Share

The Scale of Life and Death (Profession Series #2)
The Scale of Life and Death (Profession Series #2)
Author: aa_bcdeee

Prologue

Profession series #2

#1 The Soar of Rocket Ship

(ONGOING)

#2 The Scale of Life and Death

Trigger warning: this story contains death and self-harm. Please be advised.

PRONUNCIATION

Themis Lex Pravitel

te-mis lex pra-by-tel

Emperor Nezoi Palmadez

em-pe-ror ne-sow-why pal-ma-des

---

Lumabas muna kami ng court dahil nagtawag ang Judge namin ng recess at balik daw kami after 15 minutes. Nagbasa lang ako ng kaso ng iba ko pang kliyente at iyong kasamahan ko naman ay nag-C.R. muna. Ito na ang huling hearing at dito na rin made-determine kung ano ang hatol sa parehong kampo. Nilipat ko ang pahina ng aking binabasa at may narinig akong bulungan mula sa tabi ko.

"Sigurado ba na tayo ang mananalo?" tanong ng kasama niya. Mga hindi ko makita ang pagmumukha, paano nakapasok ang mga ganitong itsura dito? Mga naka-men in black.

"Hindi 'ko sigurado, Boss. Pero iyong isang Judge roon ay naabot na namin 'yong pera," sagot ng isa. Bribery. Umusod pa ako lalo para malaman ko kung anong kaso ba ang hawak nila, baka mamaya ay iba iyon.

"Siguraduhin mong mananalo tayo, dahil 'yong anak ko naaksidente. Imposible na rin 'yang self-defense na iyan," bulong ng isa niyang kasama rito. Ngumiti ako, as if mangyari 'yan. Kilala ko ang Judge namin, in fact, magkaibigan pa kami no'n.

"Let's see," I whispered and smiled deathly.

Tapos na ang recess at nasa loob na ulit ako ng court. Nasa gilid lang ako nakaupo dahil mayroon akong kasamang isa pang abogado at siya ang nagsasalita roon. Sinabi ko sa kanya ang narinig kong bulungan ng dalawang tao kanina. Nakita ko ang galit sa mata nito at sinabi niyang hindi niya hahayaang mangyari 'yon kaya ilalabas niya na ang huling alas namin para siguradong kami na ang mananalo.

"With all due respect, your Honor. I have one further thing to say..." Bumukas ang pinto ng korte at pumasok ang isa sa pinagpilitan naming magsalita sa witness stand. Ang kaibigan ng babae at lalaki, isa siya sa nakakita ng pangyayari. Ngumiti kami nang wala sa oras. Umupo sa witness stand itong kaibigan nilang babae at kita ko ang nginig sa buong katawan nito.

"Please stand," the court clerk said. Tumayo ang babaeng nanginginig dahil sa tensyon at kabang sa kanyang nararamdaman.

"Do you pledge that the testimony you shall give in this court will be the truth, the whole truth, and nothing but the truth, so help you God? Please say I do."

"I d-do," kinakabahang sagot nito.

"Please state your first name and last name."

"Zoria Legazpi."

Pinaupo na siya ng court clerk at inutusan pa itong isulat ang name niya sa reporter at ginawa niya iyon. Tumayo ang opposing counsel at siya ang nagtanong-tanong sa witness namin.

"You saw them fighting, right? Then what's the uncertainty?" tanong ng opposing counsel, dahil hindi sigurado ang witness namin sa mga sagot nito. Pinag-usapan na namin ito pero parang kinakabahan talaga siya at nakalimutan ang usapan namin. Narinig ko ang buntonghininga ni Irene sa unahan at muling tumingin doon, siya ang kasama kong abogado at siya ang nagsasalita roon.

"Objection, your Honor! The question is irrelevant," sabi ni Irene at tumingin kay Judge.

"The objection is sustained," sagot ni Judge, "proceed to your next question, Counsel."

"Yes, your Honor," sagot ng opposing counsel at nagpatuloy sa mga tanong.

Nagkaroon pa ng tanungan pero natapos din ito, tinanong din ako ni Judge kung may idagdag pa ako, sinabi ko lang na wala na at pinalabas na ulit kami dahil mag-uusap-usap na sila ng katabi niya pang Judge kung anong hatol ang makukuha ng kalaban namin o ng nirerepresenta namin.

Ang kasong hawak namin ay isang babaeng na nag-send ng isang picture niya na walang suot at isang video na hindi kaaya-aya kapalit lang ng pera at para daw na patunay na mahal siya ng lalaki. How sad about this generation, they called love into lust.

Paano naabot sa korte ang kaso? Dahil gusto na ng babae na makipaghiwalay sa jowa nito pero nag-blackmail ang lalaki na kapag nakipaghiwalay ito ay ilalabas niya ang mga pictures at videos na na-send nito. Nag-away sila sa tapat ng bahay ng lalaki at sinapak ng lalaki iyong babae at pinagsasampal pa ito, lumuhod ang babae at nagmakaawa na huwag ipagkalat at hindi na rin siya makikipaghiwalay, pero itong lalaki sinabunutan pa ang babae. 

Dahil sa galit at pagtitimpi na ng babae ay tuluyan na itong nagalit sa lalaki at bumawi ang babae ng sipa, ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay bumagsak sa isang matalim na bagay iyong lalaki, nagdugo ang ulo nito at nawalan ng malay. Dinala agad ito sa hospital at hanggang ngayon ay unconscious pa rin ito.

Mayaman ang pamilyang kalaban ng babae and yes, this is my fourth time accepting a probono client or case. Walang mababayad sa akin o sa amin, para lang madepensahan o mapresentahan ang babaeng ito. I still have my morals and principles, for me that's the essence of lawyering. Mayroon kaming footage ng C.C.T.V. camera at ayon ang ginawa na namin evidence, kitang-kita roon ang buong nangyari. Mahirap man ilaban, pero pinilit na talaga namin ang self-defense sa kasong ito.

Magaling ang kalaban naming abogado, isa ito sa kilalang abogado sa Pilipinas. Madaling mai-dismiss ang kaso pero napunta naman kami sa maayos na Judge at isa rin ako sa taong ilaban na bigyan ng hustisya ang babae.

No one should pity my women. 

"Kawawa naman iyong babae," ani Irene iyong kasama kong abogado at tinuro ang papalabas na babaeng bente dos anyos. Pinanood namin paano lumabas ng umiiyak ang babaeng nirepresenta namin at hawak kamay pa sila ng Zoria na kaibigan nila, tinawag ito ni Irene at sinabing dito muna sila sa amin.

"Anong nararamdaman mo ngayon?" tanong ko sa babae at pinunasan niya ang pisngi niya dahil patuloy pa rin ang agos ng luha nito. Iyong Kasama niya naman ay nakatulala lang at kinakausap ito ni Irene, tungkol sa pinaggagawa niya kanina. Nakaupo kami sa upuan na narito at hawak-hawak ko pa ang kumpol na mga papel, dahil may iba pa akong kliyenteng inaasikaso. Tumingin ito sa akin at ngumiti.

"M-maraming salamat po talaga, Attorney." 

"Wala iyon. Ano man ang resulta ay hindi naming hahayaan na patawan ka ng mas malala pang parusa," sabi ko sa kalmadong boses.

"Parusa? Makukulong po ako, Attorney?!" Humagulgol lalo ang babae at agad akong nag-panic. Pinatahan siya ni Irene at sinabing kumalma ito at hindi mangyayari 'yon dahil narito kami. Ilang beses pa naming pinagaan ang loob nito hanggang sa kumalma ito at tumigil sa pag-iyak.

Pinabalik na ulit kami sa korte at tapos na ring mag-usap ang mga Judge at may hawak-hawak na iyong Judge na nasa gitna, na roon na ang kapalaran ng babae. Tumingin ako sa kabilang kampo at nakita ko roon ang mga masasamang tingin ng pamilya ng jowa ng nirepresenta namin. Tinignan ko rin ang abogado ng kabilang panig at nakangisi ito. Anong nakakatuwa?

"And now, the verdict. In this case..." Tumahimik agad ang silid at kay Judge lahat nakatingin, sasabihin na nito kung ano ang mangyayari sa parehong panig at kung sino ang panalo.

"The punishment for causing serious bodily harm will be announced. The jury reached a unanimous decision." Kumalabog nang matindi ang puso ko, kinakabahan ako para sa babae dahil na-trauma talaga siya sa nangyari. Hiniling ko rin sana na may katarungan na magaganap dito.

"To accept the defendant's self-defense allegation." Nagpalakpakan ang panig namin at naghiyawan dahil panalo kami sa kasong ito. Napabuntonghininga na lang ako at nagpasalamat na nakuha ang hustisya ng babae. Tumingin ako sa kabilang panig at nakita ko ang galit at dismaya sa mga mata nila. Tumingin ako sa magulang ng lalaki at galit na galit ang mata nito.

Who cares? Panalo naman kami.

Masaya kaming lumabas ng korte at kasama rin namin 'yong babae at 'yong Zoria hanggang ngayon ay iyak pa rin nang iyak.

"Hindi pa ba nauubos ang luha mo at ikaw?" mataray kong tanong sa kanila at natawa naman sila sa akin. Pinunasan agad nila ang pisngi nila at humarap sila sa aking nakangiti kahit mayroon pa itong sipon ay nakangiti pa rin ang mga ito.

"Maraming salamat po, Attor—" ang bilis ng pangyayari dahil may biglang bumaril sa kanya ng kung sino, nag-panic kaming lahat at agad kong inalalayan ang babae dahil bumabagsak na ito. Tumingin ako sa dugong dumadaloy mula sa kanyang sikmura, tinulungan na rin ako ng mga kasamahan ko at hinanap ng mga kasamahan ko kung sino ang gumawa lahat ng ito.

May narinig ulit kaming putok ng baril at natamaan naman no'n si Zoria. Napatili na ako roon at sinubsob ko ang mukha ko sa katawan ng babae.

"Tumawag kayo ng ambulansya!" sigaw ni Irene at nanginginig pa ang kamay nito habang inilalagay namin ang babae sa isang sulok. Ang daming dugong nakakalat kaya marumi na sa labas ng korte. Nanginginig na rin ako sa takot dahil may hawak-hawak akong taong nasa labanan ng buhay at kamatayan.

Nasa loob na kami ng ambulansya at wala pa ring malay ang babae. Ginawa na ng mga Paramedic na narito sa ambulansya ang maaari nilang gawin at may nilagay pa ng kung anu-ano sa babae. Nakarating kami sa isang pamilyar na hospital at bumaba kaming dalawa ni Irene kasabay ng mga Paramedic, pinagilid kami ng mga ito upang magkaroon ng daan at nakita kong mga nagtatakbuhan na mga nurses at papunta sa lugar namin. Kami na ni Irene ang pinapunta nila rito dahil patuloy ang paghahanap ng mga kasamahan namin 'yong bumaril sa mga ito.

Matapos nilang kunin ang babae ay agad naman kaming sumunod sa mga ito. Habang hila-hila nila ang strecher at marami ang tanong ang isang nurse at si Irene naman ang sumagot sa lahat ng iyon. Nanginginig pa rin ako sa takot hanggang ngayon dahil sa harapan ko mismo nangyari ang gano'ng bagay.

"Wala rito si Mr. Alchemiro at si Mr. Elcamiña naman ay tapos na ang shift," sabi ng isang nurse sa isa pang nurse. 

"Kailangan na ring operahan ito, dahil ang daming dugong nabawas sa kanya at kapag tumagal pa maaaring mamatay ang pasyente at malalim ang puwesto ng bala," dagdag pa nito. Ang daming ingay akong naririnig, dahil lahat ay kumikilos dahil buhay ang nakasalalay sa kanilang trabaho.

Biglang may lumabas mula sa isang pinto at hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko. I knew it, that's why I am familiar to this hospital.

"Mr. Palmadez!" sigaw ng mga nurse na narito. Nagkaroon ang pagasa sa silid na ito pero sa akin? Para akong nalunod bigla. Naglakad siya papunta sa puwesto namin at hindi ko alam kung bakit pero parang nasaktan ako na hindi niya man lang ako napansin dito.

"Let's get the operating room ready and go.” Kumilos nang mabilis ang mga ito at sumunod sa kanya ang mga nurse na narito.

Of course, he loves giving orders to certain people, and I am one of them.

Dinala ng mga nurse 'yong strecher kung saan na roon ang mga babae at tinulak ito sa isang room na nakalagay sa itaas na Operating Room. 

"Doc! Ligtas niyo po sila," sabi ni Irene punong-puno nang pag-alala at hinawakan pa ang kamay nito, ang landi ah. Lalo akong kinabahan nang dahan-dahan itong lumingon sa direksyon namin. Nang lumingon na siya at tumingin kay Irene at ngumiti.

"Don't worry, we will do our best," he said and gave an assuring smile. Tumingin siya sa gilid ni Irene at ako 'yon. Natigilan siya at ako naman ay tumibok nang sobrang lakas ang aking puso.

"I'll do my best, as I did my best to win her heart before." Tumalikod na siya at naglakad papalayo, si Irene naman ay ang daming tanong pero hindi ko siya masagot dahil ito ako ngayon naiwang hindi makagalaw at hindi makapagsalita.

Sa muling pagkakikita namin, parang ang hirap pa rin talaga. I'm still haunted by what happened years ago. In the last five years, nothing really change about him, but the world is.

Yes, it had been five years long and yet my heart beats for him, before.

And now? Certainly not.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

:>

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status