Share

Ten

The Twins and the Birthday

ARYA'S POV

Isang sinag ng araw ang tumama sa mukha ko na nagmula sa bintana ng kwarto ko. Umaga na pala, at parang kagabi lang nasa bahay pa kami ni Carlisle at masayang nagke-kwentuhan at kumakain. Ang saya kagabi ng naging boning namin at talagang na-enjoy namin ang hapon na yun. Wala si Nymeriah dahil hindi pansiya nagpaparamdam sa amin, pero wala kaming nagawa.

Tinignan ko ang katabing kama ko para tignan ang kakambal ko. At, andito pa din siya sa kama niya at nakahiga doon. Bumangon kaagad ako para gisingin siya. Hindi naman ako nahirapan na gisingin siya dahil nagising dun agad siya. Sabay, kaming pumunta sa cr namin dito sa loob ng kwarto. Naghimalos muna kami at sabay na nag-toothbrush.

Pagkatapos, nun humarap ako sa salamin at nagsuklay

Ang ganda mo talaga, Arya! Pak! Habang si Aya ay sinusuot ang salamin niya..Lumabas kaagad Kami pagkatapos namin mag-agos. Agad, kaming natigilan dahil sa gulat na aming nakita at narinig.

"HAPPY BIRTHDAY, MGA ANAK!" Bati sa amin nina Nanay.

Birthday namin? Bakit wala kaming matandaan? Totoo ba 'to? Hala!

Niyakap nila ako at si Aya. Bakas sa mukha ni mama ang saya. Kaya nagkatinginan kami ni Aya, parehas lng kaming naguguluhan. Hindi namin maalala na kaarawan namin ngayon. Wala naman kaming nagawa kundi ang yakapin din siya pabalik, kahit na ang mukha ko at mukha ni Aya ay takang-taka pa din. Humiwalay si Nanay sa pagkakayakap sa amin ni Aya, at lumabas sa likod niya ang isang lalaki na gusto na naming makita at makasama.

Habang papalapit siya ay lalo akong naiiyak. Dahil, miss na miss ko na siya. Dalawang taon na siyang nahiwalay sa amin, at ngayon nalang siya nakabalik.

...Tay, bumalik kana. Ngayon nalang siya umuwi dahil sa trabaho niya sa ibang bansa para mapag-aral kaming kambal.

"Happy Birthday, anak. Miss na miss kana ni Tatay." Niyakap niya ako.

Niyakap ko siya pabalik at tuwang-tuwa. "Miss na miss ko na din po kayo, Tay. Maraming salamat po." Sambit ko at humiwalay na ng yakap sa kan'ya.

"Happy Birthday, anak." Bati niya din kay Aya at nagyakapan sila.

Nakita ko sa lamesa namin ang handa namin ni Aya. Spaghetti, pansit, manok, at cake. Naupo kaagad kami at nagdasal. Pagkatapos, kinantahan kami nina Tatay, Nanay, at i-blinow namin ng sabay ang cake.

Habang kumakain hindi ko mapigilang hindi matuwa. Habang tinitignan ko sina Nanay, Tatay, at Aya kitang-kita sa mukha nila ang tuwa at saya dahil buo na kami. Iniisip ko na baka sakaling bumalik ulit si Tatay sa ibang bansa at mag-trabaho. Pero, mas gusto ko na andito nalang siya kasama namin at buo kami at laging sama-sama.

Hindi ko maiwasan na hindi magtanong kaya nilakasan ko ang loob ko para tanungin si Tatay kung babalik pa ba siya sa ibang bansa....

"Tay? May plano pa po ba kayong bumalik sa ibang bansa?" Tanong ko. Napatingin naman agad sila sa akin.

Bumuntong hininga muna siya at hinawakan ang kamay ko. "Meron anak, pero hindi na matagal katulad ng dati. Nasa anim na buwan nalang ang kontrata ko do'n, at uuwi na ako dito. At, sama-sama na talaga tayo. Umuwi ako ngayon, sa totoo lang kagabi pa ako andito. Makakalimutan ko ba ang kaarawan ng kambal ko?" Binitawan niya ang kamay ko at nginitian kaming dalawa ni Aya.

Nagsalita si Nanay. "Hayaan mo muna anak ang tatay mo. Babalik din naman siya at makakasama ulit natin siya. Malapit na yun. Pagkauwi niya hahanap din agad siya dito ng trabaho. Ako, meron naman akong trabaho at matutustusan naman namin ang pag-aaral ninyo sa tulong na din ng mga tita at tito niya, diba? Basta, ang isipin mo ngayon. Mag-enjoy ka, kayo ng kakambal mo dahil kaarawan niyo ngayon. Okay ba?" Tumango ako at ngiting-ngiti kay Nanay ganun din si

Aya.

"Oo nga naman, Arya. 'Wag ka mag-alala  totoo naman yang sinasabi ni Tatay." Inakbayan niya ako. Ganyan talaga si Aya, kahit sinasabihan siya ng nerd dahil laging naka salamin at mahinhin, pero pagdating sa'min ganyan siya kasigla. Inakbayan niya ako. "Happy Birthday, Kambal ko." Nakangiti niyang bati.

Hindi ko mapigilan na hindi maiyak at maluha dahil kahit minsan nakakairita ako at maldita, andyan pa rin siya para sa akin. "Salamat kambal ko. At, Happy Birthday din!" Masayang bati ko at nagyakapan kami.

Hindi ko maintindihan ang saya na nararamdaman ko. Dahil, sa birthday namin ng kambal ko. Andito parehas ang magulang namin na siyang buhay at inspirasyon namin sa lahat at sa pagtupad ng mga pangarap namin.

Sila ang unang taga suporta sa bawat pangarap na gusto namin tuparin. Sila yung mga magulang na gagawin ang lahat para sa anak nila. Andyan sila pra gabayan kami ni Aya at hindi kami pinapabayaan.

Ngayong buo kami susulitin ko, namin ang makasama si Tatay. Nakakalungkot man dahil babalik din si tatay after ng tatlong araw, pero okay na yun para sa akin at lalo na kay Aya. Alam ko namang babalik na si Tatay dito pagkatapos ng anim na kontratang yun sa ibang bansa.

Masaya kaming nagsalo salo sa handa namin ngayon ni Aya. Napuno ng tawanan at masasayang kwentuhan ang loob ng bahay namin. Hindi lang ako masaya para sa sarili ko, kundi masaya ako para na din kay Aya dahil alam ko kung gaano niya ka-miss si Tatay at gustong gusto na niya itong makasama.

Natapos kami sa pagkain namin. Habang naghuhugas kami ni Aya,  nagulat kami pareho dahil sa ingay na narinig namin. Dumating si Carlisle at Eli. May dala silang regalo at konting pagkain.

"Happy Birthday!" Sabay na bati ni Carlisle at Eli.

Niyakap nila kaming dalawa ni Aya.

"Ito dala namin oh. Tsaka, wala pala si Nymeriah. Walang paramdam ang gaga, e. Kya tayo-tayo muna. Tara?" Nakasimangot na sabi ni Eli.

Masaya namin iyong pinagsaluhan sa bahay namin. Hindi nakasama si Nymeriah dahil wala pa ulit siyang paramdam simula kahapon nung andun kami kina Carlisle. Hindi siya sumama katwiran niya na naman ay busy siya.

Umalis kami sa bahay nina Carlisle, Aya  at Eli. Namasyal kami sa Bayan ng Dasmarinas. Pati na rin sa mall at huli ay sa River Park na pasyalan ng mga tao dito sa Dasmarinas Cavite. Sobrang saya namin ni Aya na kahit papano dinalaw nila kami at nakasama pa namin sila sa kaarawan namin ni Aya.

Wala na akong mahihiling pa ngayon kundi ang maging masaya lang kami. Buo, at hindi na maghiwa-hiwalay pa. Ang makapag tapos kami ni Aya ng pag-aaral, matupad ang mga pangarap namin. At matulungan namin sina Nanay at Tatay.

Sana, parati kaming masaya. At, salamat dahil nakasama ko ang pamilya ko ngayon mismo sa kaarawan ko. Nabuo kami kahit papa'no at nakapag laan ng oras para sa isa't isa.

Wala na akong mahihiling pa.

_____________________________________

_____________________________________

THIRD PERSON'S POV

Nakamasid lang siya sa bahay nina Carlisle. Nakatayo at tahimik na nagmamasid. Hindi mo mababasa kung ano man ang iniisiip niya sa mga oras na yun. Pero, halatang may hindi siya magandang gagawin.

Walang walang kamalay yung mga tao sa loob na merong tao na andito lang sa labas ng bahay. At, handang gumawa ng hindi maganda at maaari pa na ikapahamak nila anu mang oras.

Tumunog ang cellphone niya kaya kinuha niya ito sinagot.

"Hello?" Sagot niya sa kabilang linya.

"Ano? Anong balita? Nagkakasiyahan ba sila, kapatid?" Tanong sa kan'ya.

"Oo at ang ingay nga, e. So, anong gusto mong gawin ko?"

"Wala pa sa ngayon. Hayaan mong manatili muna silang masaya. At, hayaan mo na mapalapit pa lalo ako sa kanila. Lalo na kay Carlisle at sa mga magulang niya."

"Kung yan mag gusto mo, sige. Makakaasa ka." Huling sabi niya at binaba na ang tawag.

Muli siyang tumingin sa bahay na kanina pa niyang minaman-manan.

Makakaganti din ako/kami sa 'yo at lalo na sa magulang mo. Lalo, na sa ama mo.

Maging masaya ka hanggat mahaba pa ang oras. Pero, sa oras na maging handa na kami sa plano namin..Babawiin namin ang para sa kapatid ko at sa nanay ko.

Naglakad siya papunta sa motor niya. Sumakay siya doon at nagsuot ng helmey. Muli niyang tinignan ang bahay na 'yon at napangisi siya.

Maghintay ka lang, malapit na. Malapit na.

_____________________________________

_____________________________________

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status