Share

Chapter 34 Ligaw-Paalam

SYD

NANDITO kaninang umaga si Yuan, pero hindi rin siya nag-stay ng matagal dahil may panibagong meeting na naman siyang a-attend-an ngayong araw. Imbes na ako, ang pinsan niyang si Sir Resty ang isinama niya roon.

"Bakit malungkot ang beshy ko!?"

Napaangat ang tingin ko sa nakangiting si Miss Roxy.

"Mukhang ang lalim ng iniisip natin, ah?" dugtong niya.

Grabe! Ganoon ba ako ka-focus sa ginagawa at ni hindi ko man lang napansin na nakapangalumbaba na pala siya ngayon sa harapan ko?

Napakamot tuloy ako sa aking noo. "Hindi naman po, ma'am. Busy lang." Kahit na napipilitan ay sinubukan ko pa ring gantihan ang magandang ngiting iginawad niya sa akin.

Umayos na ng tayo si Miss Roxanne. Sinundan ko siya nang tingin nang tumungo na s'ya sa office table ni Yuan at inilagay sa ibabaw no'n ang mga hawak na folders.

"Payday na sa makalawa, bhe! Sama ka sa amin," masiglang aya niya, pagkabalik niya sa puwesto ko.

Saglit ko siyang sinulyapan, pagkatapos ay ibinalik ko rin agad ang tingin sa s
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status