Maaga akong nagising dahil ipaghahanda ko pa ang kambal ng almusal nila. 4 o'clock pa lang ay nagising na ako at agad naman akong bumangon. Lumabas ako ng kwarto ko at nakita ko agad si Nezoi na marami na agad siyang papel sa gilid niya at nag-aaral pa rin siya hanggang ngayon. Itinaas niya ang inaantok niyang mukha at agad nagising ang diwa niya sa nakita niyang ako 'yon.
"Themis..." Umiwas ako ng tingin at tumuloy sa kusina dahil kahit na nahihiya ako sa ginawa ko kagabi ay hindi ko rin naman masisisi ang sarili ko dahil sa galit ng aking puso. Nagsimula akong tumingin sa ref kung ano ang available na puwedeng lutuin. Kinuha ko na lang ang bacon at saka nag-egg at saka nag-fried rice na rin ako.
Sinimulan kong magluto at may naramdaman akong presensya mula sa aking likod at naglakad ito papalapit sa akin. "Ikaw na lang ang maghugas ng mga 'to," sabi ko sa pinaka malamig
Tinulak ko agad siya nang malakas at nainis ako sa ginawa niyang 'yon. Pero ramdam na ramdam ko ang pamumula ko roon. Tumatawa-tawa lang siya at saka mabilis akong tumalikod at pupunta na ako sa faculty at titignan ko na roon kung may kailangan ba sila sa aking iutos doon. Dahil may grant na ang scholarship students dito na maging isang personal assistant sa faculty at kinuha ko agad ang opportunity na 'yon at ang saya-saya lang, dahil wala na akong binabayaran sa school na ito at kumikita pa ako rito. How blessed of me having this school. Kaya kahit naging ganoon 'man ang buhay ko ay naging thankful naman ako sa school na ito. Nasa malayo na ako pero ramdam na ramdam ko pa rin ang presensya ni Nezoi sa malayo. "I love you, my Queen!" Natigilan ako sa sinabi niyang 'yon at agad akong humarap sa kanya na may nananal
Sabay kaming lumabas ni Irene matapos ng pagkakilala nito sa Professor namin na ito. Mayroon kaming recess at sa canteen na lang kami kumain at hindi na sa labas dahil tinatamad akong lumabas ngayon. At dahil malungkot at masakit para sa akin ang balitang 'yon. Na-announced na ito ng school through social medias at marami ang nalungkot sa balita. Balak pa naman sana naming pumunta ni Irene pero naisip namin na hindi pa kaya sa ngayon. Kahit gustong-gusto ko na ring puntahan ang Prof ko na 'yon ay maghihintay na lang ako ng ilang araw para makita siya at a-attend ako sa funeral ceremony niya. Habang iniisip ko ang mga bagay na 'yon ay hindi ko pa ring maiwasan na hindi maiyak sa balitang 'yon. Tumatawag sa akin si Edry ang taong tumutulong din sa akin upang may masalihang mga kompetisyong may perang premyo. Lalaki siya pero mayroon itong pusong babae. Sinagot ko ang tawag niya. &
Matapos naming kumain ay umalis na rin kami. Dala-dala ni Nezoi ang sasakyan niya at pinipilit niya pang doon na lang kami sumakay at huwag na kaming mamasahi pa. Ayaw ko no'ng una pero dahil pati 'yong kambal ay gusto ring doon sumakay na muli sa kotse ni Nezoi, at nagpumilipit pa ang mga ito. Bumuntonghininga ako roon at saka pumayag na rin ako na roon na kami sasakay. Tuwang-tuwa ang kambal at ganoon din si Nezoi dahil pumayag ako sa gusto nilang tatlo. Napairap naman ako roon at si Nezoi pa mismo ang naglagay ng gamit ng kambal sa sasakyan niya at saka siya na rin ang tumulong sa dalawa upang sumakay roon. Ang tanda na rin ng kambal at talagang tinulungan niya pa, matapos sumakay ng kambal at saka niya na sinara ang likod at pumunta sa passenger's seat at binuksan niya 'yon, dahil doon niya akong gustong sumakay. Lumapit ako roon at nilahad niya ang kamay niya
Matagal kami sa posisyon na 'yon at nang ma-realized ko ang ginawa ko ay saka ko pinutol ang pagyayakap naming dalawa. Nang magkaharap kami ay umiwas agad ako ng tingin dahil nakangiti ito sa akin nang nakakaloko, at saka muli niya akong hinawakan sa bewang at inalalayan niya ako. Nang makapasok na kami sa apartment ko at saka niya naman ako pinaupo sa sofa rito. Bumalik sa pag-aaral si Nezoi at wala pa namang 4 o'clock kaya may oras pa naman para makapagpahinga ako saglit at may oras pa siya kahit papaano na mag-aral. Nanonood lang ako sa kanya na mag-aral at kitang-kita ko sa mga mata niya kung paano niya basahin nang mabilis ang harap sa laptop niya dahil na roon ata ang mga kailangan niyang pag-aralan. Nagulat na lang ako na lumabas ang kambal mula sa kwarto at dala-dala na nila ang towel nila. Pinupunasan pa nila ang mata nila at nang makita na nila kung sinu
Matapos kong sabihin ang mga salitang 'yon ay saka na ako bumaba ng stage at marami na ang sumunod sa akin dahil marami-rami rin ang sumali sa kompetisyon na ito. Marami rin ang nakapagbigay ng speeches at nagulat ako dahil may kalaban pala akong 16 years old lang din. Nakausap ko naman siya at sabi niyang gusto niyang sumubok ng ibang bagay, pero sa edad niyang 'yon ay talaga nga namang lumalaban na siya. Kaya hindi ko maiwasan na ma-amazed sa kanya. Ganyan din ako no'ng edad ko na 'yan, kaya napapangiti ako roon. Marami ring iba pa akong nakausap, ibang participants at ang iba ay nakipag-picture pa sa akin, dahil kaya rin daw sila sumali rito ay dahil narito ako at lalaban din dito. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil may tumitingala na pala sa akin. Kilala na rin ako ng ibang tao, dahil napo-post din ang mga pictures ko sa social medias dahil nananalo ako. Nakipag-usap pa ako sa mga kasamahan ko at
Marami ang kumukuha ng litrato at patuloy ang pang-congratulate sa akin ng mga taong makakasalubong ko. Gustong-gusto ko na ring puntahan ang mga kapatid ko at kay Nezoi upang mag-celebrate na rin kami. Parang sa kompetisyon na ito ay parang mas nanalo ako dahil nakita ng mga kapatid ko ang pagkapanalo ng Ate nila. "Congratulations once more! I would like also to congratulate those who participated, this event wouldn't be possible without all of you. So, Congratulations too!" Pumalakpak ang lahat at nagsigawan muli. Nasa stage pa rin kaming tatlo na mga nanalo at patuloy pa rin ang pagkuha ng litrato sa amin. Umakyat din ang mga judges at nakipagkamay ang mga ito sa amin at nag-congratulate rin sa amin. Tuloy-tuloy ang pasasalamat namin at nang matapos ay saka naman kaming tatlo ay nagyakapan. "Congrats sa ating tatlo! We real
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman at kung ano na ang gagawin ko ngayon. Dahil alam ko na titigil na rin si Nezoi sa akin, at may posibilidad na hindi na talaga siya lalapit sa amin. Binatukan ko ang sarili ko. "Malamang, hindi na lalapit 'yon. Tinanong niya pa nga 'di ba? Kung nasa payapa ba ako kung malayo siya?" kausap ko sa sarili ko habang nakatingin dito sa salamin ng banyo. Matapos kasi ng pangyayaring 'yon ay biglang nagising ang diwa ko at matagal-tagal din ako nag-isip sa sala. Nasaktan din ako sa nangyari kaya nahirapan din akong gumalaw kanina. Para akong nawalan ng lakas doon. Ngayon naman ay narito na ako sa banyo at naghihilamos. Iyong akala kong magiging masaya ang mangyayari dahil nanalo ako pero ngayon ay bumaliktad na. Hindi ko rin inaasahan ang mga sinabi kong 'yon. Oo, inisip ko naman ang sasabi
Naging mabagal sa akin ang oras ngayong araw. Kanina pa ako tingin nang tingin sa telepono ko upang makita ang oras. Gusto ko na ring matapos ang klase na ito, dahil pupuntahan na namin ang paborito naming Professor na wala na. Mahirap 'man tanggapin ay kailangan at dapat tanggapin. Nang sa wakas ay natapos na ang Prof namin ngayon sa discussion niya ay agad akog nag-ayos ng mga gamit ko, at saka naririnig ko na rin ang mga kaklase ko sa mga idadala naming pagkain. Mayroon kaming meeting ng Org. ko pero sinabi ko naman na hindi ako makakasama dahil may pupuntahan ako. Iyong iba sa kanila ay kilala si Professor Anakelly kaya balak nilang pumunta sa ibang araw. Iyong iba naman ay hindi talaga kilala o hindi naabutan si Ms. Anakelly pero sinabihan naman din kaming condolence at kung anu-ano pa. Nag-ambagan kaming magkakaklase para naman kahit papaano ay mayroon kamin