga baka na nakaharang sa gitna ng kalsada. Lakad takbo ang ginawa ni Girly sa tabi ng daan. Hanggang sa makita niya ang nakahintong sasakyan na sa tingin niya ay nasiraan. Pasikretong pumasok si Girly sa loob ng sasakyang nakabukas. Pumwesto siya sa bandang likuran upang doon siya makapagtago. Ilang minuto lang ang hinintay ni Girly ng sumakay na sa driver seat ang lalaking nakita niya kaninang tumitingin sa makina ng kotse. May tumawag sa cellphone ng lalaki na agad na sinagot nito. "Hello, mali-late ako ng dating dahil tumirik sa daan ang dala kong sasakyan. Nakalimutan siguro ni Mang Cardo na tubigan itong van. Okay na, may napakiusapan akong rider kanina na ibili ako ng tubig ng baterya sa malapit na gasolinahan dito." wika ng lalaking walang kaaalam-alam na may kasama na siya sa loob ng sasakyan nito. "Nasa talyer ang kotse ko, pinadala ko kay Mang Cardo kahapon. Nakitaan ko ng malaking gasgas sa likuran. Nasagi siguro ng hindi ko namalayan. Mga isang oras mahigit nandiyan na ko, Bye na muna, Tita Remy." turan pa ng lalaki sa kausap nito sa cellphone na nadidinig ni Girly. Pinaandar na ng lalaki ang sasakyan kaya naman lumuwag na ang paghinga ni Girly dahil hindi mawala ang kaba niya kanina ng masilip niya na hinahanap na siya ng ilan sa mga tauhan ng Daddy niya. Hindi pa sila gaanong nakakalayo ng mapabahing si Girly at narinig siya ng may ari ng sasakyan. Itinigil nito ang Van at tumingin sa likurang upuan. "Sino ka?!" "M-Manong, pasensiya na ho kung nagtago ako sa sasakyan mo. Hinahabol po kase ako ng mga lalaki kanina." hinging paumanhin ni Girly na lumabas na sa pinagtataguan niya. Nagsalubong ang kilay ng lalaki ng makita ang ayos ng dalaga. "Runaway Bride ah!" komento ng lalaki. "Manong, pakiusap tulungan mo ko na makatakas sa mga humahabol sa akin. Babayaran kita kung kinakailangan, ilayo mo lang ako dito." "Hindi ko kailangan ng pera mo Miss. Bumaba ka na dahil ayokong madawit sa problema mo." "Manong, parang awa mo na, buhay ko ang nakasalalay dito. Ayokong makasal sa lalaking hindi ko mahal." "Wala akong pakialam sa problema mo, Miss. Bumaba ka na at sa iba ka na humingi ng tulong." "Manong naman, wala ka bang puso? Nakita mong liblib na itong lugar at ang ayos ko, nakasuot pa ako ng wedding gown. Kung pababain mo ako rito hindi kaya maging delikado ang buhay ko dito. Ganito na lang, tulungan mo ko na makalayo at hindi na mahabol ng mga tauhan ni Dad tapos lahat ng gusto mong ipagawa sa akin ay gagawin ko." "Sigurado ka?" "Oo, marunong ako tumupad sa binitiwan kong salita. Gagawin ko ang gusto mo, basta ilayo mo lang muna ako dito, Manong." Napangisi ang lalaki sa kadesperadahan ng babaeng makatakas sa mga humahabol rito. "Sige pagbibigyan kita, Miss." "Mabait ka naman pala Manong, pinahirapan mo pa akong makiusap. Thank you.," napangiti si Girly at umayos na ng upo sa loob ng sasakyan. Ipinagpatuloy ni Enrico ang pagmamaneho at pareho silang tahimik na nag iisip. Ilang oras ang lumipas at itinigil ni Enrico ang sasakyan. "May extra shirt akong dala diyan sa bag ko, malinis yon, kunin mo at isuot mo na muna. Malapit na tayo sa pupuntahan natin. Ayokong magtaka ang mga tao roon kung makita ka nilang nakasuot ng damit pangkasal." "Si-sige, pero wag kang titingin dito ha, sa daan ka lang tumingin." nahihiyang sambit ni Girly sa lalaki. "As if naman na maghuhubad ka. Hindi ako ma-attract ako sa katawan mo, Miss." "Bakit Manong, bakla ka ba?" Nasamid ang lalaki sa sinabi ni Girly sa kanya. "Ako, bakla?! hindi ka naman bulag Miss di ba?" sarkastikong saad na tanong ng lalaki kay Girly. "Kung hindi ka pala bakla, bakit hindi ka maaakit sa ganda ko?" nang iinis na wika ni Girly dahil sinadya niya naman sabihang bakla ang lalaki dahil para siyang ininsulto kanina nito. Gumanti lang naman siya. "Napakatanda ko na bang tignan para tawagin mo akong Manong? kanina ka pa manong ng manong, Miss runaway bride. Enrico Briones ang pangalan ko at hindi pa ako matanda para tawagin mong Manong, thirty two pa lang ako." Hindi sinagot ng lalaki ang tanong ni Girly bagkus iba ang sinabi sa kanya. "Sorry, yun kase ang nakasanayan namin. Hindi naman porket tinawag kitang manong ay matanda ka na. Pwede naman kaseng kuya ang ibig sabihin nun. Mukha namang mas may edad ka sa akin kaya pag respeto ko na rin yun sa iyo. Girly Francisco naman ang name ko," paliwanag ng dalaga at pagpapakilala na rin. Magaan ang loob ni Girly kay Enrico at wala siyang nararamdamang takot para sa lalaki kahit na medyo arogante at suplado ang dating sa kanya kanina ng lalaki. Napansin niya na guwapo si Enrico pero hindi doon nakatuon ang atensyon niya dahil ang nasa isip niya ay paano niya tatakasan ang mga humahabol sa kanya. "Malapit na tayo sa bahay, bago tayo tumuloy, gusto kong pag usapan natin ang gusto kong ipagawa sa iyo." "Huh?! bakit parang bigla akong natakot sa ipapagawa mo. Napakaseryoso mo naman, wala ka naman balak na pagsamantalahan ang pagkababae ko di ba?" may kabang wika ni Girly na ikinailing ng ulo ng lalaki at hindi naiwasan na mapangiti. Nakita iyon ni Girly kaya biglang naglaho ang kaba niya. "Ano bang ipapagawa mo? sabihin mo na." tanong ni Girly na nakapagpalit na ng damit. "Magpanggap kang girlfriend ko, hanggang sa makasal ang pinsan kong si Kelvin at ang fiancee niya." "What?!" gulat na tanong ni Girly. "Aarte ka lang na girlfriend ko sa harap ng mga kamag anak ko. Ano papayag ka? Nga pala ipapaalala ko lang sa iyo na nangako ka kanina na gagawin mo ang gusto ko." "Wala naman pala akong choice kundi ang sumunod sa ipapagawa mo, nagtanong ka pa! Sige gagawin ko, basta ipangako mo na itatago mo ako sa Daddy ko at kay Vincent ha." "Pangako, galingan mo ang pag arte lalo na sa harap ni Caroline." "Nakakaamoy ako ng love triangle ah!" komentong saad ni Girly. Nanahimik si Enrico at pinaandar ng muli ang sasakyan. "Kailangan ko pa lang malaman kung sino ka talaga. Baka mabuko tayo na nagpapanggap kung wala akong alam sa pagkatao mo." wika ni Girly. "Brix Enrico Ocampo Briones ang full name ko. Ako ang CEO ng Briones group of companies. Binata pa ako sa edad na thirty two, sa Amerika ako nagtapos ng college at isang taon pa lang mahigit mula ng bumalik ako dito sa atin." pagpapakilala uli ni Enrico. "Bilyonaryo ka pala, ang swerte ng mapapangasawa mo. Bakit pala gusto mong magpanggap akong girlfriend mo sa mga kamag anak mo?" curious na tanong ni Girly sa binata. "I will tell you later, pagdating natin sa bahay." wika ni Enrico.Matapos ang araw ng libing ng daddy ni Girly ay binasa na ng abogado ng kanilang ama ang last will and testament nito. Hinati ang seventy percent na naiwang yaman ng former Mayor Francisco kina Girly at Andrei Adrian. Ang natirang thirty percent ay sa kanilang mommy at ang mga naipundar na bahay. Ang mga negosyong nakapangalan sa kanilang ama ay nailipat na sa pangalan ni Girly at Andrei. Naiyak si Girly sa nalaman niya. Dahil hindi niya na inasahan na pareho pa sila ng kapatid niya ng matatanggap na yaman. Ang ini-expect niya ay mas lamang ang ibibigay ng daddy niya kay Andrei. Ang totoo ay hindi na talaga siya umasa na may makukuha pa siyang mana buhat sa kanyang daddy. Nang matapos basahin nang abogado ang testamento ay umalis na ito. Tatayo na sana si Girly nang awatin siya ng mommy niya at may inabot sa kanyang puting papel. "Sulat iyan ng daddy mo para sa 'yo. Basahin mo," Kinakabahang binuklat ni Girly ang papel at tahimik na binasa ang sulat. Bumagsak ang namuong luha niy
"Nandito na tayo," wika ni Enrico sa katabi niyang halatang kinakabahan. "Gusto mo bang palapitin ko muna rito ang best friend mong si Marina. Baka makatulong s'ya sa iyo kapag kayo munang dalawa ang mag-uusap." suhest'yon ni Enrico kay Girly. Matipid na ngiti ang itinugon ni Girly kay Enrico at tinawagan naman agad ni Enrico si Marina. "Hello, Marina. Narito kami ni Girly sa labas ng funeral chapel. Pwede bang puntahan mo siya dito at kausapin? Okay, thank you..," pakikipag-usap ni Enrico sa kaibigan ni Girly. "Pupunta raw ba?" tanong ni Girly. "Oo, palabas na siguro yun. O ayan na pala siya. Lalabas muna ako. Kumustahin ko lang sina Moralez." "Huwag kang lalayo ah!" pakiusap ni Girly na hinawakan ang braso ni Enrico nang akma na itong lalabas ng sasakyan. Ngumiti si Enrico sa kanya. "Hindi ako lalayo, sa labas lang ako ng sasakyan." "O-okay!" saad ni Girly at binitiwan na si Enrico. Pagkalabas ni Enrico sa sasakyan ay lumabas din ang driver nila na si Mang Cardo at naiwang
"Can't sleep?" mahinang tanong ni Enrico nang nakapikit pa ang mga mata. "Huh!" nagtakang reaksyon ni Girly. Ang alam niya kase ay tulog na si Enrico kanina pa. Nang sulyapan niya ang katabi ay dumilat ito at ibinangon ang katawan. "Hindi ka makatulog?" muling tanong ni Enrico kay Girly na panay ang baling ng katawan sa kama at sunud-sunod ang pagbuntong hininga, kaya siya nagising. "Nagising ba kita? Sorry ha, hindi ako makatulog eh! Hindi maalis sa isip ko ang pangamba na baka biglang sumulpot si Vincent sa burol ni Daddy kapag nakarating sa kanyang bumalik na ako sa amin." hinging paumanhin ni Girly at pag-amin kay Enrico. "Di ba sinabi ko naman sa iyo na hindi ka na niya magagambala pa. Kasama mo naman ako at hindi ako aalis sa iyong tabi." pagpapakalma naman ni Enrico sa kanya. "Alam ko naman yun, Bebelabs. At iyon kanina pa ang ginagawa ko pero wala ring epekto." saad ni Girly. "May alam akong paraan para madistract ang isipan mo sa naiisip mo." mahinang usal ni Enrico.
Matapos ang mainit na sagupaan nila sa kama ay sinabi na rin ni Enrico kay Girly ang nangyari sa ama nito. "Kailan pa?!" nagdadalamhati at lumuluhang tanong ni Girly. "Kahapon daw, inatake sa puso ang daddy mo." sagot ni Enrico. "Paano mo nalaman? Si Marina ba ang nagsabi sa iyo? Tinawagan ko siya kanina pero hindi niya sinagot ang tawag ko. Nag message rin ako pero hindi niya pa rin ata nabasa." "Hindi siya, si Moralez ang tumawag sa akin at nagbalitang nakaburol na nga ang daddy mo. Anong plano mo ngayon?" "Gusto kong makita si Dad. Gusto kong damayan at alalayan si Mommy sa pagluluksa niya sa pagkamatày ni Daddy. Pero natatakot akong baka manggulo sina Vincent sa burol ng daddy ko." "Hindi ka na n'ya magagawan uli ng masama dahil pinaghahanap na s'ya ng mga pulis at nagtatago pa siya ngayon. Ako ang bahala sa iyo, sa inyo ng baby natin. Sasamahan kitang bumalik sa pamilya mo at magpapakilala na rin ako ng pormal sa mommy mo at sa kapatid mo." Walang balak si Enrico na ipaal
Buong araw na hindi nakasama ni Girly si Enrico at pagabi na ng dumating sa resort ang lalaking mahal niya. "Sa wakas nakabalik ka na!" salubong ni Girly sabay yakap sa baywang ni Enrico ng makita niyang bumukas ang pintuan at pumasok ito. "Na miss mo talaga ako ah!" nakangiting saad ni Enrico sa kanya na itinaas pa ang hinawakang baba niya para magtama ang kanilang mga mata. "S'yempre naman! Kahit na magkausap tayo kanina sa phone ng matagal iba pa rin yung nasa tabi kita. Bakit ikaw, hindi ba?" saad niya at tanong. "Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong paliparin ang sasakyan makapiling ka lang muli. I miss you so much, Loves!" lambing ni Enrico sa kanya at mabilis siya nitong hinalìkan sa labi. Nahampas ni Girly sa balikat si Enrico dahil naalala niyang naroon pala sa tabi nila si Sheila na ngiting-ngiti na pinagmamasdan sila. "Nahihiya ka pa kay Sheila? Alam naman niyang madalas natin gawin ito. Di ba, Sheila?" wika ni Enrico. "Oo nga naman, Ate Girly. Magkaka-baby na n
Ilang oras ang lumipas at nagising si Vincent na may kakaibang pakiramdam. Nakahiga siya sa surgery operation table kung saan doon din itinali, pinagsamantalahan at binawian ng buhay si Caroline kanina. "Anong ginawa ninyo sa akin? Nasaan ako? Bakit ako narito?" mga tanong ni Vincent na nanghihina pa rin. Napansin niyang may tatlong lalaki na nasa tabi niya. "Nasaan si Briones, nasaan siya?!" galit na sigaw ni Vincent. Babangon sana siya ng madama niyang may kakaiba o mali sa katawan niya. Inalis niya ang kumot na nakapatong sa katawan niya at laking gulat niya ng makita niyang wala na siyang mga binti. "Aaahhh!!" sigaw ni Vincent at humagulhol ng iyak. "Ang mga paa ko! Mga hayop kayo, pinutol ninyo ang mga binti ko. Napakawalanghiya mo, Briones!" gigil na sigaw ni Vincent na naririnig ni Enrico. Kinontak ni Enrico ang doctor na initusan niyang pumutol ng mga binti ni Vincent. "Oras na para ang mga braso naman niya ang putulin mo, Doc." seryosong utos muli ni Enrico. "Sige!" sag