Share

4

Author: MM16
last update Last Updated: 2023-09-08 08:22:27

THE CHAIRMAN

Ubos ang energy ko nang matapos ang discussion ko. Bwisit!

Haggard na naman ako.

Sa inaraw-araw kong paulit-ulit ng pagpapalinwanag tungkol sa mga bagay na inaalok ko ay memoryado ko ng tunay, at kahit yata tulog ako ay kaya itong i-recite na parang libro ng Science.

Sumandal ako sa upuan at tumitig sa berdeng dahon ng nakadisplay na halaman, para marelax ang mga mata at utak ko.

Nanunuyo na ang lalamunan ko. Kung oral exam ito, malamang ay sobra pa ako sa pasado. Narito ako sa may waiting area. Dito raw naghihintay ang mga aplikante. Nasa floor din ito ng chairman pero medyo malayo.

"Beautiful," tawag sa akin ng lalaki sa may likuran ko.

Agad akong lumingon. Naks! Feeling ko yata ay over ako sa self confidence.

"Naks!" anang lalaking CFO. Nakapamulsa ito at naglalakad palapit sa akin, “Lingon kaagad.”

Cool talaga ito at hindi matapobre.

Ang laki ng ngiti nito na parang nang-gu-goodtime pa, dahil sa paglingon ko sa pagtawag niyang beautiful sa akin.

Magkahiwalay na kami ni Chinita. Naroon siya sa kabilang parte ng napakalawak na floor ng building na ito, at sa sobrang lawak ay parang sinlaki na lang siya ng daga sa paningin ko.

"Ready ka na. I told my Tito about that plan. Actually, pinatatawag ka nga rin niya kahit hindi ko sinabi sa kanya," sabi niya sa akin.

Ako? Pinatatawag?

Namilog ang mga mata ko sa pagtataka. Magkakilala ba kami ng chairman? Hindi naman.

Baka excited kumuha ng plan dahil baka pakiramdam ay made-deadbol na. Aba. Hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito na makaharap ang isang bilyonaryo.

Hindi ito ang unang beses na nakaharap ko ang isang mayaman dahil ang ama ni Blaze ay ganito rin, pero iba naman iyon at iba rin ang Chairman ng Kings.

Pumormal ako kunwari, "Okay po, Sir. Salamat po, pilit akong tumayo kahit parang nalulula pa ako dahil sa walang katapusang pagpapaliwanag ko kanina sa loob ng isang hall.

Nakatipon doon ang mga gurang na kalalakihan, na walang ibang gawa kung hindi tumunganga sa legs ko.

Wala pa naman akong kain dahil sa puspusan kong trabaho. Ang sabi ay tatawag ang mga iyon kung kukuha. Mga kuripot. Naturingang mayayaman ay mga walang pera.

Pinuntirya kaagad ng mga mata ko ang pinto ng office ng Chairman. Kanina ko pa iyon sa totoo lang pasimpleng hinahanap kaya alam ko na kung nasaan.

"Ihatid na kita," alok ng CFO sa akin na ipinagkibit-balikat ko na lang.

Buti na nga rin yun na may endorser ako. Hindi masyadong awkward kapag humarap na ako kay tandang Chairman.

“Mawalang galang na po, sir. Ilang taon na po si Chairman, mga otsenta na po ba?” tanong niya sa lalaki na tunawa habang nakapamulsa.

“Why? Gusto mo na siyang mamatay? Hindi ko nga akalain na sa yaman ni Tito, wala pa siguro siyang memorial plan kaya gusto ka niyang makausap.”

“Susko, sana ay kumuha siya,” ani ko. Sinarili ko ang kaisipan na kapag um-oo ang isang tao at nag-down kaagad ng paunang 2,500 pesos, mayroon na ako doon 750. Komisyon ko iyon. May pambili na ako ng mga gamit ni Blaze sa eskwela kasi ang sapatos ng anak ko ay gutom na, nakanganga.

"What's your name again?" tanong niya sa akin.

Sinulyapan ko pa siya. Ang tangkad niya kahit naka-heels ako.

"Emmanuelle Vera… mukhang pera." sabi ko sa kaniya na ikinatawa niya nang malakas.

Wala syang pakialam kung nakahatak sya ng maraming mga mata sa kabuuan ng department na yun.

Ako ang parang nahiya. Peste naman kasi ang bibig ko, laging may karugtong na kalokohan paminsan-minsan.

Sinulyapan ko ulit sya at nakatingin sya sa akin, "I like that. Tell that to the chairman, ihuhilog ka niya sa building." aniya sa akin.

Ngi.

Nanulis ang nguso ko, "Demonyo naman yata ang chairman niyo at hindi tao, sir," di napigil na sabi ko.

Paano? Sino namang tao ang maghuhulog ng pobreng babae sa building dahil lang sa isang biro?

Baka ulyanin na ang chairman kaya masyadong masungit.

"Just kidding, pero ‘wag mo syang bibiruin ha, warning. Mainitin ang ulo niya," warning niya kaagad sa akin na tinaasan ko lang ng kilay.

Saglit pa akong natilihan nang mapansin ko na nakatapat na pala kami sa pinto ng opisina ng lalaking pinag-uusapan namin.

My heart raced. Wow! Bakit may kaba factor? Sa tagal ko sa trabaho na ito, ngayon lang ako kinabahan.

E kasi ay Chairman ang papasukin ko.

We were suddenly interrupted by a woman's voice.

"Yes Nico? May kailangan ka sa Tito mo?" tanong nun na sabay namin na ikinapilig ng ulo.

Ngumiti si Nico sa babaeng nakasalamin at ang ginuhit na kilay ay parang abot na sa noo. Nangangamatis ang pisngi nun na parang binalatan na sibuyas ang kulay. Gumagamit yata ng iyon ng Maxipeel o baka naka-rejuvenating set. Sunog na ang mukha ng babae

Gusto kong matawa sa hitsura nun pero pinigil ko kasi mukha iyong principal na pinagkaitan ng tadhana. Yun tipong matandang dalaga ba, namamatay ng virgin.

"Yes, ate Maxi. Kausap ko na siya kanina. Ako na ang papasok." simpleng sagot ng lalaking katabi ko.

Dumako sa akin ang tingin ng babae. Sinuri nun ang kabuuan ko. Gusto kong sabihin sa kanya kasama ako ni Chinita. Bakit ang sungit ng tingin nito sa akin ay magkaibigan sila ng kumare ko?

Akala ko susungitan ako nito pero ngumiti rin. Ah, masungit lang pala ang mukha. Naisip ko.

Ginantihan ko iyon ng ngiti bago ako sumunod kay Nico papasok.

Nakabukas na ang pinto kaya agad akong kumilos bago pa ako abutan ng menopause.

Ang bango! A sweet manly fragrance greeted my nose. Hindi masangsang sa ilong and amoy na iyon.

"Tito, here she is,” imporma ni Nico sa lalaking di ko makita kung nasaan.

Multo? Nilinga ko ang paligid pero wala kong makita. Baka naman bulag na ako.

"Sir, nasaan po ang kausap niyo?" bulong ko sa lalaki pero bago pa ito makasagot ay may nagsalita na.

"Leave us alone,” pormal na pormal ang boses na yun. Baritono iyon at malambing naman pero puno ng awtoridad.

Parang narinig na ko na ang boses nito. Limot lang ako kung saan o kung kailan pero talagang pamilyar. Baka sa radyo ko iyon narinig o kaya ay sa telebisyon.

Nag-isip ako pero di ko maalala talaga at ayokong mangulubot ang balat ko sa pag-iisip. Bahala sya sa buhay niya. Boses naman niya iyon at wala akong pakialam.

Saka maraming may ganoong boses sa mundo.

I glanced at Nico while still embracing my portfolio.

"Okay, Tito," sagot ni Nico.

Bigla akong kinabahan nang maiwan akong mag-isa. Nilingon ko pa si Nico kahit nakalabas na siya, at nang tumingin ako sa harap ko ay nakita ko na ang isang bulto ng taong nakatalikod. Nakaharap siya sa ceiling to floor glass wall na kita ang buong syudad malamang.

Nakatalikod siya sa akin.

Lumunok ako. Hindi siya matanda tulad ng inaasahan ko. At ang laki laki niyang tao, kahit katawan niya ay sobrang laki rin. He's in a gray expensive business suit and his hair is in the shade of brown Mukhang natural iyon.

Susko! Kung gwapo si Nico, mukhang mas pogi itong Chairman. Likod pa lang, ulam na.

Napadako ang mga mata ko sa pwet niya.

Di ko yun sadya ha pero ang tambok. Parang ang sarap pisilin. Namimilya na naman ang utak ko.

At kailan pa ba ako nakatuto ng pagnanasa sa isang lalaki? Doon lang sa ama ng anak kong si Blaze ko iyon natutunan.

Di ko namalayan na hindi na pala ako nakakagalaw sa kinatatayuan ko.

"Are you done scrutinizing my body, young lady?" tanong niya na nakatalikod pa rin.

Susmi! Nahulaan niya na tinitingnan ko ang bawat sulok ng katawan niya. Tumikhim ako para magpaka-pormal. Mauutal yata ako kapag nagsalita ako.

I calmed myself. I have to stay calm and shouldn't be nervous at all.

"Married or not?" tanong pa rin niya agad sa akin bago pa man lang ako makahanap ng sasabihin.

My brows arched.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa may mesa niya. I tiptoed.

Feeling ko kasi mabubuwal ako sa kaseryosohan ng ambience sa office niya. Makahawak man lang sana ako sa armrest ng silya sa harap ng mesa niya.

Saka mag-aahente lang ako, bakit ang tanong niya ay married or not?

"No, po. Single parent po,” sagot ko. I pressed my lips together.

Hindi siya kaagad sumagot. Inom lang siya nang inom ng pulang likido sa wine glass. Pilit ko siyang sinisilip para makita ang mukha niya.

Daig pa niya ang bampira na sumisimsim ng dugo sa wine glass.

“Single parent, huh?” aniya kaya napaismid ako.

Ano bang pakialam ng Chairman na ito sa takbo ng buhay ko?

Nakagat ko ang hintuturo ko. Lalabas na ba ako o ano? Parang gusto ko lumayas dahil hindi naman ako aplikante para interview-hin niya nang ganito. Pero gusto kong makita ang mukha niya.

Grabe ang interes ko na humarap siya. Parang di ako makakatulog ng isang taon kung palaisipan ang misteryosong mukha ng Chairman ng King's.

Sinilip ko sya ulit sa tagiliran pero wala, di ko halos makita ang kabuuan ng mukha niya. Baka siya ay duling o kaya ay pango. Pero mukha itong foreigner at hindi pwede na pango ito.

Please humarap ka... Pakiusap ko sa isip at muli ko siyang inararo ng tingin. Tall, fair and myterious. Iyon ang mga salitang maglalarawan sa lalaking ito na mas gustong nakatalikod habang nakikipag-usap.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Naty Esmabe Magbag
Jusko Ang kulit ......mukhang mapapdami ko tawa d2 ah salamat author Ang ganda
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Self-centered Billionaire's Lady Makulit   56

    WEDDING DAYHulaan niyo kung nasaan ako.Nandito ako sa labas ng simbahan kasama si Nanay na nakasuot ng puti. Hindi sya ililibing ha. Baka sabihin niyo eh patay na sya. Hindi noh. Buhay na buhay ito at sumisipa na parang kabayo.Para itong donya na naman na nalipasan ng tagasibol at inabot kaagad ng tag-lagas. Matanda na kasi ang nanay kong mahal pero the best nanay ito para sa akin. Walang tatalo kahit na ako ay hindi galing sa kwelyo ng matris nito. Nanay ko ito para sa kin at hindi yun magbabago.Ikakasal ako kay honey ko. Ganito pala ito, teary eyed ang lola niyo. Wala namang drama sa buhay ko kasi tapos na. Nandito ang totoong Mama ko at ang Papa ko na may kasamang pulis at nakaposas. Hindi ang pulis ang nakaposas, kundi ang aking Papa. Pero hindi ko ito ikinahihiya.Sabi ni Pap ay hindi niya ginahasa ang ina ni Kuya Nico na adik. Hindi lang daw nun matanggap na si Mama ang minahal ni Papa kahit may asawa si Mama. Naniniwala ako sa papa ko na clown.Oo, palatawa iyon kabi

  • The Self-centered Billionaire's Lady Makulit   55

    54COMPLETE EMMAN GANDAEmman'sNakatulala ako kay honey my so gwapo nang sabihin niya na may kinalaman sya sa pagkakakulong ng Papa kong clown."Ginahasa ba niya si Mommy ala bruha y surayda de pormalin?" tanong ko sa kanya.Umiling sya.Nagkatinginan kami sa rearview mirror.Hindi naman ako makaramdam ng sama ng loob sa kanya. Nakakaramdam lang naman kasi ako ng sama ng kalooban ay kapag kinakabagan ang lola niyo, nauutot kasi syempre ako noh. Pero ngayon, wala akong hard feelings kasi walang sasabog na atomic bomb. Ewan ko mamaya. Wait lang.Hinawakan ko ang tuhod niya. Paakyat ako sa hita niya kaya natawa na tuloy sya, eh kanina lang parang guilty sya na may kasalanan daw sya sa pagkakakulong ni Papa clown."Eh ano?" itinaas ko pa ang kamay ko kaya bigla niyang inihinto ang sasakyan sa tabi ng kalsada at kinalas ang belt niya.Seat belt hindi belt. Lindol na naman kapag yun ang nakalas.Pero totoong lumapit sya kaya napaatras ako at sumalpok ang ulo ko sa headrest.Aww

  • The Self-centered Billionaire's Lady Makulit   54

    MY MAMAEMMAN'SNapatingin ako kay Sweet Kanton habang sakay kami ng sasakyan niya. Sweet na ang flavor niya kasi bati na kami. Noong kaaway ko sya ay Spicy kanton sya.Tumingin ako sa kanya kasi nasa tapat kami ng isang bahay na hindi ko alam kung kanino."Kaninong bahay ‘yan?" tanong ko sa kanya pero nginitian niya lang ako.Sumulyap pa sya sa bahay saka ibinalik ulit ang tingin niya sa akin."Nasa loob ang Mama mo," sabi niya.Biglang nag-iba ang timpla ng mukha ko. Pumait ito na parang kapeng barako. Nag-iwas ako ng paningin sa kanya at pinagsiklop ang mga braso ko sa dibdib ko."Ayoko syang makilala. Please kanton, ayokong umiyak. Masaya na ako at ayoko na malaman pa ang lahat," di pa man lang ay naiiyak na ako kaya iniusog niya ang katawan niya palapit sa akin."Just this once. I'm here. Para makilala mo ang Papa mo," ngumiti sya kaya tiningnan ko pa."Nandyan ba yung ate kong aso?" ismid ko.Tumawa si Kanton ko, "Wala, ang Mama mo lang ang nandyan." sabi niya."Game,

  • The Self-centered Billionaire's Lady Makulit   53

    53BACK AGAINBradenDito lang siya. Ang totoo ay masamang-masama ang loob ko nang araw na yun dahil nakaharap ko ang Mommy ko. I confronted her after the doctor accepted the samples and gave me a result.Pinagsalitaan niya ako na balang araw ay iiwan ako ni Emmanuelle para sa mas bata at mabait na lalaki. Hindi ko alam kung bakit ganun ang Nanay ki sa akin. Iisa ang mahal niyang anak, ang kapatid ko lang. Kahit daw magsubukan kami ay hindi siya magkakamali ng tingin kay Emmanuelle.Ako na tanga ay sumunod sa ina ko nang magukuban ako. I wanted to pribe her wrong but Emman really walked away when I acted being possessed by my rage.I was so wrong. Involve na si Blaze sa lahat, at ang drama ko ay hindi maganda sa paningin ng bata, ng anak namin.Lalong nadagdagan ang galit ko nang malaman ko na si Anelyn ay kasabwat ng surrogate mother ko sa planong pagkuha ng lahat ng yaman ko. When marriage didn’t succeed, plane crash was executed. Wala na ang mga yun dinampot na ng mga pulis.

  • The Self-centered Billionaire's Lady Makulit   52

    52Sorry NaEmman'sKaagad kong ininom ang tubig na binigay ni spicy kantot, my ex so seloso, so sungit and so bwisit.Not to mention, so pogi.Haaaay! Napangiti ako nang matapos ang ubo ko. Natakot ang lola niyo baka mamaya ay pumuslit ang anak ko dahil sa lakas ng samid ko. Naramdaman ko ang kamay ni spicy kantot sa likod ko, hinihimas ako habang pinupunasan ko ang bibig ko ng laylayan ng coat niya.Eh ano ba? Wala akong panyo eh. Pag tumanggi sya eh sasapakin ko sya, makita niya.Parang iba ang himas niya. Tiningala ko sya sabay duro ko sa kanya gamit ang hinliliit ko. May arthritis kasi yung iba kong daliri kaya hinliliit ang ginamit ko."Chinachansingan mo ako noh?" pumameywang ako at nilabian ko sya.Hihi! Sige pa. Chansingan mo pa ako. Sa harap naman oh my spicy kanton.Napaatras ang ulo niya at nakusot ang noo niya, tapos ay bumuga sya ng hangin. Mabango ang bibig niya pa rin. Parang ang sarap papakin.Tumingin sya sa mga mata ko, "Come home." biglang sabi niya kaya

  • The Self-centered Billionaire's Lady Makulit   51

    51Pregnant Emman BilyonaryaEmman'sIsang bwan na ang lumipas simula nung huli kaming magkita ni Kanton. Hindi ko naman sya nakalbo kasi naawa ako. Nilayasan ko na lang sya. Pati longganisa niya ay iniwan ko rin. Paulit-ulit niya akong sinabihan na umalis na ako. Inalam kpng pilit ang problema niya, ang tungkol sa nanay niya, sa surrogate mother niya pero ayaw niya akong bahaginan kahit kaunti lang. Ang nakatatak sa utak niya ay nilayasan ko siya.Pilit kong idinikit ang sarili ko. Nakiusap ako na kahit sabihin lang niya ang tungkol sa crash pero wala.Bakit ganun? Ang inakala kong tama ay mali pala. Hindi pala solusyon na nilayasan ko siya kahit na mampapatay na siya ng tao. Dapat pala hinintay ko siyang bumalik. Napakatanga ko. Aminado ako. May asawa na nga pala ako, at obligasyon ko na damayan siya kahit na gaano pa man dsiya kabigat unawain.Pero tapos na, hiwalay na kami dahil hindi na rin niya ako pinatawad. Umiyak ako, sobra. Maling-mali ako.Binibisita niya si Blaze a

  • The Self-centered Billionaire's Lady Makulit   50

    50HE LOVES ME OR HE LOVES ME NOTEmman'sHindi ako mapakali. Paroot parito ako sa labas ng bahay. Nangyari na ito noon na para akong pusa na hindi mapaanak sa sobrang kaba ko pero ang pagkakaiba lang, wala ako sa mansyon ngayon para hintayin ko ang pagdating ni Bradenton.Nag-aalala ako para sa kanya. Hindi ko alam kung anong nangyayari."Oy anak, ano na? Wala ka bang balak na matulog? Aba alas onse na ah. May pasok ka bukas," boses yun ni Nanay sa may pintuan."Matutulog ako Nay, dilat nga lang." sagot ko sa kanya saka ko ito tiningnan.Napakamot sya ng ulo niyang may mga buhok na parang mga alambreng nakatusok."Bakit ba kasi anak umalis ka? Naiwan mo naman yata ang isip mo roon?" tanong pa ni Nanay.Hmp! Naiwan ko nga yata. Wala nga yata sa bao ng ulo ko ang utak ko ngayon. Parang dala-dala ni Bradenton iyon."Mali ba Nay na iniwan ko sya? Gusto ko kasi syang matuto. Baka kasi may exam sya, eh di maperfect niya di ba?" sabi ko pa kay Nanay ko."Eh bakit? Gusto mo ba per

  • The Self-centered Billionaire's Lady Makulit   49

    49BAD HABIT IS HARD TO DIEEmman'sKadarating ko pa lang galing school at halos tumalsik ako sa lakas ng pagkakabanggan namin ni Kantot ko sa may pintuan, habang ako ay papasok at sya naman ay palabas, pero hindi niya ako pinansin.Nalingon ko sya.Oh no! Sinasapian na naman yata sya ng demonyo. Dilim ang anyo niya sa pagkakasulyap ko. Nakagat ko ang daliri ko sa tensyon."Honey my loves so sweet?" pumihit ako para habulin sya pero hindi niya ako pinakinggan.Sunud-sunod din na sumakay sa limousine nya ang mga surot niya.Kinakabahan ako, "Braden!" seryosong tawag ko sa kanya kaya tumigil sya sa pagsakay. Saglit niya akong nilingon at tama ako, nagdidilim nga ang mukha niya ngayon.Yung tipong may bagyo.Pero nginitian niya ako ng malungkot kaya naalarma ako. Mukhang may gagawin naman syang hindi maganda. Magpapabugbog na naman ba sya?Why?Why?Why?Delilah?Honey kong seloso... Kaagad akong natakot kahit wala namang multo. Natatakot ako sa iniisip ng Kantot ko."Bra

  • The Self-centered Billionaire's Lady Makulit   48

    48LUCKY ME KAY KANTONEmman's"Baby," boses ni Kanton ang naririnig ko saka may umaalog sa braso ko habang nakadapa ako sa malambot na kamang parang ulap.Umungol ako sabay dampot ko ng kumot na nakabalot sa katawan ko. Tinakpan ko ang mukha ko pero bakit biglang nilamig ang pisngi ng pwet ko? Ano ba ito?Lalo kong hinila ang kumot at buong katawan ko na ngayon ang nilalamig.Ano ba? Butas ba ang damit ko at tagusan hanggang buto ang singaw ng aircon? Letse! Patayin ang aircon na yan. Balak pa yatang gawing frozen cheeks ang pwet ko. Nakadapa pa man din ako dahil latang - lata ako pagkatapos kong lumaklak ng sangkaterbang alak sa party ni Kantot ko."Babe, labas ang pwet mo," sabi niya kaya napaangat ako ng ulo at natingnan ko ang likuran ko habang saklob ang kumot sa ulunan ko.Oh yesssss! Hubad ang lola niyo! Bakit ganito? Nilindol na naman yata ako kagabi ng asawa kong pogi.Inirapan ko sya.Binalutan ko ulit ng kumot ang katawan ko habang sya ay nakasandal sa headboard

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status