Kausap ni Ryker ang engineer niya nang maramdaman niya ang kakaibang tingin na nakatutok sa kaniya. Luminga siya para hanapin ang tingin na iyon; then his eyes met beautiful and seductive eyes. Hindi niya alam kung aware ba ang magandang dilag sa paraan ng tingin nito kaya napangisi siya at kinindatan ito.
Malayo man ang babae ay nahuhulaan niyang pumula ang pisngi nito nang makita ang pagkagat nito sa ibababg labi. She's so gorgeous that she immediately grabbed his attention. Maraming kadalagahan siyang nakita at nakilala subalit ito lang ang masasabi niyang may taglay na eleganteng ganda. Nakakahalina at hindi nakakasawang pagmasdan.Binawi na niya ang kaniyang mata at bumalik ang atensyon niya kay Rob na pinag-aaralan kung paano itatayo ang gusali. Isang kakilala niya ang nagsabi tungkol sa lugar na 'to at nagkaroon agad siya ng interes. Kaya naman nagplano na agad siya at binili ang malawak na lupain. Ang may-ari nga lamang ang pumunta sa syudad upang magpirmahan sila."The entrance must face the east side where the sun rises. I heard that old folks in this place said that luck will constantly enter your business if we do it that way," turan ni Rob at itinuro kung saan ang magiging entrance 'pag matutuloy ang project."Then, we will follow their cultures here," tumatangong saad niya. Nakita naman niya noon pa ang blueprint ng itatayong mall dito. Nasuri na rin ni Rob ang lupa at puwede silang makapagpatayo ng malaking gusali rito.Sumama lang siya ngayon upang tignan ang lokasyon dahil ang inuutusan niyang mag-check dito noon ay ang kapatid niya. Sa litrato at videos lamang niya nakikita ito. May tiwala siya sa kapatid kaya ibinigay niya ang trabahong ito sa kaniya.Matagal na niyang planong magpatayo rito noon at ngayong natapos lahat ng proseso ay baka sisimulan na rin sa susunod na buwan. Ihahanda pa kasi muna ang mga equipments na gagamitin. Plano rin niyang 'pag nasimulan na ay papasyal siya rito upang tignan kung gaano kabilis ang trabaho ng mga construction workers nila. Five years kasi ang nakalagay na taon upang matapos ang gusali.Hindi lang niya inakalang may makikita siyang napakagandang dilag sa unang pagtapak niya rito. Mukhang ang gusto niyang pagbisi-bisita lang para inspeksyunin ang project ay magiging madalas na.He look at her side again and realized that she's still there. Nakita niyang kausap nito ang isang matangkad na lalaki na katabi nito. Tumaas muli ang sulok ng kaniyang labi nang sumulyap ang dalaga sa kanya at nang mapagtantong nakamasid siya rito ay agad nagbawi ng tingin at kumapit sa kausap nito. Nakita niyang hinila nito ang lalaki para umalis kaya naman mabilis na itinaas niya ang kamay para pigilan si Rob sa pagsasalita.Malalaki ang hakbang na sinundan niya ang dalawa. Kung hindi niya hahabulin ang dalaga para makilala ay baka hindi siya magkakaroon ng chance na makita pa itong muli. Hindi naman niya sigurado kung isang turista ito rito at napadaan lang.Balak niyang lapitan ito mamaya pero ngayon na plano nitong umalis ay kailangan na niyang kumilos.Sa kabilang banda, gusto pa sanang magtagal ni Kelly upang pagmasdan ang binata subalit pakiramdam niya ay nangangatog pa rin ang tuhod niya sa pagkakasalubong ng mata nila ng binata sa pangalawang pagkakataon. Pakiramdam niya'y lumipad sa ibang planeta ang natitirang tino sa utak niya. Kung hindi pa siya aalis dito ay malamang siya na ang gagawa ng hakbang upang malapitan ang guwapong binata."Bilisan mo! 'Pag hindi tayo nakalayo rito ay kailangan mo akong pigilan bago ako makagawa ng nakakahiyang bagay," prantikong bulalas niya sa kaibigan na bahagyang natawa. Nagpahila rin naman ito pero humirit pa rin."Excited ka na makita siya ng personal pero ngayon na nagkatitigan lang kayo ng ilang segundo ay gusto mo nang tumakas."Hindi niya pinansin ang sinabi nito at nilakasan ang paghila rito."Wait, Miss!"Nakakailang hakbang pa lang sila ni Arthur nang may isang baritono at mababang tinig ang narinig niya. Hindi niya sigurado kung siya ang tinatawag ng boses pero parang may sariling isip ang paang huminto siya at kumakabog ang dibdib na nilinga ang nagsalita. It was as if she was instantly rooted at the ground when she saw him approaching.Mahigpit na napakapit siya sa braso ni Arthur na mahinang nagreklamo nang dumiin ang daliri niya sa balat nito. Inignora niya ito dahil halos nagrarambulan na ang bulate sa kaniyang tiyan sa kaba. At nang sa wakas ay nasa harapan na nila ito'y parang bibigay na ang tuhod niya."Are you a local here," nakangiting tanong nito.Bahagyang bumuka ang kaniyang bibig pero kahit ni isang kataga ay walang nabuo ang dila niya. Sinulyapan siya ni Arthur bago ito ang sumagot."Yes, local kami rito, Sir," polite na tugon ng kaibigan niya."Really? I'm glad." Ni hindi nito sinulyapan si Arthur at nakatutok lamang ang mata kay Kelly na nag-iinit ang pisngi at kung kandila lamang siya ay kanina pa naupos at dumaloy sa kaniyang kinatatayuan.Halata rin ang tuwa sa mukha ni Ryker dahil nag-curve pa ang mata nito na parang crescent shape nang ngumiti. "Puwede ko bang malaman ang iyong pangalan magandang binibini?" Yumukod ito at hinawakan pa nito ang kaniyang kamay, dinampian nito ng halik ang likod no'n dahilan upang sumikdo ang puso niya sa ginawa nito.Napakagat labi siya at wala sa loob na humigpit ang kamay niya sa kamay nito. "M-My name is Kelly," nabulol na hayag niya."Bagay sa'yo ang iyong pangalan, Kelly," puri nito. "Napakaganda katulad mo."Nahihiyang nagyuko siya ng ulo.Parang gusto na niyang tumili sa kilig sa oras na 'to subalit napigilan niya. Nagkakagulo na rin ang mga paru-paru sa tiyan niya like swooning with happiness.Kaninang binibiro siya ng ina na hindi siya bibigyan nito ng pansin ay tanggap niya. Subalit hindi niya inaasahan na magkakasalungat ang sinabi nito sa nangyayari ngayon. Dahil narito siya sa harapan niya at gustong makipagkilala sa kaniya. He's even holding her hand and kissed it.Marahang pinisil nito ang kamay niya dahilan upang mahimasmasan siya at napatingin sa magkadaop pa rin nilang kamay. She immediately retracted her hand; eyes drooping in embarrassment.He chuckled amusedly. "Then, nice meeting you, Kelly. We'll see each other again next time," saad nito.Nahihiyang tumango siya. "O-Okay!"He waved his hand for the last time before turning on his back and walked back to the tent. Nangangarap na pinanood niya ang papalayong pigura nito. Ang sabi nito ay magkikita pa sila kaya baka magtatagal ito ng Santa Rosa. So, may next time pa na masisilayan niya ito.Tumikhim si Arthur at marahang siniko si Kelly na hindi pa rin binabawi ang tingin kay Ryker kahit nakabalik na ito ng tent. Napabaling agad ito sa kaniya at bago pa niya maawat ang gagawin nito ay impit itong napatili at kinurot siya sa braso."Sabihin mong hindi panaginip 'to," animo kinikiliting bigkas ni Kelly."Hindi ka nananaginip," he assured her. Pinitik niya ang noo nito at d*****g naman ito. "Hindi ako makapaniwalang natitigan mo siya ng ganun na parang kakainin mo na siya. Nakalimutan mo pa na kasama mo ako at ginawang poste para sumuporta sa'yo," resentful na reklamo nito.Naglalambing na niyakap niya ang braso nito. "Sorry, sa susunod na makikita natin siya rito ay ipapakilala kita."Sumimangot lang si Arthur at inalis ang kamay niya sa braso nito. "Tara na at umuwi. May ikukuwento ka na kay Tita."Malawak ang ngiting sumunod siya rito pero sinulyapan niyang muli si Ryker pagkatapos ay sumakay na sa kotse ni Arthur."Seatbelt," Arthur reminded her.Agad naman niyang ikinabit ang iyon at ngumiti sa kaibigan na iningusan lang siya. "Hindi ko alam kung magandang ideya na dinala kita rito o hindi. Baka ilang araw kitang 'di makausap ng matino."Lumabi lamang siya ngunit hindi nagkomento. Masyado siyang masaya para patulan ang sinabi nito.Sa buhay ng isang tao, ang sabi ng iba kapag ikinasal ka na ay iyon na ang kaligayahan na mararanasan mo sa buhay mo. Ito na ang pinaka importanteng parte sa buhay mo na hindi mo dapat na laktawan. A part of your life that you will cherish until you're old. Lalo na 'pag ang taong pakakasalan mo ay ang taong matagal mo nang inaasam. Ang taong pinili mong makasama at makapiling hanggang sa iyong pagtanda.Siya iyong taong makakasama mong haharapin lahat ng unos at bagyong darating sa buhay ninyo. Hindi ka tatalikuran at handang tanggapin ang ano mang flows na meron ka. Kung may mood swings at tantrums ka ay hindi ito magsasawang intindihin ka. At sasamahan ka rin sa hirap at sa ginhawa.Lahat ng 'to ay haharapin nilang dalawa nang may respeto at pagmamahal sa isa't isa. Kung may away man at hindi pagkakaintindihan ay hindi sa hiwalayan ang bagsak kundi pag-usapan ninyong dalawa. Iyong magkakaroon talaga kayo ng heart to heart talk. Sabihin kung may tampo ang isa sa inyo at aayusin ninyo
Nakahiga si Kelly sa hammock, sa paborito niyang puwesto sa kanilang bahay habang si Ryker ay nakaupo sa wicker chair at mahinang tinutulak iyon. Nakapikit siya ngunit hindi naman siya tulog. Ninanamnam niya ang malamig na simoy ng hangin habang nag-eenjoy na pinagsisilbihan siya ng binata. Katatapos lang ng lunch nila kanina at dito nila naisipang mag-siesta.Ang plano nila ay bukas na ang photoshoot nila para sa kanilang kasal. At dito rin mismo sa kanila gagawin. Paparito ang photographer na kakilala ng ina nito mamayang hapon. Kanina lamang sinabi ni Ryker sa kaniya na ipinaayos na pala nito iyon kay Rhian habang nasa hospital ito. Ang gusto kasi ni Ryker ay pagkatapos na mag-propose ito ay isusunod agad nila ang kasal habang hindi pa lumalaki ang tiyan niya. Hindi sa ikinakahiya nito na buntis siya bago pa man sila ikasal. Ang punto ni Ryker ay para hindi raw siya mahirapan. Lalo na ang isusuot niyang wedding gown.Naikuwento na rin nito ang tungkol sa paghuli nila kay Morello at
Kelly sullenly look at herself in the mirror pagkatapos niyang magpalit ng damit at isuot ang gown. Hindi niya magawang ngumiti at makaramdam ng tuwa kahit nagsisimula na ang selebrasyon sa bakuran ng kanilang bahay. Paano niya magawang pekehen ang tawa niya kung nag-aalala siya sa kaniyang katipan. Kung hindi lang niya iniisip na pinaghirapang ng pamilya niyang ihanda ang okasyon ngayon ay hindi siya lalabas para harapin ang mga bisita.Muli niyang sinulyapan ang repleksyon niya sa salamin at pilit na nagplaster ng ngiti sa kaniyang labi pero naging tabingi ang labas 'nun. She took another deep breath and turned to her hills. Nalingunan niya ang ama na inilahad agad ang kamay sa kaniya. Walang imik na tinanggap niya iyon at lumabas na sila ng kaniyang kuwarto. Naririnig na niya ang boses ng kumakantang banda na inupahan din ng magulang niya na tutogtog ngayong gabi.Habang pumapanaog sila ay sobrang sama talaga ng loob niya. Pinipilit lang talaga niyang kalmahin ang sarili niya."Mag
"K-Kuya!!" tabingi ang ngiting bulalas ni Rhian at mabilis na itinago ang cellphone sa kaniyang likod. Animo tumalon pa ang puso niya sa ribcage niya dahil sa gulat nang malingunan ito.When she saw his piercing gaze, she almost crumpled in fright. Humigpit ang hawak niya sa cellphone na itinatago niya sa kaniyang likod. Hindi niya sigurado kung narinig nito ang sinabi niya kaya kinakabahan siya."What?" Galing si Ryker sa banyo para magpalit ng damit at ngayon lang nila ito pinayagan na ma-discharge rito sa hospital. Katunayan ay pinayagan na ng doctor na puwede na itong umuwi noong isang araw pa pero silang pamilya nito ang nagpumilit na dumito muna ito sa hospital para makapagpahinga ng maigi. Kahit na iginiit niyang kaya na niya ay overreacting ang tatlong babae sa pamilya niya. At kung nandito lang din si Kelly ay baka mas malala pa ang gagawin nitong pagbantay sa kaniya.Sinadya talaga niyang hindi tawagan at kontakin si Kelly dahil nate-tempt siya na sabihin dito ang nangyari s
"Birthday mo sa sabado, hindi ba?" tanong ni Arthur kay Kelly. Nasa likod ng bahay nila silang dalawa at nakaupo sa wicker chair na binili ng kaniyang ina. Malamig kasi dito sa bandang 'to lalo 'pag hapon na kaya dito sila tumambay na magkaibigan. Nakaka-relax din siya rito 'pag nilalanghap niya ang malinis na simoy ng hangin at dinadala pa 'nun ang bango ng mga bulaklak na tanim ng kaniyang ina. Nagpasadya pa siya sa kaniyang ama ng hammock dito at kapag inaantok siya ay dito siya matutulog maghapon. Kung hindi siya gigisingin ng magulang at kuya niya ay baka hindi pa siya magigising at papasok sa loob."Oo, ang sabi ni mama ay maliit na salu-salo silang ihahanda kaya kailangan ay dumalo ka," tugon niya. Sinabi na niya na huwag na silang mag-abala pang mag-celebrate pero iginiit iyon ng kaniyang magulang kaya hindi na siya komontra pa."Aba! Siyempre, dadalo ako!" bulalas nito kaya natawa siya. Ang boses kasi na ginamit nito ay animo isang teenager na excited na pupunta sa isang prom
Hindi maipinta ang mukha ni Kelly habang nakatingin sa kaniyang cellphone. Tatlong araw nang hindi niya makontak si Ryker at hindi rin ito sumubok na tumawag sa kaniya. Sinubukan din niyang tawagan si Rhian at ang Tita Lana pero walang sumasagot sa dalawa. Ni hindi sila nagbalita sa kaniya kung ano na ang nangyari sa kaso ni Morello. Hindi niya alam kung nahuli na ba ang lalaki o hindi pa.Ang huling tawagan lang nila ay nung gabing inaantok na talaga siya. Sa una ay sinabi niya sa sariling baka abala ito. Pero nang lumipas na ang tatlong araw na wala itong paramdam ay nakaramdam na siya ng panibugho. Hindi lang 'yun, binabaha na rin siya ng pag-aalala para sa binata at kay Sydney. Paano kung may masamang nangyari na sa kanila? At kaya hindi sinasagot ni Ryker ang tawag niya ay dahil ayaw nitong malaman niya ang nangyari sa kanila.Kanina ay nagpumilit siyang lumuwas pero tinutulan at pinigilan siya ng magulang niya lalo na ang kuya niya na mas matindi pa ang reaksyon sa sinabi niya.