LOGINAkala ni Riona, ang pagtulong sa kanyang pinakamamahal na boyfriend na si Magnus ay mauuwi sa isang "Happily ever after" pero wala pa nga ang kasalang nagaganap, doon niya natuklasan ang masakit na katotohan--- ginamit lang pala siya ng lalaki at ang masaklap, hindi lang siya nito iniwan, ninakaw pa nito ang perang nakalaan sana sa kanilang kinabukasan. Sa halip na magmakaawa, pinili niyang magpakatatag, tinalikuran niya si Magnus at bumalik sa tunay niyang mundo. Doon, pumasok siya sa isang arranged marriage sa tinaguriang Cold King ng bansa na si Ezequeil Arguijo.
View MoreIsang notification ang bumasag sa tahimik na gabi ni Riona. Kinuha niya ang cellphone niya at umaasang baka galing iyon kay Magnus na nasa isang business trip ngayon sa Venice.
Pero nang mabasa niya ang laman ng text, pakiramdam niya'y binuhusan siya ng malamig na tubig.
"Bank Alert: PHP 1,000,000.00 was withdrawn from your account ending in 1234 at 23:27. Transaction Type: Overseas Remittance. Recipient: Clara Fields. Remarks: Compensation. Current Balance: PHP 6.68."
Natigilan si Riona, biglang siyang nanigas sa kanyang kinatatayuan, nakatitig sa screen na parang hindi niya maintindihan ang binabasa. Paulit-ulit niyang binabasa yun hanggang sa manlaki ang mga mata niya.
Isang milyon, iyon ang ipon nila ni Magnus. Iyon ang perang pinaghirapan nila simula noong nag-uumpisa pa lang sila. Ilang araw pa lang ang nakalipas, noong nagka-problema ang kumpanya nila sa pondo, sinubukan niyang gamitin ang card na ito pero mahigpit siyang pinigilan ni Magnus.
"Riona," seryosong sabi nito noon habang hawak ng mahigpit ang kanyang mga kamay. "Ito yung wedding fund natin. Maliit man ito ngayon pero para sa future din natin ito. Bawal nating galawin ito maliban na lang kung may mangyaring malaking dahilan para hindi matuloy ang kasal nating dalawa."
Naniwala siya sa sinabi nito. Akala niya talaga, seryoso itong nagpaplano para sa kasal nila.
Pero kung totoo iyon, bakit nito ginalaw ang pera nila ng walang paalam kahit man lang sa kanya?
At anong ibig sabihin ng compensation para kay Clara?!
Si Clara ay isang bagong business partner ng kumpanya nila. Isang single mother at bukod sa trabaho, wala na dapat itong ibang koneksyon sa nobyo niya.
Hindi niya alam kung ano nga ba ang ire-react niya sa mga oras na yun. Para kasi patunayan ang pagmamahal niya kay Magnus at para matakasan ang kontrol ng pamilya niya sa kanya, buong tapang na isinuko niya ang kanyang mana. Siya kasi ang nag-iisang tagapagmana ng isang bilyonaryong pamilya sa Cebu. Pag-graduate niya ng university, pinili niyang mamuhay bilang isang simpleng babae dito sa Manila. Tinulungan niyang ibangon ang kumpanya ni Magnus mula sa ibaba at isinugal ang kabataan niya para lang sa pangarap nilang dalawa.
Ayaw niyang isipin na may itinatago sa kanya si Magnus. Kahit na mahigpit siyang pinagbilinan nitong wag tatawag habang nasa business trip ito, binalewala niya 'yon. Nanginginig ang mga kamay niyang dinial ang numero ng nobyo.
Labing-isang beses siyang tumawag. Sa pang-labing dalawa, saka lang ito sinagot.
Maingay sa kabilang linya. Parang nasa isang parke ang lalaki.
"Love..." nanginginig na tawag ni Riona sa lalaki. "Bakit mo t-tinransfer yung isang million na ipon natin kay Clara?! 'Di ba usapan natin hindi natin gagalawin yung wedding fund nating dalawa?! Bakit mo naman ginalaw ang pera?!"
Natahimik ng matagal sa kabilang linya. Mayamaya pa’y malamig itong nagsalita sa kanya.
“Riona... i-postpone muna natin ang kasal nating dalawa."
Nang marinig yun parang binagsakan ng langit at lupa si Riona.
"May nakilala kasing top overseas client si Clara na kailangan ng malaking capital," paliwanag ni Magnus sa kanya. “Malaki ang return of investment nitong project na 'to, kaya ito ang pinakamagandang desisyon ngayon, huwag kang mag-alala lalaki pa itong isang milyon natin."
"Pero sabi mo fund natin yun sa kasal natin!” nag-pa-panic na sigaw ni Riona. "At sinong client?! Ako ang kakausap sa kanila!"
Siguro dahil pagod na si Magnus, biglang tumalim ang tono nito.
"Pwede ba, Riona, tama na! Porke't may mga connections ka, feeling mo pwede ka ng manggulo at makialam sa diskarte ko?! Anong laban mo sa mga high society clients?! Kung hindi ka binigyan ng platform ng kumpanya ko, ano bang silbi mo?! Pera ko ito, desisyon ko kung kanino ko ibibigay ang pera para sa ikalalago ng negosyo! Hindi pa nga tayo kasal, bakit ang dami mo ng reklamo?!
Parang sinampal ng paulit-ulit si Riona. Bawat salitang binitawan ni Magnus ay tumapak at bumasag sa lahat ng sakripisyong ginawa niya nitong mga nakaraang taon. Hinamak pa nito ang background niya, na para bang isa lang siyang palamuti na walang naitulong sa kumpanya.
Gusto niyang isiping nabibingi lang siya, na hindi ang lalaking minahal niya ang nagsabi nun sa kanya, pero bago pa siya makasagot, isang pamilyar at malambing na boses ng babae ang narinig niya mula sa background. Sobrang lapit sa mic na parang sinadyang iparinig iyon sa kanya.
"Magnus, gusto raw ni Carcar ng ice cream, kaso hindi ko siya maiwan eh. Pwede bang ikaw na lang ang bumili?"
Nang marinig yun, biglang nanigas ang katawan ni Riona. Si Magnus naman ay mabilis na tinakpan ang mic at nagmamadaling nagsalita. “Riona, pasensya na pagod lang kasi ako kaya medyo masama yung tabas ng dila ko, ‘wag mo nang pansinin yung nasabi ko sa’yo ah. Naghihintay na yung mga clients para sa meeting namin. Magpahinga ka na lang muna at wag ka nang mag-inarte diyan. Lawakan mo naman yung pang-unawa mo, pwede?"
Matapos sabihin yun, hindi na siya nito hinintay pang magsalita dahil binabaan na siya nito ng telepono. Tuluyang bumagsak ang balikat ni Riona at hindi makapaniwala sa ginawa ng nobyo niya.
Matapos ang lahat ng taong 'yon, ngayon niya lang na-realize kung anong klaseng tao talaga si Magnus. Isa itong makasarili at manipulator na ginagamit ang negosyo para pagtakpan ang panloloko nito sa kanya!
Ilang beses ng muntik na ma-bankrupt ang Valencia Inc. at siya ang nagbenta ng mga personal design copyrights niya para lang mabayaran ang mga utang nito. Siya ang nagpuyat at siya ang nag-asikaso ng finance at designs nito. Halos tumambay na nga siya sa ospital dahil sa overfatique.
Tapos lahat ng 'yon, binabalewala lang ni Magnus? Nagrereklamo pa itong wala siyang kwenta at walang ambag?
Samantalang si Clara? Ilang matatamis na salita lang sa opisina at todo papuri lang kay Magnus ang inaatupag, lalambot na agad ito sa babae? At ang masakit pa, kasama pa ito ni Magnus ngayon!
Nanigas ang buong katawan ni Clara. Alam ni Riona? Matagal na nitong alam?Pero imbes na lamunin ng matinding konsensya o hiya, isang kakaibang reaksyon ang rumehistro sa mukha ng babae. Nawala ang gulat sa mukha niya at mabilis itong napalitan ng pait at matinding inis."So what kung alam niya?!" matigas na bulong ni Clara, tila hindi naman nagsisisi. "Eh ano naman kung alam niya ang totoo, Magnus? Isipin mo nga! Mas nakakadiri siya kasi hinayaan niya tayong parang isang tanga! Pinanood niya akong makuha ang lahat sa'yo, alam niya ang totoo, pero pinili niyang manahimik para pagtawanan tayo sa huli! Siya ang masama dito, Magnus. Pinaglaruan niya tayo!"Kahit hirap huminga, nakaramdam ng nakakasulasok na pandidiri si Magnus. Ang baluktot na logic ng babaeng nasa harap niya ay nakakapangilabot talaga. Mas nagalit pa ito na napaikot sila ni Riona kaysa sa mismong ginawa nilang pagtataksil.Huminga ng malalim si Clara. Mabilis niyang pinunasan ang luha niya at dahan-dahang lumapit sa gil
Paghawak niya rito, kasing-lamig ng yelo ang balat ng lalaki pero ang noo nito ay nagbabaga sa taas ng lagnat. Halatang na-impeksyon ang mga sugat na natamo nito mula sa pambubugbog kanina."Tulong! Please! Tumawag kayo ng ambulansya!" humahagulgol niyang sigaw sa mga mangilan-ngilang dumadaan.Makalipas ang ilang minuto, dumating ang ambulansya at mabilis na dinala ang walang malay na si Magnus sa Makati Medical Center. ***Buong araw at gabi, hindi umalis si Clara sa tabi ng kama ni Magnus. Hindi siya nagpalit ng damit at hindi siya nakakain ng maayos.Hindi biro ang tinamong bugbog ni Magnus. May crack ang isang tadyang nito, puro pasa ang katawan at sinabayan pa ng matinding lagnat dahil sa stress at internal infection. Ilang beses bumagsak ang blood pressure nito nung unang gabi.Habang natutulog ang lalaki, panay ang bulong ni Clara, panay ang iyak at paliwanag kahit alam niyang hindi siya nito naririnig.Hanggang sa kinagabihan ng ikalawang araw. Dahan-dahang gumalaw ang mga d
Hindi alam ni Magnus kung gaano katagal siyang umiyak sa sahig. Pero nang tumigil siya sa kakaiyak, isang mas madilim at mas bayolenteng emosyon ang pumalit doon. “Si Clara! Kasalanan lahat ni Clara!”Oo! Kasalanan ng malanding babaeng 'yon! Kung hindi siya nilandi nito noon, kung hindi nito ginulo ang buhay niya at kung hindi ito nagpahuli na may relasyon kay Mr. Lazaro ngayon na naging dahilan para ma-set up sila ni Riona, hindi sana masisira ang lahat! Hindi sana siya iiwan ni Riona at hindi sana ito magpapakasal sa iba!Sinira ni Clara ang lahat sa kanya! Sinira nito ang pag-ibig at dignidad niya at ngayon, pinatay nito ang kaisa-isang pag-asa niyang maayos pa ang lahat!Biglang nag-angat ng tingin si Magnus. Pilit siyang tumayo, ni walang pakialam sa sakit ng katawan, sa putik sa damit at sa mga sugat niya. Hahanapin niya si Clara at pagbabayarin niya ito.***Samantala, nakasalampak si Mr. Lazarosa sa gulo-gulong leather sofa. May hawak siyang ice pack na idinidiin sa namamagan
Tiningnan ni Riona ang kawawang mukha ni Magnus mula ulo hanggang paa. Si Magnus naman ay nanginginig ang buong katawan. Hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa matinding hiya.Tumayo si Riona ng tuwid habang nakatingin ng matalim kay Magnus. Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi, isang ngiting hanggang ngayon ay hindi niya makakalimutan."Itong regalo na binigay ko sa'yo…" huminto siya’t tila nage-enjoy sa panginginig ng mga mata ni Magnus. "Si Clara at si Mr. Lazaro yun, Magnus. Nagustuhan mo ba?"Ang mga salitang binitawan ni Riona ay parang isang kutsilyong tumarak sa dibdib ng lalaki. Sobrang namumutla siya sa mga oras na yun. Nanginginig ang mga labi niya’t hindi siya makabuo ng matinong salita.Akala niya, ang patagong relasyon nila ni Clara ay isang sikretong madadala niya hanggang hukay. Akala niya, kaya pa niyang bawiin si Riona pero habang nakatingin siya sa mga mata ng babaeng nasa harap niya, isang nakakawasak na katotohanan ang sumampal sa kanya. “Alam nito ang lahat
Gabing-gabi na pero kahit na pagod na pagod si Magnus, magaan ang pakiramdam niya dahil sa laki ng tiwala niya kay Clara na macclose nito ang deal. Nakatayo siya sa harap ng glass window habang pinagmamasdan ang mga ilaw sa EDSA. Iniikot-ikot niya ang isang baso ng red wine.“Siguradong na-close n
Sa loob ng umaandar na sasakyan papuntang Makati, inilabas ni Clara ang kanyang compact mirror. Maingat niyang ni-retouch ang kanyang lipstick, sinisiguradong perpekto ang bawat anggulo ng mukha niya. Nang huminto ang sasakyan sa tapat ng naglalakihang glass building ng Zion Holdings, huminga ng m
Sa loob ng madilim at malamig na master’s bedroom ng mansion ng mga Valencia, tanging ang mahinang ugong lang ng aircon ang naririnig sa loob ng silid. Nakatihaya si Magnus sa malapad na kama. Nakapikit na pero ang malalalim na kurba sa noo at ang pangingitim ng ibaba ng mga mata nito ay sapat ng
Eksaktong ihahanda niya na sana ang pangatlong tasa niya ng kape para hindi makatulog nang biglang mag-ring ang phone niya. Bumuntong-hininga si Clara nang makitang si Andrea ang tumatawag. "Oh, Andrea, napatawag ka?""Clara! Puta, hulaan mo kung sinong nakita ko rito sa Elite Business Conference






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews