Share

Kabanata 7

Author: dangeroni
last update Last Updated: 2026-02-02 05:49:46

Gaile POV

Nanatili ako sa bahay nang gabing iyon. At iyon na yata ang pinaka-payapa at pinakakomportableng tulog na naranasan ko sa loob ng mahabang panahon.

Maaga ay may ngiti sa labi akong nagising kinaumagahan.

Naabutan ko pang abala si Tiya Jessa sa kusina sa paghahanda ng almusal. Nagluto rin siya ng bukod na chicken soup at veggies salad para sa akin na babaunin ko mamaya sa opisina para sa lunch ko.

Nasabi ko na rin kagabi sa kanila na magre-resign na ako sa kumpanya ni Kaiden at pansamantalang magtatrabaho bilang assistant ni Prof Laurence sa loob ng isang buwan.

Noong una’y tutol sila, pinayuhan pa akong magpahinga at alagaan ang sarili dahil sa aking pagbubuntis. Ngunit mariin kong giniit na bukod sa pagiging medyo mabagal lang kumilos, maayos naman ang kalusugan ko. Kaya ko pang gawin ang mga simpleng gawain. Higit sa lahat, kailangan ko ng distraksyon, dahil kung wala akong ginagawa, mas lalo lamang akong malulunod sa kakaisip ng mga kung ano-ano.

Sa huli, hindi na umimik pa si Papa.

Sinubukan kong tumulong sa kusina, ngunit mariing tumanggi si Tiya Jessa.

Hindi na ako nagpumilit pa. Umupo na lamang ako sa sofa, inilabas ang cellphone, at nag-search online. Gusto ko sanang mag-enroll sa isang Pilates class para sa mga buntis. May napili na ako at balak kong magtanong tungkol dito kapag may oras.

Habang patuloy akong nag-i-scroll biglang nagbago ang aking ekspresyon nang makita ang isang post sa I*******m. Ang nag-post ay si Rimando, isang matalik na kaibigan ni Kaiden. Nakilala ko ito noon nang assistant pa ako ni Kaiden. Isang nine-grid photo iyon ng isang dinner party, ginanap sa isang pribado at high-end na club.

Night of dinner party.

PS: Another day of targeted attack on my single life. Road to wedding???

'Yan ang nakalagay sa caption sa tatlong mgs larawan na kuha nina Kaiden at Gelly na magkasama. Sa gitnang larawan, mahiyain na sumisiksik si Gelly sa dibdib ni Kaiden, bahagyang tinatakpan ang kanyang mukha. Nakapatong ang kamay ng asawa ko sa balikat ng babae niya, at ang kanyang mga mata’y puno ng lambing habang nakatitig rito.

Halos tumagos sa screen ang tamis ng eksena.

Nakagat ko ang labi. Alam ng lahat sa social circle ni Kaiden na may rehistradong asawa na siya, ngunit sa paningin nila, lalo na ni Rimando, hindi ako kailanman magiging karapat-dapat sa kaniya.

Hindi ko alam kung sinadya itong ipakita sa akin ni Rimando, at kung oo, matagumpay siya dahil parang tinusok ng matalim na kutsilyo ang dibdib ko ngayon. Sobrang sakit sa puntong halos hindi ako makahinga.

Pinatay ko ang cellphone. Tumayo na ako at lumabas sa balkonahe, pilit kinakalma ang sarili, sinusubukang huwag nang isipin pa ang lahat. Kusang nahaplos ko ang nakausling tiyan. Parang may mabigat na batong dumagan sa aking puso habang iniisip ang pwedeng mangyari sa mga susunod na buwan.

Kapag naghiwalay na kami ni Kaiden, tiyak na pakakasalan niya agad ang kabit niya. at hindi malabong magkakaanak sila. Mahal na mahal niya si Gelly kaya siguradong mamahalin din niya ang mga magiging anak nila.

Nangiilid ang luha sa mga mata ko.

Paano ang anak ko, ang anak namin?

Makakatanggap pa kaya ito ng kahit kaunting pagmamahal ng isang ama?

“Nak, handa na ang almusal," boses ni Tiya Jessa na nagpabalik sa akin sa ulirat.

Huminga ako nang malalim, bago tumugon.

"Sunod po ako, wait lang po."

Pinunasan ko ang lumandas na luha at dali-daling nagtungon sa bathroom upang maghilamos upang umayos ang pakiramdam at hindi nila mahalata ang sakit na nararamdaman ko mga oras na ito.

Sabay-sabay kaming nag-almusal at nang matapos ay naligo na ako at naghanda para sa pagpasok. May mga gamit din ako rito sa bahay kaya walang naging problema.

Nang matapos, inihatid ako ni Kuya Miguel sa kumpanya.

Sa biyahe, napansin niya marahil na may kakaiba sa aking kilos. Tahimik lang siya sa una, ngunit nang hindi na makatiis, tuluyan na rin siyang nagsalita.

“May masakit ba sa'yo, Gai-gai?” tanong niya.

Kaagad akong umiling at pinilit na ngumiti. Hindi ko kailanman kayang magsinungaling sa pamilya ko, ngunit ayoko ring maging dagdag pa sa mga iniisip nila.

Bumuntong-hininga siya.

“Buntis ka ngayon, Gaile,” seryoso niyang sabi. “Hindi mabuting kimkimin mo ang lahat ng iniisip mo. Masama ’yan para sa’yo, at para sa bata.”

Parang nabasa niya ang laman ng isip ko.

Matagal bago ako nakasagot.

“Wala naman, Kuya..."

“H-hindi ko lang talaga agad matanggap na may iba na si Kaiden. Pero ayos lang,” pilit kong sabi. “Makaka-adjust din ako, kaya wala kayong dapat ipag-alala.” Ngumiti pa ako, umaasang mapapanatag siya, ngunit hindi nagbago ang ekspresyon niya.

Tiningnan niya ako nang may lungkot, tila alam niya ang sakit na pinagdaraanan ko. Pakiramdam ko’y naaawa siya sa akin, kaya nag-iwas na lang ako ng tingin.

“Hihilom din ang lahat sa paglipas ng panahon..." tanging nasabi niya.

Napatango na lang ako, kahit hindi ako sigurado kung kailan, o kung tuluyan nga bang mangyayari iyon.

Pagdating sa kumpanya, bumaba na ako ng sasakyan habang bitbit ang insulated lunchbox. Nagpaalam ako kay Kuya at diretso nang pumasok sa loob ng gusali.

Sa loob ng kumpanya, muli kong nakita si Kaiden.

Hindi siya madalas umuuwi sa villa. Isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit pinilit kong magtrabaho kahit pa na-demote ako, dahil gusto ko siyang makita araw-araw. Ngunit nitong mga nakaraang buwan, bihira ko na siyang makasalubong, at kapag nagkikita man kami, nananatiling malamig at malayo ang pakikitungo niya sa akin.

Hindi ko inasahang dalawang araw kaming magkasunod na magkikita. At hindi tulad noon, hindi ko magawang matuwa, sa halip ay pait ang agad na bumalot sa akin.

Kababa pa lamang niya mula sa kaniyang BMW XM. Mas lalong nadepina ang lapad ng kaniyang balikat sa suot na suit at kurbata. Mahahaba ang kanyang mga binti na agad na nakaaagaw-pansin. Ang guwapong mukha ay kahanga-hanga sa anumang anggulo. Sobrang guwapo niya, isang lalaking may likas na awtoridad at nangingibabaw na presensya. Tila sing-lamig siya ng yelo ngunit may taglay ding lambing at pagmamahal, hindi nga lang para sa akin.

Biglang sumikip na naman ang dibdib ko. Ibinababa ko ang tingin, kusang umatras, at magalang na bumati para magpakita ng respeto dahil hanggang ngayon ay empleyado niya ako at obligado akong gawin iyon.

“President.”

Gaya ng dati, binalewala niya ako na tila walang nakita. Mas lalong lumamig ang ekpresyon niya nang mapansin ang presensya ko. Dire-diretso itong naglakad papasok sa loob.

Atsaka pa lang ako tuluyang nakahinga nang maluwag nang mawala na ito sa paningin ko. Huminga ako nang malalim at tahimik na sumakay sa elevator ng mga empleyado at umakyat.

Matapos ang hindi magandang sagutan namin ni Ven, halatang wala pa rin itong balak makipag-ayos ngayon. Mainit ang pakikitungo nito sa akin at ipinaabot na lamang sa iba ang mga trabahong dati'y siya mismo ang nag-aabot sa akin.

Wala naman akong pakialam sa kaniya kaya hindi ko na binigyang-pansin pa. Ang mahalaga sa akin ay matapos ang trabaho at makauwi na agad.

Nang matapos ang mga gawain ko sa umaga, napansin kong maganda ang panahon. May isang ecological park sa likod ng gusali ng kumpanya kaya kinuha ko ang aking insulated lunchbox at bumaba upang kumain doon at maglakad-lakad.

Pagdatig ko sa lobby, nasalubong ko ang dalawang papasok na lalaki. Ang isa sa kanila ay si Rimando. Kasabay niya sa paglalakad ang isang matangkad na lalaki at may kakaibang awra, tila kaibigan din ni ito Kaiden, ngunit hindi siya mukhang pamilyar at ngayon ko lang nakita.

Hindi na ako nag-abala pang bumati sa pag-iisip na hindi rin naman ako nito babatiin at hindi ako kumportable. Nagpatuloy ako sa pagdiretso patungong exit.

Ngunit masyado yatang kapansin-pansin ang matabang pangangatawan ko kaya agad niya akong napansin. Nagtama ang tingin namin.

Napayuko ako at sinubukan ko siyang iwasan. Ngunit mabilis siyang humakbang at hinarangan ang daraanan ko.

Napahinto ako. Pagtingala ko, nakita ko ang matinding pandidiri sa mukha ng lalaki.

"Are you blind or talagang hindi mo lang ginagamit ang mga mata mo? Don't you know how to greet superiors?"

Noon, nang executive assistant pa ako ni Kaiden, magalang palagi ang pakikitungo niya sa akin kahit hindi kaaya-aya ang panlabas kong anyo. Ngunit ngayon, sa paningin nila, isa na lamang akong mataba at tusong babaeng hindi marunong lumugar.

Magalang na lang akong yumuko upang hindi na lumaki ang gulo.

“Pasensya na po... Good day, Sir."

Mapanuyang ngumisi ito.

"What kind of attitude is that? Do you really think you've turned from a toad into a phoenix?"

Humigpit ang pagkakahawak ko sa thermos. Ramdam ko ang matinding hiya at pang-aapi. Ayokong makipagtalo kaya humingi na lang ulit ako ng paumanhin at tumalikod na.

Malalakad na sana ako palayo nang biglang inunat ni Rimando ang kanyang binti.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Parang biglang bumagal ang lahat ng bagay, at bago pa man ako tuluyang natisod, kusang napahawak ang isa kongg kamay sa puson ko, iniisip ang baby sa sinapupunan ko. Napasinghal ako sa sakit nang diretsong natisod at bumagsak sa sahig, diretso sa tuhod ko

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko sa matinding sakit at panandaliang parang huminto ang mundo. Ramdam ko ang init ng pamumula sa mukha, nanginginig ang mga labi ko, at mabilis akong huminga sa takot.

Nabitawan ko ang thermos, tumilapon sa sahig ang mainit na chicken soup at vegetable salad, at parang lahat ng tao sa lobby ay nakatingin sa akin sa loob ng isang iglap.

Sa di kalayuan, napansin ko ang kasama niyang lalaki na kanina pa pala nanonood at halatang nagulat sa nangyari, bakas na bakas sa mukha niya ang hindi pagkatuwa sa ginawa ni Rimando...

dangeroni

Hello goizzz! I hope you’re enjoying the story so far. Just to give you a little heads-up, I am transitioning from Gaile’s point of view to a third-person (author’s) perspective. Ginagawa ko ito para mas malinaw at mas madaling sundan ang mga pangyayari, lalo na kung may mga detalye or thoughts ng ibang characters na gusto kong ipakita. Sana mas maging immersive at enjoyable ito para sa inyo habang nagbabasa kayo.

| 13
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Ruthless Trillionaire I Divorced Now On His Knees for Me   Kabanata 44

    Tuluyang nasira ang ang mood ni Ashley. Kaya kahit ang paborito niyang singer na professor ang nag-p-perform, hindi pa rin nawala ang pagkakabusangot sa mukha niya. Naka-cross ang mga braso niya habang nakasandal sa upuan, paminsan-minsang napapairap na para bang pinipilit lang niyang tiisin ang buong concert. Sinubukan ko namang libangin ang sarili ko dahil napakagaling din lahat ng nagpepeform. Iniisip ko na lang na wala sa paligid sina Kaiden at dinadama ang ganda ng musika.Hanggang sa makita ko ang susunod na performer.Napaawang ang labi ko, kasabay nang malakas na palakpakan. Suot ang kulay pula na strapless corset dress, umakyat sa entablado si Gelly. Naka-updo ang mahaba niyang buhok na lalong nagpatingkad sa ganda niya. Nagsinghapan ang mga audience. Halos lahat ay naglabas ng cellphone para kumuha ng litrato niya.Hindi ko namalayang napalingon ako sa direksyon ni Kaiden. Mula sa kinauupuan ko, kitang-kita ko ang side profile niya, ang matalim na linya ng panga, ang tuwi

  • The Ruthless Trillionaire I Divorced Now On His Knees for Me   Kabanata 43

    Pinilit kong lunukin ang tila bukol na bumara sa lalamunan ko.Sandali kong ipinikit ang mga mata ko bago ko muling itinaas ang tingin sa kanya. Mabigat ang dibdib ko, pero pinilit kong patatagin ang sarili ko.Kung ngayon pa ako magpapatalo, lalo lang niyang iisipin na tama siya. Mahigpit kong kinuyom ang kamao upang hindi niya mahalata ang bahagyang panginginig ng mga kamay ko.“Think whatever you want to think,” marahan kong sabi. Hindi ko siya diretsong matingnan sa mga mata niyang puno ng pagdududa. Sa noo niya ako tumingin kaya nakita ko kung paano lalong lumalim ang linya nito sa sobrang pagkakakunot.“Kung gusto mo…” patuloy ko, pilit pinapatatag ang boses ko kahit ramdam kong parang may pumipiga sa dibdib ko, “…si Prof. Roman na lang ang tanungin mo.”Unti-unti kong ibinalik ang tingin ko sa kanya.“Ask him yourself kung sinisiraan ba kita sa kaniya.”Nakabibinging katahimikan ang bumalot sa silid. Napansin ko pang bahagyang gumalaw ang panga niya. Napakabigat ng titig niya

  • The Ruthless Trillionaire I Divorced Now On His Knees for Me   Kabanata 42

    THIRD PERSON POVPagkatapos magpirmahan ng kontrata, humingi ng kaonting oras si Kaiden para kausapin si Senyor Roman. Hindi naman tumutol ang senyor dahil may nais din siyang sabihin dito. Sa hardin ng paaralan sila nagtungo. Pareho silang tahimik. Hanggang sa tuluyang nagsalita si Senyor Roman."Have you decided what name to give your child?"Huminto ang mga hakbang ni Kaiden. Dahan-dahan siyang napalingon kay Senyora Roman. Saglit niya pang tinimbang ang iniisip ni Senyor Roman bago nagsalita."We'll wait until she's born," aniya na lang nang walang maisip na tamang isagot.Huminga nang malalim si Senyor Roman bago muling nagsalita."No matter what happened, the child is always innocent. You are already a father with social responsibility. I hopes that you can also shoulder the responsibility of your family."Sa kaibuturan ng kanyang puso, umaasa siyang aamin si Kaiden sa kanyang mga pagkakamali at itatama ang mga ito.“If you don’t handle matters of marriage and relationships we

  • The Ruthless Trillionaire I Divorced Now On His Knees for Me   Kabanata 41

    Gaile POVNang lumapit sa amin ang waiter, sinabi niyang bayad na raw ang bill namin. Napatingin ako sandali kay Laurence bago bahagyang ngumiti. Kagaya nga ng sinabi ni Aldrin, siya na ang sumagot sa pagkain namin.Sandaling nagpaalam si Tiya Jessa para mag-restroom. Nang makabalik siya, sabay-sabay na kaming lumabas ng restaurant.Pagbukas pa lang ng pinto, agad kaming sinalubong ng malamig na hangin. Napayakap ako sa sarili ko at bahagyang napangiti.Huminga nang malalim si Laurence habang tumitingala sa madilim na langit.“Magpapasko na talaga,” komento niya.Napatingin ako sa paligid.“Oo nga,” sagot ko habang nakangiti pa rin. “Mukhang mas magiging malamig ang taglamig ngayong taon.”Maingat akong inalalayan ni Tiya Jessa pababa ng hagdan ng restaurant. Hawak niya ang braso ko. Dahan-dahan kaming naglakad papunta sa parking area.Nag-alok si Laurence na ihatid kami pauwi pero tumanggi ako dahil si Jarrem na ang magd-drive sa amin. Nagpaalam na kami sa kaniya bago tuluyang pumaso

  • The Ruthless Trillionaire I Divorced Now On His Knees for Me   Kabanata 40

    "Grandpa!”Umalingawngaw ang malambing at masayang boses ng isang batang babae sa buong courtyard.Agad na napalingon sina Justine at Kaiden.Nakita nila si Dayne, suot ang isang kulay rosas na floral dress at ang kaniyang flush hat na may mahahabang tainga ng kuneho. Mabilis siyang tumakbo papunta sa dalawa habang maingat na sinusundan ng yaya. Sa bawat pagtakbo niya ay tumatalbog ang mga iyon, kaya nagmumukha siyang parang isang maliit at malambot na kunehong tumatakbo sa damuhan.“Miss Dayne, dahan-dahan lang po,” nag-aalalang paalala ng yaya habang halos tumatakbo na rin sa likod niya.Pero hindi ito nakinig. Dere-diretso siyang tumakbo.Agad namang lumakad si Justine palapit sa kaniya. Yumuko ito at sinalubong upang buhatin ito.“Oh dear, my darling. Don't run like that, you might fall,” sabi niya habang karga-karga ang cute na bata.Mahigpit na niyakap ni Dayne ang leeg ng kaniyang lolo at mabilis itong hinalikan sa pisngi.Napangiti si Justine. Lumalim ang maliliit na guhit sa

  • The Ruthless Trillionaire I Divorced Now On His Knees for Me   Kabanata 39

    Iniwas ko ang tingin ko kay Kaiden.Pero sa gilid ng paningin ko, ramdam ko ang mabigat niyang titig sa akin. Pakiramdam ko ay hindi siya natutuwang close ako sa pinsan niyang si Maverick. Baka iniisip niya na panibagong paraan ko na naman ito para mapalapit sa kanya.Huminga ako nang marahan at bahagyang itinaas ang baba ko. Wala naman akong ginawang mali.At kung may iniisip man siyang negatibo tungkol sa akin… wala na rin akong pakialam.“Saan kayo galing?” tanong ni Senyora Leticia."Sa gazebo, Mommy-La,” sagot ni Maverick habang nakangiti. “Nagpatulong lang ako kay Gaile for my company.”Lumiwanag ang mukha ni Senyora nang marinig ang salitang kumpanya. "I see. Settled na ba?"Tumango si Maverick.“Yup! Thanks to my couz-in-law.” Tinuro pa niya ako nang pabiro. “I owe her a lot now. She deserves to be treated to a fancy meal.”Bahagya siyang natawa bago nagpatuloy.“She’s also the reason why I closed the deal with my Italian business partner.”Unti-unting lumawak ang ngiti ni Se

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status