Share

Chapter 2

Author: Angel
last update Last Updated: 2025-10-28 13:50:12

"Good evening, Miss," bati ng isang katulong namin. Kakauwi ko lang pagkatapos naming gumala ni Cyril. Dahil naging pakiramdam ko kanina naging balisa na ako, inaya niya akong mag-hangout sa mall kaya ginabi na ako sa pag-uwi. "Good evening din. Nandito na po ba si Mama?" tanong ko dito at umupo muna sa couch dahil nangalay ang paa ko kakalakad.

"Hindi pa, Miss eh," tumango-tango na lang ako at tumambay muna dito sa couch. Kinuha ko ang cellphone ko sa pocket ng bag ko para tawagan si Mama, pero hindi niya sinasagot kaya nag-send na lang ako ng message, asking if she'll go home tonight, dahil malapit na rin mag-9 ng gabi.

Fast-forward.

Almost 12 midnight na, wala pa rin si Mama. Hindi rin nagre-reply sa message ko, even sa calls ko. Nang hindi ko na makaya ang antok ko, natulog na lang ako.

Kinabukasan.

Bumangon agad ako para sana makausap sana si Mama para sabihin sa kanya yung mga nararamdaman ko about kahapon pero umalis na raw ito. Kinaumagahan na rin siya umuwi, naligo lang tas umalis daw ulit.

Kaya nag-aalmusal akong mag-isa at tinext si Cyril kung pwede muna siyang pumunta dito, at pumayag naman dahil wala rin naman kaming gagawin today since it's Saturday.

Fast-forward.

"Anong problema mo at pinapunta mo pa ako dito?" bungad agad nito nang makapasok dito sa kwarto ko. "Si Mama," maikli kong sagot at bumangon sa pagkahilata sa bed ko.

"Oh, anong nangyari kay Tita?" pasimpleng tanong nito at lumapit sa ref para kumuha ng ice cream. Galawan talaga ng isang Cyril eh. "Umuwi kagabi, kinaumagahan na, tas... umalis din agad, naligo lang daw," tumayo ako para kumuha na rin ng ice cream. I have a lot of stocks of vanilla ice cream in my fridge since it was my favorite flavor.

"Baka nag-overtime lang," sagot nito. "Overtime? Tapos hindi man lang ako ina-update?" Actually, ngayon lang nangyari 'yan sa tinagal-tagal mag-work ni Mama sa kompanya na 'yun kung saan agency namin. Mabait rin yung mga owner nun na na-meet namin once nung nag-first launching ang Valorin Clothing.

"Ang OA mo, teh. Hayaan mo na, baka ngayon lang 'yan," usal naman nito habang sunod-sunod ang subo ng ice cream. Hmmp, para namang mauubusan 'to.

"Baka nga. Teka, may alam ka ba kung sino yung pupunta this Friday?"

"Wala eh, pero siyempre matik na 'yun na may ibang artista, 'no? At teka, oo nga pala... pupunta raw yung sikat na fashionista dito from Paris at kukuha raw siya ng isa sa atin and dadalhin niya para i-train at gagawing professional model," kwento nito. Hindi ko na inisip yung sinabi niya dahil hindi naman ako interesado. "And I'm sure ikaw 'yun, teh," dagdag nito at tinapon sa basurahan ang pinaglamnan ng ice cream.

"Hindi natin alam. Parang hindi ko kayang iwan yung mga students ko," pakiramdam ko nalulungkot na ako, kung mangyayari man 'yun.

"Studyanti mo pa talaga iniisip mo nu? lakas talaga ng trip mo phoebe" hindi ko na siya pinansin dahil nilamon na ng isip ko kung ano nangyayari kay mama at kung ano ang mangyayari sa launching on friday. "mas malakas kaya yung sahod sa iabng bansa compare dito" dagdag nito.

"Mas malaki nga, pero hindi ko naman kaya iwan si mama no" sagot ko dito, mahal ko kaya si mama.. lahat kaya kung gawin para lang sa kanya."bat naluluha kana jan? parang sure kang ikaw talaga mapipili no?" tawang-tawang tanong nito, inismiran ko nalang siya at kinuha ang laptop ko, ngunit sinara ko rn yun ng wala rn akung maisipan gawin.

"Estudyante mo pa talaga iniisip mo, 'no? Lakas talaga ng trip mo, Phoebe!" Hindi ko na siya pinansin dahil nilamon na ng isip ko kung ano'ng nangyayari kay Mama at kung ano ang mangyayari sa launching on Friday. "Mas malakas kaya yung sahod sa ibang bansa compare dito," dagdag nito.

"Mas malaki nga, pero hindi ko naman kaya iwan si Mama, 'no!" sagot ko dito. Mahal ko kaya si Mama... lahat kaya kong gawin para lang sa kanya. "Ba't naluluha ka na diyan? Parang sure kang ikaw talaga mapipili, 'no?" tawang-tawang tanong nito. Inismiran ko na lang siya at kinuha ang laptop ko, ngunit sinara ko rin 'yun nang wala rin akong maisipan gawin.

"Ano ba kasi 'yang iniisip mo, Phoebe, at balisang-balisa ka diyan? Kahapon ka pa! Ikwento mo na lang kasi 'yan. Akala mo naman ipagkakalat ko," usal nito at umupo sa edge ng bed ko kung saan nakaharap dito sa study table ko kung saan ako naka-upo.

Kailangan ko na rin atang ikwento 'to sa kanya. "Para kasing kinakabahan ako na iwan, di ko rin alam kung bakit... basta kinakabahan lang ako," usal ko dito. "Pfft, baka nababalisa ka lang dahil nainggit ka kahapon sa estudyante mong nag-PDA sa harap natin," natatawang usal nito. Sinamaan ko siya ng tingin at binato ng pillow. Tumawa lang ito nang masalo niya at hinigaan. "Wag mo na masyadong isipin, problemahin mo na lang pag-andiyan na," dagdag nito. Napabuntong-hininga na lang ako sa sinabi niya. "Napakagaling mo talaga... super," sarcastic kong usal dito.

"Syempre ako pa, best friend mo ako eh," proud niya pang sabi. Napailing na lang ako at pinatong ang ulo ko sa dalawang kamay kong nakalapag sa mesa. Parang nauubos yung energy ko sa kakaisip ng mga bagay-bagay na hindi ko alam kung worth it ba pag-isipan 'yun.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Secret Mafia Regrets : His Charming Unwanted Bride's   Chapter 14

    Sinalubong ako ng kaba habang pinaghahandaan ang sarili sa kung ano mang naghihintay sa likod ng pintuan. Dapat handa ang bawat hibla ng aking kalamnan.Pinihit ko ang doorknob at agad na binuksan iyon. Sumalubong sa akin ang busangot na mukha ni Cyril.Kumunot ang noo ko. "Anong problema mo?" tanong ko, senenyasan siyang pumasok sa kwarto. Nakatayo pa rin siya sa labas ng pintuan kahit narating ko na ang paanan ng aking kama."Ano pa'ng ginagawa mo diyan? Halika na!" asik ko.Umiling lang siya, ayaw gumalaw. Inis akong bumalik sa kanya at hinila siya papasok, ngunit mas malakas ang hila niya palabas."T-teka, aray!" bawi ko sa aking kamay at hinampas ang kanya."Ano ba?!" inis kong tanong. "Doon tayo sa loob? Baka may makarinig sa usapan natin, ewan ko na lang," sabi ko at akmang papasok sa kwarto nang hilain niya ako deretso pababa ng hagdan."BALIW KA, CYRIL! MALALAGLAG TAYO! MAY ARAW KA TALAGA SA AKIN!" sigaw ko habang patakbo kaming bumababa sa hagdan."ANO BA?!" sigaw ko nang it

  • The Secret Mafia Regrets : His Charming Unwanted Bride's   Chapter 13

    Tatlong araw rin akong nagtagal sa bahay na walang gumugulo, at napagdesisyunan kong ituloy ang plano kong agawin si Slade kay Seraphina.Gusto kong makita siyang maging isang baliw na babae."Uuwi na po ba kayo, Ma'am?" tanong ni Yaya habang nagpupunas ng mga platong bagong hugas."Opo, pero baka babalik din ako mamaya," sagot ko."Ah, sige. Ayaw niyo bang magbaon ng ginataang pakbet?" Umiling ako. "Magdadala na lang po ako ng mga gulay dahil gusto ko ring ipagluto si Slade."Ngumiti siya sa akin at binitawan ang platong pinupunasan niya. "Ako na lang ang maghahanda ng mga gulay. Sandali lang," paalam niya at lumabas sa pintuan ng kusina, kung saan sa likuran ng bahay naroon ang sarisaring gulay na nakatanim.Hobi niya rin kasi ang magtanim ng mga gulay, dahil mas gusto raw niya na siya ang nagtatanim at nagpapataba para walang halong kahit anong kemikal.Napatingin ako sa cellphone kong nag-vibrate sa ibabaw ng mesa dahil inilapag ko lang doon kanina nang kumain kami.Inabot ko ito

  • The Secret Mafia Regrets : His Charming Unwanted Bride's   Chapter 12

    Napasimangot ako pagkatapos namin mag-usap ni Miss Zach—hindi ako pinayagan ni Slade na umalis ngayong araw. May pupuntahan daw kami,Family Gathering."Are you done?"Tiningnan ko siya sa salamin kung saan ako naka-upo, nakikita ko roon ang kanyang repleksyon. Nakatayo siya sa pintuan, ang dalawang kamay nasa magkabilang bulsa."Hindi pa," maikli kong sagot at nagpatuloy sa pagsuklay ng buhok."Kailangan na nating umalis—we're so late," ma-autoridad niyang usal.Bumuntong-hininga na lang ako at inilapag ang suklay sa mesa sa harap ko."Sige, antayin mo na lang ako sa sala," walang gana kong sabi at tumayo para tumungo sa banyo para mag-toothbrush.Tulad ng sinabi ko, umalis na siya, pagkatapos kong magsipilyo, hindi ko na siya nadatnan. Pumunta ako sa sala at nakita siyang prenteng naka-upo sa couch."Lets go," usal ko nang magkatapat na kami. Lumingon siya sa akin pero hindi man lang tumingin sa aking mga mata—agad itong umiwas at tumayo, naunang maglakad patungo sa labas ng bahay.

  • The Secret Mafia Regrets : His Charming Unwanted Bride's   Chapter 11

    "Jusq, Ma'am Belphoebe at Ma'am Seraphina, tama na po!" sigaw ng isang katulong, tila nagmamakaawa. Ramdam ko ang kanilang paghihiwalay, ang init ng alitan na halos sumunog sa paligid.Hawak ako ni Mang Berto, ang kanyang mga kamay ay tila pilit na sinusuway ang nagngangalit kong katawan. Sa kabilang banda, si Slade, kunot noong nakatingin sa akin, ang kanyang ekspresyon ay halo ng pagtataka at pagkadismaya. Napabaling ang tingin ko kay Seraphina. Ang dating maayos niyang buhok ay isa nang gusot na pugad, para siyang hinabol ng limang aso at ginulungan ng bente mula sa tuktok ng bundok pababa."What the f*ck is wrong with you?!" bulyaw ni Slade sa amin, ang kanyang boses ay naglalaman ng galit at pagkabigla. "Ugh," panimula ni Seraphina, nagpapaawa ang boses na tila isang anghel na nasaktan, "I just wanted to be friends with her... pero nagalit siya kasi asawa ka raw niya at hiwalayan daw kita. Sabi ko, ayaw ko dahil mahal kita at ako yung una at totoong girlfriend mo... kaya sinabunu

  • The Secret Mafia Regrets : His Charming Unwanted Bride's   Chapter 10

    Kinabukasan, bumalik ako sa mansion—sakay ng sarili kong kotse. Para kung sakaling atakihin ako ng pagka-drama queen at maisipang maglayas, handa na ang aking getaway car. Pagdating ko sa mansyon ng mga Medici, wala roon si Slade.’Siguro nag-out of town kasama ang jowa niya,’ bulong ko sa sarili ko. Dumiretso muna ako sa kusina para iwan ang mga groceries na pinamili ko—gagamitin ko mamaya sa pagluluto. Pagkatapos, nagtungo ako sa aking silid para magpalit ng damit. Magluluto ako ng almusal. Pagkababa ko, nakasalubong ko si Mang Berto na may bitbit na tasa. Mukhang nagkakape."Magandang umaga, Ma'am," magalang niyang bati."Belphoebe na lang po, Mang Berto. At nakakain na po ba kayo?" tanong ko habang papasok sa kusina."Hindi pa, Phoebe. Kakagising ko lang din kasi," sagot niya."Ah, kaya pala. Tara po, samahan niyo akong magluto," yaya ko sa kanya. Akmang kukuha ako ng kitchen knife nang pigilan niya ako. Nagtataka akong tumingin sa kanya, at ganun din siya sa akin. "May taga-pag

  • The Secret Mafia Regrets : His Charming Unwanted Bride's   Chapter 9

    Pagkatapos ng usapan namin ni Slade, agad akong nagtungo sa aking silid. Hindi ko maiwasang mapaisip,tila pinaghandaan talaga nila ang lahat. Punong-puno ng mga branded na damit at alahas ang closet.Walang pag-aalinlangan, kumuha ako ng damit-pantulog at nagtungo sa banyo. Maging ang mga gamit para sa katawan ay kumpleto rin. Pagkatapos kong magbihis, kinuha ko ang aking cellphone at lumabas ng silid. Ayaw kong manatili roon.Nagpahatid ako kay Mang Berto pauwi. Pagdating ko sa bahay, sumalubong sa akin si Yaya Maris."Magandang gabi, Binibini," magalang niyang bati. "Akala ko po'y hindi na kayo uuwi!""Hindi rin po ako magtatagal doon. Pakiramdam ko, mamamatay ako sa gutom," biro ko sa kanya. "Sakto, Binibini, may luto ako dito," pagprisinta niya, sabay hawak sa kamay ko upang iupo ako sa mesa.Nakahain ang sari-saring pagkain, at mainit-init pa. Alas-onse na ng gabi, ngunit gising pa rin si Yaya Maris. Hindi kasi siya sanay na hindi ako nakauuwi, kaya inaantay niya talaga ako. Kapa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status