Mag-log inSa kalagitnaan ng matinding tensyon sa pagitan nila, inilabas ni Magnus ang isang maliit na velvet box. Dahan-dahan niya itong binuksan sa harap ng kasintahang si Riona.
Laman nito ang isang mamahalin at kumikinang na pink tassel skirt.
Isang sulyap pa lang ang ginawa ni Riona at agad na nawalan ito ng interes. "Ibinalik mo na 'yan," malamig na utos ng dalaga. "Alam mo namang ayoko ng kulay na iyan."
Pagkaraan ng ilang taong pagsasama, ni hindi man lang alam ni Magnus kung anong klaseng damit ang laman ng wardrobe niya. Ni hindi nito alam na ayaw na ayaw niya sa mga matingkad na kulay. Lalo na ang pink pa, masyadong kikay at girly.
“HA!” mapaklang naisip ni Riona. “Mas bagay iyang damit na iyan kay Clara. Dahil ba gusto ng babaeng iyon ang mga ganitong damit, inakala na ni Magnus na lahat ng babae gusto rin ng ganito?”
Kahit si Ezequiel, na minsan niya pa lang nakasama, kabisadong-kabisado ang taste at preferences niya. Samantalang ang kasintahan niyang ilang taon na niyang kasama ni hindi man lang siya kilala. Nakakatawa kung paano siya palaging pinapaalalahanan ng tadhana na pinilit lang nila ang isang relasyong matagal ng walang pag-asa.
Napakunot naman ang noo ni Magnus. Tinitigan ng lalaki ng maigi ang mukha ni Riona, pilit kinikilatis kung totoong naiinis ba ang dalaga o nag-iinarte lang.
Dati kasi, kahit anong mumurahin o simpleng regalo ang ibigay ng binata, abot-tenga ang ngiti ni Riona at tinatrato iyon na parang isang mamahaling ginto.
“Hayaan na nga,” sa isip ni Magnus. “Nagpapapansin lang siguro 'to kasi gusto niyang lambingin ko siya ng sobra. Ganyan naman talaga ang mga babae.”
"Okay lang. Malapit na rin naman yung birthday mo. Babawi na lang ako do'n at itutuloy natin yung candlelight dinner, okay? May gusto ka bang regalo? Bibilhan kita."
Dahil nag-offer na rin naman ito, hindi na nag-atubili si Riona.
"Wag na yung birthday gift," diretsong sagot niya. "Tutal ginamit mo naman yung pera natin para sa 'ibang bagay' ng hindi man lang nagpapaalam sa akin… sa tingin ko, patas lang na hingin ko yung lumang villa ng pamilya Valencia iyong sa dating residence niyo, 'di ba?"
'Yung bahay na 'yon ang mismong pinili nila ng ina ni Magnus noon. Ang market value no'n ngayon ay sobrang taas na. Kung tutuusin, mas mahal na yun ibenta.
Pero ang pinaka-importanteng dahilan ni Riona, malapit iyon sa Cebu. Sampung minutong drive lang, nandoon na siya. Marami siyang aasikasuhin sa Cebu sa mga susunod na araw para sa sarili niyang mga plano. Kung may matutuluyan siya doon, magiging mas madali ang lahat. Bukod pa roon, makakawala siya sa paningin ni Magnus at makakapag pahinga na rin ng tahimik.
Gulat na gulat naman si Magnus nang marinig ang sinabi ni Riona. Unti-unting nagsalubong ang mga kilay nito.
"Pero do'n nakatira si Mama ngayon," reklamo ng lalaki. "Hindi ko naman pwedeng paalisin si Mama at palipatin muna basta-basta."
"Edi patuluyin muna natin si Tita rito ng ilang araw," kalmado at pinal na sagot ni Riona. "Pagkatapos nun, ikuha natin siya ng magandang condo rito sa Manila bago siya lumipat ng tuluyan."
Nang mapansin niyang nag-aalangan pa rin si Magnus, biglang nagdilim ang mukha ni Riona. "Kung ayaw mo, edi wag."
Ang tanga-tanga niya rin pala. Umasa pa siyang may kahit katiting na konsensya ang lalaking ito para bumawi sa kanya.
Nang makita ang matalim at malamig na tingin ng kasintahan, biglang kinabahan si Magnus. "S-Sige! Sige na nga, pumapayag na ako. Ibibigay ko na sa’yo yung villa na yun!"
Gulat naman ang reaksyon ni Riona. Hindi niya inasahang papayag ito ng ganoon kadali. Si Magnus naman ay nakahinga ng maluwag nang makitang kumalma ang kasintahan. Kapag nakikita ng lalaki kasi na galit o malungkot ito, hindi rin mapakali ang sistema o katawan nito. Paanong hindi, ilang taon din silang nagsama?
Kung sabagay, naisip naman ni Magnus na hindi rin naman masama na tumira muna ang nanay niya kasama nila. Pwede niyang gamitin ang pagkakataong ito para i-test ang reaksyon ni Riona kay Clara. Kapag inimbita niya si Clara na dumalaw sa mansyon, baka sakaling lumambot ang nanay niya sa dalaga. Dati kasi, ayaw na ayaw ng nanay niya kay Clara, samantalang paboritong-paborito nito si Riona.
—
Matapos na mag-usap, agad na pumasok sa kwarto si Riona. Umupo sa kama at kinuha ang isang diamond ring na ibinigay sa kanya ni Ezequiel. Tinitigan niya ito at dahil sa ganda, hindi niya napigilang isukat iyon sa daliri niya. Saktong-sakto ang sukat sa kanya at mas lalong gumanda ang kanyang mga daliri dahil sa singsing na yun.
—
Ilang araw ang lumipas, pauwi na si Riona mula sa pamimili nang sadya siyang dumaan sa kumpanya. Gaya ng inaasahan, nagkasalubong sila ni Clara sa lobby.
Hindi pa man siya tuluyang nakakalapit, rinig na rinig niya na ang pa-cute at nagrereklamong boses nito sa phone.
"Magnus, hindi ka ba pwedeng mag-out ng maaga bukas? Nangako kang magdi-dinner tayo ngayon eh. Kanina pa kami naghihintay ng anak natin. Gusto lang naman niyang makasama ka…”
Nitong mga nakaraang araw, nag-leave si Riona at sinabing masama ang pakiramdam niya. Dahil doon, natambakan ng trabaho si Magnus sa kumpanya.
Sa tabi ni Clara, hinila ng anak nitong si Carcar ang palda nito. "Mommy, gutom na po ako! Sa bahay na lang ni Daddy tayo kumain! Paglutuin po natin si Tita Riona! Para makasama natin si Daddy tapos may pagkain pa!"
Ang kakapal talaga ng mukha ng mag-inang ito.
Maya-maya pa, tumunog ang phone ni Riona, nang makita niya yun, tumatawag si Magnus.
"Ah Riona," nagmamadaling tawag ni Magnus sa kabilang linya. "Nangako kasi ako kina Clara na mag-uusap kami tungkol sa isang project ngayon, kaso masyado akong naging busy at pinaghintay ko sila. Nakakahiya naman… Kaya inimbita ko na lang silang mag-dinner diyan sa bahay. Ikaw na muna ang magluto, ha? Isabay mo na rin si Mama. Si Carcar, medyo pihikan sa pagkain. Ayaw niya ng isda o malalansang pagkain, kaya karne na lamang ang lutuin mo o beef. Tapos kay Clara naman, tanungin mo na lang kung anong gusto niyang kainin—"
Agad na pinutol ni Riona ang sasabihin ni Magnus.
"Hello? Choppy ka, hindi kita marinig… Hello? Nawawala 'yung signal—"
Matapos na sabihin iyon agad niyang pinatayan ito ng tawag.
Alam na alam nilang pareho na ngayong araw lilipat ang ina ni Magnus na si Rodita sa bahay nila. Ang sinadyang pag-iimbita ni Magnus kay Clara sa mismong araw na ito ay isang malinaw na pangiinsulto sa kanya. Tini-testing lang siya nito at ang kapal ng mukha ng lalaking ito!
"Sige," mapaklang ngisi ni Riona. "Tignan natin kung hanggang saan aabot 'yang palabas niyo."
Nanigas ang buong katawan ni Clara. Alam ni Riona? Matagal na nitong alam?Pero imbes na lamunin ng matinding konsensya o hiya, isang kakaibang reaksyon ang rumehistro sa mukha ng babae. Nawala ang gulat sa mukha niya at mabilis itong napalitan ng pait at matinding inis."So what kung alam niya?!" matigas na bulong ni Clara, tila hindi naman nagsisisi. "Eh ano naman kung alam niya ang totoo, Magnus? Isipin mo nga! Mas nakakadiri siya kasi hinayaan niya tayong parang isang tanga! Pinanood niya akong makuha ang lahat sa'yo, alam niya ang totoo, pero pinili niyang manahimik para pagtawanan tayo sa huli! Siya ang masama dito, Magnus. Pinaglaruan niya tayo!"Kahit hirap huminga, nakaramdam ng nakakasulasok na pandidiri si Magnus. Ang baluktot na logic ng babaeng nasa harap niya ay nakakapangilabot talaga. Mas nagalit pa ito na napaikot sila ni Riona kaysa sa mismong ginawa nilang pagtataksil.Huminga ng malalim si Clara. Mabilis niyang pinunasan ang luha niya at dahan-dahang lumapit sa gil
Paghawak niya rito, kasing-lamig ng yelo ang balat ng lalaki pero ang noo nito ay nagbabaga sa taas ng lagnat. Halatang na-impeksyon ang mga sugat na natamo nito mula sa pambubugbog kanina."Tulong! Please! Tumawag kayo ng ambulansya!" humahagulgol niyang sigaw sa mga mangilan-ngilang dumadaan.Makalipas ang ilang minuto, dumating ang ambulansya at mabilis na dinala ang walang malay na si Magnus sa Makati Medical Center. ***Buong araw at gabi, hindi umalis si Clara sa tabi ng kama ni Magnus. Hindi siya nagpalit ng damit at hindi siya nakakain ng maayos.Hindi biro ang tinamong bugbog ni Magnus. May crack ang isang tadyang nito, puro pasa ang katawan at sinabayan pa ng matinding lagnat dahil sa stress at internal infection. Ilang beses bumagsak ang blood pressure nito nung unang gabi.Habang natutulog ang lalaki, panay ang bulong ni Clara, panay ang iyak at paliwanag kahit alam niyang hindi siya nito naririnig.Hanggang sa kinagabihan ng ikalawang araw. Dahan-dahang gumalaw ang mga d
Hindi alam ni Magnus kung gaano katagal siyang umiyak sa sahig. Pero nang tumigil siya sa kakaiyak, isang mas madilim at mas bayolenteng emosyon ang pumalit doon. “Si Clara! Kasalanan lahat ni Clara!”Oo! Kasalanan ng malanding babaeng 'yon! Kung hindi siya nilandi nito noon, kung hindi nito ginulo ang buhay niya at kung hindi ito nagpahuli na may relasyon kay Mr. Lazaro ngayon na naging dahilan para ma-set up sila ni Riona, hindi sana masisira ang lahat! Hindi sana siya iiwan ni Riona at hindi sana ito magpapakasal sa iba!Sinira ni Clara ang lahat sa kanya! Sinira nito ang pag-ibig at dignidad niya at ngayon, pinatay nito ang kaisa-isang pag-asa niyang maayos pa ang lahat!Biglang nag-angat ng tingin si Magnus. Pilit siyang tumayo, ni walang pakialam sa sakit ng katawan, sa putik sa damit at sa mga sugat niya. Hahanapin niya si Clara at pagbabayarin niya ito.***Samantala, nakasalampak si Mr. Lazarosa sa gulo-gulong leather sofa. May hawak siyang ice pack na idinidiin sa namamagan
Tiningnan ni Riona ang kawawang mukha ni Magnus mula ulo hanggang paa. Si Magnus naman ay nanginginig ang buong katawan. Hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa matinding hiya.Tumayo si Riona ng tuwid habang nakatingin ng matalim kay Magnus. Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi, isang ngiting hanggang ngayon ay hindi niya makakalimutan."Itong regalo na binigay ko sa'yo…" huminto siya’t tila nage-enjoy sa panginginig ng mga mata ni Magnus. "Si Clara at si Mr. Lazaro yun, Magnus. Nagustuhan mo ba?"Ang mga salitang binitawan ni Riona ay parang isang kutsilyong tumarak sa dibdib ng lalaki. Sobrang namumutla siya sa mga oras na yun. Nanginginig ang mga labi niya’t hindi siya makabuo ng matinong salita.Akala niya, ang patagong relasyon nila ni Clara ay isang sikretong madadala niya hanggang hukay. Akala niya, kaya pa niyang bawiin si Riona pero habang nakatingin siya sa mga mata ng babaeng nasa harap niya, isang nakakawasak na katotohanan ang sumampal sa kanya. “Alam nito ang lahat
Mula sa lobby, tuloy-tuloy na pumasok si Magnus sa elevator. Wala na siyang pakialam sa mga guard na nagtatanong sa kanya. Hawak ang bouquet ng red roses, lumabas siya sa second floor at hinanap ang room na pinicture-ran ni Riona. Huminto siya sa tapat ng pinto. Pinagpapawisan ang mga palad niya habang inaayos niya ang kanyang kwelyo at kumatok."Riona? Andito na ako, si Magnus 'to!" masigla at punong-puno ng pagmamahal na tawag niya. Subalit walang sumagot kung kaya’t kumatok siya ulit at medyo nilakasan pa niya. "Baby? Buksan mo na, andito na ako!" Kumunot ang noo ni Magnus. Nakikipag-playful ba ito sa kanya? O baka nag-CR lang saglit? Sinubukan niyang pihitin ang doorknob ngunit naka-lock naman.Akmang tatawag na sana siya sa cellphone nang biglang marahas na bumukas ang pinto mula sa loob."RIONA, HAYOP KA! HINDI KA BA TALAGA TITIGIL?! ANONG GUSTO MO—"Bumuhos ang malulutong na mura at galit na galit na si Clara, akala'y bumalik ang babae para bwisitin na naman siya. Subalit na
Pagkatapos patayin ni Mr. Lazaro ang tawag, naramdaman ni Clara ang mabilis na pag-ikot ng tiyan niya sa kaba. Ano kayang gustong sabihin ni Magnus kay Mr. Lazaro sa ganitong oras? Nakahalata kaya ito?Pilit niyang ibinalik ang pekeng ngiti sa mukha niya. Kinuha niya ang mikropono para kumanta ulit at maaliw ang matanda, nang biglang tumunog ang cellphone niya sa ibabaw ng glass table.Kumunot ang noo ni Mr. Lazaro. Halatang badtrip na dahil pangalawang beses na silang na-iistorbo. Tiningnan ng matanda ang phone ni Clara.Nang makita ni Clara ang salitang Magnus na naka-flash sa screen, halos himatayin siya sa sobrang takot. “Bakit siya tumatawag ngayon?! May narinig ba siya?! Nagsumbong ba ni Mr. Lazaro?!”Mabilis niyang inabot ang cellphone niya. "H-Hayaan na lang po natin 'yan…"Pero mas mabilis ang kamay ni Mr. Lazaro.Inagaw nito ang telepono. Nang makita nito ang caller ID, isang malademonyo at mapang-asar na ngiti ang lumitaw sa mukha ng matanda."Oh? Si Mr. Valencia ba ito? K
Sa ilalim ng mabigat at nakakapasong titig ni Ezequiel sa kanya, hindi maiwasan ni Riona na umurong at isiksik ang sarili sa pinakadulo ng upuan ng sasakyan. Binalot sila ng nakakabinging katahimikan sa buong byahe. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa’t sobrang bigat ng tensyon sa loob. At para
Ang bluish-green pattern na nakapalibot sa singsing ay ang pinakapaborito niyang kulay na sobrang hirap hanapin sa bansa. Bilang isang designer, alam niya kung gaano kahirap at kamahal makuha ang eksaktong timpla ng kulay na 'yon. Ibinaba ng lalaki ang tingin, gamit ang dulo ng mga daliri, kalmado
Pagkaalis na pagkaalis ni Riona, mabilis na pumasok si Clara. Umiiyak ito at agad na nagreklamo sa lalaki. "Magnus naman! Narinig mo ba kung paano niya ako tawaging kabit?! Harap-harapan niyang binabaluktot yung totoo tapos ikaw, nagdadalawang-isip ka pa kung ipagtatanggol mo ako o hindi?! Mas imp
May isang buwan pa siya. Sapat na yung isang buwan para pagbayarin ang mga taong nanakit sa kanya bago siya tuluyang umalis. Isang tawag lang sa telepono, walang pag-aalinlangang kinansela ni Riona ang isang napakalaking project na nagkakahalaga ng halos hundred million pesos. Ang project na sana'







