Hindi siya makapaniwala. Natawa lang ito. Si Rick—ang lalaking halos walang pangalan noon sa kumpanya—ngayon ay may ganitong lakas ng loob na pagtawanan siya? Para bang wala siyang kapangyarihan, parang isa na lang siyang ordinaryong babae sa harap ng isang empleyadong noon ay ni hindi niya pinapan
Pagkakita pa lang ni Samantha sa lalaking lumabas ng elevator, agad siyang nagsuot ng maskara ng pagkaapi. Isang mahinang hikbi ang pinilit niyang palabasin, kasabay ng pilit na pangingilid ng luha sa kanyang mga mata. Kailangan niyang ipakita ang pang best actress acting niya.Malambot ang puso ni
Bahagyang napaatras si Samantha matapos marinig ang sinabi ng lalaki. Hindi siya makapaniwala. Talaga palang may kabastusan ang Rick na ito.Ang tono nito—mapanlait, may halong pang-uuyam—ay parang kutsilyong tumarak sa kanyang ego. Naalala niya tuloy ang huling pagkakataon na nagharapan sila. Ang
Nagmamartsang umalis si Samantha sa lugar na iyon. Tutungo siya kay Darius.. Hindi siya makakapayag na mawala sa kanya ang lahat ng pinaghirapan niya. Mabilis ang mga hakbang ni Samantha habang tinatahak ang kalsada palabas ng compound. Hindi niya na alintana ang mga taong napapalingon sa kanya. Wa
Pawis na pawis nang magising si Samantha. Basang-basa ang kanyang noo, at mabilis ang pintig ng kanyang dibdib. Para bang may mabigat na kamay na humahawak sa kanyang lalamunan, pilit siyang hinihigpitan. Isa iyong bangungot—at sa dami ng panaginip na naranasan niya, iyon na yata ang pinakamasama.
Natatawa si Samantha habang iniisip si Harley. Alam niyang muli na naman niyang mapapaikot ito sa kanyang mga kamay. Ang babaeng iyon—mabait, madaling maawa, at madaling masaktan—ay parang laruan lamang sa kanya. Konting drama, konting luhang pilit, at siguradong maniniwala na naman si Harley sa lah