NAKAHANDA na ang lahat hinihintay na lamang nila ang kaibigan ni Chris na magsusundo sa kanila. Nasa sala sila at nag-uusap tungkol sa kompanya nang biglang magsalita si Rhealyn na ikinatigil nila."Nasaan si Lian?""Oo nga mula kaninang umaga ay hindi ko siya nakita." Komento ni Owen.Napalunok siya nang maaalala niyang ikinulong niya si Lian sa Music room. Kapagkuwan ay pa-simpleng niyang sinulyapan ang kanyang mga kasama nang tignan siya ng mga ito. Huminga siya ng malalim saka siya nagsalita. "Huwag kayong mag-alala nag-aayos siya nang lumabas ako sa kwarto," pagsisinungaling niya saka siya pilit na ngumiti. "Pupuntahan ko siya." Presinta niya saka siya tumayo at umakyat sa ikalawang palapag.Sa halip na dumiretso siya sa kanyang kwarto ay pumunta siya sa music room kung saan doon niya iniwan si Lian. Tulog pa ang dalaga nang madatnan niya, nilapitan niya ito't bahagyang tinapik niya ang pisngi nito para magising. Hindi naman siya nabigo kung kaya't hinawakan niya muna ang magkab
NAPATINGIN siya sa direksyon nina Owen at Yancheng nang pumasok ang dalawa na may pagkataranta sa itsura ng mga ito. Pareho pang naghahabol ng hininga ang dalawa at tagaktak ang pawis ng mga ito."Anong nangyari sa inyo?" May pagtatakang tanong ni Lian. Tumayo pa ito mula sa pagkakaupo nito sa pahabang sofa."May problema!" Pahayag ni Owen."Hindi namin mabuksan 'yong gate," dugtong na sabi ni Yancheng. "Sa tingin ko may naglocked satin dito. Sigurado akong ikaw 'yon!" Pandudurong bintang sa kanya nito.Napalunok siya nang marinig niya ang pansisisi sa kanya ni Yancheng. Kapagkuwan ay matalim niyang tinignan si Lian nang may takot sa mga mata ng dalaga. Muli niyang hinarap sina Yancheng at Owen nang may mapanuring tingin sa kanya."Anong pinagsasabi mo?" Maang-maangan niyang sagot."Chris, hindi nakakapagtakang sinadya mong sinira ang sasakyan ni Jiliaveen. At hindi totoong tinawagan mo ang kaibigan mo, tama? Gusto mo kaming i-trapped sa bahay mo." Panghuhulang turan ni Yancheng.Pina
PAGBALIK niya sa sala ay nakita niyang sumisimpleng lalabas ng bahay sina Rhealyn at Jiliaveen, pinaningkitan niya ng mga mata ang dalawa kapagkuwan ay inilabas niya ang kanyang baril at pinutok sa direksyon ni Owen. Dahilan para magulat ang dalawa at hindi na binalak pang tumakas, habang si Owen naman ay napasigaw pa dahil ang akala nito ay tinamaan ng bala. Samantalang nananatili naman walang malay si Yancheng."Saan kayo pupunta ha? Tatakasan niyo ko? Sige, subukan niyo," mapanghamon niyang sambit saka niya dinuro isa isa ang mga ka-workmate niya gamit ang bibig ng baril. "Tandaan niyo hindi kayo makakalabas ng buhay sa pamamahay ko." Pahayag niya."Nagkamali akong naging empleyado kita, Chris!" Dismayadong galit na giit ni Jiliaveen."Ako din, nagsisisi akong kinaibigan kita!" Hirit ni Owen. "Tignan mo ang ginawa mo sa'kin binaril mo ko sa binti!"Ningitian niya si Owen dahilan para makita niyang maasar ang ekspresyon ng mukha nito."Sana pala hindi ko pinagkatiwala sa'yo ang hind
HUGOT hiningang binitiwan niya ang buhok ng dalaga na ngayon ay umiiyak na nakasalampak ng upo sa semento at nagmamakaawang huwag niya itong sasaktan. Nakaramdam siya ng hindi pagiging kuntento at 'di nasiyahan sa simpleng pagpapahirap niya sa dalaga. Nag-isip siya ng ibang paraan ngunit tila walang pumapasok na ideya sa kanyang utak dahil tanging pag-iyak lang ni Jiliaveen ang kanyang naririnig na sinabayan pa ng pagmamakaawa nito kung kaya't 'di niya maiwasan marindi."Please.. Chris, pakawalan mo na ko ayoko sa mabahong lugar na 'to kasama ang mga malalamig na bangkay!"Hindi niya pinansin ang sinabi nito sa halip lumapit siya sa kinaroroonan ni Mr. Zhao, may pinunit siyang kapirasong tela sa damit nito kapagkuwan ay isinalpak niya sa bibig ni Jiliaveen ang kapirasong tela, dahilan para manahimik ang dalaga.Pikit-matang dinamdam niya ang katahimikan sa paligid ng basement saka niya hinarap si Jiliaveen na may ngiti sa kanyang labi. Muli niyang nilapitan ang dalaga saka niya sinapa
MATAPOS niya apakan ang dila ni Owen ay saglit niya itong iniwan. Pumunta siya sa ikalawang palapag, una niyang sinilip si Rhealyn sa balkonahe, tulog ang dalaga nang madatnan niya. Natigilan siya nang makarinig ng kalabog, naniningkit pa ang kanyang mga nang napag-alamanan niyang galing sa music room ang ingay.Nagmamadaling pinuntahan niya ang music room kung saan naroon si Lian. Nang mabuksan niya ang pinto nakita niyang ikinikiskis ni Lian ang lubid sa matulis na bagay, na siyang ikinabahala niya na baka sakaling tumakas ang dalaga. Napahinto naman sa ginagawa ang dalaga nang mapansin nitong nakabukas ang pinto at makita siya. Takot na takot naman itong napaatras sa kanya."Sa tingin mo ba makakatakas ka kung gayon naman naka-locked ang pinto?" Sambit niya saka siya dahan-dahan naglakad patungo sa kinaroroonan ni Lian."Alam ko may iba pang paraan." Matapang nitong sagot."Talaga?" Tila naniniwala niyang sambit. "Sa tingin mo ba kaya mong bayaran lahat ng mga instrumentong sinira
MALALIM siyang bumuntong hininga habang umiiling. Ilan saglit pa bigla na lamang nagising si Owen na ikinangiti niya. Lumapit siya sa kinaroonan nina Owen at Rhealyn. Kapagkuwan ay gigil niyang sinipa ang mukha ni Owen dahilan para dumugo ang bahaging bibig nito. Naging alerto naman si Rhealyn, pumagitna ito sa pagitan nilang dalawa ni Owen."Please, huwag mo siyang sasaktan!" Matapang na pigil sa kanya ni Rhealyn habang patuloy pa rin naglalandas ang mga luha nito sa pisngi."Rhealyn," nakingiting sambit niya sa pangalan nito. "Ibig mo bang sabihin.. gusto mong ikaw ang maunang mamamatay?" Taas noo na hinarap siya ni Rhealyn. "Oo," determinadong sagot nito. "Hindi ka ba naaawa sa kalagayan niya? Binaril mo na nga siya, tinalian kami, pinutol mo ang dila niya tapos ngayon sinipa mo pa ang ulo niya. Ano pa bang gusto mo para tigilan mo na ang pagpapahirap sa kanya?!" Bulyaw na turan nito sa huling sinambit."Dahil kahit anong gawin ko ay hindi pa rin siya mamatay-matay!" Mariing tugon
DUMIRETSO siya sa kusina kung saan naroon sina Yancheng at Owen. Natigilan siya nang makita niyang wala ng tali si Yancheng at tinutulungan nito si Owen na tanggalan ng tali. Pa-simple siyang humakbang paatras kapagkuwan ay lumabas siya't may kinuha siyang kahoy sa gilid ng halamanan. Nagtago siya sa gilid ng pinto, balak niyang abangan ang dalawa sa paglabas ng mga ito sa bahay niya saka niya aatakihin ang dalawa. Hindi naman siya nabigo sa plano niya. Agad niyang ipinalo ang kahoy sa ulo ni Yancheng dahilan para bumagsak ito. Sunod naman niyang biniktima si Owen, ngunit sa pagkakataong iyon ay umilag ito kahit ika-ika maglakad. Umakyat si Owen sa ikalawang palagpag dahilan para sundan niya ito kapagkuwan ay na-trapped si Owen sa balkonahe dahilan para ngitian niya ito."Sayang ang pagkakataon, akala niyo hindi ko alam ang binabalak niyo? Kung sabagay wala naman kayong magagawa kahit gustuhin niyong tumakas matitiyak kong hindi niyo mabubuksan ang gate." Turan niya.May idinukot siya
SI Yancheng naman ngayon ang binalingan niya ngunit wala ito nang lingunin niya. Napatingin siya sa pintuan nang maaninag niya ang anino ni Yancheng. Pinunasan niya ng t-shirt ang kanyang mukha dahil sa pagtalsik ng dugo ni Owen nang saksakin niya ito nang paulit-ulit."Kahit anong gawin mo hindi ka makakatakas!" Turan niya kay Yancheng nang mawala ito sa paningin niya.Napatingin siya sa basement nang makarinig siya ng kalampog mula sa loob. Kahit nakakaramdam siya ng pagod lumabas siya ng bahay, kahit madilim natanaw niya si Yancheng na umaakyat sa puno ng papaya na malapit sa tabi ng gate. Marahan siyang napangiti kapagkuwan ay lumapit siya sa puno saka niya inihagis ang patalim sa direksyon ni Yancheng. Napapikit siya nang marinig niya ang pagdaing ng kanyang biktima. Hindi siya nabigo sa ginawa niya, tumarak ang patalim sa binti ni Yancheng ngunit nananatiling nakakapit ito sa puno.Umalis siya roon nang buong tapang na hinugot ni Yancheng ang patalim at hinagis sa kanya ngunit '