เข้าสู่ระบบMay isang buwan pa siya. Sapat na yung isang buwan para pagbayarin ang mga taong nanakit sa kanya bago siya tuluyang umalis.
Isang tawag lang sa telepono, walang pag-aalinlangang kinansela ni Riona ang isang napakalaking project na nagkakahalaga ng halos hundred million pesos. Ang project na sana'y magdo-doble sa net worth ng kumpanya ng mga Valencia kung natuloy lang sana iyon.
Alam niya sa sarili niya na ma-pride siya. At hinding-hindi na siya papayag na maging isang tangang tagabigay na lang habambuhay. Para nga siyang ginawang sugar mommy ng Magnus na yun!
Hanggang sa kinabuksan, nagmamadaling umuwi si Magnus. Alam niyang nasira ang bakasyon at pagpapakasarap ng lalaki. Madilim ang mga mata nito at nagpipigil ng matinding galit. Marahas nitong binuksan ang pinto ng opisina. Pagpasok nito, nakita ng lalaki si Riona na prenteng nakaupo at kalmadong umiinom ng kape.
"Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?! Plantsado na yung collaboration natin kay Mr. Salvador ‘di ba? Kalahati na ng design draft ang natapos mo! Tapos ngayon, malalaman kong kinansela mo yung pinaka-importanteng project natin ng wala man lang paalam sa akin?! Ano bang problema mo?!”
Sa isiping naabala niya ang masayang family trip kuno ng nobyo niya kasama ang kabit at anak nito… Gustong humalakhak ng bongga ng dalaga.
Ginamit niya ang mismong palusot na palaging ginagamit ng lalaki sa kanya at malamig na nagsalita.
"Sorry ah, lowbat ako eh.” Kalmado siyang humigop ng kape. "Tsaka, masama rin kasi ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw. Masyadong mabigat yung workload ng project natin. Ayoko namang i-pressure yung sarili ko at baka mangangayat at haggard ako."
Napatingin siya sa lalaking nasa harapan niya. Para bang hindi niya na kilala ang lalaking minahal niya. Kaya pala noong mga panahong hirap na hirap siya at nagkakasakit kakatrabaho, palagi lang siya nitong binabalewala. Ni wala itong pakialam kung isinugod man siya sa ospital.
Gaya ng inaasahan, hindi pinansin ni Magnus ang huling sinabi niya. Masama pa rin ang timpla ng mukha nito.
Tipid na ngumiti si Riona. “Isa pa, 'di ba may na-close ka namang mas malaking overseas project kahapon kasama si Clara? Bakit pinuproblema mo pa ito?"
Napangisi siya, aba malamang. Bakit pa ba siya nagtanong? Pumasok na sa bulsa ng kabit nito yung ilang milyon kasama na ang wedding fund nila!
Kita niyang nanigas si Magnus sa kinatatayuan. Tinitigan siya nito ng maiigi. Kalmado lang siya kung kaya’t hindi maiwasan ni Magnus na magtaka. Nawala na rin ang pagmamahal at paghanga sa mga mata ni Riona. Alam ng lalaki na may nagbago sa kanila.
Sigurado si Magnus na nagagalit si Riona kaya ganto ang babae ngayon.
Napalunok ng mariin si Magnus, lahat ng sasabihin sana nitong masama ay biglang naglaho na parang bula. Alam ng lalaki, higit kaninuman, na hindi pa kaya ng kumpanya kapag nawala si Riona. Ang galing nito sa pag-design at wala ring katumbas ang talas nito sa negosyo. Kung wala ito, hinding-hindi lalago ang kompanya ng lalaki.
Ang hula ni Magnus, baka nagagalit si Riona dahil sa ginamit nito ang wedding fund kagabi.
Kahit na nakainom ang lalaki noon at nagpadala sa iyak ni Clara, hindi nagsisisi si Magnus sa ginawa. Pero umiral pa rin naman ang kaunting konsensya nito kay Riona.
Napabuntong-hininga si Magnus, unti-unting lumambot ang ekspresyon ng lalaki at pinakalma ang sarili. “Ikaw talaga, Love. Kung pagod ka na, magpahinga ka. Huwag mong pilitin ang sarili mo, okay? Health is wealth, mas importante pa rin ang kalusugan mo kesa riyan sa trabaho.”
Sakto namang bumukas ang pinto ng opisina. Pumasok si Clara at hawak-hawak ang anak nito.
“Riona, hi! Gusto raw kasi ni Carcar na makita ang Tito Magnus niya. Hindi naman kami nakaka-istorbo ‘di ba?”
Kahit magalang ang mga salita nito, ang mga galaw naman nito ay nagpapakita ng labis na pagiging kumportable na parang ito ang may-ari ng lugar.
Pagkakita pa lang ni Magnus sa bata, awtomatikong lumambot ang mga mata ng lalaki. Akmang lalapit sana ito para buhatin ang bata nang biglang magsalita si Riona, dahilan para manigas ang lalaki sa kinatatayuan.
"Naku, hindi naman kayo nakakaistorbo. Ang cute cute talaga ni Carcar," nakangiting sabi ni Riona. "Gustong-gusto ko talaga itong si Carcar eh. Naisip ko nga, baka pwedeng siya yung maging ring bearer sa kasal namin ni Magnus!"
Pagkarinig sa salitang kasal, kita niyang mabilis na nagbago ang kulay ng mukha ni Clara. Pero dahil isa itong propesyonal na pa-victim at plastik, mabilis itong nakabawi at pasikretong kinurot ang braso ng anak nito.
Awtomatikong sumigaw ang bata, "Ayoko nga! Ayoko po kung hindi naman si Mama yung pakakasalan ni Tito Magnus!"
Biglang nanlamig ang hangin sa buong kwarto.
Pilit na ngumiti si Clara at pabirong pinisil ang ilong ng anak. "Ikaw talaga, baby. Huwag ka ngang ganyan, dapat iniisip mo rin yung mararamdaman ng ibang tao. Bawal magsalita ng kung anu-ano, okay?"
Pero nanatiling kalmado si Riona. Lumuhod siya ng kaunti at nakangiting kinausap ang bata.
"Carcar, tama ang Mama mo. Bad yung sinabi mo ah. Limang taon na rin kaming magkasama ng Tito Magnus mo. Alam ng buong kumpanya kung anong relasyon namin. Ayaw mo namang isipin ng mga tao na kabit 'yung Mama mo, 'di ba?"
Nagdilim ang mukha ni Magnus. Ramdam ng lalaki ang matinding tensyon kaya sinamaan ni Magnus ng tingin ang bata. Mabilis na tumahimik si Carcar at mukhang iiyak na ito.
"Clara, lumabas muna kayo."
Biglang kinabahan si Clara, pero nang maalala ng dalaga na ibinigay ni Magnus ang buong wedding fund nito kagabi bilang patunay ng pagmamahal nito, huminahon si Clara at lumabas na.
Nang silang dalawa na lang ang naiwan sa kwarto, nakaramdam ng pagkailang si Magnus kaya ito na mismo ang nag-aya kay Riona.
"Love, ang tagal na nating hindi nagdi-date ah. Lumabas tayo mamayang gabi para mag-dinner."
Gusto rin sana ni Magnus na bilihan ng regalo si Riona, dahil sa paningin ng lalaki mababaw lang din ang kaligayahan ng dalaga at mabilis itong mauto.
Ibibigay na lang ni Magnus ang gusto nito sa pamamagitan ng pera at materyal na bagay. Para sa lalaki, walang pamilya o kaibigan si Riona at ang lalaki na lang ang nag-iisang sandalan ng dalaga. Sa tagal ng panahon na nagtiis si Riona sa kumpanya at hindi umalis, hindi ba't pera lang din ang habol ng dalaga?
"Kung may gusto ka pang iba, sabihin mo lang sa akin. Pera, okay lang din naman," dagdag pa ni Magnus.
Tumawa na lamang si Riona dahil sa sinabi ng lalaki. "Oo, marami."
At kukunin niya ito lahat pabalik, isa-isa.
"Sige, magpagaling ka muna. Tapos, asikasuhin mo na nang maayos yung mga naiwang project natin sa pamilya Salvador. Sasamahan kitang maglakad-lakad mamayang gabi para makapag-relax ka naman."
Saktong pagkasabi nito, biglang umilaw ang screen ng cellphone ni Riona.
Isang mensahe galing sa assistant ng mga Arguijo ang natanggap niya.
[Miss Riona, nalaman na po ni Mr. Arguijo ang intensyon ng pamilya niyo na ituloy ang kasal. Pormal po niya kayong iniimbitahan para sa isang dinner mamayang gabi sa isang Hotel. Ibibigay ko na lang po mamaya ang address sa inyo.]
Mabilis na pinatay ni Riona ang phone niya at tumayo para umalis.
"Hindi ako pwede mamaya," malamig niyang sagot sa lalaki. "May importanteng client akong kikitain. Kapag nagkasundo kami sa mga terms, doon ko pa lang pag-iisipan yung iba pang bagay."
Akala ni Magnus ay client ng kumpanya ang kikitain ng nobya at dahil hindi na nito nabanggit pa ang tungkol sa wedding fund, nakahinga siya ng maluwag at hindi na nag-usisa pa.
"Sige, next time na lang tayo mag-dinner. Mas importante ang trabaho mo."
"Hindi na kita ihahatid sa labas. Good luck sa meeting,” dugtong pa ng lalaki.
Nandilim ang mga mata ni Riona. Kunting alala lang sa kanya, tapos wala na. Kahit na ipinapakita na niya ang pagiging malamig at distant niya sa lalaki, tinatamad pa rin itong suyuin siya.
Nanigas ang buong katawan ni Clara. Alam ni Riona? Matagal na nitong alam?Pero imbes na lamunin ng matinding konsensya o hiya, isang kakaibang reaksyon ang rumehistro sa mukha ng babae. Nawala ang gulat sa mukha niya at mabilis itong napalitan ng pait at matinding inis."So what kung alam niya?!" matigas na bulong ni Clara, tila hindi naman nagsisisi. "Eh ano naman kung alam niya ang totoo, Magnus? Isipin mo nga! Mas nakakadiri siya kasi hinayaan niya tayong parang isang tanga! Pinanood niya akong makuha ang lahat sa'yo, alam niya ang totoo, pero pinili niyang manahimik para pagtawanan tayo sa huli! Siya ang masama dito, Magnus. Pinaglaruan niya tayo!"Kahit hirap huminga, nakaramdam ng nakakasulasok na pandidiri si Magnus. Ang baluktot na logic ng babaeng nasa harap niya ay nakakapangilabot talaga. Mas nagalit pa ito na napaikot sila ni Riona kaysa sa mismong ginawa nilang pagtataksil.Huminga ng malalim si Clara. Mabilis niyang pinunasan ang luha niya at dahan-dahang lumapit sa gil
Paghawak niya rito, kasing-lamig ng yelo ang balat ng lalaki pero ang noo nito ay nagbabaga sa taas ng lagnat. Halatang na-impeksyon ang mga sugat na natamo nito mula sa pambubugbog kanina."Tulong! Please! Tumawag kayo ng ambulansya!" humahagulgol niyang sigaw sa mga mangilan-ngilang dumadaan.Makalipas ang ilang minuto, dumating ang ambulansya at mabilis na dinala ang walang malay na si Magnus sa Makati Medical Center. ***Buong araw at gabi, hindi umalis si Clara sa tabi ng kama ni Magnus. Hindi siya nagpalit ng damit at hindi siya nakakain ng maayos.Hindi biro ang tinamong bugbog ni Magnus. May crack ang isang tadyang nito, puro pasa ang katawan at sinabayan pa ng matinding lagnat dahil sa stress at internal infection. Ilang beses bumagsak ang blood pressure nito nung unang gabi.Habang natutulog ang lalaki, panay ang bulong ni Clara, panay ang iyak at paliwanag kahit alam niyang hindi siya nito naririnig.Hanggang sa kinagabihan ng ikalawang araw. Dahan-dahang gumalaw ang mga d
Hindi alam ni Magnus kung gaano katagal siyang umiyak sa sahig. Pero nang tumigil siya sa kakaiyak, isang mas madilim at mas bayolenteng emosyon ang pumalit doon. “Si Clara! Kasalanan lahat ni Clara!”Oo! Kasalanan ng malanding babaeng 'yon! Kung hindi siya nilandi nito noon, kung hindi nito ginulo ang buhay niya at kung hindi ito nagpahuli na may relasyon kay Mr. Lazaro ngayon na naging dahilan para ma-set up sila ni Riona, hindi sana masisira ang lahat! Hindi sana siya iiwan ni Riona at hindi sana ito magpapakasal sa iba!Sinira ni Clara ang lahat sa kanya! Sinira nito ang pag-ibig at dignidad niya at ngayon, pinatay nito ang kaisa-isang pag-asa niyang maayos pa ang lahat!Biglang nag-angat ng tingin si Magnus. Pilit siyang tumayo, ni walang pakialam sa sakit ng katawan, sa putik sa damit at sa mga sugat niya. Hahanapin niya si Clara at pagbabayarin niya ito.***Samantala, nakasalampak si Mr. Lazarosa sa gulo-gulong leather sofa. May hawak siyang ice pack na idinidiin sa namamagan
Tiningnan ni Riona ang kawawang mukha ni Magnus mula ulo hanggang paa. Si Magnus naman ay nanginginig ang buong katawan. Hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa matinding hiya.Tumayo si Riona ng tuwid habang nakatingin ng matalim kay Magnus. Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi, isang ngiting hanggang ngayon ay hindi niya makakalimutan."Itong regalo na binigay ko sa'yo…" huminto siya’t tila nage-enjoy sa panginginig ng mga mata ni Magnus. "Si Clara at si Mr. Lazaro yun, Magnus. Nagustuhan mo ba?"Ang mga salitang binitawan ni Riona ay parang isang kutsilyong tumarak sa dibdib ng lalaki. Sobrang namumutla siya sa mga oras na yun. Nanginginig ang mga labi niya’t hindi siya makabuo ng matinong salita.Akala niya, ang patagong relasyon nila ni Clara ay isang sikretong madadala niya hanggang hukay. Akala niya, kaya pa niyang bawiin si Riona pero habang nakatingin siya sa mga mata ng babaeng nasa harap niya, isang nakakawasak na katotohanan ang sumampal sa kanya. “Alam nito ang lahat
Mula sa lobby, tuloy-tuloy na pumasok si Magnus sa elevator. Wala na siyang pakialam sa mga guard na nagtatanong sa kanya. Hawak ang bouquet ng red roses, lumabas siya sa second floor at hinanap ang room na pinicture-ran ni Riona. Huminto siya sa tapat ng pinto. Pinagpapawisan ang mga palad niya habang inaayos niya ang kanyang kwelyo at kumatok."Riona? Andito na ako, si Magnus 'to!" masigla at punong-puno ng pagmamahal na tawag niya. Subalit walang sumagot kung kaya’t kumatok siya ulit at medyo nilakasan pa niya. "Baby? Buksan mo na, andito na ako!" Kumunot ang noo ni Magnus. Nakikipag-playful ba ito sa kanya? O baka nag-CR lang saglit? Sinubukan niyang pihitin ang doorknob ngunit naka-lock naman.Akmang tatawag na sana siya sa cellphone nang biglang marahas na bumukas ang pinto mula sa loob."RIONA, HAYOP KA! HINDI KA BA TALAGA TITIGIL?! ANONG GUSTO MO—"Bumuhos ang malulutong na mura at galit na galit na si Clara, akala'y bumalik ang babae para bwisitin na naman siya. Subalit na
Pagkatapos patayin ni Mr. Lazaro ang tawag, naramdaman ni Clara ang mabilis na pag-ikot ng tiyan niya sa kaba. Ano kayang gustong sabihin ni Magnus kay Mr. Lazaro sa ganitong oras? Nakahalata kaya ito?Pilit niyang ibinalik ang pekeng ngiti sa mukha niya. Kinuha niya ang mikropono para kumanta ulit at maaliw ang matanda, nang biglang tumunog ang cellphone niya sa ibabaw ng glass table.Kumunot ang noo ni Mr. Lazaro. Halatang badtrip na dahil pangalawang beses na silang na-iistorbo. Tiningnan ng matanda ang phone ni Clara.Nang makita ni Clara ang salitang Magnus na naka-flash sa screen, halos himatayin siya sa sobrang takot. “Bakit siya tumatawag ngayon?! May narinig ba siya?! Nagsumbong ba ni Mr. Lazaro?!”Mabilis niyang inabot ang cellphone niya. "H-Hayaan na lang po natin 'yan…"Pero mas mabilis ang kamay ni Mr. Lazaro.Inagaw nito ang telepono. Nang makita nito ang caller ID, isang malademonyo at mapang-asar na ngiti ang lumitaw sa mukha ng matanda."Oh? Si Mr. Valencia ba ito? K
Sa ilalim ng mabigat at nakakapasong titig ni Ezequiel sa kanya, hindi maiwasan ni Riona na umurong at isiksik ang sarili sa pinakadulo ng upuan ng sasakyan. Binalot sila ng nakakabinging katahimikan sa buong byahe. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa’t sobrang bigat ng tensyon sa loob. At para
Ang bluish-green pattern na nakapalibot sa singsing ay ang pinakapaborito niyang kulay na sobrang hirap hanapin sa bansa. Bilang isang designer, alam niya kung gaano kahirap at kamahal makuha ang eksaktong timpla ng kulay na 'yon. Ibinaba ng lalaki ang tingin, gamit ang dulo ng mga daliri, kalmado
Pagkaalis na pagkaalis ni Riona, mabilis na pumasok si Clara. Umiiyak ito at agad na nagreklamo sa lalaki. "Magnus naman! Narinig mo ba kung paano niya ako tawaging kabit?! Harap-harapan niyang binabaluktot yung totoo tapos ikaw, nagdadalawang-isip ka pa kung ipagtatanggol mo ako o hindi?! Mas imp
Wala sa sariling naglakad si Riona papasok sa kwarto ni Magnus. Matagal na silang hindi natutulog sa iisang kwarto dahil ang dahilan nito ay para hindi raw ito ma-distract sa trabaho.Binuksan niya ang spare laptop nito, napahinga siya ng maluwag nang mabuksan niya iyon. Madali lang naman kasi hula







