LOGIN-RYU FUJIRO STELLAN POV-
~•~ “She what?” Tanong ko habang ako'y nagtitimpla ng kape. “Schriver offered a job for her.” Sagot ni Jacques habang naglalaro ito ng darts. “Anong trabaho?” Tanong ko naman saka sumimsim sa tasang may kape. Bumuntong hininga muna ito bago bitawan ang huling dart na hawak niya, saka ako tiningnan at nilapitan. “It took me a few punches before making them answer.” Sagot nito. “Just go straight to the point, Jac.” Sagot ko pabalik. “Schriver offered her to work as a dancer. At her club.” Giit nito. “Her club? The one filled with-” Naputol ang aking sasabihin nang sumagot ito. “Yes.” Sagot nito. “At pareho nating alam na hindi magandang ideya yun.” “Bigay mo sa akin ang numero ng babaeng yun.” Giit ko. “Kakausapin ko siya.” Dali-dali nitong binigay ang calling card ni Meri at walang alinlangan kong tinipa ang numero nito, at hindi ko maiwasan ang hindi kabahan para rito. “Hello, who is this?” Tanong nito nang masagot niya ang tawag. “This is Stellan, there is something I would like to discuss with you.” Panimula ko. -ZENAIDA RANE SINCLAIR POV- ~♪~ “Saan ka pupunta?” Tanong ni Kuya nang makita ako nitong nagsusuot ng sapatos sa sala. “Wala ka na dun.” Sagot ko na lang at saka tumayo at saka nagtungo sa pinto. “I need to know where you're going, Zen.” Sagot nito pabalik nang buksan ko na ang pinto. “At bakit?” Tanong ko naman saka inayos ang strap ng bag ko. “Kasi kapatid kita.” Sagot niya ngunit lumabas at sinara ko na lamang pinto. Kapatid.. tsk. -RYU FUJIRO STELLAN POV- ~•~ “Come on, Meri.” Giit ko at saka nagsindi ng sigarilyo. “Sinabi ko na sayo, tinanggap ko lang siya bilang barista sa bar. Hindi bilang dancer.” Sagot nito habang nagbibihis. “You're lying.” Sagot ko pabalik habang ako'y nakaupo sa upuan na nasa sulok. “Believe me or not, I’m telling the truth.” Giit niya at saka lumingon sa akin. Tumawa ako nang bahagya at saka tumayo, saka binitawan ang sigarilyo sa ash tray before heading towards her as she zipped the zipper of her dress. “Then why did your ‘allies’ told me the opposite?” I muttered as I helped her zip her dress. “They're lying.” She answered. “So, who do you think should I believe?” I asked and forced her to face me. “Ryu-” Naputol ang kanyang sasabihin nang sumagot ako. “Kung mahal mo pa ang buhay mo, you better start explaining.” I answered as I gripped her jaw. Marahas ko siyang binitawan na naging dahilan upang mapaupo ito sa kama, caressing her cheeks before looking at me. “Fine, l’ll tell you the truth.” Panimula niya. “You know what?” Kinuha ko ang aking sigarilyo sa ash tray at humithit ruon. “Don't tell me, I want you to do me a favor.” “Ano na naman?” Tanong nito sa akin. “Ibigay mo sa akin ang strip club mo.” Sagot ko. -ZENAIDA RANE SINCLAIR POV- ~•~ “So, here is the dressing room.” Wika ng nagtu-tour sa akin habang kami’y naglalakad. Hindi ako umimik nang buksan niya iyon, at laking gulat ko nang bumungad sa akin ang iilang babaeng walang saplot kundi panty at bra lamang na may alahas bilang disenyo, ang iba naman ay nakatapat sa salamin at abalang abala sa paglalagay ng kolorete sa mukha. “Basically, you have everything you need here. From sexy dresses to small skirts up to seductive bikinis and heels, it's in your closet right down the hall and it's brand new, freshly washed.” Isplika nito. “Except for the make-up of course, hygiene is still a thing.” “Kailangan po ba talaga magsuot nang ganuon kaikli?” Tanong ko at saka tinuro ang babaeng halos naka hubot-hubad na. “If you want to work here, then yes.” Sagot nito. “Wag ka rin magpapahawak sa kanila, sasayaw ka lang sa stage.” Tumango na lamang ako bilang tugon at saka mahigpit na hinawak ang bag ko, habang iniisip kung ipagpapatuloy ko pa ba itong trabahong ito o hindi. “Kung gusto mo-” Dagdag pa niya, at saka ito nag abot ng maskara sa akin. “Habang sumasayaw ka, isuot mo yan. Para hindi ka nila makilala.” Magpapatuloy ba ako? O hindi na? Mahigpit kong hinawakan ang gintong maskara, habang pinagiisipan kung talagang desidido ako sa trabaho na ito. Wala naman sigurong mawawala kung– “So? Will you take the job?” Tanong nito na naging dahilan upang mag-angat ako ng tingin. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko, pero bigla na lamang lumabas ito sa aking bibig. Na naging dahilan upang mag-bago ang takbo ng buhay ko. “Opo, tatanggapin ko ang trabaho.” -RYU FUJIRO STELLAN POV- ~Weeks later~ “So, binigay ba ni Meri sayo ang club?” Tanong ni Jacques habang naglalakad kami sa front lawn ng kanyang bahay. Luminga linga ako sa paligid at kita ko ang mga body guards nito na nakabantay sa bawat sulok ng lawn, mula sa gate hanggang sa porch at pillars, merong mga armadong lalaki in case- “Tinatanong kita, Stellan.” Wika pa nito. “Binigay niya sa akin.” Sagot ko at saka tumingin rito. “Hindi ko lang alam kung duon nga magtatrabaho ang babaeng hinahanap ko.” “Anong ibig mo sabihin?” Tanong naman niya. “I mean– what if she doesn't accept the job?” I asked as I overthink. “Then locate her house, you kidnap women for fun–so why not do it the same way?” Hindi ako sumagot rito at saka kinuha sa aking bulsa ang cellphone at walang alinlangan na tinawag muli si Meri. “Oh? You got what you wanted, ano pa ang kailangan mo?” Panimula nito nang sagutin niya ang tawag. “Tinanggap ba niya ang trabaho?” Tanong ko. “Kausapin ko si Serena.” Sagot nito at saka binaba ang tawag. “So? Anong sabi?” Tanong naman ni Jacques sa akin. “Kakausapin daw muna ni Meri si Serena upang malaman kung tinanggap niya ang trabaho.” Sagot ko bago magpatuloy sa paglalakad. -ZENAIDA RANE SINCLAIR POV- ~•~ “Saan ka galing?” Halos mapaiktad ako sa gulat nang may marinig akong magsalita. Hating gabi na nang ako ay makarating mula sa aking pinuntahan, at hindi ko maiwasan ang magtaka kung bakit gising pa ito. “Kuya?” Tawag ko nang maaninag ko ang kanyang pigura sa sala. “Zenaida.” Tawag nito pabalik sa akin bago ko siya makitang tumayo sa kinauupuan niya. “It’s late, where have you been?” “None of your business.” Sagot ko. Mahigpit kong hinawakan ang strap ng bag ko nang maglakad ito patungo sa akin, at hindi ko maiwasan ang inis at kaba na nararamdaman ko. “Zen-” Panimula niya. “Kuya mo ako, so I should know where you're going.” “Kahit na Kuya kita, wala kang pake dahil buhay ko ito. At alam ko naman na sinasabi mo lang yan para gumaan ang loob ko sayo.” Sagot ko na may bahid ng inis. Tumawa na lamang ito nang bahagya at saka hinawi ang iilang hibla ng aking buhok, at saka hinaplos ang aking pisngi, na siyang tinanggal ko agad. “Feisty.” Saad niya na may ngisi. “Umalis ka sa harapan ko at matutulog na ako.” Sagot ko at akmang aalis na ngunit kinulong ako nito sa pagitan ng mga braso niya. “Not until you give me what I want.” Saad niya. “Hindi ko ibibigay ang gusto mo, kaya umalis ka dyan.” Utos ko, ngunit hindi ito sumunod. Palapit nang palapit ang mukha nito sa akin, at ang mga kamay ko ay handang handa nang manuntok, kung kaya't walang alinlangan ko siyang sinipa sa ari at sinuntok ang kanyang mukha. “Bwisit ka!” Sigaw nito nang makalabas ako ng bahay, at walang alinlangan akong tumakbo upang hindi ako mahabol nito.-ZENAIDA RANE SINCLAIR POV--•-“Are you sure you're not hurt?” Ilang beses na itong nagtatanong sa akin at ulit ulit rin akong sumasagot rito na halos mabulol na ako kakasalita.“Sinabi ko na sa iyo, ayos lang ako.” Sagot ko sa kanya. “Hindi ko alam bakit nandito pa tayo sa clinic-”“We’re here to make sure you're not definitely hurt.” Giit niya habang nakasandal ito sa pader at nakahalukipkip ang mga braso.“Don't worry, Sir. She has no signs of injuries nor bruises.” Giit ng doktor."Did you check her properly?” Tanong niya muli at tumango na lang ang doktor rito.“I can assure you, she's fine, Mr. Stellan." At dahil lang sa sinabi ng doktor na iyon, namintig ang tenga ko.Ngunit, mas pinili ko na lang manahimik.Pinanood kong umalis ang doktor sa kwarto, at kaming dalawa na lang ni Jiro ang naiwan roon.Katahimikan ang pumalibot sa amin, at tiningnan ko ito— At nahuli siyang nakatingin din sa akin.“Ano?" Panimula ko nang lumapit ito sa akin.“I'm sorry about earlier." Sagot ni
-ZENAIDA RANE SINCLAIR POV-~♪~Pakiramdam ko hindi ako makagalaw dahil sa nakikita, kahit na naririnig ko na may kumakatok- hindi ko madala ang sarili kong sumagot ruon.“Rane!” Sigaw nila mula sa labas na naging dahilan upang ako'y lumingon at ipagbuksan agad sila.“Gauche.” Panimula ko.“Jiro wants to see you.” Saad niya. “Did you look at the balcony?”Tumango ako, at hindi ko mawari sa kanyang mukha ang ekspresyon nito.“Gauche, ano ang nangyari? Bakit may mga-” Naputol ang aking sasabihin nang sumagot ito.“Rane, all I want you to do is head to Jiro. Gusto ka niyang kausapin, at kung ano man ang nakita mo sa labas- wag na wag kang magsasalita.” Sagot nito na naging dahilan upang tumahimik ako.“Do you understand?” Wika niya muli.“Oo.” Sagot ko na lang.Umalis ito at saka ako sumunod, ngunit nasa isip ko pa rin ang nakita ko mula sa balkonahe, at kung bakit wala naman akong narinig na kahit na ano man.Dinala ako nito sa isang kwarto na tanging furniture lamang ay ang kama at isa
-RYU FUJIRO STELLAN POV- ~•~Kasalukuyan kaming kumakain, at ang tanging maririnig mo lang ay ang mga sumisigaw sa may basement, and to be honest, naiirita na ako."So, ano ang balak mo sa penthouse na ibinibigay ng Auntie mo sa iyo?" Tanong ni Dad sa akin.Placing my chopsticks down, I wiped the edge of my lips and looked at him."Tell Obasan I don't want it." Sagot ko. "But I can give it to someone else." "And who is that someone?" Tanong naman niya.Akmang sasagot naman ako nang biglang may tumawag sa akin.“Stellan!” Lumingon ako rito habang nakataas ang aking kilay. “Ano?”“I'm sorry, I meant Jiro.” Wika ni Clover at saka yumuko bilang paumanhin.“Get to the point, what do you want?” Tanong ni Dad.“Someone’s looking for your son, Sir.” Sagot nito.Sumenyales ako rito na umalis siya at mabuti na lamang ay sumunod ito.Dali-dali akong tumayo mula sa aking kinauupuan at nagtungo sa front porch, kung saan makikita mo itong nakadantay sa kanyang motor habang naghihintay.“Open the
-RYU FUJIRO STELLAN POV- ~•~“So, anong gagawin natin niyan??? Ire-raid ba natin ang teritoryo nila?” Tanong ni Azriel habang dinidiskusyo ko sa kanila ang plano ko.“Pwede rin, pero baka ma-outnumber tayo.” Sabat ni Gauche.“We should bombard them.” Lucio and Lucius said in unison.“You twins never know nothin better but bombard an enemy?” Sabat ni Aga bago humithit sa kanyang sigarilyo.“That's way common.” Giit ni Grian.“We need something better, like luring them into this exact location.” Wika ni Clover at saka tinuro ang remote na lugar sa mapa.Pinag-isipan ko nang mabuti ang sinabi ni Clover habang sila’y nag-aargue sa dapat na gawin, and maybe that is a potential to lure them.“Ano ang dapat nating gawin para kumagat sila?” Tanong ko na nakapag-patahimik sa kanila.“Kidnap Syle.” Sabat ng isang babae na ikinalingon naming lahat.“Zen, anong ginagawa mo dito?” Tanong ni Gauche sa kanya.“Ineexplore ko lang ang bahay, pero narinig ko kayong nag-uusap. At saka baka kilala niyo
-RYU FUJIRO STELLAN POV- ~•~“Code black.” Wika ni Lucius sa radyo.“How many are they?” Tanong ko habang ako'y patungo ruon kasama sina Greg, Arwin at Dwight.“I don't know, a dozen maybe.” Sagot nito, at rinig na rinig ang mga putok ng baril sa kabilang linya.“Papunta na kami diyan.” Wika ko rito. “Yung babae, nasaan?”“Hindi ko alam, hindi ko siya nakita.”Pinatay ko ang radyo at pinaandar ng mabilis ang aking kotse, sinigurado ko rin na may back-up akong kasama in case na outnumbered kami.“Sa tingin mo, sino kaya ang tumatarget na naman sa atin?” Tanong ni Dwight.“Baka si Neil.” Sagot naman ni Arwin.“Neil wouldn't fvcking do that.” Sabat ko at saka niliko ang kotse.“But his sister will.” Ani ni Greg. “Talagang desidido ka niyang patayin.”“That bitch.” Bulong ko bago itaas hanggang 120 ang speed ng kotse.-ZENAIDA RANE SINCLAIR POV- ~•~Patuloy ang mga putok ng baril mula sa labas, pakiramdam ko umuulan na ng bala dito habang ako'y nakatago at pilit na tinatakpan ang aking
-ZENAIDA RANE SINCLAIR POV- ~Morning~Habang ako'y nasa balkonahe ng aking kwarto, o dapat kong sabihin, ay yung kwarto na itinuro ni Gauche, ay may naririnig akong kumakatok sa pinto na naging dahilan upang lapitan ko iyon.“Sino yan?” Tanong ko, ngunit walang sumasagot.Bumalik ako sa balkonahe at umupo muli, nang may kumatok ulit, ngunit nagpasya akong wag na itong pagbuksan dahil baka ibang tao iyon.“Open up.” Wika ng estranghero at saka kumatok muli.Ngunit hindi na ako sumagot at basta na lang kinuha ang librong kaninang binabasa.Napaiktad na lamang ako nang may marinig akong isang putok ng baril, na naging dahilan upang tumayo ako.“I told you to fvcking open up, why didn't you obey?” Panimula nito habang siya'y papasok.Napansin kong may dala itong plastic, at halatang halata na may talong at okra ang laman noon.“Ikaw si Lucio, hindi ba?” Tanong ko kung tama ba ang akala ko.Binigay nito ang plastic sa akin at hindi ako nag-dalawang isip na tignan ang laman nun, na kung sa







