SYDNakasuot siya ng black long-sleeve polo, na itinupi ng hanggang siko ang manggas, itim na pantalon at black leather shoes, na pwede na yatang manalamin dahil sa sobrang kintab ng mga ito.Sa likod niya ay isang bilog na mesa na nababalutan ng puting tela. Sa magkabilaan no’n ay mayroong dalawang gold steel na upuan, na tanging sa mga catering services ko lamang nakikita. Sa ibabaw naman at mayroong nakasinding dalawang kandila, isang bote ng mamahaling red wine, wine glasses, mga kulay gintong kubyertos at puting pinggan.Tumalikod siya. Pagkaharap niya ay may bitbit na siyang malaking bouquet ng puting Stargazer!Natulala ako. Gulat at sorpresa ang nararamdaman ko sa mga sumandaling ito.Ang bilis-bilis ngayon ng tibok ng puso ko!Humakbang na siya, palapit sa akin. Unti-unti nang rumerehistro sa ilong ko ang mabango niyang amoy. “Good evening, my princess. For you...” mabini niyang sambit. Inilahad niya ang hawak na bulaklak. Mas malaki at mas bongga ito, kumpara sa ibinigay niy
SYD Destined to be mine, raw?! E’di wow! Nasobrahan naman yata sa kumpiyansa itong taong ‘to! Ni hindi nga siya sigurado kung mapapa-oo niya ‘ko, tapos, ganon na agad ang kakanain niya? “Ganyan ka ba talaga? Masyado kang advance mag-isip.” Tatawa-tawa pa ako habang sinasabi iyon sa kaniya. Samantalang siya, ni hindi man lang nagbago ang seryoso niyang mukha. Medyo nahiya tuloy ako, kaya’t nagbaba ako ng tingin. Hindi na lang din ako umimik pa. Inihilig ko ulit ang aking ulo sa malapad na dibdib ni Yuan. Muli kong naramdaman ang malalakas na tibok ng puso niya, gayun din ang mabibigat niyang paghinga. Napangiti na naman ako dahil doon. Ang sarap makulong sa kaniyang mga bisig. Iyong tipong ipinapadama ng mga ito ‘yong assurance na safe ako sa piling niya. Na wala ni sino man ang maaaring makapanakit at makaagaw sa’kin, sa kaniya. Ang natural na init na nagmula sa kaniyang katawan ay unti-unti nang nagbibigay sa akin ng kakaibang sensasyon— nakakadarang… nakakapanghina. Ngayon ko
SYDWALA naman akong balak na patagalin ang paghalik na gagawin ko sa kaniya. Ilang segundo lamang ang pinalipas ko at inilayo ko na rin agad ang mga labi ko, sa kaniya.Saka ko lang nasilayan ang hitsura ni Yuan, nang tuluyan ko nang nadistansiya ang sarili, sa kaniya. Nakatulala siya sa akin. Parang hindi makapaniwala sa nangyari.“You kissed me?” manghang saad niya. Uminit ang mukha ko sa pagkapahiya. Mali yata ang ginawa ko— maling-mali! Gusto ko mang pagalitan ang sarili, ngunit huli na— nagawa ko na. Hindi naman siguro big deal sa kaniya ‘yong ginawa ko. Ni hindi nga yata iyon matatawag na kiss, eh. Sinayad ko lang naman ‘tong nguso ko sa kaniya. Ano ba naman ‘yon, kumpara sa mga naranasan niya?Mula sa pagkakaumang ng bibig, unti-unting nabuo ang maganda niyang ngiting umabot na yata hanggang tainga.Alanganin kong ginantihan ang kaniyang ngiti. Iniyuko ko ang aking ulo sapagkat hindi ko matagalan ang mga tingin niya.Pero ang mas ikinaloka ko ay ang mga sumunod pang sinabi ni
SYD Nandito na kami sa labas at nakatayo sa tapat ng kotse ni Yuan. Sumulyap ako sa amin, upang alamin kung walang nakasilip sa kahit na isang miyembro ng pamilya ko. Nang masigurong wala nga, ibinalik kong muli ang matalim at nagbabaga kong tingin sa kaniya, sabay unday nang malakas na suntok sa kaniyang sikmura. “Argh! Babe! Ang sakit! What was that for?” gulat na reklamo niya, habang hinihimas ang bahaging sinuntok ko. “Talagang masasaktan ka sa’king, baliw ka!” sabay umbag ulit sa kaniya. Dito ko planong ituloy ang extension ng gigil ko sa kaniya. “Ouch! Nakadalawa ka na, ha!” Halatang iniinda na ni Yuan ang ginawa ko, dahil nakangiwi na ngayon ang mukha niya. “Akala mo nakalimutan ko na ‘yong ginawa mo, ha! Para ‘yan sa panghihipo mo sa’king, maniyak ka!” “Pero nasampal mo na ‘ko kanina, ‘di ba?! Tingnan mo nga ‘tong pisngi ko, oh, may bakat pa ng kamay mo,” nakangusong maktol niya. Aba’t nagawa pa talagang magpa-cute ng mokong. Akala niya naman, uubra ‘yon. “Kulang pa ‘y
SYD Pinag-isipan kong mabuti ang ipinakiusap niya sa akin noong gabing ‘yon. Ngunit, hindi ko talaga alam, kung bakit sa kabila ng mga ipinagtapat ni Yuan ay hindi ko pa rin talaga magawang maniwala sa kaniya— para kasing may pumipigil, na hindi ko mawari kung ano. Kaya ang ending, sasakyan ko na lang muna, sa ngayon, kung ano man ang trip ng lalaking ‘yon. May bakas nga nang panghihinayang sa mukha ni mama, no’ng sabihin ko sa kanila na hindi ko pa naman talaga officially sinagot si Yuan. Boto pa naman sana silang lahat sa kaniya. Sino ba naman kasi’ng hindi, ‘di ba? Oo nga’t nasa kaniya na ang lahat ng mga magagandang katangian na hinahanap ng isang babae, sa lalaki. Isa siyang perfect boyfriend material— matalino, guwapo, perpektong hubog ng katawan na talaga namang kababaliwan ng mga kabaklaan at kababaihan. Higit sa lahat, mayaman. Plus points pa na may respeto sa mga nakatatanda at mapagkawang-gawa sa mga nangangailangan. Ngunit, sapat na ba ang mga katangian niyang ‘yon pa
SYD NAGAGANAP ngayon ang championship game ng Inter-Barangay Women’s Basketball Summer League sa aming lugar. Halos hindi mahulugang karayom ang loob at labas ng covered court dahil sa dami ng mga taong nanonood. Kaniya-kaniyang pusta. Kaniya-kaniyang sinusuportahang kuponan. At siyempre, hindi mawawala ang mga diehard na fans. Halos mapatiran na nga sila ng litid sa leeg, basta mai-cheer lang ang mga manlalarong hinahangaan. “Tumira ng tres... pasok! NUMBER 14, Santos! Three points!” Kasunod na ay ang mga nakakabinging hiyawan mula sa mga taong nanonood. Sinabayan pa nang napakalakas na pagdagundong ng tambol, na sinadya pa talagang dalhin sa loob ng mga sira-ulo kong katropa. Talaga namang nakakabuhay ng dugo ang naging mainit na pagsalubong sa akin ng mga kabaranggay ko. Na-miss ko talaga ang pakiramdam nang kakaibang adrenaline rush na ito— sobra! Halos limang taon din kasi akong namalagi sa probinsya ng Ilocos Sur, simula noong kupkupin ako ng bunsong kapatid na babae n
SYD TILA huminto sa paglakad ang oras nang muling magtama ang aming paningin. Hindi ako agad nakahupa. Mabilis na naglakad si Miguel papunta sa direksyon ko at isang napakatamis na ngiti ang isinalubong sa akin. “Kumusta ka na, Cinderella? Lalo ka yatang gumawapo ngayon, ah!” biro niya sa akin. Ito ang unang beses na muli kong narinig ang baritono niyang boses mula sa napakahabang panahon na hindi ko siya nakita. Sinubukan kong inormal ang tila abnormal na pagkakatibok ngayon ng puso ko. Kung anong angas ko sa pagsagot kanina kay Kuya Lemy ay siya namang lambot ko kay Miguel. “H-hindi naman masyado, Kuya Migs. Medyo lang.” Gusto kong batukan ang sarili. Bakit ba kasi pagdating sa kaniya, talagang tumitiklop ako? Hindi ko na namalayan na nasa gilid ko na pala si Miguel at seryoso nang nakatunghay sa akin. Napayuko ako. Nakaramdam ako nang pagkailang dahil sa tila nakapapaso niyang mga tingin sa akin. Nabigla ako nang walang sabi-sabi niya akong iniharap sa gawi niya. Ilang bes
SYD NAUNA nang magpaalam ang mga ka-team ko matapos ng ilang oras naming pahinga at makuwelang pagkukuwentuhan. Naiwan namang nagkakasiyahan sa loob ang mga kuya ko kasama ang ilan pa nilang mga katropa. Panigurado, na aabutan na naman sila ng pagtilaok ng manok bago matapos ang pag-iinuman nila. Welcome naman sa bahay ang lahat ng mga kaibigan namin, mapababae man ito o lalaki. Mas pabor nga ito kina mama at papa dahil katuwiran nila, hindi na raw kami ang lalayo para lang makidayo pa sa ibang lugar. Mas mapapanatag daw ang kalooban nila kapag alam nilang nasa bahay lang kami o ‘di naman kaya ay nandito lang sa malapit. Iwas trouble, kumbaga, lalo na at puro barako ang mga anak nila. Mas pinili ko na lang muna mag-stay sa ilalim ng punong mangga na nasa loob ng aming bakuran. Mayroon ditong ikinabit si papa na duyan na gawa sa lubid at makapal na kahoy ng Narra, na nagsisilbi naman nitong upuan. Bukod sa rooftop, isa rin talaga ito sa mga favorite spot ko sa tuwing gusto kong map