"TINGNAN mo nga naman, iniisip lang kita kanina ngayon nasa harap na kita." Umikot ang mata ko sa pahayag ni Wregan Leath. I really don't want to do this pero wala akong pagpipilian. It's either malaman ni Dad ang tungkol kay Wred o malaman ni Wregan ang tungkol sa anak namin. I'll choose the latter. Mas kaya ko pang i-handle ang lalaking ito kesa sa disappointment at galit ng ama ko.
"Gusto kong namnamin ang sandali nang muli nating pagkikita, pero bakit may palagay akong hindi maganda na nasa harap kita ngayon, Miss Doukas," sabi niya at sumandal sa hamba ng pinto.
"Hindi mo man lang ba ako aalukin na pumasok? Ang pangit mo pa lang bisitahin,” mataray kong pahayag.
He just chuckled.
"What is that?" Turo niya kay Wred na natabunan ng scarf ko. Nakasampay kasi sa balikat ko ang scarf na napakalaki at natatabunan nito ang halos buong harapan ko, pati ang karga kong si Baby Wred.
"Pwede ba papasukin mo muna ako!"
Nilingon ko ang paligid. Mahirap na at baka may makakita sa akin sa labas ng condo niya at magkaroon pa ng issue.
"Bilisan mo! Bago may makakita sa atin dito sa labas ng condo mo."
Hindi naman siya nagtanong pa at gumilid na lang para makapasok ako. Sinara nito agad ang pinto at sinundan ako sa salas. Naupo ako sa single couch at tinanggal ang balabal.
"Finally! Grabe sobrang init sa labas!" wika ko at pinunasan ang pawis sa mukha at leeg.
Napako ang mata ni Wregan sa karga kong sanggol, naka-lock ang bibig ni Wred sa malusog at bilog na bilog kong dibdib
Napalunok si Wregan Leath ng malaki. "What the f*ck is that!" hysterical niya na para bang never pa siyang nakakita ng sanggol na dumidede.
"Hindi ba obvious?"
"F*ck! You have a baby!"
"Yes! Baby itong karga ko Mr. Leath, hindi laruan." Tumayo ako mula sa couch at lumapit sa kanya na nanatiling nakatayo. "Wregan Leath, meet Wred…your son."
Hindi siya kumibo. Natulala lang siya sa akin at sa baby na karga ko. Hindi ko tuloy maiwasan na mag-alala. Paano kung hindi niya tanggapin si Wred? What if bigla niyang sabihin sa akin na hindi siya ang ama? No! Hindi ako papayag na magmukhang tanga sa harap niya. I never slept with another guy after sleeping with him!
"Here..."
Ipinasa ko sa kanya si Baby Wred na agad naman niyang tinanggap. Nanginginig pa ang kamay niya, gusto ko tuloy matawa. Mukhang okay naman sa kanya, nagulat lang talaga nang ipakilala ko ang anak niya sa kanya.
"Hey, you knew me right?"
Akala ko ako ang kausap niya. Pero nang makita kong kay Baby Wred siya nakatingin, napangiti ako. Para naman siya timang.
"I'm your dad," proud niyang sabi sa sanggol.
I look down at Baby Wred, titig na titig ito kay Wregan, pinag-aaralan ang mukha ng ama. "He's studying your face."
"Yeah, he's trying to figure out who I am."
I nodded, agreeing with him. Lumapit ako sa kanilang mag-ama at sabay naming pinagmasdan ni Wregan ang aming munting sanggol.
"Wala siyang nakuhang feature sa akin," nagtatampo kong sabi. I look at my son's adorable face and then look at Wregan's handsome face. Para talagang carbon copy ni Baby Wred ang ama niya.
Napangiti ako.
"Ang sabi ng matatanda kung saan daw mas hawig ang anak, siya raw ang mas genuine ang feelings during s*x," biro niya na ikinawala ng ngiti ko.
Bumaling ako sa kanya at nagtama ang tingin namin. Tila magnet na hindi ko maalis ang tingin sa mga mata ni Wregan. Hindi ko maitatanggi na naroon pa rin ang kakaibang init na hatid niya sa katawan ko, ang kakaibang init na pinabibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing malapit siya sa akin. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha sa akin, pero walang pasabi akong umiwas at umalis sa tabi niya. No. Hindi na ulit ako magpapatalo sa nararamdaman ko. Wala kaming future, hindi kami pwede.
"Sabi-sabi lang ng mga matatanda iyon. Pure s*x lang ang nangyari sa atin noon dahil in love ka pa rin sa ex mo, at ako naman ay gustong kalimutan si Luca," casual na sabi ko at nilingon ang paligid ng condo.
"Ang ganda niya dito," komento ko pa sa malaking larawan ni Carnation sa wall ng condo niya. See? Hindi pa rin niya nakakalimutan ang ex-girlfriend niya kahit asawa na ito ng matalik niyang kaibigan.
***
"SIGURADO KA bang naintindihan mo ang lahat ng sinabi ko?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko kay Wregan. Hindi ito sumagot at nakatuon lang ang tingin sa kawalan.
Nagpakawala ako ng malalim na paghinga.
"Hindi bale. May notes naman akong nilagay sa bag ni Baby Wred. Basahin mo na lang kung sakaling makalimutan mo ang mga dapat na gawin. Alagaan mo ng maayos si Baby Wred," bilin ko pa. Sana lang talaga tama ang naging pasya ko na iwan sa kanya ang anak ko.
"I really appreciate that. It's not that I didn't pay attention to what you were saying. Hindi lang talaga pumasok sa isip ko lahat, nasa state pa kasi ako ng labis na pagkagulat. Who would have thought? Nagbunga pala ang isang gabi—"
"Stop right there. Let's not talk about that night. Pareho tayong hindi stable mentally at emotionally ng gabing iyon. Kaya kung maaari sana, iwasan nating pag-usapan ang tapos na."
Ito naman ang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga, pagkatapos ay sunod-sunod na tumango.
"Fine. If that's what makes you sleep at night," tugon niya na umani naman ng masamang tingin sa akin.
"What?"
Ano ba pinagsasabi ng lalaking ito? To make me sleep at night? Iyon naman ang totoo ah? Wala kami sa tamang pag-iisip kaya namin nagawa iyon.
"Don't make fun of me Wregan Leath, kung may ibang tao lang na pwedeng mag-alaga ng anak ko, baka hanggang ngayon 'di mo pa rin kilala si Wred." Nag-igting ang bagang niya sa narinig.
"No. Ikaw dapat ang magpasalamat Miss Doukas. Wala kang Wred Leath ngayon kung hindi dahil sa sperm ko," mayabang niyang saad at ngumisi. "Sabihin mo lang kung gusto mo pa ng anak, handa akong mag-donate ng sperms para sayo, kahit ilang anak pa iyan. Basta ba gagawin pa rin natin sa natural na paraan."
"It's Wred Doukas, not Wred Leath. And sorry to burst your bubble, pero kung mabuntis man ulit ako ay sa lalaking mahal ko na." S******p niya ang inner cheeks. Nakakainis. Akala ba nito magpapatalo ako sa kanya? No way! 'Di na ulit ako mahuhulog sa charm ng lalaking ito, hindi na niya ulit ako ma-ikakama!
"Babalik ka ba mamaya?" Pag-iiba niya ng paksa.
"Hindi. Sa tingin ko'y sa susunod na araw pa ako babalik dito sa condo mo," kaswal kong sagot at kumagat sa slice ng pizza na hawak ko. Natutulog na si Baby Wred. Inalok naman ako ng merienda ng lalaking ito at hindi na ako nakatanggi. Gutom na rin kasi ako.
"Won't you miss our Baby Wred?" Umikot agad ang mata ko sa hangin dahil sa tanong niya.
"Of course, anak ko 'yan eh. Again, my Baby Wred. Sperm lang ang na ambag mo huwag kang feeling proud na daddy d'yan."
Pasinghap na natawa siya sa sinabi ko. "Excuse you, Miss Doukas. Pero nagpakahirap akong gumiling para sa batang iyan. Bigyan mo naman ako ng credits!"
"Tigilan mo ako Wregan Leath, hindi ako natutuwa sa mga banat mo," wala sa mood na anas ko at tumayo mula sa high chair.
"Aalis ka na?" tanong agad niya at sumunod sa aki palabas ng kitchen. "Hindi ba pwede na mamaya ka na lang umalis? Masyado pang maaga."
"I need to leave. Bibisita lang sa friend ang paalam ko kay daddy, at hindi ako pwedeng mag-extend. He'll be upset, and I can't afford that to happen."
Wregan sighed. "Fine. Pahingi na lang ako ng number mo." Tumaas ang kilay ko. "What? I need your number, baka biglang magkaroon ng emergency. Paano kita mako-contact kung hindi ko kukunin ang number mo?"
Tinalikuran ko siya pero automatik niya akong kinabig sa braso paharap sa kanya. Kaya lang nagkamali ako ng hakbang, at nawalan ng balanse kaya napayakap ako sa kanya.
"Hey, hey, hey! Tignan mo… Hindi ka pa nga nakaka-alis miss mo na agad ako," biro niya at tumawa. Humiwalay agad ako ng yakap sa kanya at marahas siyang tinulak.
"I will never miss you," angil ko. Tumalikod akong muli dito, at mabilis na nagtungo sa harap ng pinto. "I need to go. Please, alagaan mo ng mabuti ang anak ko."
"Wred is my son too," seryosong saad niya at sinalubong ang mata ko nang lingunin ko siyang muli.
I rolled my eyes. "Whatever…," sabi ko dito at lumabas na ng pinto. Hindi ako pwedeng magtagal sa lugar na ito, pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa dahil sa presensya ng lalaking ito. Kanina ko pa napapansin ang mga titig niya na para bangpati kaluluwa ko ay nakikita niya. Hindi ako komportable.
***
"HOW WAS IT? Hindi naman ba nag-freak out ang baliw?" tanong agad ng pinsan kong si Kara nang pumasok ako ng kotse niya.
I shook my head. "Mukhang hindi pa nga siya nagulat na may anak kami," sagot ko at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.
"Well, that's Wreggy. But believe me, masaya iyon na makilala si Baby Wred," sabi pa niya at minaniobra ang sasakyan palabas sa parking ng gusali.
"Mukhang masaya nga siya," wala sa loob na pagsang-ayon ko.
Second cousin ko si Karen Rae, magpinsan ang ama namin sa dela Vega side. Ayaw ko man, wala akong choice kundi sabihin kay Kara ang tungkol kay Baby Wred. We're not that close, ang Ate Reyna ko ang talagang malapit dito, pero nakasisiguro naman akong hindi niya ibubunyag sa pamilya namin ang sikreto ko. I know that I can trust her.
"Kailan mo balak sabihin sa kanila ang tungkol kay Baby Wred?" mamaya ay tanong ni Kara sa akin. "Hindi ka ba natatakot na malaman ni Tito Xander mula sa ibang tao?"
"Walang nakakaalam bukod sa manager ko, ang doktor na nagpa-anak sa akin at ikaw," makahulugan kong sagot sa kanya.
"I'm not going to say anything; you can put your trust in me. Pero babalaan kita, your father is the Aegis of our clan. He possesses the power to know everything," paalala niya. Nakatuon lang ang tingin sa kalsada.
"I know." I took a deep breath. "Alam ko naman na darating ang araw na malalaman din ni daddy ang totoo. Believe me when I say I want to tell the truth to my father. It's only…" Kusa kong hindi tinapos ang sasabihin. Mahalaga para sa akin ang approval ni daddy, at sa sitwasyon ko ngayon. Alam kong hindi nito magugustuhan ang ama ng anak ko.
"Just what?" pukaw ni Kara sa akin na natulala na sa unahan. Ilang beses akong kumurap at nilingon ito. Tipid ko siyang nginitian.
"Dad will approve of anyone except Wregan." Sa sinabi ko ay pareho kaming nagpakawala ng malalim na paghinga.
"Right, I almost forgot about that part. Bakit sa dami-dami ng lalaki sa mundo doon ka pa nagpabuntis sa lalaking cancel." Mariing akong pumikit. Bakit nga sa dami ng lalaki si Wregan Leath pa? Bakit sa lalaking katulad niya pa na kahit kailan hindi maaaring maging parti ng pamilya ko.
"MAGANDANG gabi, Ma'am Tilaine. Bumaba na raw kayo sabi ng daddy ninyo, ready na ang dinner," sabi ng katulong nang buksan ko ang pinto ng kwarto. Natutulog ako kanina nang kumatok ito. "Sige, bababa na ako, manang." Tinanguan niya ako. Nagpaalam ito na mauuna na sa ibaba dahil tutulong pa sa kusina. Ako naman ay naghilamos muna ng mukha sa banyo saka sumunod dito sa dining area. Sa dining table, naroon na lahat ng kapatid ko, si daddy at mommy na lang ang wala pa sa hapag. Naupo ako sa tabi ni Venom, ang bunso sa aming magkakapatid at nag-iisang lalaki. Nagkukwentuhan ang mga ito pero bigla na lang tumahimik at sabay akong nilingon. "What?" asik ko, dahil nakatitig lang ang mga ito sa akin. Sabay na umiling ang mga ito. "Then why are you staring at me like that?" "Tumaba ka kasi ate," sagot ni Venom. "May d*bdib ka na rin," dagdag nito na ikinainis ko agad. "Are you saying na flat chested ako!?" himutok ko dito, dahilan para tumawa ang lahat ng naroon sa dining table. Nagpaliwana
6 AM pa lang tumulak na ako patungong condo ni Wregan. Kagabi niya binigay sa text ang password ng kanyang unit na agad ko namang sinave, hindi ko kasi iniiwan ang text thread namin sa inbox ko. Binubura ko agad ito para safe, minsan kasi pinakikialaman ng hacker kung kapatid, si Venom, ang cellphone ko. Pagkatapos kung i-park ang sasakyan at bumaba ng kotse, tinawagan ko si Wregan para ipa-alam dito na nasa ground floor na ako at pa-akyat na ng unit niya. Pero hindi na naman sumasagot sa tawag ko ang mokong, kainis naman ang lalaking 'yon. Bakit ba hindi siya sumasagot sa mga tawag ko? Ilang beses ko pang dinayal ang number niya pero wala talagang sumasagot. Pagkarating ko sa pinto ng unit ni Wregan, agad kong pinasok ang pin at nag-unlock naman ang pinto. Umirap ako. Akala ko jino-joke time lang ako ng lalaking iyon, binigay nga talaga sa akin ang password ng bahay niya. Ibang klase… "Wregan?" tawag ko nang makapasok. Napalingon ako sa center table ng salas, at agad napailing na
MAHINANG KATOK sa pinto ang pumukaw sa akin sa aking pag-idlip. I immediately checked up on my son beside me. Gising na ito at nilalaro ang dulo ng sarili nitong lampin. Muli kong narinig ang mahinang pagkatok sa pinto, at agad akong nairita. "Alam kong kaya mong pumasok sa sarili mong kwarto kung gugustuhin mo, Wregan Leath!" malakas ang boses na sabi ko. Dahan-dahan naman na bumukas ang pinto at sumilip doon ang lalaking na kasagutan ko kanina. "Galit ka pa ba?" tanong nito. Halatang tinatansya ang magiging reaksyon ko. "About earlier, I wasn't in my right mind. I'm very sorry if I hurt your feelings—" "Huwag na nating isipin ang nangyari kanina. Anong oras na ba?" Ipapahinga ko lang dapat ang mata ko pero tuluyan akong nakatulog. Paano ay napuyat rin ako kagabi sa kaiisip kay Baby Wred, hindi ako mapakali. Kagabi kasi ang unang beses na hindi ko kasama ang anak ko. Hindi ako nakatulog dahil sa pakiramdam na parang may kulang sa akin. "1pm na. Nagluto nga pala ako ng lunch baka g
UMAWANG ang labi ko nang masahiin ni Wregan ang isang dibdib ko, habang s*psip niya ang isa. Unti-unti akong nalulunod sa napakasarap ng sensasyon dulot ng palad at labi niya. Isang mahabang ungol ang umalpas sa labi ko nang panggigilan ng daliri niya ang n*pple ko. Handa na ako sa susunod niyang hakbang, bibigay na ako sa makamundong pagnanasa na nararamdaman na ang dahilan ay sila. Isusuko na ang sarili ko, nang biglang umiyak si Baby Wred, dahilan para magising ako at mapagtanto kung ano ang nangyayari. "Oh my God!" bulalas ko sabay tulak kay Wregan kaya nahulog ito sa couch. "I-I'm sorry. N-nagulat lang ako," excuse ko para pagtakpan ang ginawa ko. Tumayo ako at halos takbuhin ang kama kung saan naroon si Baby Wred. Kinuha ko ang sanggol at parang penguin na lumakad patungo sa pinto ng silid. "Ahmp… S-sa salas lang kami ni Baby Wred. M-maligo ka na." Pinilit kong maging casual pero hindi ko kayang pigilan ang labis na kahihiyan sa nangyari. Gosh! Ginawa ko na naman. I let him tou
Hi! Maraming salamat sa suporta na ibinibigay mo para kay Wregan at Petunia. Second book ito ng Seven Sins Series, and I'm doing my best na isulat ng maayos ang kwentong nasa isip ko. Gusto ko lang po sanang ipaalam sa iyo na nag-revise ako ng "SIMULA" hanggang "Kabanata 8". Nagpalit kasi ako ang ng style sa pagsulat at may ilang mga scene akong tinanggal at pinalitan. ^^ Kung isa ka po sa mga naunang readers ng book na ito, minumungkahi ko na, delete niyo sa library niyo ang book at i-add muli para ma-update ang chapters, basahin niyo pong muli ang libro mula sa simula para hindi kayo malito sa chapter kasunod nitong author's note. Iyong lamang po, maraming maraming salamat! ^^
"WREGAN! Ang ingay ng doorbell!" Sigaw ko mula sa banyo. Hindi ko alam kung naririnig niya ba ako sa ibaba. Naliligo kasi ako nang paulit-ulit na tumunog ang doorbell ng unit niya. Naiirita na ako dahil sa ingay, nasaan na ba ang lalaking iyon? "Wregaan!! Ano ba ang ingay!!" Umalis kaya siya ng unit? Hindi naman siguro. Nasa kanya si Baby Wred 'di siya pwedeng lumabas kasama ng anak namin. Baka may makakita sa kanya at makilala siya, at kung anong balita pa ang kumalat. "Wreg—" Sisigaw na naman sana ako pero napansin kong tumahimik na. Marahil ay hinarap na niya ang kung sino man ang nasa labas. I bit my nail. Bigla akong napa-isip, wala naman sigurong bibisita sa kanya sa ganitong oras hindi ba? Damn. Paano kung kaibigan niya? Hindi nila ako pwedeng makita dito sa bahay ni Wregan, baka kung ano ang isipin nila at makarating kay Dad. Siguradong malaking gulo kapag nangyari iyon. "Miss Doukas?" Katok sa pinto ng banyo ang gumising sa akin mula sa malalim na pag-iisip. "Y-yes?" "
"KUMUSTA ang family bonding niyo?" Umikot agad ang mata ko sa tanong na 'yon ni Kara pagkasakay ko sa shotgun seat ng kotse niya. "Family bonding my ass," nayayamot kong tugon at nagsuot ng seat beat. Ngayong araw ang punta naming mga dela Vega sa Subic para sa death anniversary ni Lolo Klimt at 6am pa lang ng umaga. Kara volunteered na sunduin ako dito sa condominium ni Wregan since ang alam ng parents ko ay magkasama kami buong gabi. "Wala ba talagang chance na ipaglaban mo ang bestfriend ko? Baka naman tanggapin din siya ni Tito kapag kinausap mo ng maayos." "Why would I do that? Hindi ko boyfriend ang kaibigan mo. At duda kong mangyayari yang sinabi mo, alam mo kung gaano kahalaga sa pamilya natin ang love…," puno ng sarkastiko kong sabi. "Hindi papayag si Dad kung wala pagmamahal na involve sa relasyon namin, at ayaw ko rin magkaroon ng partner na in love sa pa rin sa first love niya." "Eh, ikaw ba? Naka-move on ka ba sa first love mong si Luca?" Nagbaba ako ng tingin sa mga k
“STOP blabbering nonsense Venom,” sabi ko at itinulak ang mukha niya palayo sa akin. “Ang hilig mo sa tsismis kaya kung anu-ano na lang ang naririnig mo,” dagdag ko pa at nilagpasan siya. “Huwag ako, Ate. Alam ko ang narinig ko, ‘di mo ako maloloko o baka naman gusto mong banggitin ko ng malakas mamaya sa dinner na ikaw ang Mommy ni Wred?” Nahinto ako sa paglalakad at madilim ang mukha na nilingon siya. Ang laki ng ngisi ng unggas, confident talaga siyang hindi siya nagkamali ng rinig. "Ano ba ang gusto mo?" "Well, isa lang naman ang gusto ko. Let me visit my nephew anytime I want." Malaki ang ngiti niya nang sabihin iyon. Ako naman ay 'di napigilan umawang ang bibig. "What?" "You heard me. I will keep my mouth shut, if you let me see him anytime I want. Saan ba siya nakatira ngayon? Doon ba sa bahay ni Kuya Wregan?" Madiin kong pinikit ang mga mata para pigilan ang sarili na kutusan si Venom. "Paano kung ayaw kung sabihin sa'yo?" "Edi malalaman ni Dad mamaya sa dinner." Kibit-b