Mag-log inThe Vanishing Star (A Sneak Peek into CELESTIAL VOLUME 02) The Ghost of the Sanctuary Dalawang taon na ang lumipas mula nang manumbalik ang kapayapaan sa Celestial Sanctuary sa Antipolo. Ngunit habang ang lahat ay abala sa pagdiriwang para sa unang kaarawan nina Avaluna at Sol, nananatiling mag-isa si Orion Vargas sa balcony.Hawak niya ang kanyang Gibson Acoustic Guitar, ngunit ang bawat kuwerdas na kinakalabit niya ay tila walang buhay. Ang "Fairy Prince" ng CELESTIAL ay balot na ngayon ng Melancholy and Longing. Sa kanyang bulsa ay ang All-Access Pass na naiwan ni Spring Salvejo—ang tanging alaala ng babaeng naglaho nang parang usok matapos ang gulo kay Silas at Mr. Chua. "Dalawang taon na, Orion. Hanggang kailan mo titingnan ang pinto, umaasang papasok siya dala ang kape mo?" untag ni Neptune sa kanya. "Hindi ko alam, Bro," sagot ko nang hindi pinuputol ang titig sa pinto. "Pero nararamdaman ko... malapit lang siya. Parang bawat hangin na umiihip sa paligid ko, dala ang pamil
THE ETERNAL SYMPHONYFive Years Later: The Celestial SanctuaryAng hapon sa Celestial Sanctuary ay nababalot ng kulay kahel at lila. Limang taon na ang lumipas mula nang huling marinig ang putok ng baril sa New York, at sa bawat paghinga ni Haven Diamond Fortaleza-Montemayor, ramdam niya ang bigat ng kapayapaang ipinaglaban nila. Wala nang tactical suit, wala nang Nano-Steel Blades. Nakasuot siya ng isang Floral Maxi Dress. Wala na rin ang Tactical Earpiece na dati ay tila bahagi na ng kanyang pandinig. Sa halip, ang tanging tunog na mahalaga sa kanya ngayon ay ang tawanan ng dalawang limang taong gulang na bata sa malawak na hardin.Si Avaluna Emerald, suot ang kanyang White Silk Sundress, ay kasalukuyang sinusubukang habulin ang isang Tactical Drone na pinalilipad ni Archer mula sa balkonahe. Si Archer, na nananatiling tahimik ngunit may bakas ng ngiti, ay tila ginagawang laro ang bawat Aerial Maneuver para sa kanyang inaanak. Habang si Sirius naman ay nanatiling nakatutok sa malii
Avaluna and Sol: The New ConstellationLimang buwan matapos ang kanilang engrandeng kasal, isang bagong uri ng kaba ang naramdaman ni Haven. Hindi ito ang kabang dulot ng papalapit na kaaway, kundi ang kaba sa harap ng dalawang guhit sa isang pregnancy test kit.Nang ipakita niya ito kay Sirius sa kanilang kwarto sa Celestial Sanctuary, natulala si Sirius. Sa unang pagkakataon, nabitawan ni Sirius ang kanyang mamahaling gitara at mabilis na niyakap si Haven habang lumuluha sa tuwa. "This is our greatest hit, Diamond," bulong ni Sirius.Naging hamon para kay Haven ang unang tatlong buwan. Ang matapang na agent na sanay sa amoy ng pulbura ay biglang nasusuka sa amoy ng paboritong pabango ni Sirius. Maging ang masasarap na luto ni Zoe Bree ay madalas niyang tanggihan."Zoe, pasensya na, pero bakit parang amoy bakal ang sinangag mo?" reklamo ni Haven habang nakatakip ang ilong."Haven, 'yan ang tinatawag na paglilihi," tawa ni Zoe. "Kahit gaano ka katapang, tatalunin ka talaga ng hormones
The Diamond’s Ultimate SurrenderAng malawak at asul na karagatan ng Maldives ang naging saksi sa unang gabi ng kanilang ganap na pag-iisa—isang katahimikang malayo sa ingay ng mga bala at sa nakabubulag na kinang ng mga spotlight.Sa loob ng marangyang overwater villa, ang tanging maririnig ay ang banayad na kumpas ng alon. Nakatayo si Haven sa balkonahe, ang manipis na silk nightgown ay humahaplos sa kanyang balat kasabay ng simoy ng dagat. "Diamond," mahinang tawag ni Sirius. Naramdaman ni Haven ang init ng katawan ng asawa nang yakapin siya nito mula sa likuran. Ibinuod ni Sirius ang kanyang mukha sa leeg ni Haven, humihinga nang malalim sa bango ng kanyang asawa.Dahan-dahang humarap si Haven. Ang kanyang mga mata na dati ay puno ng talas at bagsik, ngayon ay may taglay na pambihirang lambot at kaba. Bilang isang babaeng lumaki sa disiplina ng militar at pakikipaglaban, ang gabing ito ang kanyang pinakamalaking "misyon"—isang misyon na hindi niya alam kung paano sisimulan. "Ki
The Unbreakable Code of LoveTiningnan ni Haven si Sirius nang diretso sa mga mata, ang kanyang boses ay matatag ngunit puno ng pagsuyo. "Sirius, sa loob ng maraming taon, ang tanging alam ko lang ay ang mabuhay sa dilim at ang humawak ng sandata. Akala ko, ang puso ko ay tuluyan nang naging bato. Ngunit sa bawat araw na kasama kita, dahan-dahang natibag ng isang superstar ang puso kong matigas pa sa kahit anong bato sa dagat. Hindi ko inakalang ang taong dapat kong protektahan ang siya palang magliligtas sa aking pagkatao. I am no longer just your shield; I am your wife, and I am yours forever."You have me. Until every last star in the galaxy dies. You have have me."Napangiti si Sirius habang may luhang pumapatak sa kanyang pisngi. "Haven, my Diamond... Noong pumasok ka sa buhay namin, ang akala ko ay kailangan lang namin ng proteksyon. Hindi ko aakalain na ang natutulog kong puso ay mapupukaw ng isang bruskong babae na mas mabilis pang kumilos kaysa sa kisap-mata. Tinuruan mo akon
The Vow Amidst the StarsAng malawak na hardin ng Celestial Sanctuary ay nagmistulang isang buhay na nebula. Para sa "Wedding of the Century," ang temang "Shadows and Spotlights" ay binigyang-buhay sa paraang tanging imahinasyon lamang ng CELESTIAL ang makagagawa. Ang buong venue ay nababalot ng banayad na midnight blue na liwanag mula sa libu-libong LED lights na nakasabit sa mga puno, habang ang daan patungo sa altar ay linyado ng preskong asul na rosas na tila kumikinang sa dilim dahil sa bioluminescent na pintura—isang ideya mula kay Archer upang gawing mahiwaga ang bawat hakbang.Sa bawat mesa, ang mga centerpiece na gawa sa kristal na hugis Diamond na napapalilibutan ng maliliit na pakpak ng Phoenix, na dinisenyo ni Zoe Bree, ay kumikinang sa ilalim ng kalangitan ng Antipolo. Ang altar ay isang dambuhalang arko ng mga gumagapang na baging, at sa likod nito, isang malaking LED screen ang nagpapakita ng isang dahan-dahang gumagalaw na galaxy.Sa loob ng suite ni Sirius, ang tensy
Stay In My OrbitAyala Malls Market! Market! Activity Center. Siksikan ang mga tao mula Ground Floor hanggang sa ikalimang palapag. Kita ang libu-libong mukha na sabik na nakadungaw sa mga railings malapit sa Food Court, sa mga tulay, at maging sa tapat ng mga sinehan sa itaas.Ang buong dambuhal
SpotlightBiyernes.Kasalukuyang nakasimangot si Sirius habang nakatuon ang paningin sa kanyang cellphone, pilit na ibinabaon ang sarili sa musika gamit ang kanyang earbuds. Kanina pa siya nakakaramdam ng matinding inis na hindi niya mawari ang pinagmulan. O baka naman alam niya talaga, ayaw niya l
Music and Heartbeat Ang Music Room ng mansyon ay ang tanging lugar kung saan nararamdaman ng CELESTIAL na sila ay kontrolado ang kanilang mundo. Napalilibutan ng mga sound-proof na dingding na gawa sa mamahaling acoustic foam, mga gitara na nakasabit sa bawat sulok na tila mga tropeyo ng tagumpay,
The Rhythm of the Guard Alas-syete pa lang ng umaga, pero ang sikat ng araw na tumatama sa malalaking bintana ng dining area ay tila nagbibigay ng babala na magiging mainit at puno ng tensyon ang araw na ito. Ang amoy ng bagong luto na garlic rice, ham, at ang matapang na aroma ng kape ay pumupun







