Compartir

Chapter 315

Autor: LMCD22
last update Fecha de publicación: 2026-11-07 10:37:58

Mikhaela's Point of View*

Imbes na dumiretso ako pauwi sa bahay ay napagpasyahan kong dumaan muna sa mall upang bumili ng mga damit na maaari kong isuot sa nalalapit na party.

May allowance pa naman ako na puwede kong gamitin para makabili ng ilang bagong damit. Tutal, hindi naman araw araw ay nagkakaroon ako ng pagkakataong mamili nang walang iniisip na ibang bagay.

Isa pa, gusto kong makahanap ng damit na babagay sa event na dadaluhan namin. Hindi ko naman kailangang magsuot ng napakamahal na
Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 320

    Mikhaela's Point of ViewNandito pa rin ako sa loob ng boutique kung saan ko bibilhin ang damit na sinukat ko kanina.Nakatayo ako sa harap ng malaking salamin habang tinitingnan ang aking sarili. Hindi ko maiwasang mapangiti nang bahagya dahil talagang nagustuhan ko ang napili kong damit.Simple lamang ang disenyo nito ngunit may dating na elegante at bagay na bagay sa isang mamahaling pagtitipon.Lumapit naman sa akin ang sales lady na kanina pa naghihintay."Ma'am, ito na po ang total amount ng dress ninyo."Iniabot niya sa akin ang maliit na papel kung saan nakasulat ang presyo.Agad akong napatingin doon.Napakurap ako nang ilang beses.Grabe!Kahit ilang beses ko nang tiningnan ang presyo kanina, hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ganoon kamahal ang isang damit.Napatingin ako sa dalawang kaibigan kong naghihintay sa aking magbayad.Napabuntong hininga na lamang ako bago inilabas ang black card na ibinigay sa akin ni Mr. Casiano.Binigay niya iyon para may magamit ako sa pa

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 319

    Third Person's Point of ViewTahimik ang loob ng itim na sasakyan habang mabilis itong binabaybay ang malawak na kalsada pauwi sa mansyon ni Michael. Nakaupo siya sa likurang bahagi ng sasakyan habang nakasandal sa leather seat. Nakatuon ang kaniyang paningin sa labas ng bintana, ngunit halatang malalim ang iniisip niya.Sa kabilang bahagi ay nakaupo ang kanang kamay niyang si Theo. Sanay na itong makita ang amo na tahimik at walang gaanong interes sa mga bagay na walang kinalaman sa trabaho. Kaya naman hindi nito maiwasang mapansin ang kakaibang pagbabago sa kilos ni Michael nitong mga nakaraang araw.May isang babaeng tila unti unting nakakakuha ng atensiyon ng kaniyang amo.At hindi iyon pangkaraniwang pangyayari."Sir, may itatanong lang po sana ako."Hindi agad sumagot si Michael. Nanatili lamang ang kaniyang mga mata sa labas ng bintana."What is it, Theo?""Ngayon ko lang po kasi napansin na parang ilang beses ninyo nang pinapansin ang babaeng iyon. Nahuhulog na po ba kayo sa k

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 318

    Mikhaela's Point of View"Hala! Nandito si Mr. Burge.""Oh my gosh! Ang gwapo niya sa personal!"Napalingon ako sa mga kasama ko nang marinig ang kanilang mga bulungan.Halos sabay-sabay silang napatingin sa lalaking kararating lamang. Kitang-kita ko ang pagkagulat at pagkakilig sa kanilang mga mukha habang palihim na sinusulyapan ang lalaki.Ako naman ay nanatiling tahimik.Michael Burge.Kung hindi ako nagkakamali, iyon ang buong pangalan niya.Anak siya nina Dorryn Burge at Nando Burge, ang sikat na business couple na kilala sa buong mundo. Ilang beses ko na ring narinig ang pangalan ng pamilya nila dahil sa malalaking kumpanyang pag-aari nila at sa kanilang impluwensya sa mundo ng negosyo.Hindi naman nakapagtataka kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon ng mga tao sa paligid niya.Bukod sa galing siya sa isang kilalang pamilya, hindi rin maikakailang kapansin-pansin ang kaniyang itsura.Matangkad siya at maayos ang pananamit. Maging ang simpleng paglalakad niya ay may kakaibang

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 317

    Mikhaela's Point of View"Hmm... Masyadong showy. Next."Napatingin ako sa damit na hawak ko habang bahagyang inilalayo iyon sa aking katawan. Bahagya kasing mababa ang neckline nito kaya kitang-kita ang bahagi ng aking dibdib.Hindi naman sa maarte ako pagdating sa pananamit, pero hindi ko talaga kayang magsuot ng ganoong klase ng damit. Pakiramdam ko ay masyado akong lantad at hindi ako komportable sa ganoong kasuotan.Baka sabihin pa ni Mr. Casiano na sinusubukan ko siyang i-seduce.Jusko! Hindi ako ganoong babae!Wala akong balak na akitin ang lalaking iyon. Kung tutuusin, sapat nang nakakatakot ang presensya niya kapag seryoso siyang nakatingin sa akin. Ayokong bigyan pa siya ng dahilan para magkaroon ng ibang interpretasyon sa mga kilos ko.Ibinalik ko ang damit sa sales lady na kanina pa nakamasid sa akin."Do you have something less revealing?" tanong ko."Of course, miss. We have several collections that might suit your preference."Tumango ako at hinayaan siyang maghanap ng

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 316

    Mikhaela's Point of View*Hindi ako agad nakapagsalita habang nakatingin sa dalawang babaeng papalapit sa amin.Sina Via at Rose.Hindi ko inaasahan na makakasalubong ko rin sila rito. Akala ko ay magpapatuloy lamang ako sa paghahanap ng damit at uuwi pagkatapos.Pero mukhang may ibang plano ang araw na ito para sa akin.Lumapit sila sa amin at agad na ngumiti si Via nang makita ako. Ganoon din si Rose na tila nagulat din sa aming pagkikita."Nandito ka rin pala, Miles.""Ah, oo. May bibilhin lang ako," sagot ko habang bahagyang nakangiti.Napatango naman si Rose bago napunta ang tingin niya sa tatlong babaeng nasa likuran ko.Samantalang si Via ay bahagyang tumagilid ang ulo habang sinusuri ang kanilang mga mukha.Napansin ko agad ang pagbabago sa kaniyang ekspresyon.Napalunok ako.Oh no.Alam ko kung gaano kaldita si Via kapag may nakikita siyang taong hindi niya nagugustuhan. Hindi rin naman lingid sa akin na hindi siya iyong tipong basta na lamang nagpapalampas kapag may nang-aap

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 315

    Mikhaela's Point of View*Imbes na dumiretso ako pauwi sa bahay ay napagpasyahan kong dumaan muna sa mall upang bumili ng mga damit na maaari kong isuot sa nalalapit na party.May allowance pa naman ako na puwede kong gamitin para makabili ng ilang bagong damit. Tutal, hindi naman araw araw ay nagkakaroon ako ng pagkakataong mamili nang walang iniisip na ibang bagay.Isa pa, gusto kong makahanap ng damit na babagay sa event na dadaluhan namin. Hindi ko naman kailangang magsuot ng napakamahal na gown, pero gusto kong maging presentable kahit papaano.Pagkapasok ko sa mall ay agad akong nagsimulang maglakad habang maingat na tinitingnan ang bawat boutique na nadaraanan ko.Napakaganda ng mga damit na nakadisplay sa mga salamin. May mga eleganteng gown, cocktail dresses at mga formal outfits na halatang para sa mga taong mahilig dumalo sa mga mamahaling party.Ngunit kahit ilang boutique na ang madaanan ko ay wala pa rin akong makitang damit na talagang nakakuha ng atensyon ko."Why is i

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 93

    3rd Person's Point of ViewMabilis at walang awa na natugis nina Nando ang mga lalaking umatake sa kanilang mansion. Hindi nagtagal ang kanilang pagtatangka dahil sa loob lamang ng ilang minuto ay napaligiran na sila ng mga armadong tauhan ni Nando.Ang mga aninong gumagalaw sa dilim ng gabi ay ti

    last updateÚltima actualización : 2026-04-05
  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 94

    Dorryn’s Point of ViewMay isang bata na tumatakbo sa isang malawak at napakagandang garden. Ang damuhan ay sariwang berde at kumikislap sa ilalim ng malambot na sinag ng araw, habang ang mga bulaklak na nakatanim sa paligid ay nagkikislapang parang mga bituin na bumaba mula sa langit. Ang hangin

    last updateÚltima actualización : 2026-04-05
  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 92

    Dorryn's Point of ViewNanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Nando na tila walang kahit anong emosyon ang mukha. Para siyang isang malamig na estatwa na biglang sumulpot sa harapan ko.Sa madilim kong kwarto, tanging ang maputlang liwanag mula sa bintana ang nagbibigay ng konting liwanag

    last updateÚltima actualización : 2026-04-05
  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 21

    Dorryn's Point of View*Nakatingin pa rin ako kay Nando baka kasi sabihin niyang wife eh! Baka sasabihin ng dalawang ito na nilandi ko ang bagong boss namin. Hindi ko hahayaan na masira ang reputasyon ko noh!"... Miss Gomez."Natigilan naman ako at nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa tawag ni

    last updateÚltima actualización : 2026-03-19
Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status