Share

Eleven

NYMERIAH'S POV

Ilang araw na rin ang nakalipas nang hindi na ako sumasama sa kahit anong lakad naming magba-barkada.

Hindi ko alam kung nakakahalata na ba sila lalo na si Carlisle sa mga ikinikilos ko nitong mga nag-daang araw. Hindi ko naman masisisi ang sarili ko na hindi siya matanggap bilang isang kapatid ko. O, isang half sister ko.

Oo. Matagal ko ng alam na kapatid ko siya dahil ipinagtapat sa akin 'yun ni Nanay noong highschool ako. Sobra akong nangulila noon sa isang Ama kaya siguro gano'n kalaki ang galit ko sa Tatay ni Carlisle.

"Anak!" Sigaw ni Nanay. Tumakbo ako palapit sa kan'ya dahil kinabahan agad ako na bakaay nararamdaman siyang masama.

"B-bakit nay?" Humahangos kong tanong nang makalapit sa kan'ya.

"'Di ba, gusto mo makilala ang Tatay mo? Kahit na sa picture lang?" Napakurap pa ako ng ilang beses dahil hindi ko alam

ang isasagot ko.

Handa na ba ako? Handa na ba akong makita siya kahit sa litrato man lang?

Tumango na lang ako na ibig sabihin handa na akong makita ang Tatay ko.

Pumunta si Nanay sa kwarto at pagbalik niya may dala na siyang isang maliit na album. Itsura pa lang nito ay halata mong matagal ng panahon ang lumipas sa mga litratong ito.

Naupo siya sa harapan ko at inabot sa akin ang album na hawak niya.

Nanginginig ang kamay ko nang tinanggap ko ang album na 'yun. Hindi ko napigilan nag sarili ko na maiyak ng makita ko ang litrato ni Nanay kasama ang Tatay ko. Bakas sa mukha nila na mahal na mahal nila ang isa't isa noon.

Pero, bakit sila nag-hiwalay? ANONG NANGYARI SA KANILA NOON?

"Marahil nagtataka ka anak kung bakit kami nag-hiwalay ng Tatay mo noon. Gusto mo ba i-kwento ko sa 'yo?" Tumango na lang ako sa tanong niya dahil gusto kong malaman ang totoo.

Kwinento niya ang lahat sa akin. Sa simula at kung paano nila minahal ang isa't isa hanggang sa dumating 'yung araw na nakapag-pabago ng buhay nila. Ang dahilan kung bakit sila naghiwalay at ang rason ng mga 'yun.

"Campus crush noon ang tatay mo noong mga high-school pa lang kami. At, isa ako sa mga may gusto sa kan'ya noon. Walang araw ang lumipas na hindi ko siya sinusundan o sinusulutan. Hanggang isang araw napansin niya na sinusundan ko siya, pauwi pa lang siya noon sa bahay nila. Akala, magagalit siya sa akin dahil sa ginagawa ko pero hindi, e. Lumapit siya sa akin nung oras na 'yun, nakangiti siya. 'Yung ngiti na mahuhulog ka talaga sa kan'ya at 'yung ngiti niya na tipong mapapangiti ka din." Nakangiting patuloy ni Nanay. Nangunot kaagad ang noo ko nang makita ko na parang maiiyak na siya. Hinawakan ko kaagad ang kamay niya at napatawa naman siya. "Tapos 'yun, nanligaw siya sa akin. Ginawa niya ang lahat para mapasagot ko siya. Mukhang deserve niya naman 'yun kaya binigay ko sa kan'ya ang OO ko. Lumipas yung mga araw, linggo, at buwan na masaya kami. Sabay papasok, sabay manananghalian, sabay uuwi. Sabay na nangarap para sa magiging pamilya naming dalawa, pero lahat ng 'yun nawala, e." Umiiyak niyang kwento kaya ako hindi ko na din napigilan ang sarili ko at kusa na ulit tumulo ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan. "Kinailangan naming maghiwalay dahil sa kagustuhan ng mga magulang niya. Mahirap lang ako noon anak, mahirap lang ang pamilya ko. Kaya siguro hindi ako matanggap ng magulang niya araw sa kan'ya kasi ganito lang ako." Hindi ko maiwasan na hindi magalit ng sobra sa mga nalaman ko.

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. 'Yung iyak na may halong galit at paghihiganti. Hindi ko matanggap na ganito ang trato ng magulang ng Tatay ko sa Nanay ko noon. Hindi ba pwede mag-mahal ng mayaman ang isang mahirap na katulad ng Nanay ko? Napaka-unfair ng mundo at napaka-unfair ng mga magulang ng Tatay ko para gawin ito sa Nanay ko.

"Pinaglaban ako ng tatay mo noon. At sapat na sa akin ang ginawa niyang 'yun. Hinayaan ko na lang siya, pinakawalan ko siya dahil ang totoo ikakasal na pala siya sa babaeng gusto ng mga magulang niya para sa kan'ya," sino kaya? "Limang taon ang lumipas at naikasal na siya nun alam ko din na mahirap para sa kan'ya na mahalin ang babaeng 'yun at ganon din ang 'yung babae sa kan'ya. Pero, sa limang taon na lumipas nagkaroon sila ng anak. Pero, kahit nagkaroon na sila ng anak ako pa rin ang mahal ng Tatay mo nung panahon na 'yun. Kaya isang araw nagkita kami, nag-usap kami at humingi ng tawad sa isa't isa. Doon din may nangyari sa amin." Napatingin agad ako sa kan'ya. Nginitian niya ako na para bang sinasabi niya na "Pangit man ang nangyari sa nakaraan namin ng Tatay mo, ikaw naman ang magandang nangyari sa buhay ko". "Akala ko walang mabubuo, pagkatapos ng gabing 'yun hindi na kami nagkita kahit kailan hanggang sa lumaki ka. Nabalitaan ko na nagkaroon ka ulit ng kapatid mula sa kan'ya at kasing edad mo lang siya. Hindi alam ng tatay mo na may anak siya sa 'kin at sa ngayon wala pa akong balak na malaman niya ang totoo dahil hindi pa ako handa sa magiging kapalit ng pag-amin ko. Ayokong masira ang pamilya niya, dahil alam kong sa matagal na panahon na lumipas minahal na din niya ang babaeng pinakasalan niya. Sa ngayon wala pa akong plano na sabihin sa kan'ya ang lahat at sana maintindihan mo 'yun anak." Huli mga sinabi niya bago niya ako iwan sa sala. Pumunta siya sa kwarto niya at alam ko na buong gabi na naman siyang iiyak ng dahil sa ala-alang 'yun. Habang ako naiwan sa sala na nakatulala at hindi alam ang sasabihin dahil sa mga nalaman ko sa nakaraan nila noon.

Umiyak lang ako ng umiyak ng gabing 'yun. Masakit para sa akin na malaman na ganun ang naging katapusan ng relasyoni ni Nanay kay Tatay noon.

Bukod pa sa mga nalaman ko may ibang anak si mama sa ibang lalaki. Pagkahiwalay daw nila ni Tatay noon uminom ng uminom si Mama noon sa isang bar kung saan may nakilala siyang isang lalaki at may nangyari sa kanilang dalawa na nagbunga at nagkaroon sila ng anak pero dahil hindi pa kayang buhayin noon ni Nanay ang kapatid ko dinala ito sa America ng Tatay niya at doon pinalaki. Hanggang ngayon hindi ko pa siya nakilala at wala akong balita sa kan'ya.

Balang maghihiganti ako sa pamilya mo Tatay. Hindi ako papayag na ganito lang ang mangyari sa amin ni Nanay habang ang pamilya mo ay nagpapakasasa sa marangyang buhay na dapat ay mayroon din kami ni Nanay.

"Huy! Kanina ka pang tulala dyan. Ano bang inisip mo?" Iritang tanong sa'kin ni Maxine ang anak ni mama noon sa lalaking nakilala niya sa bar. Siniko niya ako bago siya umupo sa tabi ko.

Andito ako sa Kadiwa Park nakatambay. Dito ako pumupunta kapag may problema ako sa buhay.

"Wala. Paano kung ipinaglaban ni Nanay at Tatay noon yung relasyon nila? Masaya kaya kami ngayon? Buo kaya kami? Maayos din kaya ang buhay ko?" Tanong ko habang naktingin lang sa kalsada, sa mga dumadaang sasakyan.

"Siguro? Pero, wala naman na tayong magagawa nangyari na ang lahat, e. Ano bang plano mo?" Tanong niya habang umiinom ng softdrinks. Tumingin ako sa kaniya at tinaasan niya ako ng kilay.

"Sa ngayon? Ang makapaghiganti at makuha ang lahat na para dapat sa akin, sa amin ni Nanay. Ayokong malaman 'to ni Nanay at ayokong magalit siya sa akin. Gusto ko gumaling na siya, sa sakit niya. Hindi 'to alam ng Tatay ko at hindi niya alam na anak niya ako. Hanggang ngayon naman mahal pa rin ni Nanay ang Tatay ko pero ewan kung ganun din ang Tatay ko kay Nanay." Hinawakan ko ang kamay niya. "Kaya tulungan mo ako, Maxine. Alam kong mahal mo din si Nanay at gagawin mo ang lahat para sa kan'ya." Basag na ang boses ko at unti unti na akong umiiyak.

Niyakap niya ako at hinagod-hagod ang likod ko. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Nginitian niya ako at hinawakan ang kamay ko.

"Gagawin ko ang lahat para sa inyo ni Nanay. Ako ang bahala." Nakangiti niyang sabi at niyakao ulit ako.

Napag-usapan namin ng umagang 'yun ang mga gagawin naming dalawa. Kung paano namin sisimulan ang plano at papasok siya sa buhay ng pamilya ni Carlisle.

Mayaman si Maxine at matalinong tao siya. Alam kong may galit din siya sa Tatay niya at sa Tatay ko. Dahil, nilayo siya ng Tatay niya kay Nanay at nasaktan ng Tatay ko ang Nanay naming dalawa.

Alam kong hindi tama ang gagawin ko pero masakit para sa akin na makitang masaya ang dalawa kong kapatid sa ama habang kami ng Nanay ko ay naghihirap.

Makakaganti din ako hindi lang sa ngayon. Pero, abangan mo ang pagkasira ng buhay mo at buhay ng pamilya mo, half-sister.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status