LOGIN“Come in.” Binuksan ko ang pinto pagkarinig ko niyon.
Bigla akong nahiyang lumapit kay Professor Adrian nang makita ko ang kaniyang reaksyon, pagkapasok ko. Sino ba kasing mag-aakala sa anyo ko ngayon? Samantalang ang kaharap ko ay kuminang sa kaniyang suot na dark blue coat, na nagbibigay-diin sa kaniyang kakisigan. Sa likod ng bilog na salamin ay sumisilip ang mapupungay at kaakit-akit na mga mata, habang ang matangos na ilong ay tila inukit ng isang bihasang pintor, na akmang umuugnay sa curvy at mapulang labi niya. Matangkad siya at pinagpala ng isang makisig na pangangatawan na halos nakakaakit sa bawat sulyap. Bulag nalang ang hindi mahuhulog dito.
Pero, hindi ako bulag. Sadyang kay Lukas lang ang puso ko.
Tss. Baliw!
“Professor Adrian,” banggit ko sa kaniyang pangalan.
Bahagyang lumaki ang mga mata niya at kaagad din itinago ang kaniyang pagkagulat.
“Maliya! You’re here.” Malawak siyang ngumiti nang banggitin niya ang pangalan ko.
Inalis ko ang suot kong facemask. “It’s been a long time, Professor Adrian.”
“It has. I almost didn’t recognize you.” Napailing siya at napasandal sa sandalan ng upuan niya.
“Medyo nahihiya nga po akong magpakita sa inyo nang ganito,” mapait na biro ko.
Tumayo si Professor Adrian at lumapit sa akin. “Normal lang na magbago ang katawan kapag buntis. Babalik din 'yan pagkapanganak mo. Please, have a seat.” Naupo ako sa guest chair. Iniabot niya sa akin ang isang tasang maligamgam na tubig, pagkatapos niya itong kunan mula sa water dispenser sa may gilid sa likod ng kaniyang upuan. “Dahan lang. Medyo mainit pa ‘yan.” Nagpasalamat ako sa kaniya. “Ilang buwan na?” sunod na tanong niya. Tinutukoy ang umbok sa aking tiyan.
“Twenty-five weeks na,” sagot ko.
“Stanford starts at the end of next January,” ani ni Professor Adrian, “That might conflict with your due date.” Pagbalik niya sa kaniyang office chair.
Sandali akong natigilan at napaisip.
“P’wede ho kaya na mapakiusapan na ma-delay muna ang pagpasok ko? Ayaw ko ho talagang palampasin ang pagkakataong ito,” pakiusap ko sa kaniya.
Seryoso akong tiningnan ni Professor Adrian. “Bakit parang gustong-gusto mong umalis?”
Napayuko ako. “Pagkapanganak ng bata, maghihiwalay na kami ni Lukas. Ayaw ko nang ituloy ang kamalasang ito. Gusto ko nang simulan muli ang buhay ko.”
Napaangat ako ng tingin pabalik kay Professor Adrian. Nakikitaan ko siya ng kalungkutan at awa para sa akin. Tila ba hindi na ang masayahing Maliya ang nakikita niya ngayon sa harapan niya. “Natutuwa ako at naisipan mong bumangon muli. Hindi talaga kayo bagay ni Luke Argente. You deserve someone who truly loves you, Maliya.”
Nang-iinit ang mga mata kong tumango sa kaniya. Naalala ko kung paano ko ipinilit noon na maging assistant ni Lukas kahit pinigilan ako ni Professor Adrian, hanggang sa heto na nga at nasasaktan na ako ng husto.
“Professor,” biglang tanong ko, “Sa tingin niyo, anong klaseng tao si Lukas?”
Tumahimik sandali si professor dahil sa tanong ko. “Siya ang taong gagawin ang lahat para sa kanyang ambisyon. Interes at pera ang prayoridad niya. Ang taong tulad niya... likely doesn't have room for love.”
Tama. Pagsasang-ayon ko sa isipan ko. Pero ang paglalambing niya sa babaeng iyon ay totoo. Siguro, para lang sa taong mahal niya siya nagiging malambot.
“Dahil desidido ka na, tutulungan kitang i-apply ang delay ng admission mo,” sabi ni Professor Adrian na ikinabuhay ng puso ko. “Nagkataon namang kailangan ko ng assistant sa loob ng isang buwan. Gusto mo bang subukan?” pag-aalok niya.
Napangiti naman ako, “Talaga ho? Oo naman.”
Mula nang mabuntis ay inilipat ako ni Lukas sa isang posisyong walang kuwenta sa opisina. Mula sa pagiging top assistant ay naging invisible ako sa kumpanya. Kailangan ko ang trabahong ito para mahanap muli ang sarili ko.
NANG gabing iyon ay hindi umuwi si Lukas. Dati pagganito ang nangyayari, kapag late o hindi umuuwi si Lukas ay aligaga ako at hindi mapakali—nag-aalala ako. Na baka kung ano na ang nangyari sa asawa ko o sino-sino na kaya ang mga nakakasama nito sa kung saan. Pero ngayon, tila ba wala na akong pakialam. Kahit na may pakialam ako, tila wala rin itong saysay.
Maaga akong nagising at nag-ayos kinabukasan. Tutungo ako sa kumpanya upang magpasa ng resignation letter, magre-resign na ako. Pagbaba ko sa taxi ay tumingala ako sa mataas na gusali sa aking harapan. Inagaw ang aking atensyon nang may isang lalaking bumaba sa kaniyang sasakyan—malakas ang presensya nito at empluwensya. Napaka-importante at makapangyarihan dahil halos lahat ng mga empleyado ay napapaatras at binabati siya. Bahagya akong napayuko nang dumaan siya sa harapan ko. Nilagpasan niya ako na para bang hindi kami magkakilala at isa lang din ako sa mga empleyadong sinasahuran nila.
Ibinigay ko ang resignation kay Alexis, ang head secretary. Dati ay subordinate ko lamang siya, pero ngayon, siya na ang boss ko. Napakasuwerte ng kumag.
Tiningnan ni Alexis ang resignation letter ko at ang malaking umbok sa aking tiyan sabay ngisi, parang aso. “Mabuti naman at natauhan ka na. Tumingin ka naman sa salamin minsan. Akala mo ba porke nabuntis ka ay makakaakyat ka na sa pamilyang Argente? Kilalanin mo ang kinalalagyan mo.”
Imbes patulan ang mga panlalait nito ay hindi na lamang ako umimik.
Walang nakakaalam sa kumpanya na kasal kami ni Lukas. Para sa kanila, isa lamang akong ambisyosang babae na nabigo. At sa katunayan… totoo iyon. Isang ambisyosang babae, na dati ay puno ng tiwala sa sarili, ngayon ay humaharap sa kaniyang kahihiyan.
Nakita ni Maliya ang pagpasok ng lalaki sa silid.Lumapit si Luke, maingat na karga ang bata sa kanyang mga bisig, at dahan-dahan itong inilapag sa tabi ni Maliya.Sulyap ni Maliya sa sanggol, isang malambot at mapagmahal na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Sa sandaling makita ng bata ang kanyang ina, muli itong humagikgik.Gustong-gusto siyang yakapin ni Maliya, ngunit hindi siya makagalaw.Pinagmamasdan ni Shelly ang baby, habang may maliit ding ngiti sa kanyang mga labi. Gusto rin niyang kargahin ang bata, ngunit sa huli ay pinigilan niya ang kanyang sarili.Nakahiga ang sanggol sa tabi ng kanyang ina, at hindi nagtagal ay ipinikit nito ang mga mata at muling nakatulog nang mahimbing.Nanghihinang tumingin si Maliya kay Luke. "Anong pangalan niya?" tanong niya.“Maureen Kizha Argente,” sagot nito."Maureen Kizha..." bulong ni Maliya nang mahina. Isang napakagandang pangalan.Nakiusap siya kay Shelly na kunan sila ng larawan ng kanyang baby para maitala ang sandaling iyon.Mul
Bumalik si Luke sa opisina. Sinabi ng sekretarya, “Mr. Argente, may isang lalaki po rito na nagpapakilalang kapatid ni Maliya at nais kayong makausap.”Napatigil si Luke. “Papuntahin mo siya rito sa itaas.”Hindi nagtagal, pumasok si Gabriel sa opisina ni Luke—ito ang kanilang unang opisyal na pagkikita.Naglakad si Luke mula sa water dispenser patungo sa kanyang desk hawak ang isang baso at tiningnan si Gabriel. “Maupo ka.”Nanatiling mailap si Gabriel. “Huwag na. May sasabihin lang ako.”Sinulyapan siya ni Luke, saka naupo, ipinatong ang baso sa desk, at nagtanong, “Anong sasabihin mo?”Lumapit si Gabriel. “Nakita ni Mr. Argente, ang lolo niyo, ang balita sa internet kagabi. May naisip na ba siyang paraan kung paano haharapin ang taong nang-harass sa kapatid ko online?”Tinuktok ni Luke ang kanyang hintuturo sa mesa, walang mababakas na emosyon sa kanyang mukha. “At ano naman ang gusto mong gawin?”Naging mapang-uyam ang tono ni Gabriel. “Mukhang hindi man lang sumagi sa isip ni Mr.
Bumalik si Shelly matapos maghanda ng isang mangkok ng bird’s nest porridge para kay Maliya. Ngunit sa pagbukas pa lang niya ng pinto, napatigil siya. Maputla ang mukha ni Maliya, at sa sobrang gulat, nadulas ang lugaw sa kanyang mga kamay at natapon sa sahig."Maliya!"Nagmamadali siyang lumapit at itinaas ang kumot, doon lang niya nakita ang lawa ng dugo sa sapin ng kama. Nilamon siya ng kaba kaya agad siyang tumawag ng doktor.Biglang nagliwanag ang buong villa. Wala si Luke sa bahay nang gabing iyon. Agad na nakipag-ugnayan ang doktor sa ospital para magpadala ng ambulansya. Matapos ang mabilis na pagsusuri, malinaw ang lahat: kailangang dalhin agad si Maliya sa ospital.Kabog nang kabog ang dibdib ni Shelly. Paano siya biglang dinugo nang ganoon? Agad niyang tinawagan si Victor para humingi ng saklolo.Nag-alinlangan si Lucy kung tatawagan ba si Luke—masyado nang malalim ang gabi, at dahil may mga doktor at nars na sa lugar, baka makaabala lang ang anumang interbensyon—kaya nagpa
Nakalubog ang atensyon ni Maliya sa kanyang mobile game, kaya hindi niya napansin ang pagbaba ni Luke sa hagdan.Nang marinig na lamang niya ang boses ni Lucy ay saka siya nag-angat ng tingin. “Master, lalabas po ba kayo?”Dahil dito, napasulyap si Maliya kay Luke. Nagmamadali itong umalis—tiyak na pupuntahan nito si Angela. Mabilis niyang ibinaba ang kanyang mga mata at nagkunwaring walang nakita.Nagmaneho si Luke nang diretso sa tinitirhan ni Angela.Sa labas ng villa, naghihintay na si Angela sa pinto. Pagkakita sa kanya, agad itong nagbukas ng pinto at sumakay sa kotse.Nanatili muna sila sa loob ng sasakyan sandali bago magkasamang pumasok sa loob ng villa.Sa sala, napatingala si Paulene sa gulat. “Luke?”“I apologize for coming late at night,” Luke said. “I just wanted to visit you.”Bahagyang tumango si Paulene. “Hindi ka naman nakakaabala. Go ahead and come in.”Inakay ni Angela si Luke paakyat. “I just need to speak with your brother. Puntahan mo muna ang mama mo.”“Sige,”
Walang balak lumabas si Maliya. Kapag maganda ang panahon, naglalakad siya sa tabi ng lawa, pero madalas ay nasa loob lang siya at nagbabasa.Si Shelly, dahil hindi makauwi sa kanila, ay sa telepono na lang nakakausap si Victor. Halos tapos na ang pagbili sa La Buena, kaya medyo naging maluwag na ang oras nito. Si Gabriel naman ay maagang umalis at gabi na kung bumalik araw-araw para pag-usapan ang pakikipagtulungan sa kumpanya ng mga Argente. Nilagdaan na ni Victor ang kasunduan sa pamumuhunan, at maayos na ang takbo ng lahat.Hindi maiwasang mapag-usapan sina Maliya at Luke sa kanilang mga usapan.Nababalisa si Victor sa tuwing nababanggit ang paksa. Nagreklamo si Shelly, “Parang wala lang ang maliit nating pamilya. Dala ni Maliya ang anak ni Luke, pero kailangan nating ibalik ang pera, ang kita, ang lahat, para hindi tayo magmukhang sakim. Samantala, ang pamilya niya ang nakakakuha ng lahat.”Ganoon din ang iniisip ni Victor. Noong una, balak niyang ibalik ang pera pagkatapos maibe
Nang marinig ni Maliya ang tono ng boses ni Luke, alam niya agad na si Angela ang kausap nito. Pagkatapos ng tawag, tahimik lamang siyang tiningnan ni Maliya.Tumayo si Luke at nagsabi, “Nag-ayos na ako ng maghahatid sa iyo pauwi.”Nanatiling kalmado si Maliya. “Huwag na. Susunduin kami ng driver ko.”Nang makita ang kanyang kawalang-bahala at paglayo, hindi na nagsalita pa si Luke at lumabas na ng lounge. Natigilan si Maliya ng ilang segundo.“Maliya, maupo ka muna,” pag-uudyok ni Shelly.Pinigilan ni Maliya ang kanyang emosyon, kinuha ang phone, at tinawagan si Gerald. Sa ibabaw ng coffee table ay naroon ang report ng kanyang checkup; kinuha ito ni Shelly at sinuri. Kanina ay naipaliwanag na ng doktor ang mga dapat gawin bago ito umalis.Pagkalipas ng bente minutos, dumating si Gerald para ihatid sila. Hindi na bumalik si Maliya sa villa.--Noong Bagong Taon, nakiusap si Maliya kay Sarah na samahan siya para sa isang maternity photoshoot. Dahil malapit na ang panganganak, gusto niy







