Share

Kabanata 7

Author: Maureen Green

Biglang nagkagulo ang buong ospital dahil kay Kai, ngunit si Luna ay tila ba na-blanko at para bang ang natira na lang ay ang mga yabag at sigawan. Halos wala na siyang makita at marinig.

“Ma'am Luna? Ayos lang po ba kayo?” tanong ng doktor habang kumakaway sa harapan ni Luna.

Doon lang siya tila nagbalik sa ulirat. Pagtingin niya sa doktor, para bang bumalik ang lahat nang kanyang katinuan.

“K-Kumusta na po ang anak ko?”

“Pansamantala siyang na-stabilized, pero biglang lumala ang kanyang kondisyon. Napakadelikado nito at kailangan muna siyang dalhin sa ICU. Kapag na-stabilized na ang kanyang vital signs, saka natin pwedeng pag-usapan ang operasyon,” paliwanag ng doktor. “Ma'am, ang tungkol sa kalagayan ng bata, ang operasyon ay...”

Hindi na ipinagpatuloy ng doktor ang sasabihin, pero alam na ni Luna at malamang ay wala nang saysay ang operasyon, pawang pagpapahirap na lang iyon sa anak niya.

Ngunit hindi niya kayang tanggapin iyon. Hindi niya kayang hayaang mawala na lang ang pinakamamahal niyang anak. Hindi niya matanggap ang ganoong wakas. Kahit katiting lang ang pag-asa, ayaw niyang sumuko.

“Naiintindihan ko. Maraming salamat, Dok.”

Pagkatalikod niya, biglang bumagsak ang luha sa kanyang mga mata. Agad niya itong pinunasan, pero lalo lang itong dumami. Lumuhod siya, niyakap ang sarili. Sa sandaling iyon, tunay niyang naramdaman kung ano ang ibig sabihin ng pagkawala ng pag-asa at kung ano ang nakakapunit ng puso na sakit.

Nakasuot ng makapal na sterile na kasuotan, umupo si Luna sa tabi ng kanyang anak. Maputla ang maliit na mukha ni Kai, walang buhay, bagamat nakakabit sa kanya ang maraming tubo. Ngunit damang-dama ni Luna na unti-unti nang nawawala ang buhay ng anak niya.

“Kai, patawarin mo ako. Kasalanan ko ang lahat. Kung hindi lang minahal ni mommy ang lalaking iyon...”

Nagsimulang magsisi si Luna. Kung hindi niya minahal si Massimo, sana’y isinilang si Kai na may inaasahan mula sa kanyang ama. Ang isang batang kasing-bait ni Kai ay siguradong mamahalin sana ng ama niya.

Dahil lang sa maling pag-ibig, naging puno ng pasakit ang ilang taon ni Kai sa mundong ito.

Marahang hinawakan ni Luna ang maliit na kamay ng anak, dama niya na anumang oras ay maaaring mawala ang bata. Ang puso niya ay halos mabiyak na sa sakit.

Sa mga sandaling iyon, nag-vibrate ang kanyang cellphone sa bulsa. Napatingin siya rito. Ayaw sana niyang sagutin, pero tumayo siya at lumabas ng ICU.

Sa harap ng isang lalaking bihis na bihis, dumilim ang mukha ni Luna. Kilala niya ito, ang pangunahing abogado ng kumpanya ni Massimo.

“Attorney Villanueva, ano pong kailangan ninyo?”

Pilit niyang pinatiling maayos ang boses.

“Ipinadala ako ni Mr. Alcantara para pag-usapan ang mga kondisyon ng diborsyo. Ang nakakatawang kasunduan na una mong iminungkahi ay ilegal, kaya walang bisa at kailangan iyong kalimutan.”

Maayos na inilabas ni Attorney Villanueva ang dokumentong dala nito.

“Ang ibig sabihin ni Mr. Alcantara ay maaari pang pag-usapan ang mga kondisyon ng diborsyo, pero umaasa siyang ititigil mo na ang pagiging matigas ang ulo.”

‘Matigas ang ulo?’ mungkahi ni Luna sa isip.

Napatawa si Luna nang marinig iyon. Naisip niya, sa lahat ng taon na lumipas, hindi ba’t gano'n nga siya—isang obsessed na pasaway?

Kung hindi siya naging gano'n, hindi sana humantong sa ganito. Marahil simula’t simula pa lang ay isang pagkakamali na ang mahalin si Massimo, isang malaking peligro.

“Sabihin mo sa kanya na wala akong ibang gusto kung hindi ito lang,” ani Luna. “Kung hindi niya kaya, hahabaan natin ito. Hindi ako kailanman papayag.”

Pinigilan ni Luna ang lahat ng emosyon sa kanyang dibdib at matigas na tumingin sa abogado.

“Miss Luna, wala na po itong saysay. Sa propesyonal na pananaw, napakaganda na ng mga alok ni Mr. Massimo. Ang isang relasyong walang pag-ibig ay wala nang saysay,” sinserong saad ng attorney, sabay iling.

Totoo, sa mata ng karamihan, nakuha lang ni Luna ang karapat-dapat sa kanya. Wala namang pagmamahal si Massimo sa kanya at alam na ng lahat iyon.

Pero sa ngayon, wala na siyang pakialam kung mahal siya ni Massimo o hindi. Ang gusto niya lang ay kahit sandaling pagkunwaring malasakit para kay Kai, sa mga huling sandali ng anak niya. Kahit isang maliit na pagpapanggap lang ay sapat na.

Pero mukhang ni iyon ay hindi ibibigay ni Massimo.

“Maliwanag na ang paninindigan ko,” sagot ni Luna. “At pasensya na, abala ako. Mauna na ako.”

Bumalik si Luna sa loob ng ICU.

Habang si Kai ay nakikipaglaban pa sa pagitan ng buhay at kamatayan, ang ama nito ay abala lang sa paghiling ng diborsyo para sa kalayaan niya. Sa puso ni Massimo, mas mahalaga si Elisse kaysa sa anak nilang dalawa.

Ang kaalamang iyon ay halos punitin ang puso ni Luna habang pinagmamasdan ang anak niya, tumutulo ang luha isa-isa.

Samantala, agad na nag-ulat si Attorney Villanueva kay Massimo tungkol sa pangyayari.

“Alam kong mag-iinarte siya.”

Napasinghal si Massimo, may halatang pagkasuklam sa mga mata. Dumating naman si Steven.

“Mr. Massimo, muling nagpakita si Adrian. Malamang ay para humingi ng pera kay Miss Luna.”

“Pera? Nangangarap siya ng gising!” singhal ni Massimo. “I-freeze niyo lahat ng bank account ni Luna. Tignan natin kung makakagulo pa siya nang walang pera.”

Kalmado lang ang ekspresyon ni Massimo, para bang nag-uutos lang ng para hapunan.

Para sa kanya, isa lang si Luna sa mga babaeng sakim sa yaman. Kapag naubusan siya ng pera, siguradong papayag na rin siya sa diborsyo.

Wala siyang kahit katiting na simpatya para sa isang katulad niya.

Samantala, pabagu-bago pa rin ang kondisyon ni Kai. Ayon sa mga doktor, kung hindi siya maoperahan kaagad, baka hindi na siya umabot sa gabi.

“Gawin na ang operasyon!”

Agad na nagdesisyon si Luna, kahit hindi niya alam kung hanggang kailan mabubuhay si Kai pagkatapos. Bilang ina, hindi niya kayang panoorin lang ang kamatayan ng anak niya.

Pero nang susubukan niyang magbayad, nadiskubre niyang naka-freeze na ang lahat ng kanyang bank card. Wala siyang sapat na pera para sa operasyon. Ang natitira na lang sa kanya ay thirty thousand pesos na ipon niya para sa emergency.

Hindi niya inakalang darating ang araw na gagamitin niya ito.

Alam niyang ito na ang tunay na mukha ni Massimo at parusa ito sa kanya dahil tumanggi siyang makipagdiborsyo. Ngunit si Kai ay naghihintay sa operating room, at pera lang ang hadlang sa kanyang buhay. Hindi na siya nagdalawang-isip. Agad niyang tinawagan si Massimo. Kailangang iligtas ang anak niya.

Samantala, kasalakuyan namang pumuputok ang mga fireworks sa langit. Mahigpit ang yakap ni Massimo kay Elisse, ang mga mata niya ay puno ng lambing.

“Massimo, ang ganda ng fireworks. Salamat at gustong-gusto ko ito.”

Masayang nakasandal si Elisse sa kanya, ang kanyang magandang mukha ay kumikislap sa liwanag ng paputok, parang bulaklak na namumukadkad.

“Happy anniversary.”

Hinalikan ni Massimo ang noo nito, punong-puno ng pag-ibig ang kanyang mga mata.

Nag-vibrate nang malakas ang kanyang cellphone, Tiningnan niya ang caller ID at napangiwi, saka pinatay ito.

“Sorry, the number you have dialed is unreachable,” ani ng isang tinig sa kabilang linya.

Napaupo si Luna sa tabi ng kama ni Kai, hindi mapigil ang pagluha. Walang magawa habang umuubo ng dugo ang anak niya.

“M-Mommy, huwag ka nang u-umiyak,” saad ni Kai. “M-Mommy, hindi na natin kailangan si daddy. M-Mommy, maging masaya ka lang.”

Sinubukan ni Kai na tanggalin ang oxygen mask para makapagsalita pa sa kanyang ina, ngunit biglang nanghina ang kamay niya at nahulog. Kasabay nito, biglang tumunog ang lahat ng machine na naroon.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Ruthless Billionaire's Ex-Wife's Revenge   Kabanata 100

    Pagkababa na pagkababa ni Elisse mula sa sasakyan, bahagya niyang isinandal ang kalahati ng kanyang katawan kay Massimo, tila takot na hindi mapansin ng iba kung gaano sila kalapit sa isa’t-isa. Hawak naman siya ni Massimo sa baywang habang naglalakad papasok, ngunit bigla nilang nakita si Luna na papalapit sa pintuan.Nang magtagpo ang mga mata ni Massimo at ang kalahating-ngiti, kalahating-panunudyo na titig ni Luna, may hindi maipaliwanag na kirot na sumundot sa kanyang dibdib. Biglang naging nakakailang ang pagkakahawak niya sa kamay ni Elisse.“Luna, sana huwag kayong magalit,” mahina ang tinig ni Elisse, namumuo ang luha sa kanyang mga mata nang magsalita siya. “Hindi pa po ako nakapunta sa ganitong uri ng selebrasyon. Nakiusap po ako kay Massimo na isama ako. Sobrang nakaka-bagot po sa ospital, kaya gusto ko lang huminga ng sariwang hangin. Hindi ko po alam na narito rin kayo.”Noon, siguradong gagawa ng eksena si Luna, hindi titigil hangga’t may bumigay. Ngunit ngayon, bahag

  • The Ruthless Billionaire's Ex-Wife's Revenge   Kabanata 99

    Nagsimula ito sa isang tila napaka-agarang usapin, ngunit nakakagulat, tila hindi na nagmamadali si Massimo. Nakatayo lamang siya roon, tinititigan si Luna nang may pagtataka, hindi maunawaan kung bakit bigla na lamang itong tumigil sa pagiging palaaway sa kanya.Napansin ang pagkalito nito, tumingin din si Ning Luna pabalik sa kanya na may parehong ekspresyon bago kumaway nang tila walang pakialam.“Umalis ka na, huwag mo akong alalahanin.”“Hintayin mo akong bumalik,” sabi ni Massimo, ibinato ang mga salitang iyon bago siya mabilis na lumakad palayo.Habang pinagmamasdan ang papalayong pigura nito, napasinghap si Luna nang may paghamak. Pagkatapos ay lumingon siya kay Filipe na nakatayo malapit.“Ano pang tinitingin-tingin mo? Ihanda mo agad ang sasakyan. Hindi tayo maaaring mahuli,” malamig niyang sabi sa lalaki.“Pero sinabi ni Mr. Alcantara na hintayin ninyo siya…” saad ng lalaki, at naguguluhan. Sa isip niya, kailan pa naging ganito katapang si Madam Luna?Natawa si Luna s

  • The Ruthless Billionaire's Ex-Wife's Revenge   Kabanata 98

    Nakaharap sa camera, nanatiling kalmado at mahinahon si Luna, walang bakas ng kahihiyan kahit pa nailantad na ang kanyang mga pribadong bagay, para bang wala siyang kinalaman sa lahat ng nangyayari.Noong una, gusto ni Massimo na makita ang ganitong maunawain at propesyonal na panig ni Luna. Ngunit kung bakit, nang magtama ang kanilang mga mata at makita niya ang malamlam at walang-buhay nitong tingin, isang hindi maipaliwanag na inis ang sumiklab sa kanyang dibdib.Noon, labis niyang kinamuhian ang mga pagkakataong ibinubuhos nito ang buong atensyon sa kanya. Ngunit ngayon, nang wala na ni bakas ng atensyon na iyon, mas mahirap pa para sa kanya na tanggapin ito.“Mrs. Alcantara, ano po ba talaga ang relasyon ni Miss Santiago at ni Mr. Alcantara?” tanong ng isang reporter sa kanya.“Si Miss Santiago ay si Miss Santiago lang. At ako...” tugon ni Luna na may mahinahong ngiti, saka nagpatuloy, “Ako ay si Mrs. Alcantara. Nasa tabi ko si Massimo Alcantara. Hindi ba’t iyon na ang pinakam

  • The Ruthless Billionaire's Ex-Wife's Revenge   Kabanata 97

    Ito mismo ang epekto na gusto ni Luna. Hindi na posible para kay Elisse na mamuhay nang payapa ngayon. Matapos ang lahat ng pagpapahirap na ibinigay ni Elisse sa kanila, ginagawa ang buhay nila na mas masahol pa kaysa sa kamatayan, oras na para maranasan niya kung ano ang tunay na pakiramdam ng mga gabing walang tulog.Sa harap ng mga tanong ng mga reporter, dinala ni Luna ng sarili nang may biyaya at kumpiyansa na nakatanggap nang maraming papuri. Ginamit niya ang pagkakataong ito, hindi lamang upang opisyal na ipahayag ang kanyang pagkakakilanlan sa publiko, kung hindi pati na rin upang magbigay nang matibay na pahiwatig na siya ay isang may kakayahan at natatanging babae.Para kay Luna, ito ay isang pagkakataong minsan lang dumarating sa buhay. Gusto niyang malaman ng buong mundo ang kanyang pangalan. Siya si Luna Salazar at hindi ang isang nakakatawang ibong nakakulong na ginang ni Mr. Massimo Alcantara.Habang pinapanood kung paano niya kinokontrol ang sitwasyon at ginagabayan

  • The Ruthless Billionaire's Ex-Wife's Revenge   Kabanata 96

    "Talaga ba? Ito ay isang runway piece na isinusuot lang ng isang international supermodel. Paano naging mumurahin iyon?"Napairap si Luna sa kanyang narinig, hindi tinanggap ang tangkang pangmamaliit ni Massimo at nagpasabog pa ng banat pabalik sa kanya.Hindi pa ito nangyari noon. Dati, kung ano man ang sabihin ni Massimo, iyon na ang nasusunod. Kahit paulit-ulit siyang pagdiskitahan ni Massimo, hindi siya lumalaban. Sa halip, iniisip pa niya kung may mali ba siyang nagawa.Pero hindi na ganoon kahangal si Luna ngayon. Alam na alam niyang wala siyang nagawang mali. Hindi siya kailanman nagkamali, sapagkat mali lang talaga ang taong nasa tabi niya kaya siya minamaliit.Kahit ang mga stylist kanina ay hindi matapos sa papuri sa kanyang ayos, pero ang lalaking ito lang ang nakakunot ang noo, sinasabing hindi daw angkop at maganda. Sa isip ni Luna, ano'ng klaseng malaswang panlasa iyon, at ang pangit ng mood na dala niya.Hindi inaasahan ni Massimo na ang salitang binitiwan niya ay s

  • The Ruthless Billionaire's Ex-Wife's Revenge   Kabanata 95

    Matapos ang isang simpleng pag-aayos ng makeup, naging mas maayos at walang kapintasan ang anyo ni Luna. Tiningnan ni Ralph ang sariling gawa niya na may lubos na kasiyahan sa kanyang mukha.Kahit bihasa ang mga makeup artist, mas gusto pa rin nila ang mga kliyenteng may natural na maayos na basehan ng kagandahan. Mas madali kasing pagandahin ang likas nang maganda kaysa baguhin ito nang buo. Nakatitipid ng oras at lakas, at mas maganda pa ang resulta.Ang pinakamataas na antas ng makeup ay iyong parang walang kahit anong inilagay, ngunit banayad na binabago ang kabuuang anyo ng tao.Samantala, tinitigan naman ni Ning ang sarili niyang repleksyon sa salamin at natawa nang mapait. Noon, mahilig siyang magsuot ng matingkad na kulay, pero mula nang makasama niya si Massimo, palagi nitong pinupuna ang kanyang ayos bilang isang baduy. Unti-unti, nagsimula siyang sumunod sa gusto nito, nagsusuot ng lawlaw at laos na mga kulay para lang mapasaya siya. Ngayon, napagtanto niyang hindi na niy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status