Nag-stay pa ako sa hospital ng ilang araw at umabot iyon ng tatlong araw. Magsisimula na ulit ang semester namin kaya kailangan ko na ring bumili ng mga libro at kung anu-ano pang kailangan para sa shcool. Next after week pa naman iyon, kaya may oras pa ako para maghanda at may oras pa ako para sa hospital na ito.
Kahit na ayaw ko sa mga hospitals, dahil narito naglalaban ang buhay at kamatayan at iyong amoy ng hospital at mga ilaw ng mga ito ay nakakatakot. Saka narito pa talaga ako sa hospital na kung saan dito ang med students ng school na pinapasukan ni Nezoi.
Sa loob ng tatlong araw ay malamang hindi ring maiwasan na magkrus ang landas naming dalawa. Ngingiti lang siya sa akin at ako naman ay iirapan siya, ang kapal naman ng mukha niya? Ilang beses na nagpadala ng mararaming pagkain dito sila Tito at Tita—ang magulang ni Dorothy. Kaya kapag nakaalis na ako rito ay agad akong magpapasalamat sa kanila.
Ang mga kaibigan ko naman ay talagang hindi ako iniwan, pagkatapos ng klase nila ay agad silang pupunta rito. Kung kailan na may emergency saka lang kami nagsasama-sama pero I should understand that, kahit na hindi kami palaging magkakasama at kahit na may iba na rin kaming mga kaibigan ay alam naman namin na kami-kami pa rin naman ang circle na pupuntahan namin sa oras ng ganitong pangyayari.
Ang tagal na rin naming magkakaibigan, simula High school pa lang at ito magkakaibigan pa rin kami kahit na kaming apat ay kolehiyo at graduating na rin. Kinuha ko ang isang junk food, dahil tinutulungan na ako ng mga kaibigan ko na mag-ayos ng gamit ko dahil aalis na rin ako sa hospital na ito.
"Hoy! Mahal na reyna, baka gusto mo lang naman tumulong?" Tumayo ako mula sa upuan habang bitbit ang junk food na kinakain ko at agad akong pinatigil ni Constraire.
"Ano ba?! Nagbibiro lang ako, gaga ka! Sige na pahinga ka muna riyan... baka mamaya masinat ka pa at mapagalitan pa ako ni ano," sambit ni Constraire at pinaupo niya ako sa upuan. Ngumiti naman siya nang nakakaloka dahil alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. Inirapan ko lang siya at umupo na lang ako at kinain ang junk food.
Sina Stamim at Dorothy naman ay busy na ayusin ang mga pagkain at si Constraire naman sa mga gamit ko. Nanonood lang ako ng isang cartoon sa T.V. at kahit na nanood ako ay hawak-hawak ko pa rin ang telepono ko dahil 'yong isang kong organization na tawag na Be All Ears, advocating for Mental Health Awareness ay mayroong post about sa mga gusto maging parte sa amin at maging bilang na members sa organization namin.
Ako ang isa sa head doon at hindi ako makasama sa kanila dahil ito ako ngayon nasa hospital, sinabi ko na rin sa kanila iyon at nag-okay lang sila at magpagaling na rin daw muna ako. Gusto ko pa naman sanang sumama roon, kaso mahigpit akong pinagbabawalan ng mga kaibigan ko na huwag muna akong magligalig sa buhay.
Kahit na nasasayangan ako sa oras, na sana may trabaho ako ngayon at mayroon akong pera ngayon ay sinunod ko na lang din. Dahil, gusto ko rin namang magpahinga. Pero iyong pera, sayang. Nagpaalam din ako sa Boss ko sa isang fast food chain at sa ibang tao na nagbibigay sa akin ng mga puwedeng pagkuhanan ng pera na trabaho o gagawin.
"Go, Girls!" sigaw ko at pangchi-cheer up ko sa kanila. Tumawa-tawa lang sila at ganoon din ako. Mabilis lang din silang natapos dahil unti lang naman iyon, nagtagal lang talaga dahil sa dami ng mga pagkain. Lumabas na kami sa room dito at pumunta na kami sa hall ng hospital na ito.
Pumunta na kami sa labas ng hospital dahil tapos na kami sa mga dapat naming gagawin at nakapagbayad na rin at may sinabi pa ang Doctor dito about sa kalagayan ko, at mayroon pa silang pinapabili na mga gamot pero hindi na ako bibili no'n dahil gastos lang at maayos na rin naman na ako. Pumunta si Dorothy at Stamim sa parking area at ito kami ni Constraire naghihintay rito habang bitbit pa ni Constraire ang iba ko pang gamit.
"Hoy, reyna! Bitbitin mo nga ito, kanina pa ako nangangalay rito!" sigaw sa akin ni Constraire at binibigay pa sa akin ang plastic bag na dala-dala niya. Kinuha ko na iyon at balak ko rin namang ibaba. Malay ko ba rito kay Constraire, puwede namang ibaba at bitbit niya pa talaga. Aakmang kukunin ko na pero agad niya rin 'yon nilayo.
"Just kidding! Baka mamaya may dumaan na kung sino rito, baka pagalitan pa ako no'n dahil inuutusan kita," sambit ni Constraire at ayon naman ang ipinagtaka ko. Binigyan ko siya ng nakakapagtakang tingin at tinaasan niya naman ako ng kilay.
"Feeling hindi alam ah, sabihin mo na sa akin kung ano ang nangyari sa inyo no'ng pinaalis niya ako!" sigaw niya sa akin at agad kong tinakpan ang aking tenga dahil ang ingay niya.
"Sasabihin ko kapag maayos na ako ah!" sigaw ko rin sa kanya at siya naman ang nagtakip ng tenga niya at tumawa kami pagkatapos. Nakita na namin ang paparating kotse ni Dorothy at sumakay na agad kami roon at bumaba pa si Dorothy dahil ang tagal naming ilagay ang mga gamit dahil tawa kami nang tawa.
Sinabi ko sa kanila na sa bahay ko muna ako uuwi at nag-okay naman si Dorothy. Nagkukuwentuhan lang kami sa loob ng kotse ni Dorothy at nagpatugtog din at nag-live pa nga si Stamim sa I* dahil ngayon lang ulit kami nagsama-sama. Nang nasa malapit na kami sa bahay namin ay sa malayo pa lang ay pinatigil ko na sila-sila at nagpaalam na rin kami. Nang kay Constraire na ako ay mahigpit ang yakap niya sa akin.
"Sana maging maayos ka riyan," bulong niya at niyakap pa ako nang mas mahigpit. Niyakap ko rin siya pabalik at ngumiti. "Huwag kang mag-alala, kaya ko sarili ko."
Tuluyan na kaming nagpaalamanan at hinalikan pa ako ni Constraire sa pisngi at niyakap akong muli. Matapos mawala sa aking paningin ang kotseng sinasakyan nila ay dumiretso na ako sa bahay namin at nakita ko pa sa harap no'n si Tatay na umiinom na naman kasama ang mga kumpare niya. Lumapit ako sa kanya at nagmano ako at iyong mga kasamahan niya naman ay pinagmamasdan ako nang mabuti. Naging hindi ako komportable roon at nagmadali akong umalis doon.
Nasa tapat na ako ng bahay namin at makikita ang kahirapan namin sa buhay sa bahay na ito, kitang-kita rin kung paano naging malungkot at masakit na pangyayari ang buhay ko rito. Bago pa ako naging emosyonal ay dumiretso na ako sa loob ng bahay namin at hinanap ang kapatid ko.
"Ate!" tawag agad sa akin ng kapatid kong lalaki na kambal. Ngumiti agad ako sa kanila at niyakap ko agad sila at niyakap din nila ako.
"Veni, Vici," tawag ko rin sa kanila at parang malapit na silang umiyak habang yakap-yakap ako. Pinutol nila ang pagkakayakap ko sa kanila at nakita ko sa mga mata nila ang hirap at gutom. Tinignan ko ang buong katawan nila at may mga sugat at galos ang mga ito. Huminga ako nang malalim upang ma-control ang galit ko.
"Si Nanay?" tanong ko at agad naman silang umiling. Kinuha ko ang isang plastic bag na puno ng mga pagkain at agad kong binigay ito sa mga kapatid ko at agad naman silang nagdiwang. Pumunta kami sa maliit na table namin at doon sila kumain at ako naman ay papanoorin lang sila kumain ng hindi kong kinain na lunch ko dapat. Isa lang iyon at share pa sila pero may mga biscuits pa naman akong dala-dala.
"Ate, bakit po ang tagal niyong umuwi? May nangyari po ba sa inyo?" tanong nila sa akin habang ngumunguya sila. Tumawa agad ako at naalala ang nangyari sa buhay ko nitong mga lumipas na araw.
"Na-hospital ang Ate," pag-aamin ko. Nanlaki agad ang mata nila at sabay-sabay silang pumunta sa akin at kumandong agad at hinawakan ang noo ko upang malaman nila kung mainit ako at kung may sakit ako.
"Huwag kayong mag-alala, maayos na si Ate." Ngumiti ako nang matamis sa kanila at bumalik na sila sa upuan nila habang tinitignan pa nila ang buong katawan ko na parang in-examine pa ako.
"Oh, siya sige na! Kumain lang kayo riyan at pupunta lang sa kwarto si Ate." Tumango lang sila at nagpatuloy na kumain, umakyat ako at pumunta ako kwarto. Sakto lang naman ang bahay namin, katabi ko matulog ang mga kapatid ko sa isang kwarto at sila Tatay naman sa isa pang kwarto.
Pagkapasok ko sa kwarto namin ay inaasahan ko na agad itong magulo at hindi nga ako nagkamali. Pumunta ako sa mga gamit ko at agad akong kinabahan dahil gulo-gulo ang mga gamit ko at alam ko sa sarili ko na umalis akong maayos ang mga ito. Unang pumasok agad sa aking isipan ang card ko na panggastos ko para sa pangarap ko. Hinanap ko ito nang hinanap at lalo akong kinakabahan sa lumilipas na mga oras na hindi ito mahanap-hanap.
"Nasaan ka na?" kinakabahang sambit ko habang hinahanap ito. Kahit gulong-gulo na ang mga gamit ko ay wala na akong pakialam dahil mas importante ang card ko na iyon. Ang tagal kong pinag-iipunan ang pang-lawschool ko. Simula bata pa lang ako, ayon na ang pangarap ko. Kahit ayaw ng magulang ko at kahit mahirap lang kami, pinilit kong magtrabaho, nagpakahirap ako. Huwag naman sanang mawala iyon at alam ko na narito lang 'yon.
"Oh, mabuti umuwi na 'yon! Nasaan ang Ate niyo?!" Narinig kong sigaw ni Nanay sa ibaba. Bumaba agad ako upang itanong kung nasaan ang pera ko. Nakita ko ang masamang tingin ni Nanay sa akin at lumapit ito sa akin.
"Nay!" Nagmano ako agad sa kanya at agad niya naman sinampal ang kamay ko.
"At bakit ngayon ka lang? Nag-aadik ka 'no? Nag-iinom ka na rin? At nagyoyosi?!" galit na tanong sa akin ni Nanay. Hindi ko malamang dahilan pero naiiyak ako. Naiiyak ako na binibintang niya sa akin ang mga ganyang bagay at marami na ring pumapasok sa isip ko dahil iyong card ko.
"Nay? Seryoso ka riyan? Alam mo namang hindi ko ginagawa ang mga ganoong bagay," pagpapaliwanag ko. Hinawakan ko agad ang pisngi dahil bigla akong sinampal nang malakas ni Nanay at kakapasok lang din ng bahay si Tatay.
"Sumasagot ka na talagang bata ka! Akala mo ang galing-galing mo 'no?! Sobrang sinungaling mo pa! Sabi mo wala kang pera, mayroon naman pala!"
May nabuo na agad sa aking isip na patungkol sa pera.
"Nay? Na sa inyo ba? Nasaan na? Para sa pangarap ko iyon, Nay," sabi ko at patuloy na pagtulo ng aking mga luha. Iyong pera. Iyong paghihirap ko sa buong buhay ko, iyong walang tulog at kain. Sinampal ulit ako ni Nanay at nakita ko ang mga kapatid ko na umiiyak na rin at wala silang magawa kung hindi umupo lang sa sulok. Ngumiti ako sa kanila na pinapahiwatig kong ayos lang ako.
"Kapal ng mukha mo talaga, Themis! At saka, itigil mo 'yang pangarap mo na 'yan! Maging practical ka na at tumigil ka na sa l*ntik na pangarap na iyan!" Umiyak ako nang umiyak dahil parang wala talaga silang pakialam sa gusto ko sa buhay.
"Ang ingay naman! Manahimik nga kayo!" sigaw ni Tatay at pumunta sa hapag upang kumain, sinubukan kong hinaan ang hikbi ko. Ang hirap-hirap.
"Eh itong anak mo! Nambibintang! At saka iyong pagiging abogado niya itutuloy niya, ang taas ng pangarap 'di ba?" anito, "Veni, Vici! Umakyat na kayo at matulog! Wala na ngang mga silbi, nagkakalat pa!"
Umakyat ang mga kapatid ko na umiiyak at nginitian ko lang sila at mamaya kami mag-uusap.
"Nay... sabihin niyo lang po ang totoo, nakita niyo po ba iyong card ko?" tanong ko at nagsusumamo ako sa kanya.
"Wala nga aba! Ang tigas ng ulo mong bata ka ah!" Umupo siya sa hapag at kumain din kasabay si Tatay.
"Tay?" tanong ko.
"Ang kulit mo talagang bata ka ah! Kanina pa tanong nang tanong! Ano ba ang sabi namin ha? Hindi ka ba nakakaintindi?!" Tumayo si Tatay at papalapit siya sa akin at kinakabahan na ako sa mangyayari sa akin.
Sinampal ako ni Tatay at sa sobrang lakas ay tumama ang aking ulo sa sahig at napasigaw ako roon at umiyak nang malakas. Walang paki na bumalik si Tatay sa hapag at ako naman ay hinayaang nakahiga lang ako at hinahayaang umiyak ang sarili. May nakita akong kulay pulang likido sa harap ko at pinunasan ko ito at napansin kong may tumutulo mula sa aking ulo.
Dugo.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
:>
I did everything I have to do in the operating room, saving a patient from a family someone who has a severe situation. After a long operation, we have successfully saved him. I get out of the room and I talked to the family and I smiled at them as I say that we saved their father. They lend their gratitude and I just smiled at them, they are now at once, home. So am I. I went to my office and I get all of my things, after that, I went to the front desk because I'm about to go home. "I am Surgeon Emperor Nezoi Palmadez, and I'm on leave." Lumipas ang mga buwan, naging sobrang busy na rin namin ni Themis. Hinahanda na namin ang magiging kasal namin. Sinigurado naming pareho na maging engrande ito, dahil sa napakaraming nangyari sa buhay at pagmamahalan naming dalawa. Alam namin na deserved namin ito. &nbs
"It's fine, you don't have to worry about it. Go chase your dream," I sincerely said to her. Wala na sa isip ko na maglabas ako ng pera ko sa kanya at siguradung-sigurado na rin naman na ako sa kanya. Palagi akong suportado sa kahit na saan siya. Kahit saan pa iyan, basta magiging masaya siya kahit saan dahil doon din ako. A year passed and I became super busy. Wala na rin akong masyadong oras para kay Themis, nag-aalala na rin ako minsan. Pero alam ko naman na hindi ganoon kababaw ang relasyon namin, we're both busy into our dreams. It was my clerkship and I'm in my psychiatric, medyo nakakatakot pero may mga kasama naman ako. "What do you think is our patient problem? and the outcome of the test?" tanong ng Senior namin, natapos naming kausapin ang isang pasyente. "It is not Schizophrenia at all, then the exam results that i
Oo, aaminin ko naman, eh. Ang bob*, na ang t*nga ko, na wala akong puso, lahat-lahat na. Ngayon ko lang na-realized ang lahat sa akin. Ang dami kong nagawang mali, ang dami kong nagawang hindi maganda, at nasaktan ko pa ang babaeng alam ko namang mahal na mahal ko. Pero natakot lang din kasi ako.Natakot ako baka iwan niya lang din naman ako at masyado pa kaming bata, masyadong pang maaga para sa aming dalawa. Hindi pa namin ito oras, kaya ginawa ko ang mga bagay na sobra-sobra na pala. Hindi ko 'man lang napansin. Napahilamos ako ng mukha ko.Ang bob* ko sobra!Wala na dapat pang kahit anong excuse na ginawa ko sa kanya. Niloko ko siya. The blame is on me. Now I should accept my fate. Iyong taong nariyan 'yong panahon na kailangan ko ng kakampi ay wala na, 'yong taong naniniwala sa akin kahit na sa tingin ko ay hindi ko na kaya, at 'yong
"Hi! My name is Themis." Napakamot naman ako sa ulo ko dahil sino ba ito? Kakauwi lang ni Dorothy mula sa school at may mga kaibigan kaagad siyang dala-dala rito, at ngayong mayroong nagpapakilala sa aking kaklase niya. But I have to be nice, she's our visitor after all. "Hey, Themis. I am Nezoi," I simply introduced myself, trying so hard not to get sarcastic. "Nezoi... nice name, but it would be nicer if I call you to mine?" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya, ang tapang niya ah. Kakakilala lang namin ganito na siya? Ang bata niya pa. "Char! Babanat lang eh!" Tumawa naman siya dahil sa itsura kong hindi makapaniwala sa inaasta niya. "Landi mo," tanging nasabi ko at saka umalis sa harapan niya. Tumawa naman siya nang malakas habang papaalis ako, weird. Bakit kasi ganoon siya? Lumipa
In a snap, I did everything in the court defending someone who is actually innocent. After a long discussion and argument, and to everything I said to the Judge, I smiled. I face the crowd with confidence and I gave them my sweetest smile and turned my back. "It is I Attorney Themis Lex Pravitel, and I rest my case." Lumipas muli ang buwan at umabot na ito sa taon, sobrang naging busy talaga kami ni Nezoi. Matapos ang event ni Tito ay mas naging motivated akong magpatuloy, at talaga nga namang oo nakakapagod, pero tuloy lang sa buhay. Para sa pangarap, sa gusto natin maging, para sa sarili, at lalo na para sa kinabukasan. Kaya rin naman pala naging espesyal iyong event na iyon, dahil si Nezoi ay tinanong ako kung puwede ko na ba siyang maging official boyfriend. Tinatanong pa ba 'yon? Nag-oo naman ako kaagad. Natawa p
Natapos ang araw na isa sa mga araw na hinding-hindi ko makakalimutan, lahat kaming na naroon ay hinding-hindi namin iyon makakalimutan. Ang bilis ng araw, at ng panahon. Lumipas na ang halos limang buwan at ito magka-text kami ni Nezoi at saglit niyang pahinga at ako naman ay wala na ganoong ginagawa. Habang naiisip ko ang mga nagdaang araw ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari sa akin o sa amin sa buhay ko. Naging tuluy-tuloy ang pagda-date namin ni Nezoi at palagi niya akong dinadala sa iba't iba lugar, kainan, at marami pa kaming ginawa na talagang nasisimulan na naming i-fulfill ang mga pangakong hindi namin nagawa noon. Habang kausap ko sa telepono si Nezoi ay hindi ko maiwasan na mapalipad ang aking isipan dahil sa loob lang ng limang buwan ay marami na kaagad talaga ang mga nangyari. Nakapagtayo na ako ng business ko na coffee shop, at nakahan