INICIAR SESIÓNNagising si Abbie sa isang mabasa-basa at mainit na bagay na dumidila sa kanyang pisngi. Idinilat niya ang mga mata at napapikit ulit dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang mga mata mula sa nakabukas niyang p***o sa balcon.
Ngumiti siya at bumangon saka kinarga ang tuta na ngayon ay masayang-masaya pa nang kunin niya. Napahawak siya sa noo nang makaramdam ng sobrang sakit ng ulo at pagkahilo. "Bakit ka nandito?" tanong niya sa aso. "Oo nga noh? Bakit kaya ako nandito? Ano kaya sa tingin mo?" "Ay pota ka! Ginulat mo ako. Kanina ka pa ba dyan?" Gulat na gulat na tanong ni Abbie kay Grace na nakaupo sa dulo ng kanyang kama habang bagsak ang mga balikat at nangingitim ang mga mata. "Anong nangyari sa'yo? Bakit ang itim-itim ng mga mata mo?" "Oo nga noh? Ano kayang nangyari sa akin? Ano kaya sa tingin mo?" Inis na kinuha ni Abbie ang kanyang unan at ibinato kay Grace na hindi man lang nito sinalo at hinayaan lang na tumama sa sariling mukha nito. "Ano bang nangyari sayo?" May halo ng inis sa boses na tanong ni Abbie. Gumapang naman si Grace sa kanyang kama saka inilapit ang mukha sa kanya. "Woah. You really had a good sleep." "O-of course." "While I can't even close my eyes guarding you." "Guard me?" "Hmm." "Why?" "Wala ka bang naalala kagabi?" "Kagabi? Nag-inuman lang naman tayo ah saka... Saka... Sesang-e!" Napatakip sa bibig si Abbie at wala sa sariling napatingin sa aso na hawak niya. "You remember now?" "Nakipaghalikan ba ako sa aso?" Grace rolled her eyes. "Mas mabuti sana kung iyon ang nangyari." "Bakit? Ano bang nangyari? Paano ko malalaman ang ginawa ko kung hindi mo sasabihin sa akin?" "Gaga humanda ka na. Jusko! Sinasabi ko sayo pag siya ang naging Professor ko sa mathematics, mag-quit talaga ako. Automatically." "Bakit ba kasi? Ano ba kasing nangyari kagabi?" Lumuhod si Grace sa kama saka huminga ng malalim. "Ewan ko sayo! Kahit ako ay nahihiya at nababaliw sa pinanggagawa mo. Bahala ka d'yan. Isipin mo mag-isa. Hinahayaan kitang uminom ng isang can ng beer araw-araw dahil sabi mo nakakadagdag yon ng dugo sa katawan pero hanggang isang can ka lang talaga!" "Ayy Grace. Bakit ba kasi?" Pinigilan ni Abbie si Grace sa pamamagitan ng paghawak sa dulo ng damit nito saka siya natigilan nang may maalala siya. Sumagi sa isipan niya ang pangyayari kagabi kung saan ay hinihila ni Grace ang damit niya hanggang sa masira ito at wala sa sariling napatingin sa kanyang damit na ngayon ay pinalitan na ni Grace at tumingin sa tuta nang maalala ang may-ari nito. "Sesang-e!" Napatutop sa bibig na bulalas niya habang nanlalaki ang mga mata kasabay ng mga ala-ala na pinanggagawa niya kagabi. Inis na tinanggal ni Grace ang kamay niya sa dulo ng damit nito saka inis ding nagtiklop ng braso at inikot ang mga mata. "Nakakahiya ka talaga. Jusko! Mag-ayos ka dyan. Darating si Glynn mamaya." "Glynn? Bakit? Anong gagawin niya dito? Eh hindi naman kayo close?" "Bakit? Kayo close din ba? Ewan! Kung anong nakain ng gagong yon at lumipat pa sa isa sa mga apartment dito na pagmamay-ari ni Tita sa third floor." "Oh? Bakit hindi na lang siya makisama sa atin tutal may isa pa naman tayong kwarto dito." "Ah so sinasabi mong gusto mong manuod ng wrestling araw-araw? Maligo ka nga!" Inis na sabi ni Grace saka lumabas ng kwarto samantalang naiwan naman si Abbie na nakaupo sa kanyang kama habang karga sa kandungan ang tuta at inaalala lahat ng mga ginawa niya kagabi pero dahil sa hangover niya ay ang tanging naalala lamang niya ay pangyayari kung saan nasira ang damit niya. "Hayy.. makaligo na nga. Nangangamoy na ako." Sabi niya saka tumayo. Ibinaba niya ang aso at lumabas sa kwarto para pumunta sa banyo at maligo pero sumunod ang aso sa kanya. Dahil sa baliw siya ay niligo din niya ang aso kasabay niya. "Woah you really like to take a bath." Komento niya saka binuhusan ng tubig ang aso para banlawan ang shampoo na ginamit din niya dito. Ibinalot niya muna ang buhok sa tuwalya saka ibinalot ang katawan sa bath robe. Nang wala siyang makitang kahit na anong tuwalya para gawing pamunas sa aso ay ginamit na lang niya ang tuwalya niya sa buhok saka ito binalot at hinalikan pa ng ilang beses. "Nakakain ka na ba?" Tanong niya sa tuta habang naglakad palabas ng banyo. "Tumigil ka nga. Ibalik mo yang tutang yan sa may-ari. Jusko sayo! Di ka pa ba nahihiya sa pinanggagawa mo sa may-ari ng tutang yan?" "Ya! Tumigil ka. Alam kong may ginawa akong kabaliwan. Pero huwag mo ulit-ulitin sa mukha ko lalo na at hindi ko pa naaalala lahat." "O jeongmal?" "Di mo maalalang sinipsip mo ang adams apple ng may-ari ng tutang yan?" Abbie froze followed by the slow thud of the dog on the floor after she unconsciously dropped it. Again. Buti na lang at nakabalot ng malaki at makapal na tuwalya. Doon na nga niya naalala lahat ng mga ginawa niya kagabi saka tumakbo papasok sa loob ng kanyang kwarto at doon nagmukmok at paulit-ulit na hinampas ang sarili sa sobrang hiya. ----- Bagsak ang balikat na ibinaba ni Grace ang kanyang schedule slip nang mapagtantong hiwalay sila ng classroom ni Abbie kahit pareho sila lahat ng subjects at oras na kinuha. "Ayy Grace. Okay lang yan. Isang subject lang naman. Huwag ka ng malungkot." "Hindi naman ako malungkot dahil magkahiwalay tayo. Malungkot ako sa dahilan na baka ako ang under ng kapitbahay natin." "Sino?" "Iyong dinidede-an mo." "Ya!" "Mwol?" Napatingala si Abbie sa hiya. "Uulit-ulitin mo talaga ang pangyayaring yon?" Ngumiti si Grace. "Hehe. Ok peace na. Sino ba kasi ang professor mo sa Mathematics?" "Mr. Vergara." Sagot ni Abbie. "Oh." "Ano bang apelyido nong kapitbahay natin?" "Di ko alam eh. Magkasunod kasi klase natin ngayon kaya wala tayong oras para tingnan ang list ng mga professors." "Oh siya. Pumasok ka na." "Okay. Bye labs. I love you." "I love you too." Nakangiti namang sagot ni Abbie saka nag-flying kiss din kay Grace. Inayos niya ang bag sa kanyang balikat habang naglalakad papunta sa kanyang classroom. Medyo magkalapit lang ang classroom nila ni Grace dahil dalawang malalaking classroom lang ang pagitan nito. Sumilip pa muna siya sa loob para tingnan kung nasa loob na ba ang teacher. "Bah!" "Ay bakla!" Malakas na sigaw niya kasabay ng pagtama ng kanyang siko sa noo ni Glynn. "Ouch! Ang sakit!" Nagulat si Abbie nang makilala si Glynn sa likuran niya. "Ya, anong ginagawa mo dito?" "Eh ikaw anong ginagawa mo? Pasok na." Sabi ni Glynn saka bahagya pa siyang tinulak papasok sa loob habang tinitingnan sila ng mga kaklase nila dahil sa biglaan niyang pagsigaw. "Anong ginagawa mo dito?" "Mag-aaral. Dito ka." Hila sa kanya ni Glynn nang makaupo na ito sa upuan at pinaupo siya sa dulo malapit sa panghuling row. "Aray naman." Mahinang reklamo ni Abbie habang inaayos ang sarili sa pag-upo sa tabi ni Glynn. Inayos niya muna ang kanyang mga gamit sa desk saka sinalubong ang tingin ni Glynn habang nakatitig sa kanya. "May split personality ka ba?" Diretsahang tanong niya dito. "S-split personality? Bakit mo nasabi yan?" "Tinatanong pa ba yan? Eh alam naman nating hindi tayo close." Hindi sumagot si Glynn saka inilayo ang tingin pagkatapos tumikhim. Siniko niya si Glynn para tumingin ito sa kanya. "Do you need some money?" "Huh?" "Alam mo na. Lumalapit ka lang naman kay Grace pag kailangan mo ng pera." Pagpapatuloy ni Abbie. Namula ang mga pisngi ni Glynn. "Porket kinakausap kita kailangan ko na agad ng pera? Bakit? Mayaman ka ba?" "Well... Hindi." "Oh yon naman pala." "Pero anong nakain mo at nakipag-usap ka sa akin ngayon?" Pangungulit ni Abbie. Hindi sumagot si Glynn at kinuha ang kanyang notebook saka bahagyang ipinalo sa ulo ni Abbie. "Aray naman!" "Shh..." Saway ni Glynn sa kanya nang pumasok na sa loob ang kanilang Professor. Wala naman sa sariling napatingin sa orasan si Abbie. Eksaktong-eksaktong alas-onse ng umaga pumasok ang kanilang Professor saka siya tumungo ngunit awtomatiko ding napayuko nang makilala ang Professor sa harapan. "Oh my God. It's the freak." Nanlalaki ang mga mata na bulong niya.Tumaas ang kilay ni Josh nang suotan siya ng puting polo shirt ni Abbie. "Bini-baby mo ako ngayon ah. May nagawa na naman ba ako?" Umiling si Abbie saka ngumiti dito sabay kulong sa mukha nito at malalim na hinalikan sa labi. "Your babies are asking for a little brother." Ngumiti si Josh sa kanya sabay pitik sa kanyang ilong. "Mabuti na lang at nagpa-ligate ka kaagad." Tumawa si Abbie. "Bakit?" "Tinatanong mo pa talaga yan? Sinabi ko na sayo, hinding-hindi na mauulit yon. Hindi mo alam kung gaano ako na-trauma dahil sayo. Nahihirapan din ako kapag nakikita kitang nahihirapan. At nasasaktan din ako kapag nakita kitang nasasaktan. Kaya nga masayang-masaya ako na binigyan tayo agad ng apat na anak ng Panginoon at sinama pa pati si Abel kasi alam ko kung gaano ka kabaliw. Alam kong hindi ka titigil hangga't wala tayong lalaki sa pamilya." "Hihihi." Wala sa sariling napaatras ang leeg ni Josh sa inasta ni Abbie sa kanya. "Teka nga." Tumayo siya at tiningnan ng masama si Abbie.
"Saan ka pupunta?" Nakataas ang kilay na tanong ni Abbie kay Josh nang nagmamadali itong magbihis."Mag-iinom kami ni Cesar sa garden."Matagal bago sumagot si Abbie saka maliit na tumango. Nang makita ni Josh ang reaksiyon ng mukha niya ay agad itong lumapit sa kanya at hinalikan siya sa labi.Tumayo siya mula sa pagakakaupo sa sofa habang nakataas ang isang kilay. Minsan dahil sa hormones niya ay nagseselos na din siya sa kapatid niya.Nauna siyang lumabas at pumasok sa katabing kwarto nila kung saan ay ginawa nila iyong study room ng mga bata.Ngumiti agad siya kay Abilotte nang makita siya nito habang may ginuguhit ito sa sketch pad.She smiled while looking at her drawings. Ngayon pa lang ay alam na niya kung ano ang gusto ng anak paglaki nito. She already told her that she would like to be a cartoonist someday."It's nice, sweetie.""Thanks, mom.""Where's Lilat?" Tukoy ni Abbie sa nakababatang babae."Kasama nina Tito Collie at Liam nagtiktok."Inikot ni Abbie ang mga mata.Lag
"Happy birthday!" Sabay na sigaw ng lahat sa apat na mga bata na magkakasunod na umupo sa mga upuan.Hindi mapigilan ni Abbie ang matawa dahil sa lahat ng mga anak niya ay si Abel lamang ang nakataas ang kilay habang nakatingin sa mga tao sa paligid. Halatang ayaw nitong maging sentro ng atraksiyon."Abel, smile!" Masayang sabi ni Jinky habang nakahawak ng camera.Oo, si Jinky. Pagkatapos nong maatasan itong magbantay sa mga anak niya ay napamahal na ito dito. She can't blame her. She's the only daughter of the Lee family at siya din ang nakababata sa lahat. Abbie found out that she really love kids that's why she took the education course and majored in elementary."Josh was also like that. He doesn't like taking photos." Nakangiting sabi ni Cindy sa tabi ni Abbie.Ngumiti siya dito."Nasaan ang asawa mo Tita?""Alam mo na. Introvert yun. Andun sa loob. Nagsusulat na naman siguro yun." Sagot ni Cindy."Ano to?" Tanong ni Abbie sa ibinigay ni Glynn sa kanyang bulaklak na pula at may k
Tumawa si Abbie nang makita ang nakasimangot na mukha ni Josh na pumasok sa kwarto nila habang nagpupunas siya ng towel sa buhok niya. Katatapos lamang niyang maligo pagkatapos niyang mapasuso ang apat niyang mga anak."Wifey..." Parang batang nakangusong bigkas ni Josh at ipinatong ang baba sa kanyang balikat nang makaupo siya sa malaki niyang vanity table."Bakit?" Tatawa-tawang tanong ni Abbie sa asawa."Naiinis ako.""Kasi?""Initsapwera na naman ako nila ni Lola."Tumawa ng marahan si Abbie saka isinaksak ang hairdryer."Pinatulog ko lang naman si Abel pero umiyak nong ilalagay ko na sana sa crib. Ayun, nagalit si Lola Liling."Tumawa ulit siya sa sinabi ni Josh sa kanya saka itinapat sa mukha nito ang hairdryer.Josh took it from her hand and dry her hair himself."Huwag ka na magtampo. Take this time to relax kapag ganitong pinapalabas ka nila. You shouldn't overdo yourself. I know you are also very tired from work and I know they know it too. Baka sinabi lang nila yun para mak
"Waaah! Yong apo ko. Mga apo ko!""Ama ng langit! Ling, bilisan mo dyan. Ano ba!" sigaw ni Lola Susana sa labas ng banyo habang naghihintay ay Lola Liling na umihi muna. Kakarating lamang nila sa bahay nang malaman nila mula sa mga katulong na hinatid sa hospital si Abbie dahil manganganak na ito."Teka lang.""Dalian mo kasi.""Tapos na. Tapos na." halos madapa pa sa kakamadali si Lola Liling na lumabas ng banyo.Inikot ni Lola Susana ang mga mata nang makita ang palda ni Lola Liling na nakaipit sa panty nito kaya kitang-kita niya ang panty nitong puti na daig pa ang malaking pampers sa hugis at kulay. Natatawa na lang niya itong ibinaba saka tinulungan ito pababa sa hagdan.------"Abelotte, Abelette, Abelaitte." Napahinga ng malalim si Abbie saka napakagat sa labi para pigilan ang inis na nadarama habang nakatingin sa mga pangalan ng mga anak niya sa nursery room. Inis niyang tiningnan si Josh na nakangiwing nakatingin sa kanya. "P-pasensiya na. S-sina Lola ang...""Hindi. Hindi.
Naiilang na hinawakan ni Josh ang mukha ni Abbie saka hinila sa kanyang dibdib nang hindi nito inilayo ang malditang tingin kay Jinky."What?" inis na bulong ni Abbie pero hindi na siya pinansin ni Josh. Tiningnan nito si Cesar saka ilang na ngumiti dito. "Sorry, you know she's almost her due so I hope you understand her attitude." Paghingi ng paumanhin ni Josh kay Cesar na may halong biro."Hindi yun ganun, noh. Ayoko lang talaga sa bruhang yan." inis na sabi ni Abbie kahit nananatili pa ring nakayakap si Josh sa kanyang ulo sabay haplos sa kanyang buhok."Tsk! Hindi naman kita sinaktan ah." malditang sabi ni Jinky sabay tiklop ng kanyang mga braso habang nakaupo sa tabi ni Cesar sa katapat na malaking sofa. Jinky is Cesar's cousin. Anak ito ng kapatid ng tatay niya. Dinala niya ito dito sa pagbabasakaling mapag-ayos sina Abbie at Jinky pagkatapos ng away ng mga ito sa tiktok. "Siyempre, anong akala ko mo sa akin uto-uto?! At saka hindi naman ako papatalo. Magpasalamat ka na lang







