Pagkapasok pa lamang ni Kelly sa loob ng kanilang bahay pagka-uwi niya ay nagtitili na siyang tinawag ang ina. Hindi na siya makapaghintay na ibahagi rito ang paghaharap nila ni Ryker. Na napansin ng binata ang alindog niya hindi katulad ng iniisip nila. Hinanap niya ang ina sa bawat sulok ng kanilang bahay ngunit hindi pa rin niya ito nakita.
Pumasok sa isipan niya na baka pinuntahan na naman nito ang tanim nito kaya malalaki ang hakbang na pumunta siya sa likod bahay kasunod si Arthur na napapailing. Agad naman niyang nakita ang ina sa labas na nilalagyan ng black soil ang isang bakanteng paso. Narinig nito ang yabag nila kaya napalingon ito sa kanila at napangiti.
Animo bituin na kumikinang ang kaniyang mata habang naglalakad palapit sa ina. Nangunot ang noo nito sa kinikilos niya at sumulyap kay Arthur na nagkibit balikat at naupo sa bangko.
"Mama, hulaan mo kung ano ang nangyari sa pagpunta namin doon," very eager na bulalas niya. Umaasang agad na mahulaan ng ina ang nangyari sa lakad nila.
"Kahit isang sulyap ay 'di ka nakatanggap sa kaniya," napapa-isip na hula nito kaya napanguso niya.
"Hindi mo naman ako sineseryo, Mama," hinampong bulalas niya at nagpapadyak na parang batang paslit.
Tumawa ang kaniyang ina at marahang pinisil ang pisngi niya. Gilalas na napaatras siya para iwasan ang kamay nito. May mga putik pa kasi ang kamay nito at naiwan sa mukha niya ang iba. "Mama!!" Agad niyang pinunasan ang pisngi gamit ang kamay.
Bumungisngis ang Mama niya sa naging reaksyon niya.
"Matanda ka na pero para ka pa ring bata kung umasta," pang-aasar ni Arthur sa kaniya.
Pinandilatan niya ang kaibigan at agad na pinagtanggol ang kaniyang sarili. "Sa magulang ko lang naman ako ganito, ah!" sabi niya at hinarap muli niya ang ina. Abot hanggang langit ang ngiting pinagsalikop niya ang mga kamay at kumurap ng ilang beses. "Kinausap niya ako... Mali! Hindi lang 'yon ang ginawa niya, 'Ma, hinalikan pa niya ang likod ng kamay ko!"
Bahagyang nagulat ang kaniyang ina pero agad napangiti at napatingin kay Arthur na tumango naman.
"Maraming tao ang nakikiusyuso roon pero ako ang napansin niya, 'Ma," kinikilig na turan niya. "At ang boses niya na animo tunog ng alon sa dagat. Mapanghalinang pakinggan."
Natatawang muling umupo ang ina para ipagpatuloy ang ginagawa. "Then, treasure it dahil hindi na ito mauulit pa."
Nakangiting tumango siya dahil tama ang kaniyang ina. Kung kaninang may pag-asang umusbong sa puso niya nang sabihin nitong magkikita pa muli sila'y ngayon ay inilagay na niya sa likod ng kaniyang utak. Isa pa ay hindi taga rito ang binata at nandito lang ito para sa itatayo nilang mall. Sapat na sa kaniya ang nakita ito ng personal.
"Magpapalit lang po ako at tutulungan na kita," alok niya at akmang aalis nang agad na tumanggi ang ina niya.
"Naku! 'Wag na at baka hindi na naman tutubo ang itatanim mong bulaklak," anito.
"Sinabi mo pa, Tita," sang-ayon naman ni Arthur.
Awkward na ngumiti siya. Minsan na sinubukan niyang tulungan ang ina na mag-transplant ay kinabukasan nalanta ang itinanim niya. Simula noon ay hindi na siya hinahayaan ng ina na pakialaman ang collection nitong bulaklak.
"Ah, magkukulong na lang ako sa kuwarto ko, 'Ma, at mag-i-imagine na nagpakasal na si Arthur kay Danica," pagbawi niya at bago pa komontra si Arthur ay kumaripas na siya papasok sa loob. High school classmate nila ang nasabing babae na matagal nang may gusto kay Arthur.
Pagkasara niya ng pinto ng kaniyang kuwarto ay naupo siya sa gilid ng kama. Ngayon na mag-isa na lang siya ay saka niya tinignan ang kamay na hinalikan kanina ng binata. Animo nangangarap na hinaplos pa niya iyon na parang ang labi niya ang nadampian ng labi ni Ryker.
'Pag natuklasan ng mga tagahanga nito ay tiyak na maiinggit sila. Baka pa nga magkaroon siya ng maraming haters. Hindi naman niya nabalitaan na may kasintahan ito kaya hindi ang special someone nito ang mang-aaway sa kaniya.
Humiga siya sa kama na nakalaylay ang papa niya sa gilid ng kama. Inilagay niya ang kamay sa dibdib at pumikit. May ngiting nakapaskil sa kaniyang labi at 'di namalayang nakatulog siya.
Napaungol siya at naalimpungatan nang may maramdamang humahaplos sa binti niya. Bahagya siyang nagtaka dahil hindi naman niya naalalang inalis niya ang kasuotan at may kasama siya sa sariling kuwarto. Kahit nakapikit ay nagsalubong ang kilay niya nang may maulinigan siyang isang napaka-husky na mahinang tawa kasabay ng pagpisil sa tuhod niya.
Iglap na nagmulat siya ng mga mata at nang makita niya ang lalaking nakaluhod sa pagitan ng hita niya ay gulat na gulat siya. Napanganga siya at nakatitig lang siya rito nang walang kahit ideyang pumasok sa kaniyang utak kung bakit narito ito sa kuwarto niya. Paanong nasa harapan niya si Ryker na alam niyang nasa lokasyon at sinusuri ang lote.
His lips curled up and smiled at her seductively. Napalunok siya at pinadaanan ng tingin ang gumagalaw na adams apple nito. Bumaba pa ang mata niya sa hubad na dibdib nito at wala sa loob na binasa ang kaniyang labi.
Hinawakan nito ang baba niya at marahang pinisil kaya napatingin siya uli sa binata. Bakas sa mukha nito ang labis na pagnanasa habang pinapadaanan ng tingin ang mukha niya.
"P-Paano kang nakapasok sa kuwarto ko?" halos pabulong na tanong niya.
Hindi sumagot si Ryker at mas lalo pang dumukwang para maglapat ang mga labi nila. Nahihit niya ang hininga at hinintay na halikan siya nito pero hindi pa rin ito kumikilos.
Subalit napahalingling siya at napapikit nang biglang bumaba ang kamay nito sa kaniyang kaibuturan.
"I want you, darling!!" He stroked her there at naramdaman niyang namamasa na siya. Ang malaya nitong kamay ay hinawakan ang binti niya at akmang itataas ngunit para iyong batong hindi nito mabuhat at nakaramdam siya ng kirot doon. Pakiramdam niya ay maihihiwalay na ang binti niya sa katawan.
Bigla siyang natakot kaya naman humihingal na bumalikwas siya ng bangon. Napangiwi siya at inunat nang dahan-dahan ang paa niya. Kaya pala iyon ang huling panaginip niya ay dahil nakalaylay pa rin ang kaniyang paa at namamanhid na.
Nabawasan ang kirot sa binti niya saka niya napagtantong basang-basa siya sa pawis at ang isang parte ng katawan niya ay nanlalagkit na rin.
Tumingala siya at blangkong napatingin sa kesami. Bakit bigla siyang nagkaroon ng wet dreams pagkatapos lang niyang makilala ng personal si Ryker? Tapos ang tinig sa kaniyang panaginip na animo totoo. At ang mas nakakahiya ay malakas pa ang sinag ng araw na pumapasok sa bintana ng kuwarto niya.
Tumayo na siya at nagdisisyon na maligo dahil nanlilimahid talaga ang pakiramdam niya. Kinuha niya ang tuwalya sa sabitan at lumabas ng kuwarto. May banyo ang second floor ng kanilang bahay kaya hindi na siya pumanaog.
Pagkahubad niya ng kasuotan niya at ibaba ang kaniyang undies ay nag-init ang mukha at leeg niya. Agarang inalis niya iyon at nilabhan. At habang kinukuskos niya iyon ay kinagat niya ang labi. Unang beses siyang nagkaroon ng ganitong panaginip kaya para siyang kapapanganak na sanggol na nahihiya sa kaniyang sarili.
Hinding-hindi niya babanggitin ang nakakahiyang panaginip na ito sa kahit na sino, kahit pa sa nag-iisang best friend niya.
Sa buhay ng isang tao, ang sabi ng iba kapag ikinasal ka na ay iyon na ang kaligayahan na mararanasan mo sa buhay mo. Ito na ang pinaka importanteng parte sa buhay mo na hindi mo dapat na laktawan. A part of your life that you will cherish until you're old. Lalo na 'pag ang taong pakakasalan mo ay ang taong matagal mo nang inaasam. Ang taong pinili mong makasama at makapiling hanggang sa iyong pagtanda.Siya iyong taong makakasama mong haharapin lahat ng unos at bagyong darating sa buhay ninyo. Hindi ka tatalikuran at handang tanggapin ang ano mang flows na meron ka. Kung may mood swings at tantrums ka ay hindi ito magsasawang intindihin ka. At sasamahan ka rin sa hirap at sa ginhawa.Lahat ng 'to ay haharapin nilang dalawa nang may respeto at pagmamahal sa isa't isa. Kung may away man at hindi pagkakaintindihan ay hindi sa hiwalayan ang bagsak kundi pag-usapan ninyong dalawa. Iyong magkakaroon talaga kayo ng heart to heart talk. Sabihin kung may tampo ang isa sa inyo at aayusin ninyo
Nakahiga si Kelly sa hammock, sa paborito niyang puwesto sa kanilang bahay habang si Ryker ay nakaupo sa wicker chair at mahinang tinutulak iyon. Nakapikit siya ngunit hindi naman siya tulog. Ninanamnam niya ang malamig na simoy ng hangin habang nag-eenjoy na pinagsisilbihan siya ng binata. Katatapos lang ng lunch nila kanina at dito nila naisipang mag-siesta.Ang plano nila ay bukas na ang photoshoot nila para sa kanilang kasal. At dito rin mismo sa kanila gagawin. Paparito ang photographer na kakilala ng ina nito mamayang hapon. Kanina lamang sinabi ni Ryker sa kaniya na ipinaayos na pala nito iyon kay Rhian habang nasa hospital ito. Ang gusto kasi ni Ryker ay pagkatapos na mag-propose ito ay isusunod agad nila ang kasal habang hindi pa lumalaki ang tiyan niya. Hindi sa ikinakahiya nito na buntis siya bago pa man sila ikasal. Ang punto ni Ryker ay para hindi raw siya mahirapan. Lalo na ang isusuot niyang wedding gown.Naikuwento na rin nito ang tungkol sa paghuli nila kay Morello at
Kelly sullenly look at herself in the mirror pagkatapos niyang magpalit ng damit at isuot ang gown. Hindi niya magawang ngumiti at makaramdam ng tuwa kahit nagsisimula na ang selebrasyon sa bakuran ng kanilang bahay. Paano niya magawang pekehen ang tawa niya kung nag-aalala siya sa kaniyang katipan. Kung hindi lang niya iniisip na pinaghirapang ng pamilya niyang ihanda ang okasyon ngayon ay hindi siya lalabas para harapin ang mga bisita.Muli niyang sinulyapan ang repleksyon niya sa salamin at pilit na nagplaster ng ngiti sa kaniyang labi pero naging tabingi ang labas 'nun. She took another deep breath and turned to her hills. Nalingunan niya ang ama na inilahad agad ang kamay sa kaniya. Walang imik na tinanggap niya iyon at lumabas na sila ng kaniyang kuwarto. Naririnig na niya ang boses ng kumakantang banda na inupahan din ng magulang niya na tutogtog ngayong gabi.Habang pumapanaog sila ay sobrang sama talaga ng loob niya. Pinipilit lang talaga niyang kalmahin ang sarili niya."Mag
"K-Kuya!!" tabingi ang ngiting bulalas ni Rhian at mabilis na itinago ang cellphone sa kaniyang likod. Animo tumalon pa ang puso niya sa ribcage niya dahil sa gulat nang malingunan ito.When she saw his piercing gaze, she almost crumpled in fright. Humigpit ang hawak niya sa cellphone na itinatago niya sa kaniyang likod. Hindi niya sigurado kung narinig nito ang sinabi niya kaya kinakabahan siya."What?" Galing si Ryker sa banyo para magpalit ng damit at ngayon lang nila ito pinayagan na ma-discharge rito sa hospital. Katunayan ay pinayagan na ng doctor na puwede na itong umuwi noong isang araw pa pero silang pamilya nito ang nagpumilit na dumito muna ito sa hospital para makapagpahinga ng maigi. Kahit na iginiit niyang kaya na niya ay overreacting ang tatlong babae sa pamilya niya. At kung nandito lang din si Kelly ay baka mas malala pa ang gagawin nitong pagbantay sa kaniya.Sinadya talaga niyang hindi tawagan at kontakin si Kelly dahil nate-tempt siya na sabihin dito ang nangyari s
"Birthday mo sa sabado, hindi ba?" tanong ni Arthur kay Kelly. Nasa likod ng bahay nila silang dalawa at nakaupo sa wicker chair na binili ng kaniyang ina. Malamig kasi dito sa bandang 'to lalo 'pag hapon na kaya dito sila tumambay na magkaibigan. Nakaka-relax din siya rito 'pag nilalanghap niya ang malinis na simoy ng hangin at dinadala pa 'nun ang bango ng mga bulaklak na tanim ng kaniyang ina. Nagpasadya pa siya sa kaniyang ama ng hammock dito at kapag inaantok siya ay dito siya matutulog maghapon. Kung hindi siya gigisingin ng magulang at kuya niya ay baka hindi pa siya magigising at papasok sa loob."Oo, ang sabi ni mama ay maliit na salu-salo silang ihahanda kaya kailangan ay dumalo ka," tugon niya. Sinabi na niya na huwag na silang mag-abala pang mag-celebrate pero iginiit iyon ng kaniyang magulang kaya hindi na siya komontra pa."Aba! Siyempre, dadalo ako!" bulalas nito kaya natawa siya. Ang boses kasi na ginamit nito ay animo isang teenager na excited na pupunta sa isang prom
Hindi maipinta ang mukha ni Kelly habang nakatingin sa kaniyang cellphone. Tatlong araw nang hindi niya makontak si Ryker at hindi rin ito sumubok na tumawag sa kaniya. Sinubukan din niyang tawagan si Rhian at ang Tita Lana pero walang sumasagot sa dalawa. Ni hindi sila nagbalita sa kaniya kung ano na ang nangyari sa kaso ni Morello. Hindi niya alam kung nahuli na ba ang lalaki o hindi pa.Ang huling tawagan lang nila ay nung gabing inaantok na talaga siya. Sa una ay sinabi niya sa sariling baka abala ito. Pero nang lumipas na ang tatlong araw na wala itong paramdam ay nakaramdam na siya ng panibugho. Hindi lang 'yun, binabaha na rin siya ng pag-aalala para sa binata at kay Sydney. Paano kung may masamang nangyari na sa kanila? At kaya hindi sinasagot ni Ryker ang tawag niya ay dahil ayaw nitong malaman niya ang nangyari sa kanila.Kanina ay nagpumilit siyang lumuwas pero tinutulan at pinigilan siya ng magulang niya lalo na ang kuya niya na mas matindi pa ang reaksyon sa sinabi niya.