Share

Chapter 7 Elevator

SYD

“Hija, sandali!” sigaw na nakapagpatigil sa sana’y pagtawid ko. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses.

“Bakit n’yo pa ho ako hinabol, sir? May kailangan pa po ba kayo?” nagtatakang tanong ko sa security guard ng AGC.

“Oo, hija,” saad niya habang hinihingal na huminto sa harapan ko. “Pinapunta ni Miss Mary ‘yong isang staff na taga-HR. Hinahanap ka. Mabuti na lang at naabutan pa kita rito. Halika na at nang makapasok ka na sa loob,” balita ni manong guard sa akin.

Napangiti ako. Siyempre, hindi na ako nagdalawang isip pa na sumunod kay kuya guard. Muli akong nakakita nang katiting na pag-asa. Ano’ng malay ko, baka sakaling maawa sa akin ‘yong may-ari at i-hire pa rin ako kahit hindi naman talaga ako qualified sa posisyon.

Pinatuloy na ako sa loob ng guard matapos kong makapirma sa logbook. Tulad ng ibinilin niya sa akin, dumiretso na ako sa may information desks kung saan naghihintay ‘yong pinapunta ni Miss Mary para sunduin ako.

Mabilis na nahagilap ng mga mata ko ang tinutukoy
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status