Samantala sa loob ng simbahan ay nanlambot ang mga tuhod ng ama ni Girly ng malaman nilang tinakasan ng dalaga ang driver at mga bantay nito.
Galit na galit si Vincent ng mabatid niya ang ginawa ni Girly. Kahit na nasa loob sila ng simbahan ay nagwala siya roon. Nagpaputok siya ng baril ng ilang beses at sinuntok ang ilan sa mga bodyguards nila. Nagtakbuhan palabas ang ilan sa mga bisita, abay at mga nakikiusyoso. Pinatigil lang siya ng ama niyang Gobernador dahil napapahiya na sila ng sobra sa mga bisitang nasa simbahan na gustong makasaksi sa kasal, pati na rin sa pari na nag sign of the cross na ata dahil sa takot. Umiiyak naman sa takot at kaba ang ina ni Girly. Ang kapatid naman ng dalaga na si Andrie ay parang balewala lang sa kanya ang mga nangyayari. Napaupo at napayuko na lamang si Mayor Arnulfo Francisco sa nalaman at dahil wala rin siyang mukhang maiharap kina Vincent at Governor Maceda. Tahimik na nilapitan ni Governor Maceda si Mayor Francisco at halos pabulong na kinausap ang ama ni Girly. "Hindi ko papalagpasin ang ginawang ito ng iyong anak Mayor sa pamilya namin lalong-lalo na sa aking anak." usal ni Governor na narinig ng asawa ni Mayor dahil magkakatabi sila sa mahabang upuan. "Governor, wala kaming alam sa planong hindi pagsipot ni Girly sa kasal." paliwanag ni Arnulfo sa Gobernador. "Wala akong pakialam kung may kinalaman kayo o wala sa pagtakbo ng anak mo. Napahiya ako, ang anak ko, ang buong pamilya ko sa ginawa ng panganay mo, Mayor. Pasensiyahan na lang tayo!" pagbabanta ni Governor kay Mayor. "Governor, pakiusap pag usapan natin ito ng maayos." wika ng ina ni Girly. "Wala na tayong pag uusapan pa. Mula ngayon ay ayoko ng makita o makausap pa kayong mga Francisco." galit na saad ni Governor Maceda at naglakad na palabas ng simbahan kasunod ang asawa't mga anak pati na rin si Vincent na sinulyapan muna si Mayor habang nakakuyom pa rin ang kamay nito na para bang gustong suntukin ang ama ni Girly dahil halatang nagtitimpi lang. Dumiretso sa reception ng kasal si Vincent at doon niya ibinuhos ang lahat ng galit na nararamdaman. Nagwala siya uli, pinagbabasag niya ang mga platong nakaayos na sa mga lamesa. Pinagsisipa niya ang mga upuan at itinumba niya ang ilang mga lamesa. Pinagsisira niya ang mga bulaklak na naka-arranged doon at lahat ng mahawakan niyang ibang bagay ay ibinabato niya. Sinira niya rin ang wedding cake sana nila ni Girly. Nagsusumigaw sa galit si Vincent dahil hindi niya matanggap na nagawa ni Girly na takasan siya sa mismong araw ng kanilang kasal. Pahiyang-pahiya siya sa mga tao. Pakiramdam niya ay pinagtatawanan siya ngayon ng mga kakilala niya. "Hindi ka makakatakas sa akin, Girly. Hahanapin kita kahit saan ka pa magtago. Kapag nakita kita, gaganti ako.., gaganti ako!!" pasigaw na banta ni Vincent na narinig ng mga taong nasa paligid lang din niya. Nanlilisik ang matang tinignan ni Vincent ang mga bodyguards at waiter na naroon sa reception. "Kayo, ano pang ginagawa ninyo rito? hanapin ninyo si Girly at ibalik ninyo sa akin." pagalit na utos ni Vincent sa mga tauhan nila. "Yes boss, hahanapin po naman si Ma'am Girly." nagmamadaling wika ng isa sa mga inutusan ni Vincent. "O ano pang tinatanga-tanga ninyo rito? kumilos na kayo. Huwag kayong magpapakita sa akin ng wala kayong hatid na magandang balita." utos ar bilin ni Vincent sa mga tao niya. "Bakit? anong plano mo kapag nakita nila ang anak ni Mayor?" tanong ng kapatid ni Vincent na panganay sa kanilang magkakapatid. "Hindi mo na kailangang malaman, Ate Melissa." mahinahong sagot ni Vincent. "Huwag kang gagawa Vincent ng bagay na pagsisihan mo sa huli. Hayaan mo na lang si Girly na lumayo. Batid naman ng lahat na hindi niya gustong makasal sa iyo. Ikaw lang itong makulit at si Dad naman ay hinahayaan at kinukunsinti ka. Kasalanan mo rin kung bakit ito nangyari sa iyo ngayon. Pinipilit mo ang mga bagay na gusto mo." "Tumahimik ka, Ate Melissa. Hindi kita pinakikialaman, kaya wag mo rin akong pakialaman!" bulyaw ni Vincent sa panganay na kapatid. "Matigas ang ulo mo, Vincent. Bahala ka sa buhay mo. Siraulo ka!" singhal din sa kanya ng ate niya. "Umalis ka, iwanan ninyo ako rito. Umalis kayong lahat!" sigaw ni Vincent sa inis niya sa ate Melissa niya. "Tanga! magwala ka man ng magwala dito, ikaw lang ang mapapagod. Kung sumama ka sa paghahanap baka mas madali mong makita ang runaway bride mo." wika naman ng isa sa mga kapatid ni Vincent na si Mariel. Pinanlisikan ng mata ni Vincent ang kapatid na mas nakababata sa kanya ng dalawang taon. "Tara na nga ate Melissa, nakakainit lang lalo nang ulo yang paboritong anak ni Dad. Ini-spoiled kase kaya ganyan yan." aya na ni Mariel kay Melissa na tinanguan naman nito ang kapatid. Naiwan si Vincent mag isa sa reception at nagsimula na naman siyang magwala. Nakakita siya ng bote ng alak na hindi pa nabubuksan at iyon naman ang kanyang pinagdiskitahan. Binuksan niya ang bote ng alak at tinungga ang laman hanggang sa maubos.Matapos ang araw ng libing ng daddy ni Girly ay binasa na ng abogado ng kanilang ama ang last will and testament nito. Hinati ang seventy percent na naiwang yaman ng former Mayor Francisco kina Girly at Andrei Adrian. Ang natirang thirty percent ay sa kanilang mommy at ang mga naipundar na bahay. Ang mga negosyong nakapangalan sa kanilang ama ay nailipat na sa pangalan ni Girly at Andrei. Naiyak si Girly sa nalaman niya. Dahil hindi niya na inasahan na pareho pa sila ng kapatid niya ng matatanggap na yaman. Ang ini-expect niya ay mas lamang ang ibibigay ng daddy niya kay Andrei. Ang totoo ay hindi na talaga siya umasa na may makukuha pa siyang mana buhat sa kanyang daddy. Nang matapos basahin nang abogado ang testamento ay umalis na ito. Tatayo na sana si Girly nang awatin siya ng mommy niya at may inabot sa kanyang puting papel. "Sulat iyan ng daddy mo para sa 'yo. Basahin mo," Kinakabahang binuklat ni Girly ang papel at tahimik na binasa ang sulat. Bumagsak ang namuong luha niy
"Nandito na tayo," wika ni Enrico sa katabi niyang halatang kinakabahan. "Gusto mo bang palapitin ko muna rito ang best friend mong si Marina. Baka makatulong s'ya sa iyo kapag kayo munang dalawa ang mag-uusap." suhest'yon ni Enrico kay Girly. Matipid na ngiti ang itinugon ni Girly kay Enrico at tinawagan naman agad ni Enrico si Marina. "Hello, Marina. Narito kami ni Girly sa labas ng funeral chapel. Pwede bang puntahan mo siya dito at kausapin? Okay, thank you..," pakikipag-usap ni Enrico sa kaibigan ni Girly. "Pupunta raw ba?" tanong ni Girly. "Oo, palabas na siguro yun. O ayan na pala siya. Lalabas muna ako. Kumustahin ko lang sina Moralez." "Huwag kang lalayo ah!" pakiusap ni Girly na hinawakan ang braso ni Enrico nang akma na itong lalabas ng sasakyan. Ngumiti si Enrico sa kanya. "Hindi ako lalayo, sa labas lang ako ng sasakyan." "O-okay!" saad ni Girly at binitiwan na si Enrico. Pagkalabas ni Enrico sa sasakyan ay lumabas din ang driver nila na si Mang Cardo at naiwang
"Can't sleep?" mahinang tanong ni Enrico nang nakapikit pa ang mga mata. "Huh!" nagtakang reaksyon ni Girly. Ang alam niya kase ay tulog na si Enrico kanina pa. Nang sulyapan niya ang katabi ay dumilat ito at ibinangon ang katawan. "Hindi ka makatulog?" muling tanong ni Enrico kay Girly na panay ang baling ng katawan sa kama at sunud-sunod ang pagbuntong hininga, kaya siya nagising. "Nagising ba kita? Sorry ha, hindi ako makatulog eh! Hindi maalis sa isip ko ang pangamba na baka biglang sumulpot si Vincent sa burol ni Daddy kapag nakarating sa kanyang bumalik na ako sa amin." hinging paumanhin ni Girly at pag-amin kay Enrico. "Di ba sinabi ko naman sa iyo na hindi ka na niya magagambala pa. Kasama mo naman ako at hindi ako aalis sa iyong tabi." pagpapakalma naman ni Enrico sa kanya. "Alam ko naman yun, Bebelabs. At iyon kanina pa ang ginagawa ko pero wala ring epekto." saad ni Girly. "May alam akong paraan para madistract ang isipan mo sa naiisip mo." mahinang usal ni Enrico.
Matapos ang mainit na sagupaan nila sa kama ay sinabi na rin ni Enrico kay Girly ang nangyari sa ama nito. "Kailan pa?!" nagdadalamhati at lumuluhang tanong ni Girly. "Kahapon daw, inatake sa puso ang daddy mo." sagot ni Enrico. "Paano mo nalaman? Si Marina ba ang nagsabi sa iyo? Tinawagan ko siya kanina pero hindi niya sinagot ang tawag ko. Nag message rin ako pero hindi niya pa rin ata nabasa." "Hindi siya, si Moralez ang tumawag sa akin at nagbalitang nakaburol na nga ang daddy mo. Anong plano mo ngayon?" "Gusto kong makita si Dad. Gusto kong damayan at alalayan si Mommy sa pagluluksa niya sa pagkamatày ni Daddy. Pero natatakot akong baka manggulo sina Vincent sa burol ng daddy ko." "Hindi ka na n'ya magagawan uli ng masama dahil pinaghahanap na s'ya ng mga pulis at nagtatago pa siya ngayon. Ako ang bahala sa iyo, sa inyo ng baby natin. Sasamahan kitang bumalik sa pamilya mo at magpapakilala na rin ako ng pormal sa mommy mo at sa kapatid mo." Walang balak si Enrico na ipaal
Buong araw na hindi nakasama ni Girly si Enrico at pagabi na ng dumating sa resort ang lalaking mahal niya. "Sa wakas nakabalik ka na!" salubong ni Girly sabay yakap sa baywang ni Enrico ng makita niyang bumukas ang pintuan at pumasok ito. "Na miss mo talaga ako ah!" nakangiting saad ni Enrico sa kanya na itinaas pa ang hinawakang baba niya para magtama ang kanilang mga mata. "S'yempre naman! Kahit na magkausap tayo kanina sa phone ng matagal iba pa rin yung nasa tabi kita. Bakit ikaw, hindi ba?" saad niya at tanong. "Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong paliparin ang sasakyan makapiling ka lang muli. I miss you so much, Loves!" lambing ni Enrico sa kanya at mabilis siya nitong hinalìkan sa labi. Nahampas ni Girly sa balikat si Enrico dahil naalala niyang naroon pala sa tabi nila si Sheila na ngiting-ngiti na pinagmamasdan sila. "Nahihiya ka pa kay Sheila? Alam naman niyang madalas natin gawin ito. Di ba, Sheila?" wika ni Enrico. "Oo nga naman, Ate Girly. Magkaka-baby na n
Ilang oras ang lumipas at nagising si Vincent na may kakaibang pakiramdam. Nakahiga siya sa surgery operation table kung saan doon din itinali, pinagsamantalahan at binawian ng buhay si Caroline kanina. "Anong ginawa ninyo sa akin? Nasaan ako? Bakit ako narito?" mga tanong ni Vincent na nanghihina pa rin. Napansin niyang may tatlong lalaki na nasa tabi niya. "Nasaan si Briones, nasaan siya?!" galit na sigaw ni Vincent. Babangon sana siya ng madama niyang may kakaiba o mali sa katawan niya. Inalis niya ang kumot na nakapatong sa katawan niya at laking gulat niya ng makita niyang wala na siyang mga binti. "Aaahhh!!" sigaw ni Vincent at humagulhol ng iyak. "Ang mga paa ko! Mga hayop kayo, pinutol ninyo ang mga binti ko. Napakawalanghiya mo, Briones!" gigil na sigaw ni Vincent na naririnig ni Enrico. Kinontak ni Enrico ang doctor na initusan niyang pumutol ng mga binti ni Vincent. "Oras na para ang mga braso naman niya ang putulin mo, Doc." seryosong utos muli ni Enrico. "Sige!" sag