LOGINMatapos hindi masundan ang pag-uusap namin dalawa ay humirit ako. “Bukas,” pagputol ko na ikinabaling niya sa akin nang saglit, “kakausapin ko na ang abogado ko. Ako na ang maghahain ng petisyon at itutuloy natin sa grounds ng psychological incapacity. Ako ang lalabas na may pagkukulang—na hindi ko kayang gampanan ang obligasyon ko bilang asawa.”
Huminga ako nang malalim. “Para hindi ko masira ang reputasyon ng pamilya ninyo—para hindi ko masira ang pangalan ninyo. Ako na.” “sa ari-arian naman, wala akong hahabulin dahil may prenuptial agreement tayo. Ang hihilingin ko lang, sumang-ayon ka na lang sa lahat para hindi na tayo magtagal sa korte. Hindi ba’t iyon naman ang gusto mo? Gusto ko nang matapos ito nang maaga para sa ating dalawa.” Alam kong mahirap magpa-annul sa Pilipinas. Bawal ang magkasundo, at kailangang mapatunayan na talagang invalid ang kasal mula pa noong una. Pero kung may matibay na ebidensya at may perang ilalabas, magagawan ng paraan. Tumama ang mga mata namin ni Lukas ng bumaling ako sa kaniya. Napabuntong-hininga ako dahil sa bigat na nararamdaman ko. Wala akong nakitang bago kundi ang blangkong ekspresyon lamang ni Lukas sa lahat ng mga sinabi ko. “Okay,” tipid nitong tugon. Yumuko ako at hindi na muling umimik. Pagdating namin sa mansyon, sinalubong agad kami ni Mrs. Argente—ang Old Madame kung tawagin ng lahat. Kita ang pananabik sa kaniyang mga mata, lalo na nang malaman niyang babae ang dinadala ko. Sa pamilya ng mga Argente, mula pa sa henerasyon ng Chairman ng Argente—ang lolo ni Lukas, na asawa ng old madame, pawang lalaki ang ipinapanganak. Kaya naman ang balitang babae ang magiging anak namin ni Lukas ay nagdulot ng labis na tuwa sa kanilang mag-asawa. Mayroon silang dalawang anak na lalaki. Si Apollo Argente ang panganay na anak at si Leandro Argente naman ang bunso. Si Apollo Argente ay may dalawang anak na lalaki. Sina Morgan at Marco Argente. Si Morgan Argente na panganay ni Apollo ay ikinasal limang taon ang nakalilipas, biniyayaan ng kambal na anak—sina Haion at Heion na limang taong gulang na ngayon. Ang kanyang bunsong anak na si Marco Argente ay bente-kuwatro anyos—kaedaran ko—wala itong asawa. Si Leandro Argente ang bunsong anak ay may iisang anak na lalaki—si Luke Argente. Dahil sa balitang ito, tila biglang gumaan ang pakiramdam ng Chairman. Masiglang lumapit ang Old Madame sa amin, halos sumasayaw sa tuwa. Hindi ko napigilang ngumiti nang lihim. Kahit papaano, may mga taong tunay na nagpapahalaga sa anak na aking dinadala sa pamilyang ito. “Para sa ’yo, hija,” wika ni Mrs. Argente, may malawak na ngiti sa kaniyang mga labi habang iniaabot sa akin ang isang maliit at itim na kuwadradong kahon. “Ano po ito, Grandma?” tanong ko. Pagkabukas ko nito’y muntik ko na itong ibalik sa kaniya. “Napakamahal po nito.” Isang mamahaling pulseras na jade ang laman ng kahon. “Tanggapin mo na,” mariin ngunit mahinahong sabi niya habang kinukuyom ang aking mga kamay na may hawak ng pulseras. “Hangad ko ang malusog mong pagbubuntis.” Napatingin ako sa ina ni Lukas dahil doon. Hindi nga ako nagkamali at napapailing-iling ito. Hindi ako gusto ng ina ni Lukas. Ramdam ko na iyon simula palang. Baliktad sa ipinapakita nito sa lahat. Para sa kaniya, masyadong "hamak" at walang dating ako para maging asawa ng isang Argente. Habang naghahanda para sa hapunan, may tumawag kay Lukas. Napansin ko ang biglang paglambot ng kaniyang mukha. Tumayo siya. Ngunit hindi nakatakas sa aking pandinig ang paggawang pagsagot niya sa taong nasa kabilang linya, naging mapagmahal ang boses niya. “Love,” tawag nito sa kabilang linya—isang palayaw na nagdulot ng kirot sa puso ko. Kung pakakasalan niya ang babaeng mahal niya, tiyak na magiging mabuti siyang ama, mapait akong ngumiti matapos ko iyong isipin. Luke’s POV “I know you don’t love her,” sabi ni Chairman, my grandfather, pagkapasok namin sa library. He brought me with him because he had something to discuss. Sumunod sina papa at mama, na ngayong ay parehong nakaupo sa sopa. Is this he wanted to talk about? my mind wisphered. “but she is a top student from a prestigious school, and she is submissive. She is the perfect stable wife to raise your children. Manatili muna kayong kasal ng isa o dalawang taon para sa imahe ng pamilya—para sa amin ng iyong Grandma.” Napatingin ako kay mama. Nagkibit-balikat nalamang siya sa akin. At walang kibo namang nagbabasa ng news si papa. Hindi ako sumagot. One or two years would be hell for me. Hindi ko na maatim pang makasama ang babaeng iyon habang tumatagal. Beside, pumayag na rin naman ito sa gusto kong pakikipaghiwalay. Hindi na iyon kailangan pang malaman ng pamilya. Maliya’s POV “Where’s Luke?” Napabaling ako sa likod ko nang may magsalita. “Grandma, bakit po kayo narito at mahamog na? Si Lukas po ba? Hiniram po muna siya saglit ni Chairman.” Natawa siya sa naging sagot ko—marahil doon banda sa tinawag kong Chairman ang kaniyang asawa. Bahagya naman akong naalangan at nahiya. Umupo siya sa kabilang upuan dito sa terasa, kung saan ako naghihintay kay Lukas para umuwi na. Yakap-yakap niya ang makapal na malong. “Maliya,” pagtawag niya sa pangalan ko. “Bakit po?” Napatingin ako sa kaniya. “How’s your pregnancy?” Tipid akong ngumiti. “Ayos lang po. Nagiging masilan lang kung minsan.” Napatango naman siya. “Pregnancy isn’t easy. Pero, Maliya, kahit buntis ka… kailangang mag-ayos ka pa rin. Alagaan mo ang sarili mo. Ang atensyon ng asawa ay madaling makuha, pero mahirap panatilihin,” winika niya na ikinagulat ng puso ko. Ngunit, hindi ko iyon pinahalata. Tumango nalang ako at ngumiti bilang tugon sa kaniya. KINAUMAGAHAN ay hindi ako kumilos. Hindi ko plinatsa ang damit ni Lukas. Hindi rin ako nagluto ng kaniyang almusal. Kaya kanina ko pa naririnig ang pagbubunganga ng mayordomang si Lucy kay Lukas. Palibhasa ay malakas sa amo dahil siya itong nag-alaga kay Lukas simula pa bata. “Akala mo kung sinong senyorita, ayaw lumabas ng kwarto! Kahit ang mama mo noon, hindi ganyan katamad nung buntis.” Rinig ko mula sa taas habang pababa ng hagdan. Tumama ang mga paningin namin ni Lukas pagkalabas niya ng kusina. Matalim ang tinging pinukol niya sa akin. “Sina Manang Lucy ay matatanda na. Huwag mo silang paghintayin sa hapagkainan o huwag mong iasa na hahatiran ka pa ng pagkain mo sa itaas. Kailangan din nilang magpahinga. Buntis ka lang, hindi ka lumpo,” malamig niya akong pinagalitan. Walang buhay akong tumugon sa kaniya at kalmadong nagsalita, “kung hindi nila ako gusto, pabalikin mo na lang sila sa mansyon. Kaya ko ang sarili ko.” Deretso akong naglakad sa kusina at umupo sa hapagkainan. Kinuha ko ang kutsara para kumain. Napapitlag ako nang umalsa at kumalansing ang mga pinggan at kutsara sa malakas na pagbagsak ng kaniyang mga kamay sa mesa. Nandidilim ang mukha ni Lukas nang tumingala ako sa kaniya. “Pinapaalalahanan kita, hindi ko tinatanong ang opinyon mo,” bulyaw nito. Pagkatapos ay hinarap ang mga katulong. “Mula ngayon, huwag niyo na siyang pagsilbihan. Hayaan niyo siyang gumawa ng lahat.” Napahigpit ako ng hawak sa kutsara. Nanginginig ang buo kong katawan. Ramdam ko ang intinsidad ng kaniyang galit sa bawat salita at kilos na ipinapakita niya. Matapos iyon, mabilis siyang umalis, habang ako ay naiwan—pilit hinahanap ang aking tamang wisyo. Nang-iinit ang aking mga mata. Napakislot ako at mabilis na napahawak sa aking tiyan nang biglang kumirot ito. Ilang oras nang makalipas ang nangyari at naging okay na rin ako. Mabilis akong nagbihis at dumiretso sa isa sa mga prestihiyosong unibersidad dito sa Pilipinas—kung saan ako nag-aral. Huminto ako sa tapat ng pinto ng isang kilalang henyo at batang professor sa Finance Department at kumatok ako ng tatlong beses. Ang pagkatok kong ito ay ang pagkatok ko sa bagong yugto na gusto kong simulan para sa sarili ko.Nakita ni Maliya ang pagpasok ng lalaki sa silid.Lumapit si Luke, maingat na karga ang bata sa kanyang mga bisig, at dahan-dahan itong inilapag sa tabi ni Maliya.Sulyap ni Maliya sa sanggol, isang malambot at mapagmahal na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Sa sandaling makita ng bata ang kanyang ina, muli itong humagikgik.Gustong-gusto siyang yakapin ni Maliya, ngunit hindi siya makagalaw.Pinagmamasdan ni Shelly ang baby, habang may maliit ding ngiti sa kanyang mga labi. Gusto rin niyang kargahin ang bata, ngunit sa huli ay pinigilan niya ang kanyang sarili.Nakahiga ang sanggol sa tabi ng kanyang ina, at hindi nagtagal ay ipinikit nito ang mga mata at muling nakatulog nang mahimbing.Nanghihinang tumingin si Maliya kay Luke. "Anong pangalan niya?" tanong niya.“Maureen Kizha Argente,” sagot nito."Maureen Kizha..." bulong ni Maliya nang mahina. Isang napakagandang pangalan.Nakiusap siya kay Shelly na kunan sila ng larawan ng kanyang baby para maitala ang sandaling iyon.Mul
Bumalik si Luke sa opisina. Sinabi ng sekretarya, “Mr. Argente, may isang lalaki po rito na nagpapakilalang kapatid ni Maliya at nais kayong makausap.”Napatigil si Luke. “Papuntahin mo siya rito sa itaas.”Hindi nagtagal, pumasok si Gabriel sa opisina ni Luke—ito ang kanilang unang opisyal na pagkikita.Naglakad si Luke mula sa water dispenser patungo sa kanyang desk hawak ang isang baso at tiningnan si Gabriel. “Maupo ka.”Nanatiling mailap si Gabriel. “Huwag na. May sasabihin lang ako.”Sinulyapan siya ni Luke, saka naupo, ipinatong ang baso sa desk, at nagtanong, “Anong sasabihin mo?”Lumapit si Gabriel. “Nakita ni Mr. Argente, ang lolo niyo, ang balita sa internet kagabi. May naisip na ba siyang paraan kung paano haharapin ang taong nang-harass sa kapatid ko online?”Tinuktok ni Luke ang kanyang hintuturo sa mesa, walang mababakas na emosyon sa kanyang mukha. “At ano naman ang gusto mong gawin?”Naging mapang-uyam ang tono ni Gabriel. “Mukhang hindi man lang sumagi sa isip ni Mr.
Bumalik si Shelly matapos maghanda ng isang mangkok ng bird’s nest porridge para kay Maliya. Ngunit sa pagbukas pa lang niya ng pinto, napatigil siya. Maputla ang mukha ni Maliya, at sa sobrang gulat, nadulas ang lugaw sa kanyang mga kamay at natapon sa sahig."Maliya!"Nagmamadali siyang lumapit at itinaas ang kumot, doon lang niya nakita ang lawa ng dugo sa sapin ng kama. Nilamon siya ng kaba kaya agad siyang tumawag ng doktor.Biglang nagliwanag ang buong villa. Wala si Luke sa bahay nang gabing iyon. Agad na nakipag-ugnayan ang doktor sa ospital para magpadala ng ambulansya. Matapos ang mabilis na pagsusuri, malinaw ang lahat: kailangang dalhin agad si Maliya sa ospital.Kabog nang kabog ang dibdib ni Shelly. Paano siya biglang dinugo nang ganoon? Agad niyang tinawagan si Victor para humingi ng saklolo.Nag-alinlangan si Lucy kung tatawagan ba si Luke—masyado nang malalim ang gabi, at dahil may mga doktor at nars na sa lugar, baka makaabala lang ang anumang interbensyon—kaya nagpa
Nakalubog ang atensyon ni Maliya sa kanyang mobile game, kaya hindi niya napansin ang pagbaba ni Luke sa hagdan.Nang marinig na lamang niya ang boses ni Lucy ay saka siya nag-angat ng tingin. “Master, lalabas po ba kayo?”Dahil dito, napasulyap si Maliya kay Luke. Nagmamadali itong umalis—tiyak na pupuntahan nito si Angela. Mabilis niyang ibinaba ang kanyang mga mata at nagkunwaring walang nakita.Nagmaneho si Luke nang diretso sa tinitirhan ni Angela.Sa labas ng villa, naghihintay na si Angela sa pinto. Pagkakita sa kanya, agad itong nagbukas ng pinto at sumakay sa kotse.Nanatili muna sila sa loob ng sasakyan sandali bago magkasamang pumasok sa loob ng villa.Sa sala, napatingala si Paulene sa gulat. “Luke?”“I apologize for coming late at night,” Luke said. “I just wanted to visit you.”Bahagyang tumango si Paulene. “Hindi ka naman nakakaabala. Go ahead and come in.”Inakay ni Angela si Luke paakyat. “I just need to speak with your brother. Puntahan mo muna ang mama mo.”“Sige,”
Walang balak lumabas si Maliya. Kapag maganda ang panahon, naglalakad siya sa tabi ng lawa, pero madalas ay nasa loob lang siya at nagbabasa.Si Shelly, dahil hindi makauwi sa kanila, ay sa telepono na lang nakakausap si Victor. Halos tapos na ang pagbili sa La Buena, kaya medyo naging maluwag na ang oras nito. Si Gabriel naman ay maagang umalis at gabi na kung bumalik araw-araw para pag-usapan ang pakikipagtulungan sa kumpanya ng mga Argente. Nilagdaan na ni Victor ang kasunduan sa pamumuhunan, at maayos na ang takbo ng lahat.Hindi maiwasang mapag-usapan sina Maliya at Luke sa kanilang mga usapan.Nababalisa si Victor sa tuwing nababanggit ang paksa. Nagreklamo si Shelly, “Parang wala lang ang maliit nating pamilya. Dala ni Maliya ang anak ni Luke, pero kailangan nating ibalik ang pera, ang kita, ang lahat, para hindi tayo magmukhang sakim. Samantala, ang pamilya niya ang nakakakuha ng lahat.”Ganoon din ang iniisip ni Victor. Noong una, balak niyang ibalik ang pera pagkatapos maibe
Nang marinig ni Maliya ang tono ng boses ni Luke, alam niya agad na si Angela ang kausap nito. Pagkatapos ng tawag, tahimik lamang siyang tiningnan ni Maliya.Tumayo si Luke at nagsabi, “Nag-ayos na ako ng maghahatid sa iyo pauwi.”Nanatiling kalmado si Maliya. “Huwag na. Susunduin kami ng driver ko.”Nang makita ang kanyang kawalang-bahala at paglayo, hindi na nagsalita pa si Luke at lumabas na ng lounge. Natigilan si Maliya ng ilang segundo.“Maliya, maupo ka muna,” pag-uudyok ni Shelly.Pinigilan ni Maliya ang kanyang emosyon, kinuha ang phone, at tinawagan si Gerald. Sa ibabaw ng coffee table ay naroon ang report ng kanyang checkup; kinuha ito ni Shelly at sinuri. Kanina ay naipaliwanag na ng doktor ang mga dapat gawin bago ito umalis.Pagkalipas ng bente minutos, dumating si Gerald para ihatid sila. Hindi na bumalik si Maliya sa villa.--Noong Bagong Taon, nakiusap si Maliya kay Sarah na samahan siya para sa isang maternity photoshoot. Dahil malapit na ang panganganak, gusto niy







