Share

Chapter 3

Lucian got mad at me for leaving the mansion without his permission. Pero pinalampas niya rin naman, wala na siyang nagawa dahil nangyari na. 

I was expecting him to shout or hurt me but he didn't. At least he didn't. At ayos na ako roon. I just didn't expect it, he's the type of person that will get mad over small things. Pero mukhang mahaba naman ang pasensya niya sa akin. 

Bumangon ako mula sa kama nang makita kong wala siya sa tabi ko. It's already midnight.

"Where did he go?" I whispered to myself. Bumangon ako at umalis mula sa kama. Sinuot ko ang kulay pulang silk na roba na abot hanggang paa at lumabas mula sa kuwarto.

Dim light na lang ang ilaw sa hallway kaya may kadiliman. Tanging tunog ng aking suot na Gucci Leather Slippers ang naririnig ko. I was walking when I suddenly heard footsteps. Natigilan ako at tumingin sa aking likuran. Hindi lang yapak ng paa ang naririnig ko. 

Parang tunog ng mga susi. 

Then I saw Accius. Nakatalikod siya mula sa akin at naglalakad patungo sa kulay itim na pintuan na tanging nag-iisang kulay lang sa mga pintuan dito. Lahat ng mga pintuan ay iisa lang ng kulay ngunit iyon lang ang na iba. 

I silently gasped when he stopped walking like he sensed something. Natigilan ako at naglakad patungo sa likod ng malaking vase at nagtago roon nang hindi gumagawa ng ingay. Agad akong nagtago nang lumingon siya sa direksyon ko. I counted one to five, I then took a peek at him. Nakita ko siyang binuksan ang pintuan na 'yon gamit ang susi na hawak niya. 

Why am I nervous? My heart was beating so fast. Parang sasabog na sa kaba. 

My mouth fell open as I watched him enter the room. Narinig ko rin ang pag-lock niyon. Malayo ako mula sa pintuan na 'yon kung nasaan siya, at madilim din ang loob kaya hindi ko makita. 

I slowly walked towards that door. Idinikit ko ang aking palad sa pintuan. Pinagmasdan ko iyon at napaisip kung ano ang nasa loob nitong pinto. 

Is he hiding something inside? Ano kaya ang mayroon sa loob? It's look like this room is always locked.

I tilted my head and walked away from the door. Bumalik ako sa kuwarto namin. Humiga ako at pumikit. I waited for him to come back but he didn't. Nakaramdam din ako ng uhaw kaya naisipan ko na lang bumaba. 

Accius and that room is still bothering me. 

Uminom ako ng malamig na tubig. Pero hindi sapat iyon kaya nagtungo ako sa bar ng mansion. Hawak-hawak ang baso ng tubig ay bigla ko na lang 'to nabitawan nang makita si Accius doon. My mouth parted as I looked at him. I suddenly feel tense.

He's standing while leaning his back against the counter top, his elbows resting on the counter top while holding a glass of wine. His eyes were closed, looking up at the ceiling. Mas lalong nakita ang adams apple niya. 

He's wearing a black pants. Ang pang itaas ay may nakapatong na mamahaling Dark Velvet Robe na abot hanggang sahig sa haba at luwag. 

But what caught my attention is his naked body inside his robe, dahil bukas ang kaniyang roba ay makikita talaga ang hubad na pang-itaas niya sa loob. Just by looking at his eight pack abs is making my knees tremble. 

But his attractive tattoo caught my eyes. The half of his tattoo on his right chest was peeking on his open robe. It looks so beautiful yet delicate. 

What's happening to me?

Bumukas ang nakapikit niyang mga mata. His cold eyes met mine that made me stiffened. His forehead creased more when he saw me. Pinasadahan niya ng tingin ang buong katawan ko. 

"You should be in our bed, sleeping," he said in his deep voice. 

He elegantly walked towards me. His hand automatically sneaked onto my waist. He pulled me closer to him while his other hand was still holding the glass of wine. 

"What's the matter, Wife?" I looked at his eyes. I can see the desire and lustfulness in his eyes. 

"Nothing. I… I just drank water. I was thirsty," I explained. Kahit na hindi naman tinanong. I just feel like I need to.

His eyes narrowed, he looked amused. His hand was now on my back, caressing it. His big hand was giving me shivers down on my spine. 

"How about you? Kanina ka pa ba narito? Wala ka sa tabi ko noong magising ako."

He nodded and hummed. "I was just here." My forehead creased at his answer. 

Liar. 

Tumango na lang ako at naglakad papalapit sa bar. Kumuha ako ng wine glass at nagsalin ng wine. I turned to him, then I saw him sitting in his Black Gryphon Reine chair, thas also have in our room. 

He looks like a King while sitting in that grand chair. A King that should be respected. He is so intimidating, it's like you should obey his every command. 

Ibinuka niya ang kaniyang mga hita at tinapik ito. His upper body was already exposed because of his open robe that's why his tattoo exposed more. His tattoo makes him look even hotter.  

"Come here, Doll. Sit here."

Kusang gumalaw ang aking mga paa na naglakad papalapit sa kaniya. "In… your lap?" hindi makapaniwala na tanong ko. 

He nodded. "Yes. In my lap."

I should follow him. Ayoko naman na hindi niya magustuhan ang pakikitungo ko. Dapat na makisama na lang ako. 

Tumango ako at umupo sa kandungan niya. Agad na pumalibot ang kaniyang kamay sa aking baywang. Pinatakan niya ng mga halik ang aking balikat at inamoy-amoy leeg ko habang nakapikit ang mga mata. Hinayaan ko siya na gawin iyon. 

"I saw this black door in the hallway. Ano kaya ang nasa loob niyon? Hindi ko pa nakikita ang mga bawat kuwarto," I asked, which made him stop from smelling my neck. 

His eyes narrowed. "That's… just nothing. Don't mind it," he said and continued smelling me. 

Kinabukasan ay buong maghapon lang akong nasa kuwarto. Ang tagal kong nakaupo sa Gryphon Reine chair ni Accius habang nakatanaw sa labas ng glass wall. Pakiramdam ko tuloy ay para akong may sakit. 

Tumayo ako at naglakad papalapit sa malaking salamin. I looked at my reflection. My pale skin, pale lips, long hair and plus my long white dress, I looked sick. 

I called Jesel through the telephone. "I want some cake. Mayroon ba r'yan?" 

"Yes, Madame. Sakto at nagpabili na si Sir kahapon para sa'yo. Ano pa po?" 

"Chocolates. Iyon lang." 

Hindi nagtagal ay dumating na siya kasama ang mga pagkain. He put it on the table in front of me. Nilibang ko na lang ang sarili ko sa mga pagkain na nasa harap ko. I felt happy, I feel like it's my first time eating sweets. Mom doesn't want me to eat sweets. Kahit paano ay natuwa ako kay Accius. 

I turned at the door when I heard a knock. Pumasok doon si Jesel. "Narito na po si Sir," anito at muling umalis. 

Maya-maya pa ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Pinagsiklop ko ang aking mga kamay at maingat na tumayo. 

I can't help but to watch him with his business attire on. He took off his neck tie while staring at me. He looks tired. He walked towards me. Nanatili pa rin ako sa aking puwesto. He's so tall that I need to look up when he's too close. 

He looked at me like he's longing for me. I gently held his nape and tiptoed to give him a soft kiss on the side of his lips. Then I slowly unbuttoned his long-sleeved polo. I felt him stiffened at my sudden action. 

I should act like a 'wife'. 

His jaw clenched as he watched me doing it. Then I felt his hands on my waist. Mas hinila niya ako papalapit sa kaniya. I gulped when I saw his body with his tattoo when I totally unbuttoned his polo. Nagulat na lang ako nang yakapin niya ako bigla. He even buried his face on my neck, inhaling my scent. 

"I missed you," he mumbled in my neck. Hindi ako sumagot at hinayaan lang siya. I didn't hug him back. 

Mas lalo niya pang siniksik ang kaniyang mukha sa aking leeg. "I want your warm hug, Doll. I want my wife to welcome me with her kisses and hugs."

Saglit kong pinikit ang aking mga mata at dahan-dahan na pinalibot ang aking mga braso sa malaking niyang katawan. I caressed his hair down to his nape to make him relax. Then I felt his body relaxed on me. 

It's like he waited so long for this moment. 

I can't believe this. Parang ang bilis ng mga pangyayari. I was just a student, training as a model, and now I'm a wife. Kahit may parte sa akin na hindi matanggap na ganito na ang magiging buhay ko. 

"Did you eat already?" marahan kong tanong. Naramdaman ko ang paghigpit ng kaniyang yakap sa akin at mas lalo akong hinapit papalapit. 

"Hindi pa…" he answered in his deep voice.

"You should eat," aniko. Marahan ko siyang tinulak papalayo dahil mukhang wala siyang balak na humiwalay.

He didn't answer, he just stared at me. "I said you should eat. Tatawagin ko si Jesel para ipaghanda ka." He still didn't respond. 

I bit my lower lip and sighed. "Gusto mo bang ipaghanda kita?" 

His eyes twinkle and nodded like a kid. "Yes, please." 

I bit my lower lip, stopping my lips to smile. 

Sabay kaming bumaba. The maids looked at us in shock. Bumaba ang tingin nila sa kamay ni Accius na nasa aking baywang. Nag-iwas naman sila agad ng tingin ngunit may tinatagong mga ngiti sa mga labi. 

Umupo na siya sa kabisera habang ako ay naghanda na. Agad naman akong dinaluhan ng kasambahay. “Ako na po, Madame.”

Umiling ako. “Ako na ang gagawa.” Gulat siyang nag-angat ng tingin sa akin pero tumango na lang at umalis na. 

This is my first time doing this. 

Accius watched my every move as I preferred his food. “Thank you,” aniya. Tumango lang ako at akmang aalis na nang agad niyang hinula ang baywang ko para pigilan ako. 

“Please, stay.” Umupo ako sa upuan katulad ng gusto niya. Hindi pa siya nakuntento at lumipat sa upuan na mas malapit sa akin. Halos wala ng espasyo sa tabi namin

Nang matapos siya ay nagtungo na kami sa taas ngunit siya ay sa kaniyang opisina. I sat on Accius’s Gryphon Reine chair and opened my phone. Nilibang ko ang sarili ko sa pagtingin sa mga social media. Marahas akong nagbuga ng hininga nang makita ang mga post ng mga co-workers ko. 

Marahas ang kilos kong inilapag ang phone sa lamesa. I closed my eyes, calming myself. I opened my eyes when I heard the door open. I saw Accius, his eyes are so serious, his forehead is creased while looking at his phone. He looks hot in his specs. Pinagkrus ko ang aking mga binti habang nakatanaw pa rin sa kaniya. 

Then his eyes turned to me. Nawala ang kunot sa kaniyang noo at ang kaninang seryosong mukha niya. His serious eyes turned into gentle eyes as he looked at me. Binitawan niya ang kaniyang phone at inalis ang specs. 

“Still not sleepy?” he asked gently. He walked towards me. There’s this amused look in his eyes. Hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko. 

My mouth parted when he took my hand and kissed the back of my palm. “You looked like a Queen. My Queen.” 

He smiled. “You should sleep. It’s late. Do you want something before you sleep?” 

I shook my head. Tumayo ako habang siya ay nakahawak pa rin sa kamay ko, inaalalayan ako. I lay down on our bed. Ganoon din siya. Nanlamig ako nang maramdaman ang braso niyang pumalibot sa akin. Mabuti na lang at nakatulog ako agad. 

Ngunit hindi nagtagal ang tulog ko, naalimpungatan ako nang marinig ang pagsara ng pinto. My forehead creased in confusion. 

It’s midnight. Saan naman siya pupunta?

Bumangon ako sa kama at naglakad papalabas ng kuwarto. Nakayapak lang akong naglakad kaya tahimik ang bawat hakbang ko. Mas lalong kumunot ang noo ko nang mapansin na lalabas siya ng mansion. 

It’s just strange, sa ganitong oras ay aalis siya. 

Mabilis akong nagtungo sa veranda, mabuti na lang at madilim dahil dim lang ang tanging ilaw. I saw him walking towards his SUV. Hindi iyon ang lagi niyang gamit. He’s wearing a Long Trench Black Coat and a black Cap. 

Pinanood ko lang siya hanggang sa mawala na ang sasakyan kasabay niyon ang pagsara ng malaking gate. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status