Share

Chapter 70

Author: LMCD22
last update publish date: 2026-02-20 19:22:10

Dorryn's Point of View*

Hindi ko namalayan na halos maubos ko ang lahat ng desserts na nakahilera sa mesa.

Mula sa malalambot na macarons na parang ulap sa tamis, hanggang sa makinis na tsokolateng cake na tila natutunaw sa bawat dampi ng dila ko, isa isa ko silang nilasap na parang wala akong pakialam sa mundo.

Para bang sa bawat kutsarang isinusubo ko ay may bahagi ng aking pag aalala ang unti unting natatabunan ng asukal at tamis.

Mahina akong napa burp at doon ko lamang napagtantong hindi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 314

    Miles' Point of ViewNakatitig ako sa screen ng computer habang sinusubukang tapusin ang ilang dokumentong kailangan kong ipasa bago matapos ang araw.Gayunpaman, hindi ko maiwasang maalala ang mga sinabi ng boss ko kanina sa sasakyan."What if I say yes?"Napailing ako at pilit na ibinalik ang atensiyon sa ginagawa ko.Ano ba naman itong si Mr. Casiano? Bakit ba mahilig siyang magsabi ng mga bagay na hindi ko alam kung seryoso ba siya o nagbibiro lang?Minsan ay napakahirap niyang intindihin.Masyado siyang kalmado sa lahat ng bagay. Kahit na may sinasabi akong nakakagulat, hindi man lang siya kumukurap. Samantalang ako ay halos mawalan na ng lakas ng loob sa bawat pagkakataong bigla siyang lumalapit."Miles, tapos na ba 'yang report mo?"Napatingin ako kay Rose na nakatayo sa tabi ng mesa ko."Almost. May ilang details pa akong inaayos.""Okay. Huwag mong kalimutang magpahinga rin. Kanina ka pa nakatitig diyan."Napangiti naman ako sa kaniya."Don't worry. Kaya ko pa."Bumalik siya

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 313

    Miles' Point of ViewNasa loob na kami ng sasakyan at hindi ko alam kung paano niya nagawang mapapayag agad ang auntie ko. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka na-charm siya sa kapogian ng boss ko.Napailing na lamang ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari.Sa dami ng tao sa mundo, sa dami ng babaeng mas maganda, mas matalino, at mas may kakayahan kaysa sa akin, bakit ako pa talaga ang gusto niyang maging partner sa party na pupuntahan niya?Hindi naman ako maganda o ano pa man. Isa lang akong ordinaryong empleyado na nagtatrabaho para kumita ng pera at magkaroon ng maayos na buhay."Miles.""Ay, partner!"Agad akong napatingin sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko dahil sa bigla niyang pagtawag."Nanggugulat eh.""Sorry."Napabuntong hininga ako at inayos ang pagkakaupo. Hindi ko alam kung sinasadya ba niyang gulatin ako o talagang ganoon lang siya kung magsalita."Boss, baki

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 312

    Miles' Point of ViewNasa kusina na ako at nakatingin sa napakaraming sangkap na nakapaligid sa akin.May mga gulay na nakalagay sa basket, iba't ibang klase ng karne sa refrigerator, mga spices na maayos na nakalagay sa shelves, at iba't ibang kagamitan na maaaring gamitin sa pagluluto.Napabuntong hininga ako.Bigla kong naramdaman ang bigat ng responsibilidad na nasa balikat ko.Kanina ay madali pa akong nagsabing kaya ko.Pero ngayong nasa harap ko na ang lahat ng kailangan kong gamitin, bigla akong napaisip.Paano kung hindi masarap?Paano kung hindi magustuhan ni Boss?Paano kung sabihin niyang hindi ako marunong magluto?At higit sa lahat, paano kung mawala ang pagkakataon ng restaurant na magkaroon ng investment?Napapikit ako sandali.Hindi.Hindi ako dapat matakot.Kaya ko ito."Galingan mong magluto, bata ka."Napalingon ako kay auntie.Nakatayo siya sa likuran ko habang nakatingin sa akin.Napapout na lang ako at dahan dahan na tumango."Opo."Lumapit siya sa counter at ti

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 311

    Miles' Point of ViewNatigilan ako nang tuluyan kaming makarating sa restaurant.Hindi ko maiwasang mapatingin sa malaking karatula sa harapan ng restaurant ng auntie ko. Pamilyar na pamilyar sa akin ang lugar dahil halos araw-araw akong narito kapag wala akong klase. Dito ako nagtatrabaho bilang waitress, at dito rin ako madalas tumutulong kapag maraming customers.Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kami nandito ngayon.Lalo na at kasama ko ang boss ko.Napatingin ako sa lalaking nasa tabi ko. Tahimik lamang siya habang nakatingin sa restaurant na para bang isa lamang itong ordinaryong lugar na pupuntahan niya. Samantalang ako, hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko."Mr. Casiano, ano po ang ginagawa natin dito sa restaurant ng auntie ko?" tanong ko sa kanya.Hindi man lang siya agad sumagot.Sa halip, diretso lamang ang tingin niya sa restaurant habang tila may iniisip na mahalagang bagay.Napasimangot ako."Boss?"Saka lamang siya napatingin sa akin

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 310

    Miles' Point of ViewNakarating na kami sa opisina niya matapos ang ilang minutong biyahe. Tahimik lang ako habang naglalakad sa likuran niya, pilit na iniisip kung bakit niya ako dinala rito.Hindi ko naman alam kung ano ang kailangan niyang sabihin sa akin.Sa totoo lang, medyo kinakabahan ako.Hindi dahil sa opisina mismo, kundi dahil sa kakaibang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. Simula nang makilala ko siya, napapansin kong iba ang pakikitungo niya sa akin kumpara sa ibang tao.Mas seryoso siya kapag kausap ako.Pero minsan naman, parang may kakaibang interes siya sa mga ginagawa ko.Pagpasok namin sa isang maluwang na silid, agad kong napansin ang isang lalaki na nakatayo sa gilid ng malaking mesa. May hawak itong ilang dokumento at mukhang matagal na kaming hinihintay.Lumapit ang lalaki sa amin at tahimik na iniabot sa akin ang isang papel.Kinuha ko iyon habang bahagyang kumunot ang noo ko.Tinitigan ko muna ang papel bago ako napatingin sa kanya."Ano 'yan?""Kontrata."N

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 309

    Miles' Point of View"May allergy kasi si boss sa mga babae.""What!"Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko.Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakarinig ko, pero nang makita kong seryoso ang lalaking nagsalita, lalo lamang akong napakunot ng noo."Allergy sa babae?""Yes.""Like... lahat ng babae?"Tumango siya.Napatingin ako sa lalaking nasa tabi ko.Tahimik pa rin siyang nakaupo, ngunit mas maayos na ang paghinga niya ngayon. Wala na rin ang pamumula ng kanyang mukha."Eh bakit hindi siya nagka-allergy sa akin?"Walang sumagot.Muling nagkatinginan ang mga lalaki sa loob ng sasakyan.At doon ko napansin na parang may kakaiba silang alam na hindi nila sinasabi sa akin."Hello? May tanong ako.""Maybe you're different."Napatingin ako sa lalaking nagsalita."Different?""Yes.""Anong different?"H

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 21

    Dorryn's Point of View*Nakatingin pa rin ako kay Nando baka kasi sabihin niyang wife eh! Baka sasabihin ng dalawang ito na nilandi ko ang bagong boss namin. Hindi ko hahayaan na masira ang reputasyon ko noh!"... Miss Gomez."Natigilan naman ako at nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa tawag ni

    last updateLast Updated : 2026-03-19
  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 93

    3rd Person's Point of ViewMabilis at walang awa na natugis nina Nando ang mga lalaking umatake sa kanilang mansion. Hindi nagtagal ang kanilang pagtatangka dahil sa loob lamang ng ilang minuto ay napaligiran na sila ng mga armadong tauhan ni Nando.Ang mga aninong gumagalaw sa dilim ng gabi ay ti

    last updateLast Updated : 2026-04-05
  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 94

    Dorryn’s Point of ViewMay isang bata na tumatakbo sa isang malawak at napakagandang garden. Ang damuhan ay sariwang berde at kumikislap sa ilalim ng malambot na sinag ng araw, habang ang mga bulaklak na nakatanim sa paligid ay nagkikislapang parang mga bituin na bumaba mula sa langit. Ang hangin

    last updateLast Updated : 2026-04-05
  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 92

    Dorryn's Point of ViewNanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Nando na tila walang kahit anong emosyon ang mukha. Para siyang isang malamig na estatwa na biglang sumulpot sa harapan ko.Sa madilim kong kwarto, tanging ang maputlang liwanag mula sa bintana ang nagbibigay ng konting liwanag

    last updateLast Updated : 2026-04-05
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status