Share

Chapter 8

----

"ANO ANG BALAK MO?" tanong ni Janice sa kaniya. May kaugnayan ito tungkol sa pinasubaybayan niya nang nakaraan. Nasa isang tabi sila ng daan ngayon gamit ang sasakyan niya nang kunin niya kay Janice.

"May balak ka bang sabihin sa kanila ang lahat?" dugtong pang tanong nito.

Nagsindi siya ng sigarilyo. Binaling sa labas ang tingin. Hindi niya alam kung ano ba ang isasagot kay Janice, wala pa siyang matibay na desisyon.

"Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon, Janice." Napasinghap siya.

"Ang alam ko lang ngayon ayaw kong maging kontrabida— darating naman tayo d'on eh," natatawang saad niya.

Hinawakan ni Janice ang kamay niya. Tumingin siya rito. Nagtaas siya ng tingin para pigilan ang luhang gustong kumawala sa mga mata niya.

"Alam mong makakasama sa 'yo ang lahat ng nalaman mo, Yvonne," may pag-aalalang sambit nito sa kaniya.

"Basta lagi mong tatandaan na nandito lang ako. Kung ano ang plano mo at kung ano tumatakbo sa isip mo nandito lang ako!" dugtong pa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status