Share

Chapter 2

Author: Gabriel Li
last update Last Updated: 2024-08-14 21:16:01

TWO MONTHS AGO . . .

“Sino nga ulit ang nasa mall na nagpapa-excite sa ‘yo ng todo? Akala ko pa man din pupunta tayo sa mall para sa sale e.” Mula sa pagtingin sa mga nag-uunahan na sasakyan sa labas ng taxi na sinasakyan, ibinaling ni Alexa ang tingin sa katabi, abala ito sa paglagay ng kolorete sa mukha.

“You really are old folks! It means hitting two birds with one stone, Alexa!” Sagot ni Annie, habang kinulayan ng pula ang labi.

“Alam mo naman na every 100th day ng newly opened shops ng Love Dior ay bukod sa sale ay naroon din ang especial cashier nila, si Sebastian Dior!” dagdag pa nito.

Sebastian Dior, thirty years old. Ang batang negosyante na animo’y artista sa kasikatan, ang nag-iisang tagapagmana ng Love Dior. Ang multi-billion net-worth company na pag-aari ng isa sa pinaka-mayaman at pinaka-prominenteng pamilya sa bansa, ang Dior family.

Si Sebastian Dior ang pangarap ng bawat babae sa bansa, dalaga o hindi. Mga babaeng pangarap maging “Cinderella” at isa na rito ang kaibigan.

Sa sobrang paghanga nito rito ay balewala na kung single father pa ito. Paano’ng hindi gayong mukha pa lang nito ay heaven na, idagdag mo pa ang maskulado nitong katawan. Yong katawan na halatang may sariling gym. Sadly, sabi sa news, hanggang ngayon ay devoted at broken-hearted pa rin ito sa namatay nitong asawa.

Pagkababa nila sa Mall of Asia ay may mga pulubing lumapit sa kanila, namamalimos. Kung si Annie, katulad ng marami, ay mabilis nag-hindi at kaagad lumayo sa mga pulubi, si Alexa naman ay mabilis nangalkal sa dalang tote bag. Sumilay ang ngiti sa labi niya ng mahanap ang coin purse. Ang laman ng coin purse ay sadya niyang ibinukod para sa mga pulubing namamalimos.

“Bakit ba ang hilig mo maglimos sa mga pulubi?”

“Hmm . . .” Alexa bit her lips while thinking. “Kasi lahat ng tao ay may karapatan mabuhay, at kahit barya ay magdadagdag ng ilang minuto sa buhay nila?”

“Kahit pa! Paano kung ikaw ang nangailangan ng limos? Hindi lahat ng tao lilimusan ka. Stop being naïve, Alexa. The world is not full of flowers!” Umikot pa ang mata nito pagkasabi.

Best friend ni Alexa si Annie mula high school. Sa college ay pareho sila ng course at pinasukan na university at ngayon ay teachers sa isang school. Magka-edad lang sila, pero hindi hamak na mas mukhang matanda ang hitsura at gawi ni Annie kumpara kay Alexa. Siguro dahil panganay ito sa apat na magkakapatid, habang bunso naman si Alexa at only princess ng kuya at mga magulang niya.

Tulad nang dati, ay ngiti lang ang itinugon ni Alexa sa kaibigan.

Nang marating nila ang shop ng Love Dior ay halos puno na ito ng mga tao. Ang Love Dior ay binubuo ng iba’t ibang shops around the country, mula sa apparel, jewelry, perfumes, at beauty products.

Hinila ni Annie si Alexa papasok sa shop; nakipag-siksikan sila sa karamihan ng tao.

May isang oras ang lumipas, nagpaalam si Alexa na tutungo sa restroom at bibili rin ng tubig. Pagkabalik niya ay lalo pang dumami ang tao. Hinanap niya ang kaibigan habang umiinom ng tubig.

Mayamaya pa ay nag-rhyme sa tainga niya ang pamilyar na pangalan— Sebastian Dior. Sa wakas ay dumating na ang pinakahihintay ng lahat.

STAMPEDE!!

Kani-kaniyang unahan sa pagpila sa counter ang mga tao. Makalapit, makausap, at mangitian man lang ni Sebastian.

Sa kaguluhan ay nabangga ng mga tao si Alexa. Muntik na siyang mangudngod at bumagsak sa sahig dahilan para mapasigaw siya. Mabuti na lang at may nagligtas sa kanya; hinablot nito ang maliit niyang kamay.

Mula sa likod ay malakas ang puwersa ng paghila sa kaniya. Sa lakas ay bigla ang pag-ikot ng katawan ni Alexa. Humagis ang mineral water na iniinom niya, kasunod nang pagkasubsob ng mukha sa isang matigas na bagay.

“Ouch!” Anas ni Alexa na sinundan ng pagbuka ng bibig at panlalaki ng mga mata. Shock nang madama niya ang basa ng buhok at damit.

Nang puntong iyon ay bigla na lang tumahimik ang paligid. Isang bagay na imposible mangyari, maliban na lang kung . . .

THUMP. THUMP. THUMP. THUMP . . .

Nakabibingi ang tibok ng puso ni Alexa. Lalo pa itong lumakas nang igalaw niya ang ulo, tiningala ang tagapagligtas.

Darkest brown na buhok, malinis ang gupit na lalong nagpaliwanag sa moreno at makinis nitong mukha. Walang pimples at halos walang balbas at . . .

Kulay abo na mga mata ang bumati sa kulay tsokolate niyang mga mata.

Nang masilayan niya ang mukha ng tagapagligtas, ang malakas na tibok ng puso ay bigla naman bumilis! Sa sobrang bilis ay animo’y malapit na siyang mag-flatline!

THUMP. THUMP. THUMP. THUMP . . .

Sebastian Dior!

Nakabuka rin ang bibig ng lalaki, habang pinunasan ng mga palad ang basang mukha.

Ang matigas na bagay na nasubsoban ni Alexa ay ang matipunong dibdib lang naman ni Sebastian.

“S-Sorry, sir.” Nag-init ang mukha niya sa kapahiyaan. Iniligtas na nga siya ng lalaki sa kapahamakan; nabasa pa ito nang tumapon niyang mineral water!

“Okay lang ako, miss.” Ngumiti ito na nagpalabas sa pantay-pantay at maputi nitong mga ngipin.

Sa isip ni Alexa ay ang bait ng ngiti nito. Ngiti na lalong nagpainit sa mukha niya.

May lalaking lumapit dito na nag-abot ng tuwalya. Pero sa halip na punasan ang sarili ay marahan nitong idinampi ang tuwalya sa mukha ni Alexa.

Habang pinupunasan ay hindi namalayan ni Alexa na nakatitig na siya sa mukha ni Sebastian. Animo’y kinakabisado ang bawat feature ng mukha nito. Makapal at dark na dark ang mga kilay at pilikmata at kulay kasoy ang labi nito.

Natataranta siyang nagbaba ng tingin nang mapagtanto kung gaano siya nakatitig sa lalaki habang nakatuon naman ang mata ng mga tao sa kanilang dalawa. Paghanga para sa lalaki habang panunuri naman ang sa kaniya. Pakiramdam niya ay butas-butas na siya sa sobrang panunuri ng mga tao!

Pagkatuyo sa kaniya ni Sebastian ay iniabot nito ang isang paper bag. Saglit na nagtama ang paningin nila.

Kulay rosas ang mukha ni Alexa na tuluyan naging kulay dugo pagdapo ng mainit na hininga ni Sebastian sa punong tainga niya, “Change, so you won’t get sick. I hope the dress fits. It’s on me.”

Tila lumulutang sa hangin si Alexa sa gaan ng kaniyang pakiramdam. Sa sobrang lutang niya ay hindi na niya namalayang naihatid na pala siya ni Annie sa bahay nila.

Hating-gabi na ay pabaling-baling pa rin siya sa kama. Hindi maalis sa isipan ang nangyari kanina. Hanggang ngayon ay suot pa rin niya ang bestida na bigay ni Sebastian. Kanina, sa hapag-kainan, ay nag-asal bata siya; paulit-ulit at walang katapusan ang kuwento.

Hindi lang mukhang anghel sa amo ang mukha ng lalaki, ubod pa ito ng gentleman. Ang ngiti nito ay nagbibigay liwanag sa mundo ni Alexa.

Nakagat ni Alexa ang maliit na labi. Kuminang ang mga mata at naging kasing pula ng mansanas ang mukha.

Alexa is sweet and innocent, dreamy like a child. Someone who believes in the existence of a knight in shining armor who will save the damsel in distress. Someone who believes in fairytales and happy endings!

*

ILANG LINGGO ang lumipas. Ginugol ito ng mga estudyante at guro ng Saint Elizabeth Academy sa pag-ensayo para sa especial school program. Ngayong araw gaganapin ang school program upang batiin at pasalamatan ang bago nilang sponsor, ang eldest madam ng pamilya Dior.

Abala ang lahat sa pag-asikaso at pagpaganda ng school gymnasium. Kinailangan naman umalis ni Alexa upang itsek ang restaurant kung saan kakain ang mga guro at bisita.

Makalipas ang ilang oras ay dumating na ang mga espesyal na bisita, ang pamilya Dior. Nagsimula ang school program, at sunud-sunod nagbahagi ng performance ang mga estudyante.

“Daddy, restroom please!” untag ng batang babae kay Sebastian.

“Daddy, me too!” segunda naman ng batang lalaki.

“Alright, go with your yaya.” Sinenyasan ni Sebastian ang isa sa kasama nilang katulong.

Lumipas ang ilang minuto, ay hindi pa nakababalik ang mga anak at katulong. Sa isip ni Sebastian ay marahil marami ang tao sa restroom.

Dahil ilang oras lang naman silang mananatili sa eskwelahan, ay dalawang katulong at ilang bodyguards lang ang isinama nila. Naiwan ang isang katulong na nag-asikaso sa eldest madam.

Pero nagtaka ang pamilya nang lumipas ang isang oras at hindi pa rin bumabalik ang mga bata. Lalo pa silang naalarma nang bumalik ang katulong na ang batang lalaki lang ang kasama.

“Sir, nawawala si Savannah!!”

“WHAT?!”

*

SAMANTALA, sa kabila ng pagod, pinilit ni Alexa na bumalik sa school para panoorin ang performance ng mga estudyante niya.

Habang naglalakad sa school vicinity, ay nag-ayos na siya ng sarili. Pinagpagan niya ang suot na uniporme. Nasa playground siya nang mag-ipit ng buhok, pero nabitawan niya ang ponytail. Yumuko siya upang damputin ito ng may makita siyang batang babae na natutulog sa loob ng tube slide.

Nakasuot ng purple lace na bestida ang bata, maputi, at dark brown ang buhok. Mukha itong manika. Maliit ang bata kaya alam niyang hindi ito estudyante sa school nila. Marahil ay kasama ito ng isa sa mga bisita. Madali itong ginising ni Alexa at pinilit na lumabas sa tube slide na sinuksukan nito.

“Baby, why are you here?”

“I’m hiding. “But Sevie took a long time to find me, and I ended up sleeping,” turan ng bata habang naghihikab.

Dahil sa private school nagtuturo si Alexa, ay sanay na siyang English-speaking ang mga bata. Pero rinig sa boses ng bata na ito ang confidence at grace, ebidensya na English-speaking ito mula pagkapanganak.

“But you can’t stay here, baby. Come with me; I’ll take you to your mom.” Inilahad ni Alexa ang palad sa bata.

“Really! “You’ll take me to mommy?” Tiningnan ng batang babae ang palad ni Alexa tapos nag-isip habang ngatngat ang labi.

“Hmm . . . but Daddy said Mommy is an angel flying around in heaven,” turan ng bata pagkalipas ng ilang sandali.

Alexa bit her tongue and dropped her head. She felt guilty. With her words, it’s clear that her mom is already dead. Poor child; she’s too young to have lost her mom.

Huminga siya ng malalim bago naglagay ng ngiti sa labi. “I mean, I’ll take you back to your family, shall we?”

Faster than the wind— the little girl agreed. Ikinapit nito ang maliit na palad sa palad ni Alexa, at masaya silang naglakad.

Thanks to her mama, from whom she got her sweet voice and kind smile. It works like a charm all the time! Puno ng kumpiyansa niyang bulong sa sarili habang tumalon sa galak ang loob niya.

Pero ilang minuto lang ang lumipas ng nagsimula magmaktol ang bata. Bumitaw ito kay Alexa at ibinagsak ang katawan sa lupa.

“I’m tired. I don’t want to walk anymore, Miss Teacher,” turan nito habang nakanguso.

Bumuga ng hangin si Alexa saka umupo, hinarap ang bata. Muli ay nginitian niya ito, this time with twinkling eyes pa.

“Alright, want me to piggyback you, baby?”

Magic! Biglang nawala ang maktol ng bata at tumalon nang tumalon sa tuwa.

Muli silang naglakad habang nag-duet sa kantang “Somewhere Over The Rainbow,” only this time ay naka-piggyback na ang bata.

“Miss Teacher, what is your name? “I need to know because Daddy told me to never talk and go with strangers, eh.”

Bumunghalit ng tawa si Alexa. “Too late! You already talk and go with me, baby. “Anyway, I’m Teacher Alexandra Villegas.”

“Thank you for carrying me, Miss Alexandra.” Puno ng lambing na isinandal ng bata ang pisngi sa pisngi ni Alexa. Kasinlambot ng bulak ang pisngi ng bata— yong lambot na nagpahinga sa kaniya ng maluwag.

“How about you? “What is your name, baby?”

“I’m Savannah.”

Natigilan sa paghakbang si Alexa nang biglang umere ang malakas na tunog ng PA system.

“Ipinababatid sa lahat na kasalukuyang may nawawalang bata. Dahil dito ay naka-lockdown na ang buong school. Nakasuot ang batang babae ng purple lace na bestida, four years old. Ang pangalan ng bata ay Savannah Dior!”

“Savannah Dior?”

THUMP. THUMP. THUMP. THUMP . . .

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Second Wife's Dilemma   Chapter 47

    A SCAR THAT’S UGLIER . . .A scar that’s hidden from the eyes . . . Naalala ni Alexa kung paano’ng makailang ulit umiling si Sebastian kanina habang nasa banyo sila. Pero bakit pakiramdam niya, there is something more to it? Something deeper? Something hidden? A secret? She clearly saw the pain in him when he spoke about the hidden scars . . .Nakaupo siya sa four-seater couch, tucked into the far corner, while Sebastian was sitting at the same couch in front of his laptop that was perched on the low table.Despite the short-sleeve Japanese crane shirt and linen beach pants he’s wearing, his aura is completely businessman— a no-nonsense businessman.Dahil sa nasa isipan ay paulit-ulit nagbuntonghininga si Alexa. Hindi niya namalayang malakas ang buntonghininga niya na kaagad umagaw ng atensyon ni Sebastian.Suddenly Sebastian stops speaking with the Love Dior executives. He turned his head to look at her. He thought she was getting bored waiting for him. Since he doesn’t allow her to

  • The Second Wife's Dilemma   Chapter 46

    SOFT MORNING SUNSHINE WARMED THE ROOM. A sweet floral scent, light and fresh, hung in the air. Tulad kahapon nagmulat ang inaantok pang mga mata ni Alexa sa kumpol-kumpol ng mga rosas. But unlike yesterday, this time iba’t iba ang kulay ng mga rosas. “Good morning, Baby!” Mula sa pintuan ay umere ang boses ni Sebastian na katulad sa kulay ng mga rosas ay buhay na buhay. He had a soft and warm smile like the morning sunshine that entered the villa through the glass wall. Humakbang ito ng malalaki at inilapag ang umuusok sa init na tasa ng tsokolate sa bedside drawer, katabi ng bouquet ng mga rosas. Hindi maalis tumalon ang puso niya. So, Sebastian is indeed serious. He truly intended to coax her. “Take your time standing up. Drink your hot chocolate and wash your face before going down,” he said, leaning down and pecking her forehead. “Maglilinis at magluluto muna ang hot, handsome, and lovable husband mo.” “What?” Umugong ang tila kinikiliting tawa niya. “What? Am I not hot, han

  • The Second Wife's Dilemma   Chapter 45

    SEBASTIAN IS CRYING? Natigilan si Alexa pagkakita sa kumislap na luha sa kulay abong mga mata ni Sebastian. Madali niya itong napansin dahil tinag na tinag na ang araw at direktang tumama sa kanila ang sinag nito. It was already late in the morning, and as if on cue, her stomach rumbled. He’s crying? Because of what she said? That first love can die? Is it because he’s afraid of death? Well, everyone is. Pero ganito ba ito katakot ma-stung ng box jellyfish? Isa pa, inisip ba nitong hahayaan niya talaga itong mamatay? Hell, asawa niya kaya to! Hmph! Or perhaps . . . Perhaps he thought her love for him was the one who would die? That she’ll fall out of love with him? “Hahaha!” Kumawala ang tawa niya tapos pinagalitan ang sarili. So presumptuous of you, Alexa! That’s impossible; not even once did he tell her he loves her. He never told her his real thoughts and feelings. No, he doesn't love her. Wake up, Alexa. You were in an arranged marriage and . . . In this marriage yo

  • The Second Wife's Dilemma   Chapter 44

    “SPECIFICALLY . . . A BOX JELLYFISH.” Sebastian stood frozen. The flippers of Alexa he had been holding since earlier fell to the white sand. His hands flew to his hips, disbelief coursing through him. “Y-You want me to catch a jellyfish?” His voice cracked, a strangled sound. “S-Specifically a box jellyfish?” Nanlaki ang chinito niyang mga mata. “Seryoso, Alexa? Gusto mo ba kong patayin?!” Nagpakawala siya ng malutong at hindi makapaniwalang tawa habang nakatingala sa asul na ulap. Pagkalipas ng ilang sandali ay biglang namatay ang tawa niya. Naningkit ang mga mata niya, kasinsingkit ng linya. He leaned in, his voice dropping to a low growl. “O siguro gusto mo talaga akong mamatay, ano? Gano’n ba? Gusto mo akong mamatay nang sa gano’n hindi mo na ko kailangan patawarin?” Saglit siyang natigilan at nag-isip. “Isa pa, di ba allergic ka sa seafood?” “Who said I’m going to eat it?” Alexa’s voice was light and dismissive. Lumaki ang ngiti nito at kuminang sa kalokohan ang kulay t

  • The Second Wife's Dilemma   Chapter 43

    A SOFT LIGHT entered through the floor-to-ceiling glass wall. Direktang tumama sa mukha ni Alexa ang liwanag ng araw. Her face felt warm. Little by little her heavy eyelids fluttered, but before she could open them, the scent of roses and something salty hit her nose. So different from the antiseptic scent she remembered. Tuluyan nagmulat ang mga mata niya at bumungad sa kaniya ang hindi pamilyar na kisame. Confusion clouded her mind. Nasaan siya? The bed beneath her was so soft compared to the hospital bed. Soft as a cloud. Suddenly a dozen yellow roses flashed in her eyes. Her gaze drifted, following the long stems held by a familiar hand. Sebastian! Her breath caught. The memory jolted her awake. The sterile white room. The doctor’s calm, apologetic voice. The needle. Sebastian’s firm hand on her arm. Right. He had sedated her. Again! Her brows drew together. She pushed herself up on an elbow. “N-Nasaan tayo?” Her voice was raspy. Ngumiti ng malumanay si Sebastian. L

  • The Second Wife's Dilemma   Chapter 42

    SEBASTIAN STEPPED OUT of his luxury van; the city air is thick and cold. It was before midnight.Tumuon ang mga mata niya sa pitong palapag na gusali ng Medical Center. His gaze particularly lingered at one room at the top floor. Mula sa bintana ay kitang-kita na nakapatay na ang ilaw sa silid.He breathes hard before moving his gaze to the dark and boundless clouds. There are a lot of stars tonight and the little moon is shining so bright.“I guess my little moon is already in dreamland,” he muttered under his breath.Four days. It’s been four days since he’d last seen her. Four days of drowning himself in work and solitude. These days if he’s not at the police headquarters, he’s inside the four corners of the company Love Dior.Hindi siya pumunta ng ospital pero hindi rin siya umuwi ng mansyon; sa halip, ikinulong niya ang sarili sa opisina.He misses Alexa. He misses her so much . . .In the past four days he didn’t come nor call because he was so scared of what she’s going to say.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status