Share

TSBM Chapter 6 - Ang Bata

Anthony Point of View

Nagdridrive ako patungong bahay nila Donna para makausap ko siya. Gusto ko siyang kausapin tungkol sa aming dalawa. Kung bakit ako nawala sa anong dahilan? At kung bakit ko siya iniwan ng walang paalam? Nalaman ng mga parents ko ang tungkol sa akin at kay Donna, na patuloy pa rin akong nakikipagkaibigan at nakikipaglapit dito. Mas malala ay nalaman nilang mahal ko na ito sa edad na labing tatlong taong gulang. Hindi sila sumang-ayon sa pagmamahal ko para sa kanya dahil masyado pa kaming bata at isa pa ayaw na ayaw nila sa linya ng pamilyang Lee kahit na anak naman sa labas si Donna. Pero sabi ni Dad isa pa rin siyang Lee dahil si Mr. Jefferson Lee ang tatay nito at hindi puwede pa rin na magsama kaming dalawa. Is it because she is a Lee kaya ayaw na sa kanya ng parents ko? Ano ba ang mer'on sa dalawang pamilyang ito at bakit sukdulan ang hindi pagkakaintindihan at away nila? Kahit lumaban na ako sa mga magulang ko na kahit anong mangyari ay hindi ko siya iiwan. At hindi ako sasama sa mga magulang kong lumipad papuntang US para ipagpatuloy ang pag-aaral at patakbuhin ang Montenegro Tech Corporations sa US California sa takdang panahon pero wala akong nagawa nang sapilitan akong isama ng mga ito sa ibang bansa. Tinanggalan ako ng lahat ng contacts and access sa Pilipinas. They've cut all my connections para matuldukan na ang pagkakaibigan namin ni Donna. Pati mga kaibigan, maids on our House, my parents friends, business colleagues, kamag-anak, Professor and Deans sa US ay inutusan ng mga magulang ko na hindi ako payagan o pahiramin ng mga gadgets nila para ma-contact siya, sent her an email nor seach her profile sa f******k or I*******m. Hindi ako nawalan ng pag-asa para makausap si Donna gumawa ako ng paraan. Isang araw nang walang tao sa bahay ay naiwan ng maid namin ang kanyang cell phone. And through it pasimpli kong pinuslit ang phone and I tried to search Donna's Profile sa F******k pero matagal na pala siyang nakadeactivate, sinubukan ko naman ang I*******m, Telegram or Twitter pero wala akong masearch na name nito. I try to contact her Philippine Number cell pero iba ang sumagot sa tawag. So I still sent her an email tutal natatandaan ko pa naman ang email address niya, but many months and years passed on wala akong email na natanggap pabalik sa kanya. Hanggang sa makagraduate na ako at makumpleto ang fours years of MBA degree, napatakbo ko ang Firm namin ng mahusay at successful kaya panahon na siguro para ako naman ang masunod. Nagpabook na ako ng flight sa Pinas pero something happen, my Mom has been rushed to the hospital na siyang kinapostponed ng flight ko. My Dad talks to me, he said na huwag na muna ako tumuloy ng pag-uwi sa Pilipinas dahil kailangan pa ako ni Mom at nang kumpanya sa US, but I found out na hindi lang pala ito ang dahilan kung bakit ako pinipigilan ng mga ito na umiwi ng Pinas.

"A-Anthony... Anong ginagawa ko dito?"

Gising na siya.

Nakita ko siya sa daan kanina at maraming bitbit na mga bag. Maya-maya pa ay nahimatay siya. Kayat lumabas na ako sa sasakyan ko at binuhat siya, at inuwi sa bahay ko.

Agad ko siyang nilingon at pinuntahan sa kwarto. 

Inalalayan ng dalawang kamay ko ang likod niya para makaupo ito nang maingat. "You passed out when I saw you on the road."

Napakunot ako nang makita ko ang paghaplos nito sa kanyang lalamunan.

"S-Sorry." Mabilis kong iniabot ang baso ng tubig sa kanya na siya niyang ininom agad.

"Are you okay now?" Inilapag ko ang baso sa gilid ng side table ng kama. 

Namumutla siya. Bunga siguro ng labis na pagod at pagbubuntis n'ya kaya siya bumagsak.

Inilibot nito ang kanyang mga matang mamungay-mungay sa buong paligid. She's searching kung sa'n ko s'ya inuwi. "Saan mo ako dinala?" Puno ng pangamba niyang tanong.

"D-Don't panic." Sabi ko para huminahom siya nang napansin kong nagsisimula na siyang tumayo, tuloy-tuloy magsalita at nagmamadaling kumilos. Hindi pa siya okay para umuwi sa kanila.

"I need to go! Baka makita pa ako ng Mama at Papa mo!" Namilog na ang mga mata nito at tinutulak ako. Naghyhyperventilation pa ang babae.

Every time na dinadala ko si Donna sa bahay noon ay pinamumuka ni Mom na wala siyang karapatan at bawal tumapak sa loob ng mansyon ng mga Montenegro at mag-asal Prinsesa dito. Sa tuwing nahuhuli kaming magkasama ay agad na akong hinahatak ni Mom palayo sa kanya. Madalas akong kinukulong at kina kandado sa loob ng kwarto ko, hindi pinapakain buong gabi, at kinukuha ang lahat ng mga gadgets ko bilang parusa sa hindi pagsunod ko sa kanila ni Dad na kamuhian at layuan ang mga Lee lalo na si Donna. Pero hindi ko magawa kaya palagi nila akong pinahihirapan at pinaparusahan magpahanggang ngayon.

"I said huwag kang magpanic!" Bigla siyang natigilan nang biglaang tumaas ang boses ko. 

Napapikit at hinilot ko ang gitna sa magkabilaang kilay ko. Naglabas ako ng malalim na hangin. "I'm sorry. Hindi ko sinasadya na taasan ka ng boses."

Umupo ako sa tabi niya at sinubukang pakalmahin siya nang makita kong bahagya niyang sinasabunutan ang buhok niya. Yumuko siya at itinupi ang mga binting niyakap ito.

"Nandito lang ako. Kung maymali kang nararamdaman puwede mo ako kausapin?" Napalunok ako at nasasaktan ako sa mga nakikita ko. "Wala sila Mom and Dad. Nandito tayo sa pamamahay ko."

I buy my own house galing sa sarili kong pera sa bangko na naipon ko kaya nakabili ako ng sariling mansyon sa Pilipinas bago ako umuwi. At dito ko siya balak itira at bumuo ng pamilya. Pero parang malabo ng mangyari 'yon sa sitwasyon namin ngayon.

Hindi siya makasagot sa akin.

RINGTONE VIBRATING....

"Bakit hindi mo sagutin?" Ang lamig niyang makitungo, malayong-malayo sa kilala kong Donna noon.

Napabaling ang mata ko sa kanya. Nakatingin ito sa bintana at nakakulob ang mga paa nito sa kanyang braso. 

"Hindi importante." madiin kong tugon. 

"Sagutin mo na. Mukang hinahanap ka na ng girlfriend mo." dagdag pa nito habang hindi pinuputol ang malayong tingin niya sa bintana.

Napasara ang bibig ko nang nasulyapan pala niya ang pangalan na tumatawag sa cell phone ko. Nakapatong ang cell phone ko sa tabi ng kama niya kaya nahagip sa malamang niya ng kanyang mga mata ang pangalan ng babaeng tumatawag sa akin.

"She's not my woman." 

Hindi na siya sumagot pa at piniling magmukmok sa kwarto. Nagseselos ba siya sa babaeng tumatawag sa akin o masama lang ang pakiramdam nito? Napasinghap na lang ako at mahinang iniling ang ulo ko.

Hinablot ko ang cell phone ko at sumunod na sinara ang pintuan ng kwarto nito, bago ko sagutin ang tawag sa labas ng Garden.

"Hello?"

"Good Afternoon, Baby," masigla nitong bungad sa kabilang linya.

Napamewang ako at pagkayamot na pumikit. "What a f-ck!" mahina kong mura sa taong tumatawag sa kabilang linya. Nagsisimula na naman niya akong bwisitin.

"Oh, ito naman binibiro ko lang naman ang Soon to be Husband ko. HAHA!"

"How many times I told you na hindi ako nakikipagbiro sa 'yo, Jachel." Binaba ko ang tawag at nagtipa ako.

Message:

Me: Can you stop disturbing me. Stop calling me 'Baby.' Hindi ba nag-usap na tayo? Our relationship status is off.

Jachel: Chill. I'm just teasing my body. Hindi na kita bwibwisitin, okay? Tinawagan lang kita dahil ready na ang pabor mo para kay Donna.

Me: Great! Thank you, Jachel.

Jachel: See youu... And Congrats sa inyo in advance ni Donna. :)

She's Bridgette Jachel Wang, ang isa sa malapit kong kaibigan sa US. Meroon kaming nakaraan noon, but past is past. Pero nanatili pa rin kaming magkaibigan at nilinaw kona sa kanya kung ano ang limitasyon niya sa pakikipagkaibigan sa akin. At umaasa ako na hindi niya ako bibiguin at lalabag sa pinangako niya na magiging masaya siya at susuporta para sa akin at sa babaeng mamahalin ko kahit na hindi siya 'yon. 'Yung pabor na sinasabi kanina 'yun ang malaking sorpresa ko para kay Donna. Alam kong hindi pa ngayon ang tamang oras para ibigay 'yon sa kanya pero gusto ko na siyang makasama panghabambuhay. Alam kong mabibigla siya at natatakot ako baka hindi niya tanggapin ito pero umaasa pa rin ako na makukuha ko ang sagot na gusto kong marinig mula sa kanya. At kapag nangyari 'yon wala ng sino man ang kayang paghiwalayin kami. At sa araw mismo na maikasal kami ay maitatama ko na rin ang pagkakamali ko. Ang pagkakamali na nagawa ko sa kanya. Hindi ko naman pinagsisisihan na nagyari 'yon pero iyon na 'ata ang pinakamagandang nangyari sa buong buhay ko kasama siya.

Dumiretso ako ngayon sa Kitchen counter at naghahanda ng miryenda para kay Donna. To make her happy and full kahit papaano.

I can prepare her food. No maids. No chefs. Just me. I can be all around, despite I'm a busy person to manage and take control to our emerging company while I can took care of her and her baby.

"Donna?" Hindi maalis-alis ang mga matatamis kong ngiti nang iniisip ko siya. 

Nabitawan ko ang pagkain sa kama nito nang wala siya sa buong kwarto.

"The F-ck!" mahinang mura ko nang nakita ko ang bukas na sliding window at dito siya dumaan palabas. Nakasabit pa ang kahel na kumot sa bintana pababa na ginawa n'yang lubid. 

"Crazy little Donna then and now!" Mabilis kong kinuha ang key ng sasakyan ko at sinimulan ng patakbuhin ang sasakyan.

"Donna!!!" singhal ko nang magtama ang mga mata namin.

End of Someone's Point of View

-----------------------------

Donna Point of View

Nawalan ako ng malay at nagmulat ang mga mata ko na nasa pamamahay na pala ako ni Anthony. Ayoko mapunta sa lugar niya at mas lalong ayoko makasama siya sa iisang lugar.

Ayokong nandid'yan siya sa paligid ko.

Kaya nakaisip ako ng paraan na makatakas nang tumawag ang isang babae. Sinabi ko pa sa kanya na girlfriend niya ang tumatawag at parang naging defensive at explanative siyang tao, nagsasabi lang naman ako ng totoo. Pakiramdam ko talaga may something sa dalawa. Kahit nanahimik lang ako sa gilid, may naramdaman akong kirot sa puso ko mawaring nasasaktan ba ako? o nagseselos na nga ba na may iba na siyang prinsesa sa buhay nito at hindi na ako? Kayat mas pinili ko na lang na huwag na siyang tignan baka maging halata ang pagiging OA at baka makapagsalita pa ako ng hindi angkop pakinggan laban sa kanya. Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagtakas, sakto nakita ko ang sliding glass window sa room na kanina ko pa pinagmamasdan. At kasyang-kasya ang katawan ko dito. Hindi naman kataasan ang kwarto ko sa ground floor. At sanay naman akong mag-akyat bahay. Hindi ako magnanakaw, pero masasabi ko namang bihasa ako sa pagaakyat ng mga bakod at ilang palapag ng mga mansyon. Nasanay lang ako sa ganitong gawi nung naghigh school ako. Kapag may kalokohan ang mga barkada ko at kasama ako ay kailangan namin makipagpatintero at lusutan na parang sinulid ang karayom ang mga matataas na mga bakod at matitinik na mga pintuan para lang hindi mahuli ng mga guro at body guards sa school. Pero ngayon ay kailangan ang labis na ibayong pag-iingat. Kailangan maingat pa rin ako bumababa at ginawang lubid ang kumot pang suporta para makababa nang ligtas. Tinali ko ito ng mahigpit sa kahoy ng kama para hindi basta-basta maalis sa pagkatatali at baka madisgrasya pa ako. 

"Bakit mo pa ako sinundan? Aalis na ako. Bumalik ka na lang sa bahay mo!" Pagtataboy ko. 

Magkasalubong ang kilay ni Anthony nang padating siya sa kinatatayuan ko. "Bumalik na tayo sa bahay, Donna! Huwag matigas ang ulo mo at baka kung mapano ka pa dito!"

"A-Ang baby ko!" hiyaw ko ng maraming dugo ang lumalabas sa pagitan ng mga hita ko. Tumaas ang presyon ko at ninerbyos.

Wala ng sabi-sabi at binuhat ako ni Anthony. Nilagay niya ako sa sasakyan nito at pinaandar ang kanyang kotse. Dinala niya ako sa pinakamalapit na Hospital kung saan nagkataon din na dito nakaconfined si Nanay.

"Call Doctora Analyn Benitez! Now!" sigaw niya sa mga nurse na umassist sa amin nang pagkapasok sa Hospital at buhat-buhat pa niya ako paharap sa kanyang mga braso. Halata sa tono ng boses niya na sobrang concern siya sa anak ng iba, pero hindi naman niya ito anak.

"Ano pong nangyari, Mr. Montenegro? At kaano-ano niyo po ang babae?" Mabilis na tanong ng nurse habang sinusulat niya ang kakaunting impormasyon kung napaano ako at kung kaano-ano ba ako ni Anthony? 

Nagtutumagtak ang pawis ni Anthony sa buong katawan nito, pero wala siyang pakialam. Halos maluha-luha na rin siya sa nangyayari sa akin. Sinisigawan na niya ang lahat ng mga doktor at nurse para tawagin ang doktor na tinutukoy nito. Sobra-sobra ang pinapakita nitong pagkakabalisa at naririnig ko maging ang mabilis nitong kalabog at pintig ng puso. At paghinga na parang kabayong naghahabulan, takot na takot siyang mawala ang sanggol sa sinapupunan ko. 

"M-Mr. M-Montenegro. May p-pinapaanak pa po si Doktora sa delivery room." Nangangatog ang buong katawan ng lalaking nurse, maging ang mga labi niya nang sabihin n'ya ito sa umuusok na si Anthony.

"I dont f-cking care her patient!" Halos matanggalan na ng mukha ang nurse na ito nang pagbuntungan siya ni Anthony. "My wife is bleeding. She's carrying our child! Now call Doctora Benitez! Kung ayaw ninyo matanggalan ng trabaho dito!!!" pagbulyaw nito sa lahat ng mga nurse dahilan para tumango at sundin ang pinag-uutos n'ya. 

"A-Anong sinabi mo? Asawa? Anak mo?" pabulong na tanong ko sa sarili ko pero hindi ko alam kung sapat na ba ito para marinig niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status