Share

Fifteen

CEDRIK'S POV

Ewan ko ba naman kasi dito kay Clint kung bakit ako pa ang nautusan. Oo gusto ko makita lagi 'yong kapatid niyang si Carlisle, pero nakakahiya!

"Hay nakakainis! Baka magmukha pa 'ko nitong kidnapper  kakasunod sa kapatid niya." Inis na sabi ko at napasuntok pa sa hangin.

Padabog akong pumasok sa kotse ko at pinaandor 'yon at sinumulang sundan ang kapatid niya. Sunod lang ng sunod. Mamaya buking na 'ko nito.

Tapos nakakaasar pa itsura ko. Naka facemask, naka cap. Mukha tuloy akong may balak na masama doon sa tao.

"Fuck!" Inis na sigaw ko at hinampas ng malakas ang manibela.

Paano ba naman kase! Nakakahiya 'yong sa nangyari sa'min ni Carlisle. Sobrang nakakahiya! 'Yon na 'yun, e! Mukhang nakahalata pa 'yong tao!

Sa lahat ba naman kasi ng sasabihin ko 'can we be friends?' ay ang duwag! Ang torpe Cedrik! Pero nakakapagtaka lang na parang nalungkot ang mata niya dahil sa tanong ko, pero ayoko naman na-----

"Arghhhh!" Hinampas ko na naman ang manibela. "Ang torpe ko naman kasi! I hate myself! Coward Cedrik, coward!"

Nabalik lang ako sa reyalidad ng makita kong tumigil na ang sasakyan nila sa isang restaurant. Nang makababa sila akala ko tuloy-tuloy na silang papasok sa loob pero tumigil sila at parang may pinag-uusapan.

Tinigil ko ang kotse dito lang sa kabilang kalsada na katapat ng kakainan nila. Base sa mga mukha nila ay parang nagtataka.

"Nahalata kaya ako?" Bulong ko sa sarili.

Tinanggal ko na ang seatbelt ko at lumabas ng sasakyan. Sinuot ko kaagad ang facemask ko, cap at nag-salamin na din ako. Okay nang maging ready. Baka mahalata agad nila ako, patay talaga.

Nasa likod lang ako ng sasakyan ko habang nakasilip sa kanila. Nakita kong naglakad na papasok ang mga kaibigan niya doon sa restaurant kaya hinanap ng mga mata ko ang presensya niya.

Ramdam ko ang pagsikip ng dibdib ko, nahihirapan akong huminga at nanlalambot ang tuhod. Grabe ang epekto niya sa'kin! Unti-unti siyang nag-lalakad papalapi-------

"Sakin!?" Pasigaw kong sabi.

Mukhang narinig niya ata ang sinabi ko at sinisilip niya na ang sasakyan ko. Nang magtama ang paningin namin kinabahan agad ako. Jesus! Kinakabahan ako pagdating sa babaeng 'to.

Tumayo kaagad ako ng tuwid dahil nasa harapan ko na siya. Ramdam ko ang pawis ko dahil sa jacket o dahil sa kabang nararamdaman ko kapag malapit siya sa akin.

Relax, Cedrik! Relax.

"Anong ginagawa mo d'yan?" Nagtatakang tanong nito.

"Ahmm, I, I." Luminga-luminga pa ako sa kalsada dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

Wtf? On the spot pa talaga.

Tinignan ko siya at nagtatanong ang nga mata niya.  Should I tell her kung ano ang pakay ko? At sabihin na utos ito ng kuya niya?

"Nothing. May bibilhin sana ako doon sa kabilang store." Turo ko sa katabing grocery ng restaurant na kakainan nila. Tanang palusot lang, Cedrik. "Then, nakita kita with your friends. Hang out?" Tanong ko.

Napatango-tango naman siya saka ngumiti. That smile...

"Yeah. Nagutom kasi kami, e. Hang out lang." Tinignan niya ang mga kaibigan niya, sumunod naman ang paningin ko at halos manlaki ang mata ko dahil nakitingin din sila sa amin at may sinusupil na ngiti. "Don't mind them. Wanna join us?" Nakangiting tanong nito.

Tanging tango lang ang naging sagot ko at sumunod sa kanya sa paglalakad.

"Oh andyan na pala, ikaw." Mapang-asar na sabat ng isa niyang kaibigan. "At may kasama ka pala?" Dagdag nito.

"Si Cedrik kaibigan siya ni Kuya Clint. I ask him If he want to join and he said yes." Sinenyasan nitong umupo na ako kaya 'yon ang ginawa ko.

Habang nag-uusap sila tahimik lang ako sa upuan at tinitignan sila. They look happy while talking. Parang ang tagal na nilang magkakasama the way na mag-usap sila.

"Nice friendship." Bulong ko.

"May sinasabi ka?" Napag-igtad ako sa tanong ni Carlisle na nasa tabi ko. Seriously? Narinig pa niya 'yon!?

I forced a smile. "Nothing."

"Okay." Tango nito at bumaling sa kaibigan niyang nakasalamin. "Um-order  naba kayo?" Tanong nito.

"Oo. Meron na din dun si Cedrik." Baling nito sa'kin. Tinanguan ko lang siya.

Sandali pa kaming naghintay sa order bago dumating 'to. Isa-isang nilapag ng waiter ang order namin at nagsimula kaming kumain at kwentuhan.

"Anong pangalan mo?" Tanong nang isang babaeng nasa tapat ko. Nakasalamin at mukhang mahinhin.

"Cedrik Antonio", nakangiti kong sagot.

"Kuya Clint's friend. I saw him malapit sa car natin so I ask him If he want to join and he said yes. So wala naman sigurong mali don na pinapunta ko siya diba?" Mahinahon na tanong ni Carlisle sa mga kaibigan niya. Sabay-sabay naman silang tumango. Thanks G!

"May gusto ka ba kay Carlisle?" Sabay-sabay kaming napalingon sa isa sa mga kaibigan ni Carlisle. Nasa tapat ito ni Carlisle at seryosong nakatingin sa'kin.

I don't know what to say. I feel nervous. Should I tell them that I like their friend? Or  should I keep it secret? Oh jesus!

"Elijah!" Mahinang suway ni Carlisle. "Don't ask him like that again. Don't you see? He's getting wet pinag-papawisan siya." Tumingin 'to sa'kin at pinunasan ng tissue ang pawis ko. Wtf! "I'm sorry Eli is just like that. Over protective." Ngiti nito.

Tango lang ang sagot ko sa kanya at napatitig sa kamay niyang nagpupunas sa pawis ko. Napansin niya ata kaya dahan-dahan niyang binaba ang kamay niya at binigay sa'kin ang tissue upang ako na ang magpunas ng pawis ko.

Umubo ako sandali bago umayos ng upo. Tumingin ako ng diretso sa kanila sunod kay Carlisle na naghihintay na ngayon ng sasabihin ko.

"I-I like her." Tumingin ako kay Carlisle na ngayon ay tulala na sa'kin. I gave her a smile. "I like her since I saw her in a store. First I just want to bully her. Asarin kung baga. But, I don't know what happen at nagustuhan ko siya. Then nalaman ko na kapatid siya ng kaibigan ko which is si Clint. I don't know what to say everytime I see her. Lagi kong nararamdaman na kinakabahan ako." I laughed. "Pero siguro natural lang naman 'to sa taong nagkakagusto, diba? Hanggang sa umalis si Clint and this is my mission to follow her." I look at her and hold her hand. Napatingin siya don pero nginitian ko lang siya. "Sa una nahihiya ako kasi bakit ko ba 'to ginagawa? Pero naisip ko na siguro gusto ko din? Para maging safe siya at hindi siya mapahamak tulad ng gusto ni Clint. So ayon 'yong dahilan kung bakit nandito ako ngayon kasama niyo.

Tinignan ko sila isa-isa pero halos mapaawang ang labi ko dahil wala sipang sinasabi. Lahat sila nakatitig sa akin na para bang may nasabi akong masama.

Masyado ba 'kong mabilis at nasabi ko lahat ng hindi dapat na sabihin? What's wrong?

"Hey girls!" Pumalakpak pa 'ko para mabalik sila sa reyalidad.

Ganun ba nakaka-gulat 'yong sinabi ko?

They were all stunned by what I said. Is that surprising? Maybe it's because I surprised them, especially Carlisle.

One of Carlisle's friends coughed and looked me in the eye.

"What?" I ask carefully. Baka masamain niya ang pagtatanong ko sa kan'ya.

"Kapag sinaktan mo ang kaibigan ko. sinisigurado ko sayo na ako ang makakalaban mo. Saktan mo na ang lahat huwag lang ang kaibigan ko. Naiintindihan mo ba?" Seryosong tanong nito.

The way she looked into my eyes was scary. If you look at her at first, she is just quiet, you think there is no one to fight  but,  it is also different when she is too serious. The eyes are scary when she looks at you.

I nodded. "Yeah, I understand." Tinignan ko sa mata si Carlisle. "Hindi ko siya sasaktan kasi hindi 'yon ang intensyon ko. Ang gusto ko lang tanggapin niya ako, mahalin niya at handa akong gawin  ang lahat para sa kan'ya." Tinignan isa-isa ang mga kaibigan niya. Then I smiled. "Trust me. I will not hurt your friend."

Nagulat kami sa ginawa ng isa sa kaibigan ni Carlisle ng dumukwang ito kay Carlisle at hinila ng konti ang buhok niya.

What was that for!? Baka nasaktan si Carlisle sa ginawa niyang 'yon!

"Kaloka ka, teh! Ang haba ng hair mo ah. Harap-harapan na umamin sa'yo oh." Ang lakas ng boses niya kaya napatingin sa'min 'yong mga nasa kabilang table pero wala paring pakealam itong kaibigan ni Carlisle.

'Tumigil ka nga dyan." Hinila ito ng, wtf!? Kambal ba sila? Pero hindi mag-kamukha. "Hinila mo pa buhok ni Carlisle. Sige ka mamaya ikaw ang pagbabayarin nyan sa mga kinain natin."

"Tumigil na nga kayo. So ano masasabi mo Carlisle." Tanong nung babaeng kausap ko kanina. 'Yong nakakatakot kung tumitig.

Carlisle looks so nervous. Siguro nabigla lang talaga siya kaya hanggang ngayon hindi siya makapag-salita.

Napatingin lang ako sa kanya ng tumikhim siya at uminom ng tubig. Pagkatapos nun serysoso siyang tumingin sa'kin..

"Im sorry.  I was just speechless. Nabigla lang ako sa pag amin mo kaya hindi kaagad ako nagsalita. Can we talk later? 'Yong tayong dalawa lang. And about sana kay Kuya din kung ano pa mga sinabi niya sa'yo bago pa siya umalis. Is that okay to you?" She looks calm now. So I nodded then she smiled.

"Akala ko hindi na makakapag-salita, e. Sobrang speechless niya teh!" Sabat ng isa niyang kaibigan.

Sabay-sabay kaming natawa kaya I feel comfortable. Tahimik nalang kaming kumain. Nang matapos nag-stay pa kami ng 30minutes doon at nag-kwentuhan.

Hindi naman ako nahirapan makisama sa mga kaibigan ni Carlisle dahil mababait naman sila. Masyado nga lang over acting pero masaya kausap. At ang nagustuhan ko sa samahan ng barkada nila is 'yong pagiging prangka nila. The way na mag-usap sila hindi lang basta usap na walang sense andun pa din ang pagiging seryoso sa mga bagay-bagay na nagustuhan ko sa friendship nila.

They look cute while talking. And the smile of Carlisle makes me happy. At ayoko mawala ang mga ngiting 'yon dahil 'yon ang nakakapag-pasaya sa akin. Hindi ko alam na darating sa ganitong sitwasyon ang nararamdaman ko. Na magmamahal ako ng babaeng sandali ko lang nakilala pero sigurado na ako sa nararamdaman ko.

I will make sure that I will win her heart. And I'll do everything just to make her happy everyday.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status