Share

Chapter 5

Author: Ced Emil
last update Huling Na-update: 2023-03-22 12:09:21

Kinalunesan ay maagang pumasok sa trabaho si Kelly. Kahit halata ang malalaking eyebags sa mata niya at kakulangan sa tulog ay maliksi pa rin siyang kumilos. After having that kind of dream, hindi siya nakatulog ng ilang gabi at palaging naglalaro sa kaniyang utak ang mukha ng binata. Hindi niya maintindihan kung bakit at paano nagawang gumawa ng ganoong ekspresyon sa mukha ng binata ang utak niya.

Sa tuwing pipikit siya ay animo sirang cassette na lumilitaw sa balintataw niya iyon dahilan upang bigla siyang mamumula at magigising ang kaniyang diwa. Pagkatapos ay 'di na siya makakatulog at madaling araw na kung aantukin siya.

Humikab siya at sumandal sa swivel chair niya at pumikit. Wala namang darating na bagong libro ngayon kaya wala siyang gagawin. Isa pa ay hindi naman isang malaking library ang pinagtatrabahuhan niya kaya may araw talaga na wala siyang ginagawa at nakaupo lamang habang nagbabasa ng libro at naghihintay ng darating na customer. Lalo na kung natapos niyang i-check ang lahat ng dapat na ayusin katulad pag-audit at pag-organize ng files.

At ang kasama naman niyang si Samuel ay pupuwesto sa isang sulok at magbabasa rin kung wala na rin itong gagawin. Just like now, he's at his usual hidden place, sa corner ng library na tinatabingan ng malaking shelves.

"Hello po, ate Kelly," bibong bati ng matinis na boses ng isang batang babae kaya nagmulat siya ng mata. Nang makita niya ang regular na bisita niyang si Pierre ay napangiti siya. Apat na taong gulang na ito at palagi siyang dinadala rito ng kaniyang ina.

"Hello, Pierre, sinong kasama mong dumating?" malumanay na tanong niya. Luminga rin siya para hanapin ang mama nito.

Umiling ito at lumapit sa kaniya sabay akyat at upo sa kandungan niya. "Tinakbuhan ko po si Mama, ate, kasi po sabi niya may ginagawa siya."

Nanggigigil na pinisil niya ang pisngi nito. "Huwag mo uli ulitin 'tong ginawa mo, hah. Kasi mag-aalala ang mama mo."

Humagikgik ito at pinupog siya ng halik sa pisngi. "Opo, ate ganda."

Napangiti siya sa sinabi nito. "Teka, sasabihin ko muna sa mama mo na nandito ka." Kinuha niya ang cellphone at pinadalhan ng mensahe si Sharon bago muling ibinalik sa drawer. "Anong gusto mong story na basahin ko?"

"Gusto ko uling marinig 'yong Ang batong may dalawang gintong mata," hyper na bulalas nito kaya natawa siya.

"Ilang beses mo nang narinig 'yan, eh," kunwa'y reklamo niya.

Ngumuso ito at kumurap ng ilang beses dahilan para maging cute ang ekspresyon ng mukha nito. Lalong pinanggigilan niya ang matambok na pisngi nito. Kinuha niya ang children's book sa ilalim ng mesa at binuklat iyon habang kandong pa rin niya ang bata. Sinimulan niyang basahin ang manipis na libro.

"Sa isang malayo at liblib na lugar, may isang malaking bato na palaging tumutulong sa mga taong napapadaan sa kuweba kung saan siya nakatira. At may isang bata na nagngangalang Ara ang naging kaibigan ng bato. Dahil palaging sinasaktan ng kaniyang ina si Ara, ang bato ang siyang tumutulong sa kaniya. Hanggang sa—" nahinto siya sa pagkuwento at agarang nag-angat ng mukha nang maramdamang may matang nakatutok sa kaniya.

Muntik pa niyang mabitawan si Pierre na kandung niya at nalaglag ang librong hawak niya dahil sa gulat. Nanlalaki ang matang nakanganga siya sa binata at iniisip kung nananaginip ba siya o hindi. Nang humigpit ang maliit na kamay ni Pierre sa leeg niya ay na-realize niyang totoong nasa workplace niya ang lalaki at hindi lang imahinasyon.

Hindi niya alam kung kailan pa narito ang binata at pinapanood siya kaya agad siyang na-conscious at pasimpleng iniipit sa likod ng taynga ang kaniyang buhok. Naaasiwa rin na inayos niya ang bata sa kandungan niya at kumibot ang labi niya.

Nang humakbang ito palapit ay bigla na namang lumitaw ang eksena sa panaginip niya dahilan para manginig ang kamay niya. Hindi man nito alam ang bagay na 'yon ay kinain siya ng kahihiyan at parang gustong magtago sa ilalim ng mesa.

Si Pierre naman ay inosenteng tumingala kay Ryker at matamis na ngumiti. "Hello po! Bibili ka rin po ng libro?"

Nagising siya sa pagkakatulala at agad na uminit ang buong pakiramdam niya. Gosh! Nakalimutan niya ang batiin ang binata dahil lang mas natuon ang utak niya sa makamundong bagay na napanaginipan niya.

"H—Hai..."Nakagat niya ang labi dahil sa unang pagkakataon ay animo nakalimutan niya ang tamang asal kapag may tao na dumarating ng library. "S-Sir, kung naghahanap po kayo ng libro ay sabihin mo po sa'kin upang matulungan kita."

Ryker let out a lecherous smile and said very slowly, "I want a children's book, meron ba?" Bahagyang naningkit ang mata nito. "At gusto ko rin na basahin mo sa akin."

Animo nanginig ang taynga niya sa narinig at dahil sa tonong ginamit nito. Animo sinusubukan nitong akitin siya sa boses nito. At ang tanging salitang tumatak sa utak niya ay ang 'want' na 'yon kaya mas lalong umalingawngaw sa taynga niya ang sinabi nito sa kaniyang panaginip.

Tulalang nakamata siya rito ng ilang minuto. Habang ito naman ay matiim na nakatitig din sa kan'ya.

Lihim niyang kinastigo ang kaniyang sarili sa kalandian na tumatakbo sa isip niya. Napahinga siya ng malalim at nagpaskil ng nahihiyang ngiti. Ibinaba rin niya si Pierre at mabilis na tumayo. "P-Pardon me for my rudeness, Sir. Tutulungan po kitang hanapin ang librong gusto niyo. Ano ba ang title ng hinahanap mo?"

Lumitaw ang inosenteng ngiti sa labi nito at sumulyap sa librong hawak pa rin niya. "That book, can I have it?"

Naalala niyang ito lang ang natirang libro ng ganitong title dahil karamihan ng mga bata rito sa lugar nila ay ito ang paboritong binabasa. "I'm sorry, Sir, pero ito na lang po ang natirang ganitong libro at nabili ko na po para sa kaniya," hindi makatingin ng deretsong bigkas niya.

"Oh! I see!" animo dismayadong sambit nito.

"Ate Kelly," pabulong na tawag sa kaniya ni Pierre kaya niyuko niya ito. "Kung gusto niyang bilhin ay ibigay na natin sa kaniya kasi kawawa naman siya," pagpapatuloy nito sa mahina pa rin na tinig.

Mahinang natawa si Ryker na obviously ay narinig pa rin ang sinabi ng bata. "Alright! Hindi ko na bibilhin pero..." Tumaas ang sulok ng bibig nito. "kung gusto ni miss Kelly ay basahin niya at pakikinggan natin na dalawa. Sa gano'n ay hindi ko na bibilhin ang libro."

Nanlambot ang tuhod niya sa narinig na sinabi nito. Iisipin pa lamang niya na binabasa niya ang pambatang kuwento at ang binabasahan niya ay isang adult na katulad ni Ryker ay tumatayo ang balahibo niya sa hiya. Baka 'pag ibubuka pa lang niya ang bibig ay mauutal na siya o kaya'y walang tinig na lalabas sa bunganga niya.

Agad naman na sumang-ayon si Pierre at nakabungisngis na pinaupo nito si Ryker sa bakanteng silya at kumandong sa binata na animo pamilyar ito sa huli. Ngayon naman ay animo nalagay siya sa isang komplikadong sitwasyon na hindi malaman kung ano ang gagawin. Habang nakatingin siya sa dalawa na excited na naghihintay sa pagkukuwento niya ay kinain siya ng kaba.

"M-May trabaho pa kasi ako-" mabilis na rason niya kaya tumawa si Ryker.

"Nang siya ang kinukuwentuhan mo ay hindi mo sinabing busy ka pero ngayong ako ang nag-request ay bigla kang naging busy. You're being unfair to your customer, Miss librarian," pabirong bigkas nito.

Mariing naglapat ang labi niya at napatingin sa isang sulok. Hindi alam kung ano ang magiging sagot sa sinabi nito.

"Are you shy? Huwag kang matakot 'di naman ako nangangagat," amused na saad nito at kumindat pa sa kaniya. Nagkadasamid-samid siya sa sariling laway sa ginawa nito. The way he wink was so damn captivating and sexy.

"Hindi ako nahihiya," mabilis na kaila niya. Humagikgik naman si Pierre at bumulong sa taynga ng binata bago sabay na tumawa.

Habang nakamasid siya sa dalawa ay may munting ngiting gumuhit sa kaniyang labi. Hindi niya inakalang ang isang katulad ni Ryker ay madaling makapagpalagayan ng loob kahit ito pa lang ang pangalawang beses na nagka-usap sila. At sa tingin niya ay lapitin ito ng mga bata dahil sa paraan ng pagtrato nito kay Pierre.

Pinapanood pa rin niya ang pagbubulungan nila nang may pumasok. Sabay silang napatingin doon at ang ina ni Pierre ang nakita nila na bakas ang konsumisyon sa mukha. Nang makita nito ang anak na kandong ng isang estranghero ay napalitan ng hiya ang ekspresyon nito at apologetic na lumapit sa huli.

"Pasensya na po, Sir. Masyado po makulit itong anak ko. Pasensiya ka na rin, Kelly, ni hindi ko napansin na tinakbuhan na naman niya ako," distressed na saad nito.

"Naku! Okay lang. Alam ko naman na busy ka rin sa gawaing bahay," saad niya.

"Thank you! Sige iuuwi ko na ang batang 'to para makapagtrabaho ka na rin," paalam nito at hinawakan sa kamay si Pierre. Kumaway naman ang bata sa kanila at nang naiwan sila ay kinain na naman siya ng hiya at kagat-labing nagyuko ng ulo.

"K-Kung gusto mo talagang basahin 'to ay puwede ko namang ipahiram sa'yo," kiming bigkas niya. Nagulat siya at naiatras ang swivel chair na kinauupuan niya nang biglang tumunghay ito sa kaniya. Maagap din ang kamay na hinawakan nito ang armrest ng upuan at napigilan siya sa paglayo.

"I don't want to. Gusto kong ikaw din ang magbasa para sa'kin," pa-cute na usal nito habang ang mata niya ay naglalaro sa buong mukha niya.

Napalunok siya at hindi makatingin na itinulak niya ito sa may dibdib. Hindi naman siya nahirapan dahil lumayo ito sa kaniya kaya napahinga siya ng malalim.

"I'm just kidding," pagbawi nito at kinuha ang libro sa mesa. "Then hihiramin ko na 'to at ibabalik ko rin sa'yo bukas."

"S-Sige!" nabubulol na sambit niya.

Ngumiti ito at tumalikod dala-dala ang libro. Animo isang jelly na napasandal siya sa likod ng upuan niya at ilang beses pa na humugot ng malalim na paghinga.

Sa pagkakalapit ng husto ng mukha nila ay animo tumalon ang puso niya lalo na nang masamyo niya ang mabangong hininga nito. Parang isang gayuma na nakakaadik.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
naku kelly huwag masyado magpahalata
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • The Sadist Billionaire   Chapter 84 Finale

    Sa buhay ng isang tao, ang sabi ng iba kapag ikinasal ka na ay iyon na ang kaligayahan na mararanasan mo sa buhay mo. Ito na ang pinaka importanteng parte sa buhay mo na hindi mo dapat na laktawan. A part of your life that you will cherish until you're old. Lalo na 'pag ang taong pakakasalan mo ay ang taong matagal mo nang inaasam. Ang taong pinili mong makasama at makapiling hanggang sa iyong pagtanda.Siya iyong taong makakasama mong haharapin lahat ng unos at bagyong darating sa buhay ninyo. Hindi ka tatalikuran at handang tanggapin ang ano mang flows na meron ka. Kung may mood swings at tantrums ka ay hindi ito magsasawang intindihin ka. At sasamahan ka rin sa hirap at sa ginhawa.Lahat ng 'to ay haharapin nilang dalawa nang may respeto at pagmamahal sa isa't isa. Kung may away man at hindi pagkakaintindihan ay hindi sa hiwalayan ang bagsak kundi pag-usapan ninyong dalawa. Iyong magkakaroon talaga kayo ng heart to heart talk. Sabihin kung may tampo ang isa sa inyo at aayusin ninyo

  • The Sadist Billionaire   Chapter 83

    Nakahiga si Kelly sa hammock, sa paborito niyang puwesto sa kanilang bahay habang si Ryker ay nakaupo sa wicker chair at mahinang tinutulak iyon. Nakapikit siya ngunit hindi naman siya tulog. Ninanamnam niya ang malamig na simoy ng hangin habang nag-eenjoy na pinagsisilbihan siya ng binata. Katatapos lang ng lunch nila kanina at dito nila naisipang mag-siesta.Ang plano nila ay bukas na ang photoshoot nila para sa kanilang kasal. At dito rin mismo sa kanila gagawin. Paparito ang photographer na kakilala ng ina nito mamayang hapon. Kanina lamang sinabi ni Ryker sa kaniya na ipinaayos na pala nito iyon kay Rhian habang nasa hospital ito. Ang gusto kasi ni Ryker ay pagkatapos na mag-propose ito ay isusunod agad nila ang kasal habang hindi pa lumalaki ang tiyan niya. Hindi sa ikinakahiya nito na buntis siya bago pa man sila ikasal. Ang punto ni Ryker ay para hindi raw siya mahirapan. Lalo na ang isusuot niyang wedding gown.Naikuwento na rin nito ang tungkol sa paghuli nila kay Morello at

  • The Sadist Billionaire   Chapter 82

    Kelly sullenly look at herself in the mirror pagkatapos niyang magpalit ng damit at isuot ang gown. Hindi niya magawang ngumiti at makaramdam ng tuwa kahit nagsisimula na ang selebrasyon sa bakuran ng kanilang bahay. Paano niya magawang pekehen ang tawa niya kung nag-aalala siya sa kaniyang katipan. Kung hindi lang niya iniisip na pinaghirapang ng pamilya niyang ihanda ang okasyon ngayon ay hindi siya lalabas para harapin ang mga bisita.Muli niyang sinulyapan ang repleksyon niya sa salamin at pilit na nagplaster ng ngiti sa kaniyang labi pero naging tabingi ang labas 'nun. She took another deep breath and turned to her hills. Nalingunan niya ang ama na inilahad agad ang kamay sa kaniya. Walang imik na tinanggap niya iyon at lumabas na sila ng kaniyang kuwarto. Naririnig na niya ang boses ng kumakantang banda na inupahan din ng magulang niya na tutogtog ngayong gabi.Habang pumapanaog sila ay sobrang sama talaga ng loob niya. Pinipilit lang talaga niyang kalmahin ang sarili niya."Mag

  • The Sadist Billionaire   Chapter 81

    "K-Kuya!!" tabingi ang ngiting bulalas ni Rhian at mabilis na itinago ang cellphone sa kaniyang likod. Animo tumalon pa ang puso niya sa ribcage niya dahil sa gulat nang malingunan ito.When she saw his piercing gaze, she almost crumpled in fright. Humigpit ang hawak niya sa cellphone na itinatago niya sa kaniyang likod. Hindi niya sigurado kung narinig nito ang sinabi niya kaya kinakabahan siya."What?" Galing si Ryker sa banyo para magpalit ng damit at ngayon lang nila ito pinayagan na ma-discharge rito sa hospital. Katunayan ay pinayagan na ng doctor na puwede na itong umuwi noong isang araw pa pero silang pamilya nito ang nagpumilit na dumito muna ito sa hospital para makapagpahinga ng maigi. Kahit na iginiit niyang kaya na niya ay overreacting ang tatlong babae sa pamilya niya. At kung nandito lang din si Kelly ay baka mas malala pa ang gagawin nitong pagbantay sa kaniya.Sinadya talaga niyang hindi tawagan at kontakin si Kelly dahil nate-tempt siya na sabihin dito ang nangyari s

  • The Sadist Billionaire   Chapter 80

    "Birthday mo sa sabado, hindi ba?" tanong ni Arthur kay Kelly. Nasa likod ng bahay nila silang dalawa at nakaupo sa wicker chair na binili ng kaniyang ina. Malamig kasi dito sa bandang 'to lalo 'pag hapon na kaya dito sila tumambay na magkaibigan. Nakaka-relax din siya rito 'pag nilalanghap niya ang malinis na simoy ng hangin at dinadala pa 'nun ang bango ng mga bulaklak na tanim ng kaniyang ina. Nagpasadya pa siya sa kaniyang ama ng hammock dito at kapag inaantok siya ay dito siya matutulog maghapon. Kung hindi siya gigisingin ng magulang at kuya niya ay baka hindi pa siya magigising at papasok sa loob."Oo, ang sabi ni mama ay maliit na salu-salo silang ihahanda kaya kailangan ay dumalo ka," tugon niya. Sinabi na niya na huwag na silang mag-abala pang mag-celebrate pero iginiit iyon ng kaniyang magulang kaya hindi na siya komontra pa."Aba! Siyempre, dadalo ako!" bulalas nito kaya natawa siya. Ang boses kasi na ginamit nito ay animo isang teenager na excited na pupunta sa isang prom

  • The Sadist Billionaire   Chapter 79

    Hindi maipinta ang mukha ni Kelly habang nakatingin sa kaniyang cellphone. Tatlong araw nang hindi niya makontak si Ryker at hindi rin ito sumubok na tumawag sa kaniya. Sinubukan din niyang tawagan si Rhian at ang Tita Lana pero walang sumasagot sa dalawa. Ni hindi sila nagbalita sa kaniya kung ano na ang nangyari sa kaso ni Morello. Hindi niya alam kung nahuli na ba ang lalaki o hindi pa.Ang huling tawagan lang nila ay nung gabing inaantok na talaga siya. Sa una ay sinabi niya sa sariling baka abala ito. Pero nang lumipas na ang tatlong araw na wala itong paramdam ay nakaramdam na siya ng panibugho. Hindi lang 'yun, binabaha na rin siya ng pag-aalala para sa binata at kay Sydney. Paano kung may masamang nangyari na sa kanila? At kaya hindi sinasagot ni Ryker ang tawag niya ay dahil ayaw nitong malaman niya ang nangyari sa kanila.Kanina ay nagpumilit siyang lumuwas pero tinutulan at pinigilan siya ng magulang niya lalo na ang kuya niya na mas matindi pa ang reaksyon sa sinabi niya.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status