Share

Chapter 3

Author: Gabriel Li
last update Huling Na-update: 2024-08-14 21:17:30

HALOS mabingi si Alexa sa kabog ng dibdib niya. Sa gilid ng mga mata ay tiningnan niya ang pasan-pasan na batang babae. Savannah Dior?

Ilang Savannah at ilang Dior nga ba ang meron sa bansa? Sa pagkakaalam niya ay mula pa sa France ang mga Dior, at sa Pilipinas ay isang Dior lang ang kilala niya. Ang Pamilya Dior na namamayagpag sa bansa. Ang Pamilya Dior na bagong sponsor ng Saint Elizabeth Academy!

Ipinilig niya ang ulo, “Uhm baby, can I ask if you were that Savannah Dior they were looking for?”

“Hmm-hmm, I think so.” Inosente na sagot ng bata. Habang tumatango-tango ay paulit-ulit nitong inuntog ang baba sa balikat niya. “Oh, Daddy must have been looking for me!”

“D-Daddy?” Napalunok si Alexa.

“Hmm-hmm.” Tumango ulit ang bata.

“T-Then can you tell me who your d-daddy is?” Habang nagsasalita ay ilang ulit nagbuga ng hangin si Alexa, pero hindi nito natanggal ang pangangatal ng boses niya.

Mentras palapit nang palapit ang hakbang niya sa school gymnasium ay pabilis nang pabilis ang tibok ng puso niya. Kanina pa niya pasan-pasan ang bata kaya hindi niya mawari kung dahil sa pagod sa bigat nito ang nadarama o dahil sa kaba.

Pagkalapat ng mga paa niya sa loob ng school gymnasium ay nagsimulang maglikot ang bata sa pagkakapasan niya.

“Daddy! Daddy!” Galak na galak nitong sigaw. “Teacher Alexa, that’s my daddy Sebastian! See Sebastian Dior!” Ngumuso ito habang itinuro ng maliit nitong daliri ang lalaki na napalilibutan ng maraming tao.

Nagbaling ng tingin ang lalaki at mula sa mga kausap nito ay tumingin ito sa kanila.

Sebastian Dior . . .

Sebastian Dior . . .

Paulit-ulit nag-echo sa isipan ni Alexa ang pangalan nito. Nanigas ang katawan niya sa kinatatayuan.

. . . Sebastian Dior

Like the first time she saw him, he’s standing tall and handsome. He’s wearing a light blue polo shirt tucked in a khaki pants paired with brown leather loafers. His hair was disheveled, making him look more human.

Nagtaka si Alexa sa sarili. Ayaw niyang aminin pero na-miss niya si Sebastian ng sobra. Imposible. Paano kasi niya na-miss ang isang tao na hindi naman siya kilala? At hindi rin naman niya talagang kilala?

Patakbong lumapit ang lalaki sa kanila. Sumilay ang ngiti sa pawisan na mukha ni Alexa.

It's weird. Suddenly time slowed, and everything around them moved slowly. In her eyes, everything started fading, and a bright white light seemed to blur Sebastian.

“Mr. Sebastian Dior . . .”

*

MARAHAN pero nasa punto ang hagod ng mga daliri ni Alexa sa grand piano habang tinutugtog ang kantang “Somewhere Over The Rainbow.”

Kitang-kita ang paghanga mula sa pamilya, kapuwa titser, at mga bisita na prenteng nanunuod habang kumakain sa restaurant.

Ang masayang pakikinig ay nahaluan naman ng malakas na cheers ng nasa pangalawang intro na ng kanta. Sa pangalawang intro kasi ay may munting singer na, si Savannah.

“I’m sorry, but I just realized that you look familiar. Have we met before?” Bahagyang tumaas ang kilay ni Sebastian pagkatanong kay Alexa. Ipinag-urong pa niya ito ng upuan bago naupo sa upuan na katabi nito.

Kanina ay kaagad tinapos ang school program nang dumating sina Alexa sa school gymnasium. Sobra ang pasalamat ng pamilya Dior kay Alexa sa pagkatagpo nito kay Savannah. Sinubukan nilang bigyan ito ng pabuya kapalit ng kabutihan-loob, pero puno ng galang nitong tinanggihan ang lahat.

Napag-alaman din ng pamilya Dior na anak si Alexa ng kasalukuyang school principal at nagmula sa pamilya ng mga titser. Magalang, edukada, may talento, maganda, at higit sa lahat ay may delikadesa kaya gano’n na lang ang paghanga ng lola at nanay ni Sebastian dito.

Napangisi si Sebastian pagkita sa tila nangamatis sa pula na mukha ni Alexa. Masyadong inosente, turan niya sa isip.

“Oo, nagkita na tayo a few weeks ago, sa 100th day sale ng newly opened shop ng Love Dior.” Marahan itong nagbuntonghininga. “That time, you saved me, but I ended up soaking you with water,” turan nito na nagkagat labi.

Umawang ang bibig at kumislap ang mga mata ni Sebastian, “Oh, I remember now. “Are you that girl?”

“It must be fate that you saw each other again. Right, Mikaela?” Singit ng isang mestisang matandang babae. Light na light na brown ang buhok nito na halatang natural at hindi kinulayan. Kitang-kita ang edad nito sa kulubot ng balat at sa dalang mamahaling tungkod, pero lutang pa rin ang sopistikada sa kagandahan nito. Si Madam Antoinette, ang eldest madam Dior, ang lola niya. Nasa isang lamesa kasi nakaupo ang pamilya Dior at pamilya Villegas.

“I agree with Mama. “You saved her before, Sebastian, and she saved your daughter this time,” segunda ni Madam Mikaela, ang nanay niya.

Nabaling ang tingin ni Alexa sa pamilya ni Sebastian. Napansin nitong kahawig si Sebastian ng nanay. Halatang may dugong banyaga at parehong maamo ang mukha. Mukhang mabait.

Masayang nagtapos ang kuwentuhan ng dalawang pamilya. Pamilyang magkalayo ng estado sa buhay, pero kung meron pareho iyon ay ang tuwa nila kay Alexa. Paghanga mula sa eldest madam Dior, habang proud parents naman ang mga magulang ni Alexa.

Walang tigil din ang pagbuska ng mga titser kay Alexa, lalo na ni Annie.

“It’s alright. If I can’t have him, then you should.” Natatawa pang sabi nito kay Alexa na sinamahan pa ng tapik sa balikat.

*

ILANG ARAW ang nakalipas. Sa mansyon ng mga Dior ay tahimik na nakaupo sina Sebastian at Madam Mikaela sa mahabang sopa habang sa pang-isahang sopa naman si Madam Antoinette. Sa hindi malamang dahilan ay balot ng tensyon ang silid.

“I’ve decided,” panimula ni Madam Antoinette na kaagad kumuha ng atensyon ng mag-ina. “It’s time for you to remarry, Sebastian.”

Halos malaglag sa kinauupuan si Sebastian dahil sa tinuran ng lola. Nag-buntonghininga naman si Mikaela.

Nasa loob sila ng library office ni Madam Antoinette, ang dating home office ng asawa nito.

“Alexandra Villegas . . .”

“Granny!” Angal na sigaw ni Sebastian pagkadulas na pagkadulas ng pangalan sa dila ng lola.

“Mama, alam ko natutuwa ka sa dalaga na iyon pero baka nabibigla ka lang,” segunda ni Mikaela. Oo, gusto rin nito ang dalaga, pero sa nakita nito ay masyado itong puro. Kahinaan na hindi dapat taglay ng youngest madam Dior.

“Gusto ko siyang maging parte ng pamilya natin. I’m planning to propose a marriage to her family, and if they accept, you will marry her, Sebastian!" Desidido ang tono ng eldest madam.

“And you better pray that they accept my offer. Tandaan mo, lahat ng meron ka ay galing sa akin kaya pwede ko bawiin yan kailan ko man gustuhin!” Pahabol pa nito pagkatapos ay tumayo at tinungo ang study table. Full of grace, she sat on her golden swivel chair.

Kahit na tatlong taon na lang at walumpung taon gulang na ito, ay kung gaano ito katatag kumilos at magsalita ay siyang tatag pa rin nitong magdesisyon. Kahit nang nabubuhay pa ang lolo at tatay ni Sebastian ay madalas na ang lola niya ang gumagawa ng huling desisyon sa pamilya.

“No, Granny, I will not!” Pabalyang tumayo si Sebastian. Diretsong naglakad at tinunton ang pintuan na halos lumipad pagkahila niya.

After his wife passed away, Sebastian knew because of the family he had that eventually he’d need to remarry. Truthfully, he doesn’t care much who he’ll marry as long as that woman will treat his children with the best interest and, if she could, love his children unconditionally. It’s just that he already promised someone . . .

“MAMA!!”

Napabalikwas ng tingin si Sebastian pagkarinig sa sigaw ng nanay. Napamulagat ang mga mata niya pagkita sa lola na sapo-sapo ang dibdib habang lukot ang mukha.

“Kunin mo ang gamot ng granny mo!” Sigaw sa kaniya ng nanay.

Natataranta naman siyang kumilos. Pagkalapit sa nanay at lola ay tangan na niya ang gamot at tubig.

Pero nang maayos na ang pakiramdam ng lola niya, ay nagturan ito ng mga salita na tuluyan nagpaalis sa kaniya ng mansyon.

“Tandaan mo apo, that venomous snake will never be a part of this family, as long as I’m alive!”

*

ILANG ORAS ang lumipas, sa labas ng kotse ay sobrang lakas ng hagupit ng hangin at bagsak ng ulan, pero hindi ito alintana ni Sebastian. Itinigil niya ang kotse sa harapan ng townhouse na nasa loob ng exclusive subdivision. Nagpupuyos ang damdamin niya sa galit sa pamilya.

“Bakit hindi nila ako gustong maging masaya?” Bulong niya sa ilalim ng paghinga, nakatuon ang mga mata niya sa townhouse. Huminga siya ng malalim, saka binuksan ang pintuan ng kotse at sinuong ang ulan.

Bumukas ang pintuan ng townhouse at bumati sa kaniya ang babaeng nakasuot ng kinky lingerie. Halos dumikit na sa light-morena na balat nito ang pulang see-through lace na tela ng lingerie. Nakalugay ang kulot na buhok ng babae. Basa pa ang buhok nito, halatang kagagaling lang sa banyo, at base sa parada ng kotse nito, malamang nauna lang itong dumating ng ilang minuto sa kaniya.

“Seb!” Mapang-akit na pinulupot ng babae ang balingkinitan na katawan kay Sebastian.

“Kate . . .”

Dumampi ang nagliliyab sa init na labi ng babae sa labi ni Sebastian. Nilaro ng bihasang kamay nito ang basa pa sa ulan na katawan niya.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Second Wife's Dilemma   Chapter 53

    “G-GAVIN?” Patuloy ang pag-ring ng cellphone niya. Nakatigil lang ang mga mata niya sa screen nito, gano’n din ang kamay niya. She remembered it’s more than two weeks since she last talked to him— at the yacht before she was hurt by those men. And it’s been more than a week since she last saw him— at the hospital after she woke up from the coma. Tumigil ang pag-ring ng cellphone. Humugot siya ng malalim na hininga at inilapag ang cellphone sa bathroom counter katabi ng crystal vase na may lamang tubig. Nagbaling siya ng tingin sa bouquet ng white roses, dinampot ito, at inayos sa crystal vase. Hindi niya alam pero siguro hindi pa siya handang makausap ito. She knows she trusts him. He was the first man who promised her to be her person after all. But what if he’s lying? After arranging the flowers, she took the flower vase and her cellphone and was about to go back to Sebastian. Nawala siya sa mood kaya bukas na lang niya tatawagan sina Sevie at Sav. Muling nag-ring ang cel

  • The Second Wife's Dilemma   Chapter 52

    SA DALAMPASIGAN ay iniabot ni Carlos ang bathrobe at bath towel nila. Pero bago pa ito makuha ni Alexa ay kinuha itong lahat ng nakatawa pa ring si Sebastian. Mabilis nitong pinunasan ang sarili pagkatapos saka siya pinunasan at sinuotan ng bathrobe.Then, he gestured to Manong Buena, who approached them carrying a small transparent cylinder tank.Pagkakita rito ay kaagad nanlaki ang mga mata niya at sumilay ang ngiti sa labi. Sa loob nito ay ang apat na baby box jellyfish na sa bawat kibot ng bell at tentacles ay maka-langit na kislap ang dala.Kinuha ito ni Sebastian kay Manong Buena, at sa harapan ng lahat ay mistulang kabalyero na yumuko at lumuhod.Sebastian puffed out his chest while holding out the cylinder tank to her like a king presenting a treasure to a queen.“See? I told you, I’m Sebastian Dior. Of course, I claimed victory!” anitong naka-ngising panalo.Hindi niya napigilan ang sarili, bumunghalit ang tawa niya habang tinanggap ito mula rito. The small cylinder tank is c

  • The Second Wife's Dilemma   Chapter 51

    “SEBASTIAN!!” Sigaw ni Alexa. Tuluyan napasalampak ang nanghihinang mga tuhod niya sa buhanginan. She didn’t care how the dust clung to her clothes.Hinawakan ng nanginginig niyang mga palad ang mukha ni Sebastian. Her palms cold against his cheeks. Tinapik-tapik niya ito habang garalgal na nagsumamo. “S-Sebastian, w-wake up! Wake up, please!”She pulled him closer; he was heavy and unresponsive. Hot tears blurred her vision.“Doctor!” Sigaw niya na kaagad nagpalapit sa medical team. Maagap nilang ni-checkup si Sebastian.“No, this is impossible!” She insisted, the words tumbling out. “I saw everything! We saw everything! He didn’t get stung, he didn’t!!” Tiningnan niya sa mga mata ang doctors at divers, pilit kumukuha ng konpirmasyon. “Right? He didn’t get stung, r-right?” Binalot siya ng guilt— kasalanan niya itong lahat!Nagkatinginan ang tatlong divers bago nila tiningnan ang doctors saka sila nagsalita. “No, we didn’t see him get stung, Madam.” Sigurado sila dahil bukod sa isa-is

  • The Second Wife's Dilemma   Chapter 50

    UMUGONG ANG HIYAWAN sa dalampasigan. Habang nakatutok ang mga mata ng mga tao sa malaking flat screen ng Smart TV na nakakabit sa bakal na stand. Mula sa screen ay maririnig ang marahang paglagaslas ng tubig sa bawat pag-galaw ng grupo ni Sebastian sa ilalim ng dagat. “Woah!! He did it!! They did it!!” Muling hiyawan ng mga tao pagkakita kay Sebastian na iwinagayway ang transparent cylinder tank kung saan naroon ang box jellyfish! “Sobrang ganda!” ani sa isip ni Alexa. Siyang pag-galaw nito ay siyang pagkinang nito! Pero kung meron man higit na makinang sa paningin niya ngayon, iyon ang asawa. “Gosh, Mr. Dior is really something!” Humiwa sa may kalamigang hangin ang malinaw at buhay na buhay na boses ng babae. “He’s too perfect!” “Oo, sobrang guwapo niya!” Sabat ng isa, “And his body is soooo hot!” “At nakita niyo ba yong abs at muscles niya? Bakat na bakat sa wetsuit niya, diba? God!” Sabi naman ng ikatlong babae na suminghap pa. “Tama, bakat na bakat lahat, ul

  • The Second Wife's Dilemma   Chapter 49

    LALONG KUMINANG ang kaputian at kagintuan ng yate habang naka-dock sa maliwanag na asul na dagat. Nakita ni Sebastian ang biglang pagtabang ng ekspresyon ni Alexa. Batid niyang hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala ang takot nito sa yate, pero kitang-kita rin niyang malungkot ito. Malamang naiinggit at nagseselos ito dahil hindi siya nito masasamahan sa gitna ng dagat. Ayaw man nitong aminin pero ramdam niya— she was jealous. “Cute!” he murmurs under his breath while watching her from the deck railing. Mataman itong nakatayo sa dalampasigan habang pinanood sila ng mga divers at medical team na maghanda sa paglayag. He had tried to coax her to join them, but she didn’t budge. He scanned the luxury private yacht; it was a forty-foot yacht that could accommodate up to twelve persons on a day trip but up to six persons only on a night trip. Naagaw ang atensyon niya ng mga babae sa bikinis na sige ang lingkis sa mga kasama niyang divers— nangungulit na isama sila. Ewan ba

  • The Second Wife's Dilemma   Chapter 48

    TWO-PIECE BLOODY RED BIKINIS! Halos lumuwa ang mga mata ni Sebastian habang nakaawang ang bibig. Mistula itong estatwa na nakatitig sa kaniya. With his reaction, Alexa’s heart fluttered with confidence. Kinilig siya! She was standing five feet three inches tall in a bold two-piece bikini. The bloody red bikinis complement her pinkish pale skin, making it sparkle in the bright morning. Bahagyang namula ang magkabila niyang pisngi habang mistulang kinikiliti ang talampakan, sige ang kuyakoy ng mga paa sa buhanginan. Pasulyap-sulyap din siya sa mga tao sa paligid. Marahan siyang ngumiti at nahihiyang tinanong ang asawa. “Why? Gaano ba ko kaganda at ka-sexy para matulala ka ng ganyan?” Tila nagising naman sa wisyo si Sebastian sa tanong niya. Kumurap-kurap ang mga mata nito bago kunot-noong nagtanong, “Hmm, baby, a-aren’t you c-cold?” Sa tanong nito ay kaagad naglaho ang ngiti ni Alexa. Nagsalubong ang mga kilay niya. Pakiramdam niya ay biglang umangat ang dugo niya sa ulo.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status