SYD
TILA huminto sa paglakad ang oras nang muling magtama ang aming paningin. Hindi ako agad nakahupa.Mabilis na naglakad si Miguel papunta sa direksyon ko at isang napakatamis na ngiti ang isinalubong sa akin.“Kumusta ka na, Cinderella? Lalo ka yatang gumawapo ngayon, ah!” biro niya sa akin.Ito ang unang beses na muli kong narinig ang baritono niyang boses mula sa napakahabang panahon na hindi ko siya nakita.Sinubukan kong inormal ang tila abnormal na pagkakatibok ngayon ng puso ko.Kung anong angas ko sa pagsagot kanina kay Kuya Lemy ay siya namang lambot ko kay Miguel.“H-hindi naman masyado, Kuya Migs. Medyo lang.” Gusto kong batukan ang sarili. Bakit ba kasi pagdating sa kaniya, talagang tumitiklop ako?Hindi ko na namalayan na nasa gilid ko na pala si Miguel at seryoso nang nakatunghay sa akin. Napayuko ako. Nakaramdam ako nang pagkailang dahil sa tila nakapapaso niyang mga tingin sa akin.Nabigla ako nang walang sabi-sabi niya akong iniharap sa gawi niya.Ilang beses kong naikurap ang mga mata, nang maramdaman ang mainit niyang katawan dahil sa higpit ng pagkakayakap niya sa akin. Napatulala na lamang ako at hindi na nagawa pang makapagprotesta.Shit! Sa harapan pa talaga nila kuya?“I missed you, Cindy,” bulong niya sa gilid ng aking tainga na nagdulot sa akin ng kakaibang pakiramdam.Mas naghurumentado ang maligalig kong puso nang lalo niya pang ipinagdikit ang aming mga katawan.“Kuya Miguel…” napakagat ako sa aking labi. Bakit tila hindi ko makilala ang sarili sa paraan ng pagkakatawag ko sa kaniya?Nag-uumpisa na akong mailang sa ginagawa niya, lalo pa at alam ko na hindi lang naman kaming dalawa ang tao rito ngayon. Mariin kong naipikit ang mga mata. Parang unti-unti na akong hinihila ng kaniyang nakakaantok na pagyakap.Pilit kong pinaglalabanan ang damdamin na nais na kumawala sa akin. Damdamin na napakatagal ko nang ikinukubli, para sa nag-iisang lalaki na itinatangi ko.Dahil sa ginagawa niyang ito, unti-unti na namang nanumbalik sa akin ang lahat. Ang lahat ng mga masasakit na ala-ala na magpahanggang ngayon ay pilit ko pa ring kinakalimutan. Ang dahilan kung bakit ko pinili na magpakaganito.Six Years AgoLAKAD takbo ang ginagawa ko, habang hindi magkandatuto sa pagtipa ang maaligagang mga daliri ko sa screen ng hawak kong cellphone.Malapit na ako, Maggs. Hintayin niyo na ako. Teka, nakaalis na ba sila? Nakapaloob sa chat message na isinend ko sa kaibigan kong si Maggi.Ako na lang daw ang hinihintay nila sa meeting place namin. Ngayong umaga na kasi ang opening ng liga ng basketball, dito sa baranggay namin. Napag-usapan na namin kahapon ng mga kaibigan ko na sabay-sabay kaming tutungo sa covered court para makilahok sa parada.Agad din akong nireplyan ni Maggi. Napasabunot ako sa aking bangs at dismayadong napabuga ng hangin nang mabasa ko na kanina pa pala nakaalis ang mga kasaling team.Hindi na lang din daw sila sumama sa parada dahil nga sa akin. Hihintayin pa rin daw nila ako sa may parke at doon na lang namin aabangan ang pagdaan ng mga nagparada.Kasalanan ito ni Junjun, eh! Kung hindi lang niya sinadyang palitan ang isinet kong alarm, eh ‘di sana nakasama pa kami.Makailang beses ko nang pinagkukutusan ang ulo ng pasaway kong kapatid na iyon sa utak ko, para kahit sa ganitong paraan man lang ay makaganti ako sa ginawa ng lokong iyon.Excited pa naman ako nang bonggang-bongga dahil bukod sa tatlong kuya ko, eh, kasali rin sa team nila ang kuya ni Maggi. Chance ko na sana'ng makapagpa-cute sa kaniya, pagkatapos… pagkatapos… ganito pa ang nangyari!"Nakakainis! Humanda ka talaga sa aking bata ka!" Nanggagalaiting bulong ko.Marahil nagtataka rin kayo kung bakit na-special mention ko ang kuya ni Maggi, ano?Gusto niyo bang malaman kung bakit? Well, siya lang naman po kasi ang aking super duper mega ultimate crush since nene days ko. My one and only angel at ang nag-iisang lalaking kinakikiligan ng inosente kong puso– si Miguel Ericson Balbuena.Maliban sa nakatatandang kapatid ni Maggi, katropa rin siya ng tatlong mga kuya ko. Basketball ang kinahihiligan nilang sports, kaya naman magkasundong-magkasundo talaga ang mga ito. Halos kapatid na nga rin ang turing nila sa angel ko, eh. Pero ako, higit pa sa kapatid ang nararamdaman ko para sa kaniya.Sino ba naman kasi ang hindi mai-in love sa isang Miguel Balbuena? Bukod sa matangkad, maputi at may napakaguwapong mukha ay palabiro rin ito at sweet. Magaling din siyang makisama sa ibang tao at iyon ang katangian na pinakanagustuhan ko sa kaniya.Kaso nga lang, dahil sa mga katangian niya ring iyon kaya marami tuloy akong nagiging karibal sa kaniya— na ako lang yata ang nakakaalam.Hindi na rin iba si Miguel sa pamilya namin. Madalas naman kasi siyang nakatambay sa bahay.Dahil doon, sa araw-araw na ginawa ng Diyos, lalong lumalalim ang nararamdaman kong paghanga sa kaniya. Hindi ko nga lang alam kung nahahalata niya rin ba iyon sa tuwing nagkakasalamuha kaming dalawa.NAPAGPASYAHAN na lang namin nina Maggi na pumasok na sa loob ng covered court at dito na lang maghintay. Aabutin pa siguro ng mga kalahating oras bago pa ulit makabalik dito ang mga nagparada.Habang wala pa'ng mga tao, nanghiram muna ako ng bola ng basketball sa katiwala rito. Kilala na rin naman ako nito, sapagkat kabilang din ako sa mga manlalaro ng Women’s Basketball Team ng baranggay namin. At hindi naman sa pagmamayabang, ako na yata ang maituturing na isa sa mga kilalang manlalaro dito sa aming lugar. Ang lakas daw kasing makahatak ng sex appeal ko, hindi lang sa mga lalaki kun'di maging sa mga katulad ko ring babae.Ewan ko ba sa mga 'yon? Akala kasi nila ay isa rin akong tomboy, katulad ng ibang mga ka-team ko.Palibhasa, nasanay na ako na palaging nakamaluwag na tshirt at mahabang shorts ang suot, kaya siguro ganoon na ang naging tingin nila sa akin.“Malapit na ang pasukan, Cindy,” saad ni Maggi sa akin. Nakaupo sila ng iba pa naming kasama sa may stage habang ako naman ay nasa gitna ng court at abala sa pagdidribol ng bola.“Oo nga, eh. Excited ka na rin ba?” sagot ko. Huminto ako sa ginagawa at ibinaling ang tingin kay Maggi. “Kasi ako, sobrang excited na! Biruin mo, college girls na tayo, Maggs! Sa totoo lang, hanggang ngayon, hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ang isang hamak na katulad ko ay makakapag-aral sa sikat na University ng Saint Clare.”Masaya akong lumapit sa kaniya matapos kong mai-shoot ang bola sa ring. “Mabuti na lang talaga at nakapasa ako sa ginawang try-out para makasali sa varsity team ng Saint Clare. Automatic full scholarship na ang makukuha ko para sa buong taon. Malaking tulong na rin iyon kina mama at papa kahit papaano,” mahabang litanya ko.“Deserved mo iyon, Cindy,” sagot ni Maggi. “Isa pa, magaling ka naman kasi talaga mag-basketball kaya tiwala kami na makukuha ka sa varsity team. Lalo na si Kuya Miguel. Alam mo bang bilib na bilib sa'yo iyong baliw na iyon!”Biglang lumapad ang ngiti sa labi ko nang marinig ang pangalan ni Miguel. At ano raw? Tama ba ang pagkakaintindi ko sa sinabi ni Maggi? Na humahanga sa akin ang kuya niya? My god!“T-talaga ba, Maggs? Bilib sa akin si Kuya Miguel? Paano mo naman nasabi?” Maang-maangang tanong ko sa kaniya. Pero ang totoo, nagtatatalon na ang puso ko dahil sa sobrang tuwa!“Oo, 'no! Madalas ka ngang ibida non, sa tuwing nagkukuwentuhan kami. Inaasar pa nga ako, bakit hindi raw ako naging katulad mo. Eh, ‘di sana raw may ka-bonding din siyang kapatid sa tuwing maglalaro siya sa court. Iyong parang kayo ng mga kapatid mo. Oh, ‘di ba? Hindi halatang inggitero.”Napahalakhak si Maggi sa huling sinabi niya, habang unti-unti namang natutunaw ang ngiti ko sa labi. Kinilig na ako nang bongga sa unang sinabi niya, na akala ko, crush din ako ni Migs. Tapos, biglang ganoon? Gusto lang pala nito na may makalarong kapatid sa tuwing nandito siya sa court! Kaloka!DINIG na mula rito ang tunog na nanggagaling sa drum and lire group na nangunguna sa parada. Mga ilang street na lang siguro bago sila tuluyang makabalik dito sa court.Unti-unti na ring dumadami ang pumapasok na mga tao sa loob ng covered court upang matunghayan ang magaganap na programa mamaya.Hanggang sa magkakasunod nang dumating ang mga team na kalahok sa liga. Una munang pumasok ang mga nasa Kids Division. Sunod ay ang mga Midget, pangatlo ang Junior at panghuli na ang mga kasali sa Senior Division.Sinuklay ko ng daliri ang may kahabaan kong buhok at bahagyang binasa ng laway ang aking labi. Sa wakas! Masisilayan ko na ulit si Miguel!Ngunit ang nakita ko ay taliwas sa inaasahan ko. Ang excitement na nararamdaman ko kani-kanina lang ay mabilis na naglaho. Tila may kung anong mabigat na bagay ang dumagan sa aking dibdib nang masilayan ko si Miguel na sweet na sweet na inaalalayan ang Muse ng team nila na si Cassy.Alam kong hindi nakaligtas kay Maggi ang biglaang pagbabago ng reaksyon ko. Idagdag pa ang mga malalakas na hiyawan at kantiyawan na namamayani ngayon sa loob ng covered court na siyang lalong ikinakaba ko.Naging bulung-bulungan na rin dati, na nililigawan ni Migs si Cassy at batid ko ang tungkol sa bagay na iyon. Pero hindi ko akalain na aabot sila sa ganito dahil sa pagkakaalam ko, inihinto niya ang ginagawang panliligaw noon kay Cassy, sapagkat umaaligid din sa babaeng iyon ang anak ng aming Alkalde.Kaya bakit ganito? Bakit sila may paganito?Hindi ako hipokrita at lalong hindi tanga para hindi maunawaan ang mga pinatutungkulan ng mga kinikilig na hiyawan na iyon.Ngunit, ang isa sa pinaka-hindi ko inaasahan ay ang mga susunod na gagawin ni Miguel.Hinawakan nito ang isang kamay ni Cassy at iginiya niya sa pinakagitna ng court. Kapwa hindi maitatago ang kislap na makikita sa kanilang mga mata habang tinutunton ang daan patungo roon.Samantalang ang mga taong nakapaligid, kabilang na ako ay sa kanila lamang nakatutok ang tingin— naghihintay sa mga susunod pa na mangyayari.Lumakad si Miguel sa may gawi ng nakatayong Emcee. Iniabot ng Emcee ang mikropono sa kaniya pagkatapos nang saglit nilang pag-uusap. Muling naglakad si Migs pabalik sa naghihintay na si Cassy.Huwag… huwag mong gawin iyan… pakiusap! Sigaw ng isipan ko, nananalangin, na sana ay makarating sa kaniya ang lihim na hinagpis ko.Napatutop ako sa aking bibig habang malalalim na ang ginagawang paghinga, nang umpisahan nang iluhod ni Miguel ang isa niyang tuhod at nakatingalang pinagmamasdan ang naguguluhang si Cassy. Hindi rin maitago ang pagkakilig na mababanaag sa kaniyang maamong mukha.Itinapat ni Miguel ang hawak na mikropono sa harapan ng kaniyang bibig. Ang sumunod na mga salitang binitiwan niya ay nagmistula namang sumpa sa aking pandinig.“Alam kong naging mabilis sa atin ang lahat. But, Cassy… the first time I saw you, I know that you are the one. I can’t stop thinking about you. Being with you makes me incredibly happy. So, please, baby, be my girl.”Otomatiko nang naglandasan ang mga luha sa aking pisngi, hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Halos mabingi na ako sa lakas ng hiyawang bumabalot ngayon sa paligid ko.Joke ba ito? Kasi kung joke ito, ako na siguro ang pinakamalakas na hahalakhak, eh. Ngunit hindi... hindi na maikakaila ng puso ko ang labis na pagkabigo na tinamo nito.“Cindy…” mahinang tawag sa akin ni Maggi.Idinantay niya ang isa niyang palad sa may likuran ko. Dama ko ang ginagawa niyang paghaplos dito na tila nakikisimpatya sa pagkasawing nararamdaman ko.Ni hindi na ako nag-abala pang lingunin si Maggi. Wala na akong lakas para matagalan pa ang nasasaksihan ngayon, sapagkat unti-unti na nitong pinapatay ang puso ko.Nagawa ko pang makapagpaalam sa kaniya bago ko tuluyang naitalikod ang sarili. Mabibilis na mga hakbang ang ginawa ko, makalabas lang sa lugar na ito.DERETSO akong pumasok sa aking kuwarto pagkarating ko sa bahay namin.Umiiyak akong tumayo sa harapan ng aking salamin. Hindi na maitatago ang labis na pamamaga ng singkit kong mga mata, habang walang humpay na pagsinghot naman ang ginagawa ng namumula kong ilong.Hindi sinasadyang napadapo ang aking tingin sa malaking gunting na nakapatong lang sa may estante.Lumapit ako roon at kinuha iyon. Muli akong naglakad pabalik sa harapan ng parihabang salamin.Iniyuko ko ang aking ulo at tinalian nang mahigpit ang nakalugay kong buhok. Muli kong kinuha ang gunting at walang pakundangang ginupit ang walang kamuang-muang kong buhok.Isinagad ko ang pagputol hanggang sa pinakadulo ng ponytail ko. Kusang nahulog ang tali sa lapag, kasabay nang pagkalaglag ng pinakahuling hibla ng buhok na ginupit ko. Muli akong tumitig sa harapan ng salamin at tiningnan ang kinalabasan ng ginawa ko. Sobrang igsi na ng buhok ko at ang layo na mula sa orihinal na hitsura nito. Pinunasan ko ang huling luhang dumaloy sa aking pisngi, sabay sambit ng magiging panata ko sa aking sarili,"Ayoko nang magmahal kung hindi rin lang ikaw."SYD NARAMDAMAN ko na lang ang pag-angat ko, dahil sa ginawang pag-buhat sa akin ni Yuan. Yumakap ako sa kaniyang leeg at otomatikong pumaikot ang aking mga binti, sa kaniyang baywang. Trumiple ang aking kaba, lalo na nang dumantay ang mainit, nakaumbok at tigas na tigas niya na ngayong sandata, sa ibabaw ng aking pagkababae. Nagsimula siyang maglakad. Halos kapusin ako sa paghinga, nang idinikit niya pa nang husto ang aking katawan sa kaniya. Naramdaman ko ang pagkislot ng kaniyang alaga, nang pasimple niya pa itong ikiniskis sa ari ko. Nanayong bigla ang balahibo ko, sa ginawang ‘yon ni Yuan. Hinaplos ko ang pisngi niya. Isang ngiti ang iginanti niya sa akin. Hindi ko alam, pero parang may kakaiba sa ngiti niyang iyon, na dumagdag sa pagkakaba na aking nararamdaman. Hindi napatid ang pagtitinginan naming dalawa, hanggang sa marating namin ang malaking sectional sofa, na nasa pinaka-gitna nitong Penthouse— maingat niya akong ibinaba rito. Nanatiling nakatayo si Yuan, sa harapan
SYD “AMININ mo… na-wow mali ka ro’n, ‘no?!” pang-aasar ko kay Yuan. Dito ko na sa labas ibinuhos ang kanina ko pang tinitimping pagtawa. Matalim na tingin ang ipinukol niya sa akin. Lalo ko tuloy siyang pinag-tawanan, dahil sa nakikita kong hitsura niya. “Tsss… nakakatawa— Ha!... Ha!” sarkastikong turan niya. Huminto ako sa gilid ng kaniyang sasakyan, kung saan naroroon ang passenger seat. Siya naman ay nakatayo lang at nakamasid sa akin. Hinihintay ko siyang pagbuksan ako, pero mukhang wala siyang planong gawin ‘yon. Ipinagsawalang bahala ko na lamang, dahil mukhang wala na naman siya sa mood, kaya ako na ang nagkusang nagbukas, sa pinto ng kotse niya. Natigilan ako at nasorpresa sa nakita. Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kaniya, pati na rin sa panibagong malaking kumpol ng bulaklak ng mga puting Rosas, na nasa ibabaw ng passenger seat, na uupuan ko. “Yuan…” “So, Yuan na lang ulit ngayon, gano’n?” Sus! Tamporurot na naman ang loko! “Okay… babe.” Halos labas sa ilong na pa
SYD Official?… yes, we are now official!— boyfriend ko na si Yuan at girlfriend niya na ‘ko. Shocks! Totoo na ba ‘to? O baka nabibigla lang ako? May feelings na rin ba ‘ko sa kaniya? O baka naman attracted pa lang ako? Nagselos na nga ako ‘di ba? ‘Di ko pa rin ba masasabing ‘in love’ na ako, sa lagay na ‘to? Basta’t ang alam ko, nasanay na ako sa presensya ni Yuan. Kakaibang saya ang nararamdaman ko, sa tuwing nakikita siya. Panatag ako, kapag alam kong nasa paligid ko lang siya. Nakukumpleto niya ang araw ko, marinig ko pa lang ang boses niya, higit lalo na kapag nasilayan ko pa ang magaganda niyang ngiti, sa kabila ng mga pang-aasar na ginagawa ko sa kaniya. Teka… signs na ‘yon ng in love, ‘di ba? Hindi kaya… in love na nga talaga ‘ko sa kaniya?! Kung gano’n… ibig sabihin… nakalaya na ako sa nararamdaman ko kay Miguel? Maigi kong ninanamnam ang sandali namin ni Yuan, nang nakaganito — nakahilig ako sa kaniyang balikat, habang nakayakap sa isang braso niya. Ang sarap lang s
SYD “YOU hear me, right? You’re gon’na sleep with ME. It’s getting too late, so, let’s go,” masungit na saad ni Yuan. Tatalikod na sana siya, nang muli akong magsalita upang tumanggi sa nais niya. “P-pero, Yuan, okay na ‘ko ritong kasama sina Miss Roxy at Dhar. I-isa pa…” “Naipag-paalam na kita sa inyo.” “A-ano?...” H’wag n’ya sabihing, galing na siya sa ‘min?! “Ano na lang sasabihin nila Mama’t Papa, kapag nalaman nilang hindi kita nasundo sa pesteng bar na ‘yon?!” Tumiim ang bagang ni Yuan. Kita ko sa mga mata niya ang tinitimping inis— sa akin? “Pero…” Hindi ko na naituloy ang sasabihin, pagkakita sa seryosong awra niya. Maaaninag sa kaniya ang determinasyong mapasunod ako. Iniwas ko ang mga mata ko. Wala na akong nagawa, kun ‘di ang tumango sa kaniya. Sinamahan pa kami ni Dhar, hanggang sa labas ng suite. Naunang naglakad si Yuan, sa ‘kin. Hindi niya man lang muna ako hinintay matapos makapag-paalam kay Dhar. Huminto siya sa tapat ng elevator at pumindot sa button
SYDNilapitan ako ng mga kasama ko, na tila mga nahimasmasan sa nangyari. Naramdaman ko ang paglapat ng palad ni Dhar sa likod ko at ang pagkapit naman ni Misty, sa magkabilang braso ko. Naririnig ko ang pagtatalak at panggigigil nina Miss Roxy, Arianne at Bria sa aroganteng foreigner, pero hindi ko na ‘yon inintindi pa.“Are you all right, Miss? May masakit ba sa’yo? or what?” Nasa state of shock pa rin ako sa mga sumandaling ito, kaya hindi ko magawang makasagot sa lalaki. Maka-ilang beses ko lang naitango ang aking ulo, bilang naging tugon ko, sa kaniya.“Thank you so much, sa pag-rescue sa kaibigan namin, sir! Naku!... kun ’di dahil sa inyo, malamang na—”“Leon! What the hell are you doi’n?! Let’s go!”Naantala ang pagsasalita ni Dhar, dahil sa boses na ‘yon ng isang babae. Sabay-sabay kaming napalingon sa kaniya. Matangkad ito— balingkinitan, ngunit kapansin-pansin ang magandang pagkakakurba ng katawan. Tinumbok nito ang kinaroroonan ng lalaking tumulong sa akin. Napatingin ako
NILASAP ko ang lamig ng tubig na inihilamos ko, sa aking mukha. Medyo nawala ang amats ko at nakaramdam ng kaginhawahan, dahil sa ginawa kong iyon. Hinayaan ko lang umagos at kusang matuyo ang mga butil-butil na tubig, na nagkalat sa aking balat. Mariin kong nakagat ang ibabang labi, nang maalalang muli ang imahe ni Yuan, habang may nakayapos na babae sa kaniya. Suminghap ako, habang maiging pinagmamasdan ang repleksyon ko, sa malapad na salamin, na nasa harapan ko. Sinipat ko ang kabuuan ko. Sa buong buhay ko, mukhang ngayon lang yata ako nakaramdam ng insecurity sa sarili. Aaminin ko, na walang wala itong hitsura at porma ko, kung ikukumpara sa mala-modelong tindig ng kasama niya. Ayokong lamunin ng negativity, na unti-unti nang nabubuo sa utak ko. Ayokong mag-over think. Ayoko siyang pagdudahan, lalung lalo na, ang pag-isipan siya ng kung anu-ano. Hindi ako dapat magpadala, sa bugso ng damdamin. Ang babaw naman kasi, kung pagbabasehan ko lang ang naka-upload na photo na ‘yon.