Sarah
Natigilan ako nang umalingawngaw ang boses ni Amir sa telepono, hindi nakabawi sa pagkagulat. Saglit na huminto ang isip ko, at hindi ako makapaniwala.
Galit sa akin si Amir dahil iniisip niya na nagawa kong saktan o i-bully ang nobya niya, na siyang kabaligtaran sa tunay na naganap. Hindi niya ako kinausap at tuluyan niyang pinutol ang pakikipag-ugnayan sa loob ng tatlong taon.
“Brother?” May himig ng paniniguro sa aking tinig.
“Yes. That’s right!” His confirmation echoed hollowly, a stark reminder of the chasm between us.
The ache of longing for my brother pierced through me like a dagger. Yet, the cruel reality remained—he had already severed our ties. Sa palagay ko, naramdaman niya ang kaguluhan ng mga emosyong nagngangalit sa loob ko, na walang salita na mailabas sa pag-uusap namin.
“Listen, alam ko na hindi maganda ang mga naganap sa atin three years ago, pero kuya mo pa rin ako at alam mo na wala tayong aasahan sa isa’t isa kung hindi tayong dalawa lang din.”
“Na pinutol mo noong pinaniwalaan at pinili mo ang m*****a mong nobya kaysa sa akin!” kumawala ang mga salita sa aking labi, may halong hinanakit. Sa sobrang sama ng loob, nakalimutan ko na nga kahit ang kanyang pangalan.
“Sarah, hindi lang kayo nagkaintindihan ni Jess. She’s a good girlfriend at magpapakasal na kami,” wika niya sa kabilang linya.
Right! His girlfriend’s name is Jessica Woods. Tumawa ako ng pagak sa narinig, hindi ko maiwasan na mapailing.
“Well, congratulations! Iyon lang ba ang rason ng pagtawag mo sa akin? Para ipamukha lalo sa akin na sa kabila ng mga ginawa niya, pakakasalan mo siya?”
‘Tumulad ka sa akin sa katangahan!’ Nais kong sabihin. Dumadaloy na yata sa ugat namin ang bagay na iyon. Matagal ko nang naibahagi kay Amir na hindi siya mahal ni Jessica, at pera lang ng mga Benner ang gusto ng nobya niya.
But here's the kicker: Amir's infatuation with Jessica was so intense that he hung on her every word despite my warnings.
Nag-aral ako sa university noon kung saan nag-aaral si Jessica at doon ko nalaman na may relasyon siya sa isang professor, at kung sino-sino ang nilalandi niya sa school. Sinabi ko kay Amir ang tungkol doon, ngunit inartehan ako ng m*****a niyang nobya. Nabilog na niya ang ulo ng kapatid ko at pinaniwala na hindi niya iyon kayang gawin.
Bilang ganti, kung ano-ano ang pinaggagagawa ni Jessica sa akin sa school. She harassed me relentlessly, even spreading malicious rumors that I was pregnant and the father had an addiction. Naturally, none of it was true!
Despite my attempts to share this with Amir, he didn't listen, even going so far as to accuse me of causing the rift in his relationship due to alleged bullying. Masaya dapat ako sa balitang maghihiwalay sila, ngunit napaikot na ni Jessica ang ulo ng kapatid ko at tuluyan na akong hindi pinansin ni Amir nang mahulog sa beach noon si Jessica at sisihin ako na muntik siyang malunod.
Faced with such unjust blame and betrayal, I transferred schools to Crestwood University and started anew in Highland Hills.
“Listen, isa lang iyon sa mga rason kung bakit ako tumawag sa ‘yo, gusto talaga kitang kumustahin. Dinala kita sa ospital kagabi matapos kitang matagpuan sa kalsada, pero inilabas ka lang din ng walang hiya mong asawa kahit na hindi pa bumababa ang trangkaso mo. Akala ko ay masaya ang buhay na pinili mo matapos mong umalis sa poder ni Grandpa Mitchell, matapos mong putulin ang ugnayan sa akin, at nagpakasal sa mga Cornell?”
‘Akala ko rin… Akala ko ay sasaya ang buhay ko.’
Nagbabadya na naman ang mga luha ko na kumawala dahil sa kanyang tanong.
“Dinala mo ako sa ospital?” Kung ganoon ay totoo ang naganap sa panaginip ko kung saan bahagyang nakita ko ang anyo ni Amir.
“Yes, pero iniuwi ka lang din ng walang hiya mong asawa. Wala siyang pakialam kahit na mamatay ka sa villa ninyo!” Mahihimigan na hindi siya natuwa sa naganap.
Nag-isang linya ang mga labi ko at hindi ko maitama ang sinabi ni Amir. Totoo iyon. Heto nga at sinilip na ako ng ex ni Philip at tahasan na sinabi sa akin na layuan ko ang asawa ko na para bang ganoon lang iyon kadali.
“Ibabalik kita sa ospital ngayon para siguruhin na ayos ka na,” alok ni Amir.
Hindi maganda ang pakiramdam ko at nais ko rin makita si Amir kaya pumayag ako sa kanyang hiling.
***
Nagpahatid ako sa driver sa ospital kung saan kami magkikita ng kapatid ko. Ayokong mag-isip o magtanong si Philip kung sakali na makita kami sa labas, kaya naisip ko na pinaka-safe ang lugar na iyon.
Heto nga at habang tinatahak ko pa lang ang pasilyo, nagpadala ng mensahe sa akin ang asawa ko.
Philip: Nagpunta ka sa ospital?
Sigurado ako na ang driver ang nagbigay sa kanya ng impormasyon.
Sarah: Yes.
Tulad ng inaasahan ay hindi na siya sumagot. Ganito ang normal na palitan namin ng usapan; isang tanong, isang sagot.
Nagpunta ako sa garden area ng ospital at doon ko natagpuan si Amir. Nag-iisa siya sa malapad na bench habang may malaking tao na halatang bodyguard sa kanyang tabi. Tumayo siya at tumiim ang bagang nang mapansin ang anyo ko, at saka ako nilapitan.
“Let me help you. Ayos ka na ba?” Hinipo niya ang leeg at noo ko para suriin ang aking temperatura.
Halata na nadagdagan ang kanyang edad. Sampung taon ang tanda niya sa akin kaya thirty-two siya sa kasalukuyan. Tinulungan niya akong maupo sa bench habang nanunudyo ang luha ko na kumawala sa aking mata.
“God! I miss you so much!” he muttered.
“I hate you!” bulong ko kahit labas iyon sa ilong, because I miss my brother too! “Tatlong taon mo akong hindi kinausap dahil kay Jessica!”
Napangiwi siya. “I’m sorry… I know I’ve been a dick. Sa totoo lang, wala naman sana akong plano na makipagkita sa ‘yo, pero nang makita kita na nawalan ng malay sa mismong tapat ng villa n’yo, hindi ko napigilan na mag-alala sa ‘yo. What happened to you?”
Sa palagay ko, hahayaan ko na lang ang paksa tungkol sa kanyang nobya dahil halatang panay ang iwas niya kapag si Jessica ang usapan.
“I’m fine. Hindi lang kami nagkaintindihan ni Philip.”
“He’s a d!ck!”
“Brother please… It’s unreasonable na pag-usapan natin ang asawa ko gayong panay ang iwas mo kapag si Jessica ang paksa natin,” hindi ko napigilan na punahin.
Umisang linya ang kanyang labi at nagkibit siya ng balikat. Maya-maya ay nagpalitan na kami ng usapan. Kinumusta niya ang pag-aaral ko at ang buhay na pinili ko—at sinagot ko ng kasinungalingan ang lahat. I know my brother, at alam ko na gagawa siya ng aksiyon sa paraang hindi ko aasahan kung sasabihin ko na hindi maganda ang trato sa akin ng mga biyenan ko.
“Mahina na ngayon si Grandpa Mitchell, pero masama ang loob niya sa ‘yo sa pagtaliwas mo sa kasal na pinili niya para sa ‘yo,” saad ni Amir.
"I hope he's managing okay," I responded, a tinge of sadness coloring my words.
Nalungkot ako sa pagkakaalala sa aking lolo. Si Grandpa Mitchell ang tumanggap sa akin noong panahon na nagkasamaan kami ng loob ng tatay ko at Amir. Ngunit hindi niya nagustuhan noong nagpakasal ako kay Philip dahilan para tuluyan niyang putulin ang ugnayan niya sa akin dahil wala siyang maipakitang mukha sa kanyang kaibigan.
I know I fucked up! Iniwan ko ang lahat ng magandang bagay dahil niyakap ko ang buhay na kasama si Philip. Ngunit huli na sa pagsisisi.
Hindi pa maganda ang pakiramdam ko kaya naman nagpunta ako sa isang clinic matapos namin magkumustahan para magpacheck-up. Ayoko sanang isama si Amir, ngunit makulit siyang sumunod sa akin sa doktor.
Dahil kasama ko si Amir, hindi ako nagpakilala bilang Mrs. Sarah Cornell. I used my maiden name for medical records, Sarah Mitchell instead.
Pinagawa sa akin ang ilang test. Matapos ang beinte minuto, tulad ng kulog sa gabi, natigilan ako sa narinig, “Congratulations, Ms. Mitchell, you are pregnant!”
At sapat iyon para baguhin ang mundo ko.
Jane "Jane!" Umalingawngaw sa hallway ang boses ni Brody kaya natigilan ako. Oh no! He was really here. Sinilip ko ang peephole at natagpuan ko si Brody na nakatayo sa kabilang bahagi ng pintuan na hindi maayos ang pagkakalagay ng kanyang necktie. Bukas pa ang butones nang pinakamalapit sa kanyang leeg. Bubuksan ko ba ang silid o hindi? "I know you're there, Jane," he said, his voice low and steady. Huminga ako ng malalim, dahan-dahan kong pinihit ang seradura at saka nagharap ang mata namin parehas. May ilang buwan din kaming hindi nagkita. Napuna niya yata ang namamaga kong mga mata kaya kita ko ang pagkabigla sa kanyang labi. Humakbang siya papasok at itinulak ng kanyang binti ang makapal na kahoy ng pintuan pasara. Nabigla ako nang sakupin niya ang labi ko at ipinadama sa akin ang kasagutan na naglalaro sa puso ko. Sa loob ng dalawang taon na naghiwalay kami, naiwasan namin ang intimacy. Kaswal kaming magkita sa tuwing pupunta ako dito sa siyudad. Madalas niya akong tinata
JaneKailan nga ba ako nahulog sa kanya nang sobra? That night when he was abroad for a business meeting. Nagkaroon ako ng sakit noon dahil sa sobrang pagtatrabaho. Probably it happened four years ago.Mula sa Paris ay dama ko ang pagkahilo nang umuwi ako sa penthouse namin sa London. I sneezed when I texted him. Me: ‘Kararating ko lang mula sa business trip. Anong gusto mong kainin for dinner?’Nakatanggap kaagad ako ng sagot mula kay Brody: ‘I have a business trip to New York. Hindi mo nasabi sa akin na ngayon pala ang balik mo.’Gusto ko kasing sorpresahin sana si Brody kaya inilihim ko ang tungkol dito. Hindi niya rin sinabi sa akin na may business trip siya.Me: ‘Alright! Mag-ingat ka!’Namumula na ang ilong ko sa kababahing. Naligo lang ako saglit at umiikot ang paligid ko na nahiga sa kama. Hindi maayos ang pakirtamdam ko sa magdamag. Ang natatandaan ko lang noon ay nangangatog ako sa lamig, pinagpapawisan ako nang sobra at nais kong bumangon sa higaan ngunit hindi ko magawa.
Jane Hindi ko napigilan na lumuha habang nakatingin sa mala-fairy-tale na kasal nina Philip at Sarah. Narito kami sa Dubai; sa mansiyon ni Grandpa Mitchell at narito ang ilang malalapit na kaibigan at kamag-anak para saksihan ang intimate na kasal ng mag-asawa. Nakaramdam ako ng kakulangan habang pinagmamasdan kung paano sila magpalitan ng kanilang mga pangako ng pag-ibig, kung paano nila sabihin sa isa’t isa ang kanilang pagmamahal. Totoo nga siguro ang sabi nila; nararamdaman mo na parang may kulang sa iyong buhay kapag paikot-ikot lang ito. Opisina, trabaho, Cornell mansion at pagkatapos ay babalik ulit sa dati. Pagkatapos ng seremonyas, niyakap ko nang mahigpit si Sarah, nagbabadyang tumulo ang mga luha. “Congratulations, love!” Nagpatuloy ang salo-salo, ngunit wala dito ang puso at isipan ko. Alam kong kailangan kong bumalik sa London para pakalmahin ang naguguluhan kong emosyon. “Auntie Jane, are you alright?” asked Iris. Kasama ko siya sa bilog na mesa at si Rowan. Pi
Sarah Nagpadala sa akin ng mensahe ang ama ko na si Mr. Benner sa muling pagkakataon. Nakipagkita na ako sa kanya para tapusin na rin ang sama ng loob ko. Kasama si Trey ay tinungo ko ang hotel suite kung saan siya tumutuloy. Pinagbuksan ako ng kanyang alalay ng pintuan. “Good afternoon, Ms. Mitchell!” wika niya sa akin, nakangiti. “Hi!” “Tumuloy po kayo,” aniya. Gumilid siya para ako bigyan ng daan. Hinakbang ko ang carpet hanggang sa magtagpo ang mata namin ni Mr. Benner. Naka-wheelchair na lang siya sa kasalukuyan, halata sa kanyang balat at buhok ang katandaan. Sobrang tagal na rin noong itinakwil niya ako bilang anak. “I'm so happy to see you, Sarah,” he said, his voice filled with emotion. “Malaki ang ipinayat mo, anak…” ‘Anak…’ Iniabot ko sa kanya ang dala kong regalo. “Tatlong libro ito mula sa paborito mong writer,” usal ko sa kanya. Tumango siya. “Salamat! Uh, do you want something to eat?” Hindi niya na hinintay ang tugon ko. “Carla, please order somethin
Sarah Inalis ni Philip ang kasuotan ko para alamin kung ano ang anyo ko sa kasalukuyan. "W-why are you doing this? Philip, I have to remind you na galing ako sa coma. Hindi ako pwedeng makipagtalik," tapat kong sabi. Halos dalawang taon na gamot lang ang bumuhay sa akin; hindi pa ako nakabawi sa isang buwan. His gaze softened immediately. “Oh, Sarah, no. That's not why… I'm not trying to take advantage of you. It's just that…” Sinuri niya ang balat ko, ang braso ko na numipis. Bahagya akong naasiwa sa kanyang ginagawa. “You've lost so much weight.” Napapangitan na ba siya sa akin? Lumabi ako at naningkit ang mata ko sa kanya. "What do you mean by that? Pangit na ba ako?" "No, no. No, babe!" mariin niyang tanggi. "That's not what I meant. It's just..." Matagal bago nagpatuloy si Philip. "Malinaw sa isipan ko ang araw na binaril ka ni Marcus. Nakalarawan sa isip ko ang huli mong anyo noon. May ilang buwan na rin noong huli tayong nagkitang dalawa at gusto ko lang i-take note sa
Philip Narito ako sa Serenity Pines Estate dahil nais kong magkaroon ng kaunting oras sa sarili ko, kahit bago man lang maghating-gabi at lumipas ang araw ng aking kaarawan. Sinubukan kong magpakaabala sa trabaho para hindi ko maalala si Sarah. Ngunit malakas ang impluwensiya niya sa puso ko. Pagkapasok ko pa lang ng pintuan, tila nakikita ko ang mas batang si Sarah sa couch doon sa living space, naghihintay sa aking pagdating… Tumayo siya para kumustahin ako. Tinanong niya ako kung kumain na ba ako… Ngayon ay ala-ala na lang ang mga iyon. Humigpit ang pagkakabilog sa kamao ko. Naglakad ako patungo sa kusina, kung saan kumikinang sa liwanag ng buwan ang mga marble countertop. Nanginginig ang mga kamay nang abutin ko ang crystal decanter, nagbuhos ng matapang na scotch. Ang likidong amber nito ay kumikinang, nag-aalok ng panandaliang pagtakas mula sa aking mga iniisip. Binili ko itong Serenity Pines noong ikalawang gabi na naging mag-asawa kami ni Sarah, sinisiguro na may sapat