Share

Chapter 33 Paglimot

SYD

"Oh, napatawag ka?" bungad ko nang tanggapin ko ang video call request ni Yuan.

"Kanina pa kita tinatawagan, bakit 'di mo sinasagot?" Nakakunot-noong tanong niya. Mukhang nakalagay sa tripod ang cellphone niya, dahil abala pa rin siya sa pag-aayos sa sarili habang nakikipag-usap sa akin. Nagsalubong pa lalo ang kaniyang kilay, nang mapansin ang background ng kinaroroonan ko.

"Teka, wala ka sa inyo? Nasa court ka? 'Di ba't ang sabi ko, magpahinga ka? Ang tigas talaga ng ulo mo," sermon niya.

Hindi ko mapigilang matawa sa naging reaksyon ni Yuan. Dinaig niya pa kasi ang papa ko kung makapanermon sa akin.

"G na g yarn?" pang-aasar ko. Tanging matalim na tingin lang ang iginanti niya.

"Mabuti at nakauwi ka kaagad?" Panlilihis ko na lang sa usapan.

Bumuntong-hininga s'ya at iiling-iling na muling ipinagpatuloy ang ginagawa. "Dito ako dumiretso sa penthouse ko, sa AGC. Wala namang traffic kanina kaya nakarating ako agad."

"Wow! May penthouse ka pala riyan? Bakit ngayon mo lang nasabi?
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Erica Madlangsakay
Sorry po sa kagustuhan lang pong malaman kung ano po mangyayari sa dalawang bida. kaya medyo parang feeling ko matagal po. ...
goodnovel comment avatar
Erica Madlangsakay
wala pa pong ud ms.A?
goodnovel comment avatar
latebloomer
paano pong maraming paligoy-ligoy? hindi po ako maglalagay ng mga scenes dito na hindi connected sa story. Series po ang story na ito kaya may mga scenes po na tingin ninyo na hindi dapat kasali, like kay Edward, Maggi and Callex. Maraming salamat po at pinagtiyagaan niyo pa rin ito basahin. ...️
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status