Share

Fourteen

ELIJAH'S POV

Nag-aayos ako ng buhok nang makarinig ng busina sa labas ng bahay. Gusto ko man isipin na si Carlisle 'yon ngunit hindi naman siya nag-reply sa text ko kanina. Kaya sino naman 'to? Nakarinig na naman ako ng dalawang busina kaya nagtaka na ako. Nasan ba si Mama? Hindi manlang tignan kung sino ang nasa labas.

"Ma! Pakitignan naman po kung sino ang nasa labas!" Sigaw ko.

"Ako na po ate!" Boses iyon ni Elias. Ang bunso kong kapatid. Buti naman.

Tinignan ko ang itsura ko sa salamin at okay naman. Kaya lumabas na ako ng kwarto habang sukbit-sukbit ko ang sling bag ko. Naabutan ko na may kausap si Elias sa sala. Nang makita kong si Carlisle iyon agad ko siyang nilapitan at niyakap.

"Akala ko hindi kana darating. Pero buti nalang handa pa rin ako." Bumitaw ako sa pagkakayakap. Nginitian nalang niya ako.

Sabay kaming napabaling sa gilid namin nang marinig ang boses ni Elias.

"Ate Eli sino po siya?"Nagtatakang tanong niya. Nginitian ko siya at hinawakan sa ulo.

"Siya si ate Carlisle. Mabait siya. Kaibigan ko siya, Elias," Pagpapakilala ko kay Carlisle.

"Okay po." Lumapit ito kay Carlisle. "Hi po ate. Kamusta po kayo?" Nakangiting tanong ng kapatid ko kay Carlisle.

"So sweet. Im fine baby boy. How old are you?" Nakangiting tanong ni Carlisle habang hawak nito ang kamay ng kapatid ko.

Pumunta ako ng kusina para mag-timpla ng juice at ipainom 'yon kay Carlisle. Mukhang nauuhaw na siya, e.

Pagbalik ko sa Sala dala ang isang baso na may puno ng juice pansin ko kaagad sa kilos at mukha ng kapatid ko na komportable kaagad siya sa presensya ni Carlisle. Hindi kasi siya ganito sa ibang tao. Halos sa amin lang siya ni Mama sumasama at nakikipag-tawanan ng ganyan. Pero mukhang kay Carslile ay magaan ang loob niya at ang saya-saya niya.

"Carlisle," tawag ko sa kan'ya. Agad naman siyang lumingon sa akin at nginitian ako. "Inom ka oh." Inabot ko sa kan'ya ang juice. Agad nya itong kinuha.

"Salamat." Agad niya itong ininom. At naubos kaagad 'yon.

Sabi ko nga uhaw na uhaw siya!

Sandali pa siyang nakipag-kulitan sa kapatid ko bago nag-aya na umalis na kami.

"Ano tara na?" Tanong niya at sinukbit na sa balikat niya 'yong bag.

Tanging tango lang sinagot ko sa kan'ya at humarap sa kapatid ko na nakatingin na lang sa amin ngayon. Kita ko sa mga mata niya ang lungkot. Dahil siguro aalis na kami ni Carlisle at maiiwan siya.

"Elias dito ka lang ha. Hintayin mo si Mama makabalik kung saan man siya pumunta. At bawal lumabas ha?" Inosenteng tumango siya. "Sige una na kami. Dito ka lang ha?" Paalala ko. Hinalikan siya sa noo at agad na tumayo para lumabas ng bahay.

Paglabas ko ng pintuan sinarado ko kaagad 'to at sumakay sa kotse ni Carlisle. Nag-umpisa kaagad siyang magmaneho.

"So, saan tayo?" Tanong niya.

Nagpalinga-linga pa ako sa paligid bago ako humarap sa kan'ya ng may ngiti sa mga labi. Kina Arya at Aya!

"Sa Kambal!" Buong galak kong sabi.

"Oo nga, no? Sigeee!" Nakangiting sabi ni Carslisle.

Ilang minuto lang ang ginugol nya sa pagmamaneho. Nakarating agad kami sa labas ng bahay ng Kambal.

Andun ang Nanay niya at nagwawalis. Agad namin itong nilapitan upang batiin. Sandali pa itong nagulat bago nagbawi at ngumiti sa amin. Si tita talaga haha.

"Magandang tanghali po," sabay naming bati ni Carlisle.

Humarap ito sa amin. Nagulat pa ito ngunit ngumiti din agad. Binitawan nito ang walis at lumapit sa amin.

"Kayo pala 'yan mga Ija. Pasok pasok." Nauna itong maglakad sa amin papasok sa bahay nila.

Tinawag nito ang Kambal. Kaya naupo nalang kami ni Carlisle sa sofa dito sa salas nila. Tulad ng bahay namin simple lang din naman ang bahay nila. Isang sala se, katamtaman na kusina. Isang kwarto sa baba at dalawa sa taas dahil dalawang palapag ang bahay nila.

Natigilan ako sa pagtitingin sa loob ng bahay nila nang may maglapag ng dalawang baso ng juice sa harapan namin ni Carlisle. Mama lang pala ng Kambal.

"Uminom muna kayo, Ija," sambit nito.

"Maraming salamat po," sabay naming sabi ni Carlisle.

"Patapos na maligo 'yong kambal. Pakihintay nalang sila. Magluluto pa kasi ako, e. Maiwan ko muna kayo mga Ija." Paalam nito. Tumango nalang kami saka ito naglakad papuntang kusina.

Sandali kaming natahimik at nagmasid-masid sa bahay nila Arya. Pati album na nasa ilalim ng maliit nilang mesa ay tinignan na namin. Parehas silang maganda at cute ni Aya. Bawat litrato ay sabi kaming nagkakatinginan ni Carlisle at natatawa. Masyadong maganda ang kambal at hanggang ngayon at taglay pa rin nila 'yong ganung kagandahan. Hindi naman imposible dahil kung titignan ang mama nila ay mukhang bata pa ito at taglay din ang kagandahan nito na namana ng Kambal.

"Ang ganda nila, no?" Sambit ko kay Carlisle.

Natawa naman siya bago tumango at tumingin muli sa mga litratong hawak namin.

"Oo nga, e. Saka nasa lahi naman ata nila. Ang ganda nga ng mama niya, e." Nilapag na sa mesa 'yong album. "Maganda naman tayo ah." Natatawa nyang sambit.

"Sabagay," kibit-balikat kong sagot.

Sabay kaming napatingin sa direksyon ng kusina nang marinig namin ang boses ng kambal.

"Oy! Ano 'yan? Anong pinagtatawanan ny dyan ha?" Nagsusungit na naman na tanong ni Arya. Kahit kelan talaga, tss.

"Tinitignan lang naman namin mga pictures niyo nung bata pa kayo," sambit ni Carlisle.

"Ah 'yon lang pala. Akala naman namin kung ano, e. Ang OA kasi nitong kakambal ko." Iritang sabi ni Aya at naupo sa tabi ko.

"Oh ano naman?" Nag-flip hair pa ito at naupo sa katapat naming sofa. Habang kaming tatlo nina Carlisle at Aya ay nasa isang mahabang sofa. "So, saan tayo ngayon? Alas dos na ng hapon oh. Ano bang naisipan niyo ha? Kakauwi lang natin kanina galing school ah." Masama kami nitong tinignan ni Carlisle. Natawa lang kami.

Kahit kelan talaga kapag umandar ang kalamditahan nito ay wala kaming magawa. Imbis na mainis ay napapailing at natatawa  nalang kami sa kan'ya.

Kahit naman ganun ang ugali ni Arya ay hindi na 'yon iba sa amin. Kung baga ay sanay na kami na sa aming lahat siya ang ganun sa aming magkakaibigan. M*****a pero masarap naman kasama.

"O, e saan nga tayo?" Nakapamaywang na tanong ni Arya sa amin. Nakataas pa ang kilay.

Ito na nga oh. Nagmamaldita na naman si madam.

"Kahit saan. Basta may kakainan tayo," nakangiting sambit ni Carlisle. Lahat kami nakatingin sa kan'ya. "Mag ambagan hoy. Gusto niyo treat ko? Sige." Sabay-saby kaming nagtawanan at tumayo para mag paalam sa mama nung Kambal.

Nang makapag paalam ay sumakay na kami sa kotse ni Carlisle pagkalabas. Sa backseat ang kambal at ako sa tabi ni Carlisle sa unahan at sya ang nagmamaneho.

Halos bibig nalang ni Arya ang naririnig sa loob ng sasakyan. Paano ba naman ang lakas ng bunganga at ang daldal pa. Ang daming kine-kwentong bagay-bagay. Minsan nakakatawa. Minsan naman mga bagay o pangyayari na halos hindi na kami maniwala kung totoo ba ang kwento o hindi.

"Totoo 'yon. Sabi pa nga tapunan daw ng mga patay na tao ang isa sa area dito sa Dasma, e," seryosong-seryoso ito habang nagke-kwento.

Sabay-sabay kaming napatingin sa kan'ya. 'Yong tingin na pwede na syang malusaw. Hindi naman sa natatakot kami pero parang ganun na nga.

"Manahimik kana nga Arya. Ang daldal mo."Inirapan sya ni Aya.

Ayan na. Iba din mainis 'tong si Aya, e. Mabait pero kapag nagalit, ayaw nalang namin pumalag.

Wala namang nagawa si Arya kundi maupo ng maayos sa backseat at tumahimik. Nakahukipkip pa ito na akala mo batang kinawawa.

"Edi mananahimik. Nagke-kwento lang naman, e." Nakanguso ito.

"Ingay mo kasi, e," sambit ni Aya.

Maya-maya hindi na 'yan magkikibuan. Grabe din mag-tampuhan 'tong dalawa, e.

Napatingin ako kay Carlisle. Mukha syang balisa. Pero maayos pa naman ang pagmamaneho nya. Na curious kaagad ako. Baka may nakita siya o kung ano na nakakapag-pakaba sa kanya. Halata naman sa mukha niya, e.

"Okay ka lang ba?" Hinawakan ko siya sa balikat. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin.

Tumango siya. "Oo naman." Ngiti niya at tumingin na ulit sa daan.

Napanatag naman kaagad ako. Akala ko kasi kung ano na, e.

Sandaling minuto pa at tumigil na ang sasakyan. Isang restaurant lang dito sa Dasma. Mukhang mamahalin pero buti nalang may ipon pa ako.

Bigla-bigla naman kasi nag-aya itong si Carlisle. Mukhang kulang pa ata 'tong dala ko.

Nauna na siyang bumaba kaya sumunod na kaming tatlo. Nang nasa harap na kami ng restaurant.

Humarap siya sa amin. Natigilan pa kami at parang hindi pa siya mapakali.

Akala ko ba okay siya? Bakit kaya?

"Mauna na kayo. May bibilhin lang ako. Umorder na din kayo." Naglakad na ito palayo sa amin.

Gusto ko pa sana siyang sundan kaso baka magalit naman siya. Baka may bibilhin lang talaga at mukhang nakalimutan niya lang. Hays.

"Nangyari dun?" Tanong ni Arya. Nag walkout, obvious ba?

"Ewan ko." Nagkibit balikat ako. "Tara na." Aya ko sa kanila at naunang maglakad papasok.

Ramdam ko namang sumunod ang dalawa kaya nagtuloy-tuloy lang ako.

Sama-sama kaming um-order at hinintay i-serve. Naghintay nalang din kami kay Carlisle. Sana safe siya.

Sana walang masamang mangyari.

_________________________________

_________________________________

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status